CHAPTER 2

2020 Words
CRUISHA VELEZ Binasa niya ang nakasulat sa papel at kung ano ang sakit nito. Kahit paano ay nakaligtas ang pasyente niya sa bingit ng kamatayan. She needs to make sure that her patient condition is stable and no further problems can cause her death. "Dra. Martinez, please proceed to ER. Immediately." "Dra. Martinez, please proceed to ER. Immediately." "Dra. Martinez, please proceed to ER. Immediately." Nilapag niya ang kanyang binabasang files ng isang pasyente nang marinig niya ang pagtawag sa pangalan niya. Umatras siya upang makaalis sa kanyang swivel chair. Tumayo na siya at naglakad patungo sa kung saan nilagay niya ang kanyang white coat. Kinuha niya ang kanyang white coat at sinuot ito. Agad siyang lumabas sa kanyang silid ng matapos niyang makuha ang kanyang stethoscope at isinabit sa kanyang leeg. Nagmamadali ang kanyang hakbang patungo sa EMERGENCY ROOM. Mas tamang sabihin na lakad-takbo ang ginawa niya para makarating lang siya sa ER. Hindi rin niya maintindihan kung bakit sa isang sulok pa talaga siya inilagay. Alam naman ng mga itong suki siya sa ER. Bakit doon pa talaga? Ginawa na niyang marathon ang pagtakbo patungo sa Emergency Room. Hingal na hingal siyang nakarating sa Emergency Room at huminga ng malalim bago pumasok sa loob. Nagtungo siya sa gilid upang maghugas ng kanyang mga kamay hanggang braso. Nang matapos siya sa paghuhugas ay agad siyang pumasok sa isang silid para puntahan ang kanyang pasyente. Pagkapasok pa lang niya ay may nakaabang na sa kanya na mga Assistant Nurse para ipasuot sa kanya ang medical suit at mask. Nilapitan niya ang nakahigang pasyente at puno ng dugo ang kaliwang bahagi ng tiyan nito. "Anong nangyari sa pasyente?" tanong niya sa mga kasamahan niya rito sa loob ng Emergency Room. Abala siya sa kanyang kamay sa pagsuot ng sterile gloves. "Nabaril siya sa tiyan, Doktora Martinez," paliwanag ni Nurse Dizon na abala na rin sa paglalagay ng kanyang mga kailangan sa pag-opera sa kanyang pasyente. "Nurse Randall, kinunan mo na ba siya ng Blood Pressure at Vital signs?" baling niya sa isang Nurse. Tumango ito sa kanya, "Yes, Dok. Normal po ang Blood Pressure at Vital Signs niya. Kaya lang po ang problema ay marami na pong nawala sa kanyang dugo." "Anong blood type?" tanong niya na hindi nakatingin sa mga ito. "AB," tugon ni Nurse Dizon sa kanya. Tumango siya rito at sinenyasan si Nurse Randall na tanungin kung may Type AB bang available sa hospital. Kung wala, posibleng may kaparehong Blood Type sa pamilya ng pasyente niya. Napabaling atensyon niya sa kanyang pasyente nang magsalita ito. Inilapit niya ang kanyang tenga malapit sa bibig nito upang marinig ang sinasabi nito sa kanya. . "D-dok, p-pwede niyo bang patulugin ako para hindi ko maramdaman masyado ang sakit?" nahihirapang sabi ng pasyente niya. "Ngayon na ba?" baling niya sa Anesthesiologists na nasa ulohan ng pasyente. Tumango ito sa kanya, "Yes, ngayon." "No problem, Mr.Velez. May ilalagay kami sa Dextrose mo na Anaesthesia para hindi mo maramdaman ang sakit," sagot ng Anesthesiologists at sinimulang tinurok ng anesthesia ang Dextrose IV nito. It takes about 30 seconds at nakita na niyang unti-unting pumipikit ang mga mata nito. Napatingin siya sa Anesthesiologist at nakita niyang tumango ito. "You can start now." The first thing to do is to clean the wound properly to prevent infection the affected area and start to do the surgery. "Scalpel," inilahad niya ang kanyang kamay at agad naman siyang binigyan ng kanyang Assistant Nurse. Sinimulan na niya kaagad kuhanin ang nakabaong bala sa tiyan nito at nakita niya sa gilid na sinalinan na ng dugo si Mr. Velez. “Dok, isang bag lang po ang naiwan. Tumawag na rin po sila sa ibang Hospital kung may blood type AB,” rinig niyang sabi ni Miss Randall. Mga halos kalahating oras na nakuha niya ang bala at inilagay niya sa basin. Sunod niyang ginawa ay nilinis niya ang sugat nito para masigurado na walang kahit na anong naiwan at agad na tinahi ang sugat na natamo ni Mr.Velez. