CHAPTER 3

2084 Words
CRUISHA MARTINEZ Pumasok siya agad sa kanyang opisina sa ospital para makapagpahinga muna dahil sumakit lalo ang kanyang leeg dahil sa operasyon kay Mr.Velez. Umupo na siya sa sofa at sumandal. Bumuntong-hininga siya at napatingala sa kisame. "Ang sakit ng leeg ko," daing niyang sabi at mariin na pumikit. Minamasahe niya iyon para maibsan ang sakit ng leeg niya. Hindi naman sa operasyon ang dahilan kung 'di ang maling posisyon niya sa pagtulog kagabi. Siya ba naman nakatulog sa upuan habang hawak ang files na binabasa niya at nagising na lang siyang nagka-stiff neck. Siguro sa sobrang pagod na rin kagabi kaya hindi na niya namalayan na nakatulugan na niya ang pagbabasa. "Doktora Cruisha?" Napamulat siya ng may tumapik sa kanyang pisngi. Napansin niya ang kanyang assistant Nurse na si Rachyl Helarie Randall o mas kilalang Nurse Randall ang gumising sa kanya. " Dok, gising na po si Mr.Velez at tapos na po siyang salinan ng dugo ni Dok Jimenez," saad nito sa kanya kaya tumango siya rito. Ginalaw muna niya ang kanyang leeg bago magdesisyon na tumayo na. Inayos niya muna ang nagusot niyang bestida at sinuot ang White coat niya at lumabas na siya kaagad sa silid. Tumungo na rin siya kung saan ang silid ng kanyang pasyente. Habang naglalakad siya sa hallway, bumabati sa kanya ang mga hospital staff nila kaya tango at ngiti ang tugon niya sa mga ito. Ilang minuto lang siyang naglalakad patungo sa Room ni Mr. Velez at huminto siya sa tapat ng pintuan nito. Kumatok muna siya bago pumasok sa silid ni Mr. Velez. "Good Evening, Velez family," Ngumiti ang dalawang may edad na maliban sa isang lalaking seryosong tumingin lang sa kaya. "Good Evening din, doktora," balik na bati sa kanya ni Mrs. Velez. Ngumiti siya at nilapitan niya ang mga ito. Maaliwalas ang mukha ng mga ito nang makita siya. "Kamusta na po ang kalagayan mo, Mr.Velez? Hindi ba dumudugo ang sugat mo sa tiyan o may iba ka pa bang naramdaman?" nakangiting umiiling ito sa tanong niya na nagpangiti sa kanya. "Hindi na gaano, doktora. May magaling akong mapag-alagang Nurse. Kaya madali lang akong gagaling at iyon ang mahal kong asawa," nakangiting tugon nito at hinalikan nito sa noo ang asawa nito. Mas lalong lumaki ang ngiti niya nang pagmasdan niya ang paglalambingan ng dalawa sa harapan niya . "Awww, ang sweet naman ninyo, Mr. and Mrs. Velez. Sana gan'yan kami ng magiging asawa ko in the future," nangangarap niyang sabi sa mag-asawa. Sana nga, ganito sila sa pagtanda ng magiging asawa niya. Hanggang sa pagtanda ay sweet pa rin at mapagmahal na asawa. "Mangyayari iyan, doktora," nakangiting tugon ni Mr. Velez sa kanya. "Ang pangalan niyo po ba ay Doktora Cruisha?" tanong ni Mrs. Velez sa kanya kaya tumango siya rito. "Opo, Cruisha nga ang pangalan ko. Bakit po?" "Wala lang, hija. Palagi ka kasing bukambibig nitong anak namin." Nakakunot ang noong tiningnan ang anak nitong nasa tabi lang na kinakalikot ang cellphone nito. "Pwede bang Cruisha ang itawag namin sa'yo? Tita Rose at Tito Edward naman ang itawag mo sa amin pwede ba iyon, Doktora?" nagpa-puppy pa ang mga mata nito sa kanya. "Ah...eh-" Alanganin siyang ngumiti sa kanila. "Huwag ka ng mahiya sa amin, hija. Pwede namang Mama't papa ang itawag mo sa amin dahil magiging asawa ka ng anak ko balang araw," Kumunot ang noo niya ng hindi niya marinig ang huling sinabi ng ginang dahil mahina ang pagkakasabi nito. Mama't papa iyon lang ang narinig niya sa huli. "Ano pong sabi ninyo?" takang aniya habang naghihintay na sabihin sa kanya kung ano ang huli nitong sinabi. Natatawang napailing na lang ito sa tanong niya. "Wala iyon, hija. Huwag muna iyon pansinin. Hindi naman iyon importante," nakangiting sagot nito sa kanya. May nabanaag siyang kakaibang ngiti na pinapahiwatig ng ginang. Kumibit-balikat na lang siya at hindi na lang iniintindi ang sinabi nito kanina. Pero sa totoo lang nagdududa siya sa sinasabi nito na hindi importante ang sinasabi nito. Mayroon kasing itinatago ito sa kanya at nagtataka siya kung bakit may ipinapahiwatig ang ngiti ng Ginang. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin dahil nakakapagpabagabag. Ngiting masaya o may ngiting tagumpay na hindi malaman kung ano iyon. Ipinilig na lang ang kanyang isipan at gawin kung ano ang pinunta niya dito. Lumapit siya sa dextrose at tiningnan kung ilang dosage ng dextrose nito at ina-adjust ang bawat segundong pagpatak nito. Humarap na siya kay Mr. Velez at ngumiti rito. "Ah, Mr. Velez, kailangan na po nating linisan at lagyan ng ointment ang sugat mo para mabilis siyang gumaling. May mga gamot na rin akong inilista para bilhin ninyo," napabaling ang atensyon niya nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan. Napatingin siya sa kakabukas lang na pintuan at nakita niya ang assistant nurse niya na may bitbit na pampalinis ng sugat ng pasyente niya. "Ito na po ang kailangan ninyo." Tumango siya rito at sininyasan na ilapat sa kanya ang trolley. Sinimulan na niyang gamutin ang sugat ni Mr.Velez at maingat siya sa paglagay ng betadine para hindi ito maskatan. Mahigit kalahating oras siyang nakipag-usap sa mag-asawa at kailangan na rin niyang umalis dahil may aasikasuhin pa siyang pasyente. Nang makalabas na sila sa silid ni Mr. Velez ay naglalakad na siya patungo sa pasyente niya. Napahinto na lang siya sa kalagitnaan ng bigla na lang nagsalita si Nurse Randall. “Dok,” Tumingin siya rito at naghintay na magsalita ang assistant nurse niya. “Nakalimutan kong sabihin sa’yo na ang anak ni Mr. Velez ay interesado sa’yo,” kinikilig nitong sabi. Malaki ang pagkangisi nito at nakita niya ang pilya nitong tingin sa kanya. Para bang nanunudyo. Napailing na lang siya sa sinabi nito dahil imposible talaga at wala na siyang balak alamin kung bakit. Hindi rin naman siya interesado sa lalaki. Why bother? “Malabo iyang sinasabi mo, Hellarie. Kaya ako sa’yo, pagtuunan mo na lang ang mga pasyente kaysa sa ibang bagay.” Napanguso na lang ito sa sinabi niya at siya naman ay napailing na lang. Ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang paglalakad patungo sa susunod niyang pasyente. ---- CRAIG VELEZ Napatigil siya sa pagtitig sa dalaga nang siniko siya ng kanyang ina. Kaya nawala ang atensyon niya kay Doktora. Nagtataka siyang tiningnan ang ina na may ngiting panunukso. "Kung yelo lang iyan si Doktora kanina pa iyan tunaw," Natatawang napailing ito sa pagtitig niya sa Doktora. "Gusto mo ba si Doktora, anak? Subukan mo kayang magpakilala sa kanya kaysa nakatanga ka lang sa tabi." "Ma, wala akong naramdaman sa kanya. I was attracted to her and that’s it, no hard feelings," diretsa niyang sabi sa kanyang ina. Imbes na tumigil ay nanunudyo ang mga ngiti nito at nakita niya sa mga mata nito na hindi naniniwala sa kanyang sinasabi. Pinipilit talaga nitong nagkagusto siya sa dalaga. Napailing na lang siyang sa mga sinasabi ng kanyang Ina. Sa totoo lang hindi niya gusto ang dalaga. Kung ‘di, there’s something on her na gusto niyang malaman. Mali siya sa sinabi niya no’ng una na ‘I think I’m falling in love’ dahil magkaiba ang paghanga, atraksyon o pagkagusto. Aaminin niyang nakuha nito ang atensyon niya. He’s attracted to her dahil sa taglay na kagandahan ng dalaga. Iyon na iyon, wala ng iba pa. Napatingin siya sa kanyang relo at tumayo na dahil kailangan na rin niyang umalis. May meeting pa siyang daluhan o mas tamang sabihin na magkikita na sila ng taong matagal na niyang gustong makita. Sana nga dumalo sa business meeting nila dahil pinadalhan pa niya ito ng letter. Tungkol sa magpapasok sila ng gamot sa hospital nito. Ito na rin ang daan para makapasok siya sa teritoryo ng lalaking gusto niyang pabagsakin. Ang hirap talagang mahanap ang taong ayaw magpakita sa’yo kaya siya na ang gumawa ng paraan para mapalapit sa kaaway. Ika nga nila the best revenge is make friends with your enemies. Friends, so you can bring them down from the inside. “Ma, aalis na ako,” paalam niya rito. “Saan ka pupunta?” “I have a meeting today, Ma. Kaya kailangan ko na rin umalis,” tugon niya rito at hinalikan niya ito sa ulo. Lumapit din siya sa kanyang ama at hinagkan niya ito sa ulo. Nagpaalam na siya sa mga ito at naglalakad na siya papalabas ng hospital. Pagkarating niya sa kompanya ay dumiretso na siya sa conference room dahil alam niyang naghihintay na ang mga ito sa kanya. Nasa malayo pa lang siya ay nakita niya ang kumosyon sa labas ng conference room. Kumunot ang noo niya at inilibot ang kanyang paningin baka makita niya ang kanyang assistant niyang si Klein. Kasamaang palad ay hindi niya ito makita sa komusyon. Napailing na lang siyang lumapit sa mga ito at magtanong kung ano ang komusyong nangyayari. Nang makita siya ng mga tauhan niya ay agad na tumahimik ang mga ito. “Boss,” Nabaling ang atensyon niya kay Klein na kakalabas pa lang ng conference room. Nakita niyang ang itsura nito. Halata ngang may problema ito ngayon. “Anong meron, Klein?” Inayos nito ang salamin bago siya nito sinagot, “Sir, bigla na lang pong kinansela ni Mr. Martinez ang meeting nang malaman niya na isa ka sa papasok na supplier.” Pagak siyang natawa sa nalaman. Talagang sinasadya talaga ni Mr. Martinez na hindi siya makapasok sa lungga nito. Simula no’ng malaman na siya ang isa sa supplier nito ay tinanggal ang kompanya nila. Napailing na lang siya dahil pinutol nito ang ugnayan ng Martinez at Velez. Ang ama niya at si Mr. Martinez ay business partner kaya lang dahil sa pagkamatay ng kapatid niya ay unti-unting kumalas ito. Siguro sa kahihiyang nagawa sa kanilang pamilya. Pero hindi siya titigil na hindi makuha ang hustisya. Ipaghihiganti niya ang kanyang kapatid at hindi alam ng pamilya niya na si Mr. Martinez ay may ginawang masama sa kapatid niya. Humugot na lang siya ng malalim na hininga at agad na pumalakpak. “Go back to work everyone!” Nagsipulasan naman ang mga ito at nagtungo na sa kanilang trabaho. Nang sila na lang dalawa ni Klein ay agad niyang kinuha ang files na nilahad nito. Tinalikuran na niya ito at naglakad na patungo sa kanyang opisina. Naramdaman din niyang sumunod din ito sa kanya. Tahimik siyang naglalakad at napahugot ng malalim na hininga. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa files at napatiimbagang. Talagang ginagalit talaga siya ni Carlos. Bukod sa walang hiyang Doktor ay gumagawa ito ng paraan na makatakas sa kasalanan. Pabagsak niyang nilapag ang files sa mesa at agad na niluwagan ang kurbata. Napabuga siya ng hininga at palakad-lakad sa loob ng opisina. He needs to loosen up para kumalma siya. Iniubos talaga nito ang pasensya niya. Business is business kaya --- Napatigil siya sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanya ang kanyang kaibigan na may malaking ngiti sa mga labi. Napailing na lang siya nang umupo ito sa swivel chair niya. Pinameywangan niya ito at hinintay na magsalita si Augie Montale. One of his best buddy and also his Attorney. “I had a letter and a photo from home, containing some very interesting news,” saad nito at may ngiting tagumpay ang nakarehistro sa mga labi nito. Kumunot ang noo niya nang naglapag ito ng brown envelope sa mesa niya. Kaya lumapit siya at nagtataka naman niyang kinuha ito. Binuksan niya ang nilalaman ng envelope at binasa kung ano ang nakasaad doon. Tungkol ito sa mga gamot na nakuha sa MARTINEZ MEDICAL CENTER. Kung saan ang ikatlong Doktor na isa sa salarin sa pagkamatay ng kanyang kapatid. At may isa pang dokumento na nakasaad na magiging Major Stockholder na siya ng Medical Medical Center. Ito ang hinihintay niya. “Buti na lang madaling kausap ang may 10% share sa Hospital at nasilaw sa pera kaya madaling nakuha ang loob niya. Pwede mo na ring bilhin ang buong hospital na iyon sa kahit anong oras.” Ang kaninang galit na naramdaman ay napalitan ng kasiyahan dahil sa magandang balita na hatid ng kanyang kaibigan. “You’re a great man!” masayang sabi niya at kinuha na rin ang isang larawan. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang nasa larawan. Naguguluhan siyang napatingin kay Augie kung bakit napasali ang larawan ng Doktora. “Cruisha Martinez, the daughter of Mr. Carlos Martinez.” Mas lalo siyang naging interesado sa anak ni Carlos. Kung hindi makuha sa maayos na paraan, nandiyan si Cruisha upang mapalapit sa taong kinamumuhian niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD