Ibinaba ni Katrina ang tray na may lamang pagkain sa center table. She cooked rice porridge for the stranger man.
"Kaya mo bang kumain?" tanong niya dito.
Hindi ito umimik kaya naman kumilos siya at kinuha ang kutsara, marahan niyang hinipan ang mainit na lugaw atsaka iniumang sa bibig nito.
"Here, isubo mo na, hindi na mainit," kaswal na sabi niya.
Hindi naman ito kumilos kaya sinulyapan niya ang lalaki.
Her heart began pounding faster.
Inirapan niya ito upang itago ang totoong nararamdaman, ibinaba niya ang kutsara at tumayo.
"Kumain ka na, tatapusin ko lang itong ginagawa ko," sabi niya na pilit na kinakalma ang sarili.
Sa unang pagkakataon ay hindi makapagfocus si Katrina sa kaniyang ginagawa, napakahirap gumawa lalo na kung may maya't mayang tumitingin sa kanya.
Marahas siyang nagbuntong hininga pagkuwan ay tumingin sa lalaki, napansin niyang hindi pa rin nito kinakain ang niluto niyang lugaw.
Napapalatak siya.
"Tsk, kung hindi ka gutom magpahinga ka na lang muna para mabawi ang lakas mo, I'm really busy here so feel at home," kalmadong saad kahit na pigil na pigil niyang asikan ito.
Nag effort pa siyang ipagluto ito ng lugaw, hindi naman pala kakainin.
"And by the way, stop staring at me," aniya.
Saglit pa itong nakatingin sa kanya, maya maya ay tumayo ang lalaki at walang salitang naglakad.
"Saan ka pupunta?" takang tanong niya.
"I'll find a nice room so I can rest well," kaswal na saad nito. "Magkaka backache ako sa maiksing sofa na iyan," turo nito sa sofa.
Lihim na iningusan niya ang lalaki, sumobra naman yata ang pagka at home nito.
"Okay, my bad, hindi kita pinagpahinga sa maayos na kuwarto, hindi kasi kita kayang buhatin paakyat sa itaas ng bahay," paliwanag niya.
Tumalikod na ito at muling naglakad.
That nerve?! Ang antipatiko! Tinulungan na nga, nagsusungit pa?
Tumayo siya at sinundan ito.
"Halika sumunod ka sa akin," aniya dito na nagpatiuna sa hagdanan.
Dalawa lamang ang silid sa itaas, silid niya at silid ng kanyang mga lolo at lola noon.
Nagngingitnit ang kalooban niya habang naglalakad, kung hindi lang siya pinalaki nang maayos ng kanyang mga lolo at lola, dapat ay kanina pa niya ito pinalabas ng bahay at pinabayaan.
Tumigil si Katrina sa tapat ng isang pinto, binuksan niya iyon at tumambad ang hindi kalakihang silid, kumpleto pa rin sa gamit ang silid na iyon at higit sa lahat ay malinis. Weekly kung maglinis doon ang caretaker ng bahay.
"Dito ka muna mamahinga, silid ito ng mga lolo at lola ko," aniya.
Walang imik itong naglakad papalapit sa malaking papag na may makapal na kutson. Nakita niyang pinagpag nito ang bed sheet.
Tumaas ang isang kilay niya.
"Mukha lang luma ang mga gamit dito pero tinitiyak kong malinis naman lahat, mayroon naglilinis nitong bahay lingguhan kaya free ito sa germs," sarkastikong saad niya.
Tumingin ito sa kanya.
"That's good to hear," sagot nito.
Lihim na nakuyom niya ang mga kamay.
Nakakapikon na talaga siya!
Ah, baka dala lamang ng kanyang amnesia kaya siya ganon.
Kumuha siya ng bagong kumot at unan sa loob ng cabinet pagkatapos ay ipinatong sa ibabaw ng kama.
"Maaari mong buksan ang electric fan or kung gusto mo naman iyong bintana, malamig naman dito lalo na sa gabi," mahinahon pa rin niyang sabi.
Tahimik pa rin ang lalaki kaya minabuti niyang magpaalam na dito.
"Maiwan na kita, magpahinga ka muna, bumaba ka na lang kapag nagugutom ka," aniya na naglakad na patungo sa pinto.
Isasara na lamang niya ang pinto nang marinig niyang magsalita ito.
"Thank you, Rina," maikling sabi nito.
Saglit siyang natigilan saka tumingin dito, nakita niyang nakahiga na ito at nakatalikod sa kanya.
Wala sa sariling napangiti siya.
Atleast, marunong din pala siyang magpasalamat.
"Walang anuman, rest well," aniya na maingat na isinara ang pinto.
Pagkatapos tikman ang nilutong pork adobo ay inalis ni Katrina ang apron, naghain sa lamesa at akmang uupo upang magsimulang kumain nang matigilan. Naalala niya ang lalaki, hindi lang pala siya ang naroon sa bahay, mayroon nga pala siyang kasama doon.
Sanay siyang mag isa simula noong magkolehiyo at mag aral sa Maynila, she was on her own and did everything by herself, kaya natutunan niya ang lahat ng gawain bahay pati na ang pagluluto.
Tumayo siya at kumuha ng isa pang plato sa paminggalan pagkatapos niyang ilagay iyon sa lamesa ay naglakad siya upang yayaing kumain ang lalaki. Pinalaki siya ng kanyang mga lolo at lola na magkaron ng konsiderasyon sa mga tao sa paligid niya. Makokonsyensya naman siya kung mauuna siyang kumain samantalang wala pang kain ang estrangherong lalaki.
Pagkalabas niya ng kusina ay bahagya siyang nagulat nang makita niya ang lalaki na nakatayo at tahimik na pinagmamasdan ang mga larawan sa ibabaw ng divider.
Nilapitan niya ito at nagsalita.
"They were my grandparents," agaw niya sa atensyon nito.
Saglit itong tumingin sa kanya pagkuwan ay muling ibinaling ang atensyon sa mga larawan.
"Sila na ang tumayong mga magulang ko simula pa noong sanggol ako," aniya, "Pinalaki nila ako at minahal, masaya kami noon kahit tatatlo lang kami sa pamilya," aniya pa na wala sa sariling inabot ang litrato ng kanyang lolo.
"Namimiss ko na ulit na magkakasama kaming tatlo, namimiss ko na ang mga tawanan, kwentuhan at masasayang sandali na magkakasama kami, yung kumpleto kami...dito sa bahay na ito," hindi niya napansin na naging emosyonal siya sa harap ng lalaki.
She bit her lower lip to stop her tears to fall. Napansin naman niyang nakatingin sa kanya ang lalaki.
Malalim siyang nagbuntong hininga pagkuwan ay ibinalik ang litrato sa divider, she tried to compose herself.
"Mabuti at gising ka na, nakapagluto na ako ng tanghalian, sumabay ka na sa akin kumain," yaya niya sa lalaki.
Habang nasa hapagkainan ay tahimik na kumakain si Katrina at ang lalaki, nakaramdam siya ng pagkailang lalo na at panay ang pagsulyap sa kanya ng lalaki.
Nagbuga siya ng hangin at nagsalita.
"Kumusta ang nararamdaman mo? Sumasakit pa ba ang ulo mo?" tanong niya.
"Hindi na masyado pero sumasakit pa rin ang katawan ko," sagot nito.
Tumingin siya dito at nakita niyang nahagod nito ang likod at balakang, mukhang mas sumakit ang katawan nito sa pagkakatulog sa sofa kaysa sa aksidente. Sa tangkad kasi nito ay hindi ito kasya sa mahabang upuan. Nakonsyensya na naman tuloy siya.
Muli siyang nagbuntong hininga.
"Bibigyan kita ng gamot mamaya, ubusin mo na rin ang pagkain mo para naman makabawi ka ng lakas," sabi niya.
Napansin niya ang kakaibang tingin ng lalaki, hindi lang niya mahulaan kung anong ibig niyong sabihin.
"By the way, since wala ka pa rin maalala at nagpapagaling ka, you can stay here in my house." Aniya.
Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya, natuyuan yata siya bigla ng lalamunan kaya napainom siya ng tubig.
Paano ko ba siya sasawayin na huwag akong tingnan ng ganon? Pero baka kung ano naman ang isipin niya? Ah pabayaan ko na nga lang huwag na lang siguro ako magpapahalatang apektado sa mga paraan ng tingin niya, aniya sa sarili, Oh no! Am I really affected by this man? No way!
Nagtatalo ang isipan niya nang marinig niyang magsalita ito.
"Is it okay if I stay here with you?" seryosong tanong nito, "Babae ka at lalaki ako, hindi ka ba natatakot sa akin na may gawin akong masama?"
Ang totoo may punto naman ito, naisip na rin niya iyon pero ewan niya kung bakit pakiramdam niya ay hindi masamang tao ang lalaki. Wala man itong maalala sa ngayon, sa tingin niya ay hindi ito gumagawa ng hindi maganda. And she knows jujitsu and karate, nag aral siya ng self defense pagkagraduate niya ng kolehiyo.
"Nah ah, ngayon pa lang pag isipan mong mabuti kung may gagawin ka nga sa aking masama, you will regret it," kaswal na sabi niya.
Natigilan siya ng marinig niya ang mahinang pagtawa nito. His chuckle sent a shiver down her spine.
Darn! Ano ba itong nararamdaman ko?
"Anong nakakatawa?" kunway asik niya pero ang totoo ay naiinis siya sa sarili dahil sa kakaibang nararamdaman.
"Nothing," maikling sagot nito.
"Tsk, kumain ka na nga lang," inis na saad niya na pinagpatuloy ang pagkain.
"Yeah, by the way it is good, masarap kang magluto," komento nito, tumingin siya dito pagkuwan ay napangiti.
"Thanks but no thanks, alam ko naman iyon no!" kunway irap niya dito.
Ngumiti rin ito sa kanya.
Mukha naman itong mabait, sumungit lang siguro dahil sa pagkakaaksidente nito.