Tumigil sa ginagawa ni Katrina nang marinig niya ang pagtawag ng lalaki sa kanyang pangalan. Saglit niyang iniwan iyon at pinuntahan ito sa banyo.
"Bakit? Anong problema?" tanong niya, mula sa bahagyang nakabukas na pinto ay sumilip ang binata, nakita niyang may bula pa ang ulo nito.
"I forgot to tell you, can I borrow some clothes again?" Sabi nito mula sa loob ng banyo.
Tumango siya kahit hindi naman siya nito nakikita.
"Sige, sandali lang ikukuha lang kita," aniya.
Hindi naman nagtagal ay bumalik siya na dala na ang mga damit na hihiramin nito, nakita niyang kalalabas lang ng banyo ang lalaki.
Mas naging kaakit-akit ito sa paningin niya habang basa ang buhok, may mga patak pa ng tubig sa katawan nito. Nasundan pa nga niya iyong isang patak ng tubig na galing sa buhok nito, dumiretso iyon sa balikat nito pababa sa dibdib nito at nagtuloy-tuloy sa perpektong tiyan nito at tumigil sa bahaging natatakpan ng tuwalya.
Her mouth went dry, and her cheeks became red.
Ah! Tukso layuan mo ako!
Pinilig niya ang ulo at pilit na inalis ang tingin sa bahaging iyon na pinagtataguan ng big monster.
"Ito na ang hinihiram mong damit," kaswal na sabi niya habang papalapit dito upang ibigay ang mga damit.
Sa kanyang paglapit sa lalaki, hindi niya napansin ang basang sahig na galing sa tubig na inigib nito kanina.
Bigla na lang siyang nadulas, at nawalan ng kontrol sa kanyang pagbagsak. Akala niya'y diretso sa malamig na marmol ang bagsak niya, ngunit may mga braso na biglang sumalo sa kanya. Ang lalaki.
Ngunit hindi sapat ang lakas nito para balansehin silang dalawa. Bumagsak sila pareho, ang lalaki sa sahig, at siya sa ibabaw nito.
"'Aww!' ungol ng lalaki, napapangiwi sa sakit nang malakas na pagkakabagsak.
Samantala, si Katrina naman ay hindi makagalaw sa ibabaw ng lalaki. Her heart was racing as she realized this was her first time being so close to a man, their skin touching in a way that sent a wave of excitement through her.
Nang tumingin siya sa lalaki, napagtanto niyang napakalapit ng kanilang mga mukha. At nang magtama ang kanilang mga tingin, lalo pang tumindi ang pagkabog ng kanyang dibdib.
"Are you okay Rina?" Tanong nito, may pag aalala sa tinig ng lalaki.
Sa sobrang lapit nila sa isa't isa, ramdam niya ang mainit na hininga nito na dumadampi sa kanyang pisngi, at nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa kanyang balat.
Hindi siya kaagad nakaimik, She couldn't take her eyes off his handsome face.
Nang makita niyang nakatitig na rin sa kanya ang lalaki ay lalong naging triple ang kabog ng kanyang dibdib.
Nag alala siya na baka maramdaman nito ang mabilis na t***k ng kanyang puso, kaya naman pilit siyang humiwalay sa pagkakalapit dito.
Wala sa sariling naituon niya ang mga kamay sa matipunong dibdib nito. At doon, nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang isang matigas na bagay na tumutusok sa kanyang puson.
Nabuhay ang patay! Tili ng isang bahagi niya.
Pulang-pula ang magkabilang pisngi niya nang makatayo, pilit niyang inayos ang kanyang sarili upang itago ang nadaramang kahihiyan.
Hindi niya magawang tingnan ito sa mata, kaya naman nagmamadali siyang binato rito ang mga damit.
"I-I'm sorry, heto ang mga damit," aniya.
Mabuti na lang at mabilis nitong nasalo ang mga iyon.
Walang lingon-likod siyang nagmartsa palayo dito, ramdam pa rin ang mabilis na t***k ng kanyang puso, hindi niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki sa susunod na sandali.
At the Royal Empire Club, naistorbo ang pag uusap ng tatlong lalaki nang bumukas ang pinto ng VIP room. Isang lalaki na nakaputing uniporme ang humahangos na lumapit sa tatlong lalaki.
"King, hindi pa rin namin siya matagpuan, pinuntahan na namin ang lahat nang posibleng puntahan ni Duke pero wala siya doon," imporma nito.
"Could something have happened to him? What if he's been injured?" one of the three men said while shrugging off the two women who were clinging to him.
Isang linggo na ang nakalipas subalit wala pa ring balita kung nasaan si Duke.
Nakuyom ni King ang mga kamay.
"King, baka tama si Prince, baka itinaon ng mga kalaban natin na nag iisa si Duke kaya-"
Natigil ang mga sasabihin ng lalaki nang marahas na ibagsak ni King ang wine glass sa mesa, ang buong silid ay biglang tumahimik. Ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa kanya.
Nagdilim ang mukha ni King at tiim bagang na nagsalita.
"Get every available man on the search for Duke, and don't let up until he's located," King growled, his words dripping with an unspoken threat. "Is that understood?"
"Yes King!" mabilis nitong sagot pagkuwan ay lumabas ng silid na iyon.
Bumaling si King sa tahimik na lalaking katabi pagkuwan ay nagsalita.
"Knight, you know what to do right?" anito sa lalaki.
"Of course, I do!" sagot nito na inisang lagok ang wine sa kopita bago tumayo.
"Where are you going?"
Natigil ang paglabas ni Katrina ng pinto nang marinig niya ang tinig ng lalaki.
Kabababa lang nito ng hagdan at naglakad palapit sa kanya.
Inayos niya ang suot na itim na hoodie jacket.
"Ah, diyan lang may gagawin lang ako," sabi niya.
Nakita niya ang pagbangon ng kuryusidad nito.
"Anong gagawin mo?" Muling tanong nito.
"Basta. Hindi mo na kailangan malaman." Sabi niya na akmang lalabas nang pigilan siya nito sa braso.
"I'm coming with you." Seryosong sabi nito.
Maang na tiningnan niya ito. Kahit ayaw niya itong isama ay mukhang magpupumilit itong sumama.
Nagbuntong hininga siya tanda ng pagsuko.
"Bahala ka." Napilitang sabi niya. "Pero teka, hintayin mo ako diyan." Aniya na bumalik sa itaas ng bahay.
Bumalik siyang may hawak na itim na hoodie jacket. Binigay niya iyon sa lalaki.
"Para saan to?" Nagtatakang tanong nito.
"Isuot mo na lang, jacket ko iyan, oversized naman yan kaya kasya yan sayo." Aniya, hindi na ito nagtanong pa.
Sinuot nito ang jacket.
That's unfair! Jacket ko ang suot niya pero bakit mas bagay iyon sa kanya.
His rugged physique strained against the jacket, and yet, he seemed to pull off whatever he wore with effortless style.
Itinaas niya ang hood sa ulo niya pagkuwan ay lumapit dito at sinenyasan itong yumuko. Sumunod naman ito. Itinaas din niya ang hood sa ulo nito.
"Huwag mong ibababa ang hood ng jacket mo, ano man ang mangyari." Babala niya.
Nangunot ang noo nito.
"Why?"
Inirapan niya ito.
"Basta. Ang dami mong tanong. Halika na." yakag niya dito at nagpatiuna nang naglakad palabas ng bahay.