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa ay hinubad niya ang kanyang suot na gloves. Tinapik niya ang braso ng pasyente niya na mahimbing ang tulog. “Good Job, Mr. Velez!” Lumabas na siya agad ng matapos ang isa't-kalahating oras na operasyon. Nadatnan niya ang dalawang taong nakaupo sa waiting area. Nang maramdaman ng mga ito ang kanyang presensya ay agad na napatayo ang mga ito. Siguro, pamilya ng pasyente na kanyang inoperahan. Hinarap siya ng isang magandang ginang na hindi mo mahalataang may edad na ito. Kasama nito ang young version ni Mr. Velez na seryosong ang mukha na nakatitig sa kanya. Nabanaag niya ang pagkatulala nito na napairap sa kanya. "Dok, kamusta ang kalagayan ng asawa ko?" naluluhang hinawakan nito ang kanyang kamay. Ngumiti siya sa Ginang at sinagot ito. "Okay na po ang kalagayan ng asawa ninyo, Mrs. Velez. Pero kailangan po nating salinan siya ng dugo dahil marami pong nawala sa kanya. Naagapan na po namin siya, pero hindi pa sapat ang dugong naisalin sa kanya. Sino sa inyo ang may Blood type AB? " palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang tao sa harapan niya. "I am Blood type AB," tugon nito sa kanya. Napabaling ang atensyon niya sa lalaki at tumango siya rito. "Okay, sumunod ka kay Nurse Randall. Check muna kung compatible ba kayo ng ama ninyo," saad niya at humarap siya kay Nurse Randall. "Nurse Randall, pakihatid siya kay Dok Jimenez sa Laboratory para i-check kong compatible ba siya o hindi. Kapag maganda ang resulta, make sure na masalinan si Mr.Velez," paalala niya. Tumango naman ito sa kanya at binalingan niya ang Ginang. "Mrs.Velez, mauna na po ako sa inyo. Marami pa po akong gagawin." tumalikod na siya ng matapos siyang magpaalam. Narinig pa niyang kinausap ito ni Nurse Randall ang anak ni Mr.Velez. Hindi na rin niya narinig ang pinag-uusapan nito dahil malayo na din siya. --- CRAIG VELEZ Nakangiting nakatanaw siya sa papalayong magandang Doktora. Talagang huminto ang oras niya kanina kaya napatitig siya dito. Hindi nga niya alam kung anong itsura niya kanina dahil natulala na lang siya sa harapan nito habang nakikipag-usap ito sa ina niya. "Ma," tawag atensyon ni Craig sa ina, “I am interested to her.” Kumunot naman ang inang napatitig sa kanya. Naudlot nga ang pagpunas nito sa pisngi dahil sa sinabi niya. Nakita niya sa mga mata nito ang kaguluhan. Hindi siguro nito naintindihan ang sinasabi niya. “Anong pinagsasabi mo diyan? Anong interesado ka diyan? Gusto mong batukan kita para matauhan ka?” mataray na tinaasan siya nito ng kilay. “I like her, Mama,” bulalas niya sa kanyang ina. It’s not that I like her in a romantic way. She’s an attractive lady. “Who?” “Iyong kausap natin kanina na Doktora,” nakangiting sabi niya rito. Pinameywangan siya nito at pinukol siya ng masamang tingin. “Tigilan mo ako, Craig. Sobra na akong na- stress at pag-alala sa ama mo. Tapos iyan pa ang sasabihin na nagustuhan mo ang Doktor ng ama mo? Tumigil ka! Baka kurutin kita sa singit!" Ngumuso na lang siya sa sinabi nito at naglalambing na umakbay sa ina niya. “Relax, Mama. Huwag ka ng magalit diyan.” “Ah! Sir…” Napatigil siya nang marinig niya ang pagtawag ng atensyon sa kanya. Napatingin siya doon at nakita niyang naghihintay na pala ang Nurse sa kanya. Bakit ba kasi nakalimutan niyang kailangan niya pa lang i-check ang dugo niya? Kung compatible ba. “ Oh! Sorry, Miss,” hinging tawad niya at humiwalay sa Ina. Humalik muna siya sa pisngi ng ina at nagpaalam dito. Tumango lang ito kaya tumalikod na siya at sumunod sa Nurse. "Nurse, can I ask you?" Napahinto ito sa paglalakad at takang tumingin ito sa kanya. "Sure. What is it, Sir?" "Anong pangalan ni Doktora?" "Si Dra. Cruisha po ba?" tanong nito sa kanya. Napangiting tumango siya rito. ‘Cruisha? Ang gandang pangalan, bagay sa kanya’ sabi ng kanyang isip "Siya ba iyong Doktora ni Papa na kaharap lang natin kanina?" Ngumiti ito at tumango, "Opo, Sir. Ang ganda niya, ‘no?" manghang sabi nito. "Yes, she is. So, may boyfriend na ba siya?" "Sa pagkakaalam ko po, wala. Wala naman pong manliligaw na umaaligid sa kanya," magandang balitang sabi nito na mas lalong lumawak ang ngiti niya sa labi. “Tamang sabihin ay NBSB.” Napakunot ang noo niya sa huling sinabi nito. “Anong NBSB?” takang tanong niya sa Nurse "No Boyfriend Since Birth,” Napatigil ito at kunot-noo siya nitong tiningnan. "Teka nga! Kanina ko pa napapansin sa’yo na panay ang tanong mo tungkol kay Doktora. Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Sir Velez. Interesado ka ba kay Dra. Cruisha?" nagdududang tingin ang pinukol nito sa kanya. Kumibit-balikat lang siya at hindi mawala ang ngiti niya sa kanyang mga labi. Siguro, oo. Siguro, hindi. Wala pa siyang tamang maisagot sa Nurse dahil pati din naman siya ay nalutang ang kanyang isipan. "Huwag ka ng magtanong kung bakit at huwag ka na ring umangal d’yan. Sabihin mo na nga sa akin kung wala ba talaga?" pangungulit niya rito na nagpatikwas ng kilay nito. "Ang kulit niyo po! Ang sabi kong wala. Paulit-ulit lang ang tanong!" nanggigigil na sagot nito na nagpatawa sa kanya. Napailing na lang siya sa sinabi ni Nurse Randall. Pumasok na sila sa laboratory at napansin niyang may transparent glasses na isang kwarto. Kung saan, silid ng mga Doctor at nurses ang nandoon. Umupo muna siya sa silya at naghintay. May lumapit sa kanya na isang Doktor. “Ikaw ba ang may blood type Ab?” Tumango siya rito sa tanong nito. “Halika, sumama ka sa akin para kuhanan kita ng dugo,” Agad siyang pinapasok nito sa isang silid. Umupo siya sa silya at humiga. “ I will give you a squish ball to squeeze on and off. So, it gets the blood flowing faster,” “Okay,” Nang matapos siyang kuhanan ng isang bag ng dugo ay nagpahinga muna siya bago siya tumayo. Ilang sandali, napansin niyang may bitbit na si Nurse Randall ng isang folder. "Sir Velez, pakilagay ng pangalan ninyo diyan at kung ano ang relasyon ninyo sa pasyente. Atsaka pakilagay na rin po dito ang pangalan at perma sa ibaba para malaman kung sino ang nag-donate ng dugo." Matapos nitong binigay sa kanya ay agad na itong umalis at siya naman ay nagsulat. “I heard from Nurse Randall ay interesado ka kay Dra. Cruisha?” tanong sa kanya ng Doktor na kumuha kanina sa kanya ng Doktor. Hindi man lang niya ito namalayan na nandito na pala ito sa harapan niya. “Yes, I am interested to her.” “Good Luck!” Napakunot ang noo niya sa sinabi nito na good luck. Parang may ibang meaning ito sa kanya. Iba kasing pahiwatig ang Good Luck at sinasabi nitong humanda siya. Kumibit-balikat na lang siya sa kanyang iniisip. Pati good luck, binigyan na niya ng ibang kahulugan. Nahihibang na siguro siya. Napagdesisyonan niyang tumawag sa kaibigan niyang si Augie. “Augie…” [Hmmm…] Napakunot ang noo niya nang marinig niyang kakaibang ungol sa kabilang linya. Natigilan siya ng napagtanto niyang ibang ungol ang bumungad sa kanya. Agad niyang binulyawan ang kaibigan sa kabilang linya. “P*ta ka! Tanghaling tapat kababalaghan ang ginagawa mo. Saan ka na namang lugar ngayon? Mas tamang sabihin na saan ang puwesto ninyo?” Napahalakhak ito at rinig niyang may bumagsak. Napatagilid ang ulo niya nang marinig niya ang pagdaing sa kabilang linya. Boses iyon ng babaeng nasaktan. Huwag mong sabihin na nahulog ito? Kakaiba talaga ang trip ni Augie. Mas trip pa nitong mag-explore ng posisyon kaysa kumausap sa kliyente nito. [Sorry about that, dude. Teka nga! Napatawag ka pala?] “Can I ask?’’ [Shoot!] “Paano mo nalaman na interesado ka sa babae?” [Masasabi ko lang, men are into women they admire. Gets mo na? Papatayin ko na ito dahil nakadisturbo ka na sa activity ko!] "H-Hey! Hey!" Napanganga na lang siyang tiningnan ang cellphone. Anong ibig sabihin nito na men? What?! Hindi niya maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD