CHAPTER 2

1433 Words
Ipinarada ni Katrina ang sasakyan sa garahe ng lumang bahay na iyon. It was their ancestral home now. She fondly remembered living there with her grandparents during her childhood. Lumaki siya sa piling ng kanyang mga lolo at lola, wala na siyang nakagisnang mga magulang dahil sanggol pa lang daw siya ay namatay sa aksidente ang kanyang mga magulang. Minahal at inalagaan siya ng kanyang mga lolo at lola, pinag aral siya ng mga ito sa maayos na paaralan, pinagtapos din siya sa kolehiyo ng mga ito sa isang mataas na unibersidad sa Maynila. Hindi naman sila mayaman, nabibilang lang sila sa may kayang pamilya. Sakahan at koprahan ang hanapbuhay ng mga lolo at lola niya. Pero isang araw ay napilitan silang lisanin ang lugar na iyon, ang araw na hinding hindi niya malilimutan sa buong buhay niya. Ang araw na nangako siya sa kanyang lolo. Hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng ulan pero wala siyang pakealam kung mabasa man siya tutal ay naulanan na rin naman siya kanina. Pagkababa niya ng sasakyan ay lumiban siya sa kabilang pinto at binuksan iyon. The man was still unconscious. Kailangang malinis ang sugat nito at mapalitan ang damit, muling nahirapan si Katrina sa pagbitbit sa lalaki papasok sa kanyang bahay. Kinuha niya ang susi sa ilalim ng paso sa gilid ng bahay pagkuwan ay binuksan ang pinto. Dinala niya ang walang malay na lalaki sa mahabang sofa, nang maihiga niya ito ay may bagay na nahulog mula dito, dinampot niya iyon at saglit na tinitigan, a white gold plated bracelet, napansin niyang may nakasulat sa likod niyon, a name, 'Duke' and a short abbreviation LRG. What is LRG means? Nagkibit balikat siya at ibinulsa iyon. Naglakad siya patungo sa kusina upang kumuha ng maliit na plangganang may tubig at bimpo. Inabot din niya ang medicine kit, mabuti na lamang at kumpleto ang laman niyon. Nag ipon muna ng hangin sa baga si Katrina at ibinuga iyon bago hinarap ang lalaki, maingat niyang pinunasan ang buong mukha nito, marahang hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito. Saglit siyang napatigil sa ginagawa nang mapagmasdang mabuti ang nakapikit na lalaki. Inisa-isa niyang titigan ang bawat sulok ng mukha nito, prominente ang dating ng pangahang mukha ng lalaki, perpekto ang may kakapalang kilay, mahahaba ang pilik ng mga mata, matangos ang ilong, at may mapupulang mga labi. All in all, he was one of the most handsome men she'd ever seen. Kung titingnan din niya ang nakahigang lalaki at kung paanong lagpas ang mga paa nito sa kanilang sofa. Sigurado siyang matangkad ito at sa tantiya niya ay nasa anim na pulgada ang taas. Masasayang lang pala ang lahi ng lalaki kung hindi niya ito iniligtas. Kibit balikat na pinagpatuloy ang ginagawa. Maingat na ginamot ni Katrina ang sugat sa noo nito at binendahan, Tumayo siya saglit at tinungo ang silid ng kanyang lolo, kukuha siya ng maayos at pinaglumaang damit nito. Ipahihiram muna niya sa lalaki dahil kung hindi niya ito papalitan ng damit tiyak na magkakasakit ito. Hindi nagtagal ay nasa harap na ulit siya nang nakahigang lalaki dala ang mga damit. Walang anumang tinanggal niya ang mga butones ng puting longsleeves nito. Muli siyang natigilan at sunod-sunod pang napalunok, paano'y hindi niya inaasahan ang makikita. The man had a perfect physique body, with well-defined biceps and triceps that hinted at a rigorous workout routine. His six-pack abs were visibly toned, showcasing his athletic build. Wow, he'd be absolutely perfect as the lead in an action-romance film! Hindi niya alam kung anong pumasok sa kanyang isip nang haplusin ang matigas nitong abs. Masyado lang siyang humanga sa pagkaperpekto niyon. Hmm! Ang tigas ng muscles niya... paghangang sabi ng isip niya. Pinagpatuloy niya ang pagbibihis dito, walang anumang ibinaba niya ang pantalon pati na rin ang panloob na suot nito. Nanlaki ang mga mata ni Katrina nang makita ang di inaasahan. Kasabay nang malakas na pagkulog at pagkidlat ay ang malakas niyang pagtili. Oh my God!!! Pulang pula pa rin ang mukha ni Katrina hindi sa phobia sa kulog at kidlat kundi sa bagay na iyon, her heart still drumming loudly in her chest. Hindi pa rin maalis-alis sa isip ang nakita kanina. First time lang niyang makakita ng ganon at ganon kalaki. That was huge! Tulog pa iyon ha. Nag init ang kaniyang mukha. Ah stop thinking about it Katrina! Pinilig niya ang kaniyang ulo, pilit na pinalis sa isipan ang bagay na iyon. "Makatulog na nga lang!" It was twelve in the midnight, malakas pa rin ang ulan. Tumayo siya sa pagkakaupo sa single sofa at bago maglakad patungo sa hagdan ay muli pa niya itong tinitigan. Goodnight stranger. Napahikab si Katrina, nasa harap siya ng laptop at abala sa ginagawa niya. Naroon siya sa sala ng bahay, hindi siya gaanong nakakatulog dahil sa nag uulan, idagdag pa ang malakas na kulog at kidlat. What's more, the image of the mysterious man and the huge thing lingered her thoughts, refusing to be shaken off. Dalawang araw nang tulog ang lalaki, hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa ito nagigising. "Aww, my head hurts." Kaagad na napasulyap si Katrina sa lalaki, hawak nito ang noong may benda habang ang mga mata nito'y tila pinag aaralan ang buong paligid, wari'y pilit na inaalala kung pamilyar sa lugar na iyon. Hindi na nakatiis pa si Katrina, itinigil niya ang ginagawa at nagsalita. "Narito ka sa bahay ko," agaw niya sa atensyon nito. The man turned his head and looked at her. Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya nang tumitig ito sa kanya. "Dalawang araw ka ng tulog, anong nangyari sa'yo?" Aniya, hindi pinansin ang mabilis na t***k ng puso. Imbis na sumagot ay nagtanong ang lalaki. "Who are you?" The low rumble of his voice was an aphrodisiac to her senses. His gaze held hers, piercing and intense, like a soulful suction. Grabe ang boses! Nakakabuntis! Bigla siyang nailang. The way the man looks is a little intimidating. May kakaiba sa aura nito na kakabahan ang kaharap nito. No way! Wala akong kinatatakutang tao, even the most evil and bad man in this town! Ah, kainis! Hindi ko gusto ang mga tingin niya! "My name is Katrina, and you can call me Rina, ako ang nagligtas sayo, huwag mong kalimutan iyon!" Inis na sabi niya. Hindi ito nagsalita, nakuyom niya ang mga palad, para bang nakikipag usap siya sa hangin. Hindi man lang sumagot. "Ikaw? Anong pangalan mo? Bakit ka hinahabol ng ilang itim na sasakyan noong isa gabi?" tanong niya. Hindi pa rin nito sinagot ang tanong niya. "Are you sure you don't know me?" tila nagdududang tanong nito. Umikot ang eyeballs niya. "I don't know you, ngayon nga lang kita nakita eh! Now, ako ang sagutin mo, sino ka? Anong pangalan mo?" singhal niya, saglit pa siya nitong tinitigan pagkuwan ay ibinaba ang tingin. "I-I don't know, wala akong maalala," sagot nito. Napanganga naman siya sa pagkagulat. "Ano? Anong hindi mo maalala?" gulat na tanong, hindi kaya may amnesia siya? Nakalimutan niya ang mga nangyari at buong pagkatao niya dahil sa aksidente. Tiningnan niya ang benda nito sa ulo, nanlaki ang mga mata niya nang makitang dumudugo iyon. "Ah! Your wound is bleeding!" turo niya sa sugat sa noo nito. Hinawakan nito ang noo na mabilis naman niyang inalis. "Don't touch it! Baka maimpeksyon," untag niya. Sumulyap ito sa kanya, nasa mukha ang pagkagulat. "Saglit lang, diyan ka lang, huwag mong hahawakan ha," aniya na iniwan ito saglit at nagpunta sa kusina, muli niyang kinuha ang medicine kit. Naupo siya sa tabi ng lalaki at walang imik na tinanggal ang benda nito, nilinis niya iyon at nilagyan ng bethadine. Hindi kaya humampas nang malakas ang ulo niya kaya nagka-amnesia siya? Ah, kawawa naman siya. kausap niya sa sarili. "It's done, malinis na ulit," nakangiting sabi niya at tumingin sa lalaki. Tila pinangapusan ng hangin si Katrina nang makasalubong niya ang mga mata nito, doon lang niya napansin kung gaano kaganda ang mga mata ng lalaki. Maiitim ang mga mata nito subalit matiim kung tumingin, she could also count all his eyelashes because they're too close to each other. Oh God! Why is my heart beating so fast? Ngayon ko lang ito naramdaman! Bago pa marinig ng lalaki ang t***k ng puso niya ay mabilis siyang lumayo dito. "Alam kong gutom ka dahil kahapon ka pa hindi kumakain, saglit lang ipaghahanda lang kita ng pagkain,"aniya na hindi na tumingin pa dito. Hindi tuloy niya nakita na sinundan siya ng tingin nito hanggang sa makapasok sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD