Nagising si Katrina nang hapon na iyon, napahaba ang tulog niya.
Lumabas siya ng kanyang silid at bumaba ng hagdan, gusto niyang magkape kaya sa kusina siya tumuloy.
Habang nagsasalin siya ng tubig na mainit sa tasa ay biglang bumukas ang pinto ng banyo.
Her eyes widened in surprise when she saw the man, wala itong kahit anong suot maliban na lang sa maikling towel na tumatakip sa ibabang bahagi nito.
Kahit nakita na niya ang hubad nitong katawan noong gabing palitan niya ito ng damit, iba pa rin ang epekto nito ngayong gising ito at may malay.
"Dammit!" He cursed loudly.
Nakapako pa rin sa kinatatayuan si Katrina.
"There's no water supply?" sabi ng lalaki na hindi napansin na naroon siya.
Hindi napigilan ni Katrina na hagurin ang magandang katawan ng lalaki.
From his handsome face to his broad shoulders, to his chiseled torso to his six pack abs down to his navel, every inch of him was a masterpiece of physical perfection!
Tumigil ang mga mata niya sa bahaging natatakpan ng maikling tuwalya.
That imposing bulge was teasing her mind once more, sending her thoughts into a frenzy.
Ganon na lamang ang pamumula ng magkabilang pisngi niya.
Shocks! What a sexy handsome man!
Gazing at his flawless physique, parang namatanda si Katrina, frozen in a moment of pure admiration.
Kaya naman napasigaw siya ng madampian ng mainit na tubig ang kamay.
"Awww!" nakangiwing bulalas niya habang winawagayway ang napasong kamay.
Kaagad naman siyang nilapitan ng lalaki.
"Are you okay, Rina?" nag aalalang tanong nito.
Tila lumundag ang puso niya nang marinig ang nag aalalang tinig nito, and the way he said her name sent a warm shiver down her spine.
Nang dumampi ang mga daliri nito sa kanyang napasong kamay, isang mumunting spark ng kuryente ang nagpagising sa kanyang nerbiyos.
"Namumula, saan nakalagay ang ointment?" tanong nito.
Wala sa sariling itinuro niya ang itaas na kabinet. Tumalikod naman ito upang kunin ang medicine kit.
Katrina swallowed hard, kung gaano kaganda ang harap nito ay ganon din ang likod nito. His back was sculpted work of art, every muscle meticulously defined, pero napansin niya ang ilang mahahabang peklat sa likuran nito at ang malaking tattoo nito, a lion with a crown.
Anong nangyari sa likod niya? Sino ba talaga siya? Anong tunay niyang pagkatao?
Nawala siya sa sarili ng muling kunin nito ang kanyang kamay at maingat na pinahiran ng ointment ang napasong kamay.
"Bakit ba wala ka sa sarili ngayon?" tanong nito.
Bakit? Tatanungin mo ako ng bakit? Ikaw ba naman ang humarap sa akin na ganyan lang ang suot! Sigaw ng isang bahagi niya.
"Oh, ganyan ka ba kapag bagong gising?" Curious na tanong pa nito.
Hindi, ngayon lang! At sayo lang!
"Ah, o-oo, natutulala ako sandali kapag bagong gising," pagsisinungaling niya.
The man smiled at her.
"Ang weird mo," nakangiting komento nito.
Nagrigodon ang puso niya.
Darn! Huwag mo akong ngitian ng ganyan, please lang! Magsungit ka na lang ulit. Mas okay pa iyon sa sistema ko.
"Oo na, weird na kung weird!" aniya na akmang babawiin ang kamay pero mahigpit nito pala iyong hawak, tuloy ay hindi sinasadyang mapasubsob siya sa hubad nitong katawan.
Shit! Ang bango bango niya!
Kaya yata niyang huthutin habang buhay ang bango sa katawan nito, at hindi siya magsasawa.
Ilang sandali pa niyang sinamyo ang bango nito sa katawan nang mapansin na tila may kakaiba dito.
Tila naninigas ito na hindi mawari.
Ooops! Did I wake up the monster?
Mabilis siyang lumayo dito pagkuwan ay nagsalita.
"Yung kamay ko, akin na," aniya na itinatago ang pamumula ng mukha.
Binitawan naman siya nito, pero muli lang napalunok ng sulyapan ang hubad nitong katawan.
"Wala ka bang balak na bumalik sa banyo at ipagpatuloy ang ginagawa mo doon?" Sabi niya.
"Ah yeah, pero nawalan ng tubig, hindi pa nga ako nagsisimulang maligo," sabi nito.
Binuksan niya ang gripo at totoo ngang walang tubig na lumalabas.
"Madalas na mawalan talaga ng tubig dito," kaswal na sabi niya.
"What?" bulalas nito. Tumango siya.
"Oo pero may poso naman sa likod-bahay, puwede kang umigib doon para ipampaligo mo," aniya na tinuro ang pinto sa likod bahay.
"Poso?"
"Oo, halika." Aniya na hinila ito sa braso at naglakad patungo sa likod ng bahay.
Itinuro niya dito ang sinasabi niyang poso at ipinakita kung paano ang gagawin nito upang lumabas ang tubig.
"So, gets mo na?" aniya.
Tumango naman ito.
"Sandali kukuha lang ako ng timba," paalam niya, bumalik siya sa banyo upang ikuha ito ng timba. Ilan saglit lang ay bumalik na rin siya at ibinigay ang timba dito.
Nagsimula na itong magtiwas ng poso at maya-maya pa ay lumabas na rin ang tubig. Katrina rooted to the spot, her eyes glued to him, hindi niya napigilang hangaan ang lalaki habang pinapanood kung paanong mag alsahan ang mga muscles nito sa braso. It was a beautiful sight.
He was the epitome of masculine perfection, a godlike figure come to life.
Wala sa sariling nahaplos ang pisngi dahil pakiwari niya ay pulang pula na siya.
Nang tumingin sa kanya ang lalaki ay mabilis niyang iniiwas ang mga mata dito.
"Papasok na ako sa loob, dalhin mo na lang ang napuno mong tubig sa banyo para makaligo ka na," aniya na nagmartsa papasok ng bahay.
Nakaupo sa single sofa si Katrina habang nagkakape, nakabukas din ang laptop pero hindi naman siya makapagconcentrate sa ginagawa sa tuwing dumadaan ang lalaki sa harap niya.
The man was still clad in nothing but a piece of towel.
"Kanina ka pa pabalik-balik, hindi ka pa ba napapagod? Atsaka sa tingin ko sapat na iyong kinuha mong tubig kanina," agaw niya sa atensyon nito.
Tumigil ito at tumingin sa kanya, ewan niya pero lalo yata itong naging sexy sa paningin niya habang may hawak itong timba.
"Ah, pinupuno ko na iyong balde sa banyo para may magamit ka din mamaya," anito.
Bahagya siyang natigilan, a strange sensation washed over her, one she couldn't quite put into words, but her racing heart said it all.
"Thanks but you don't need to do that, kaya ko namang gawin iyon, atsaka baka lalong sumakit ang katawan mo," aniya, ngumiti ito.
"It's okay," anito na muling naglakad.
Nahaplos ni Katrina ang tapat ng dibdib.
"Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?" naibulong niya.