KABANATA 13
Agad na nagtungo ang mag-ama sa kanilang dining area. Naroon na nga si Pinky at naghahanda ng kanilang dinner meal na katuwang ang dalawang maid nila. Pawang mga paborito ni Romy at Chardee ang mga putahe na inihanda ni Pinky sa kanilang hapunan. Siya na mismo ang nagluluto kapag gan’tong umuuwi ng maaga ang husband niyang si Romy para sa mansion kumain. Kapag natapos nito nang maaga ang mga importanteng papeles sa opisina at wala na siya gaanong clients na ka-meeting ay maaga niya natatapos ang mga gawain niya sa kaniyang opisina pero maaga rin naman ang pasok niya kinabukasan. Pero malimit lang ang gan’tong eksena sapagkat lagi ay busy’ng busy talaga ito sa kompanya nila kaya ganiyan na lang kung makapag-prepare ng makakain nila sa hapunan si Pinky. Alam kasi ni Pinky na hindi na masyado nakakain ng mga masustansiyang pagkain ang kaniyang husband na si Romy. Madalas ma-skip nito ang kaniyang meal time at pa kape-kape na lang o tubig ang naiinom nito kung hindi makakain. Kahit ba sinasabi ni Romy sa tuwing tumatawag sa kan’ya sa telepono si Pinky na ayos lang siya at nakakain siya na ‘wag siya alalahanin ay batid pa rin ni Pinky ang pag-alala rito.
“How’s your work?” sabi ni Pinky sabay gawad ng halik kay Romy Chorein at pagkatapos ay pinaghila niya ng silya para makaupo.
“Kumain ka ng marami dahil alam kong gutom na gutom ka na.
“It's alright. Kakain talaga ako ng marami, sa handang mong ‘to ba naman talagang magugutom ako,” tanging sabi ni Romy Chorein sa wife nitong si Pinky at sinimulan na nito ang pagkain.
“By the way dad, Sten will come here again,” agaw pansin na sabi ni Chardee sa kaniyang Daddy.
Binalingan muna siya ng tingin ni Romy Chorein, ang Daddy ni Chardee saka tinugon ang kaniyang sinabi.
“It’s okay as long as you’re just here in the mansion,” tugon naman ni Romy Chorein habang patuloy na kumakain. Nakamasid lang sa pag-uusap ng mag-ama si Pinky na nakikinig lamang at hindi na muna nagsalita.
“Yes. Dad,” sagot niya sa mahinang boses na halos hindi na marinig. Tumamlay siyang bigla dahil hindi talaga siya papayagan ng kaniyang Daddy Romy pero ngayon lang naman niya susuwayin ang kaniyang Daddy, hindi naman siguro nito malalaman.
“Don’t plan without me knowing Chardee, I’m telling you,” mariin na tinaliman ng tingin ni Romy Chorein ang kaniyang Unico Hijo.
“Dad?!” biglang angal niya rito. Napagtaasan niya ng boses ang kaniyang Daddy.
“Chardee!” tawag ni Pinky kay Chardee. Binalingan ito ng tingin ni Chardee at nakita niyang tiningnan siya ng makahulugan ng kaniyang Mommy. Parang may sinasabi ito ayon na rin sa ekpresiyon ng mukha.
“But Mom, Dad? Sasamahan naman kami ni Kuya Jaymi eh, gusto ko lang naman makapunta sa Playground Park bago tayo bumalik ng Korea.” pagdahilan niyang sabi. Agad naman napatingin sa kaniyang direksiyon ang kaniyang Daddy, nagulat ito sa kaniyang sinabi.
“Yes dad, I already know.” walang ganang sabi niya sa kaniyang Daddy habang pinaglalaruan ng kaniyang tinidor ang karneng nasa kan’yang plato.
“So, you already know. I’m sorry if I didn’t tell you right away but you probably know the reason, right?” agad na paliwanag sa kaniya ng kan’yang Daddy Romy. “And because I made a mistake, I will agree but only for a few hours,” muling sabi nito.
Napaangat naman ng tingin si Chardee sa kaniyang Daddy at nanlaki naman ang mga mata ni Pinky sa gulat. Hindi siya makapaniwalang papayagan siya ng Daddy niya nang gano’n lang kadali.
“Thanks Dad!” masayang sabi ni Chardee at tumayo para yakapin ang Daddy niya mula sa pagkakaupo.
“I allow you because you are with Sten. Nothing else,” pinal nitong sabi sa kaniya.
“W-what?” nauutal na tanong niya sa sinabi ng kaniyang Daddy.
“Yes, Hijo, narinig mo naman siguro iyon ng malinaw?” sabi ulit ng kaniyang Daddy na patanong.
“Akala ko po hindi niyo ako papayagan but then because of Sten, I thought it was very hard to say,” hindi makapaniwalang sabi niya sa kan’yang Daddy. “Hindi ko po akalain,” dugtong pa ni Chradee.
“Chardee, sige na bumalik ka na sa upuan mo at tapusin mo na ang ‘yong pagkain. Baka magbago pa isip ng Daddy mo. Don’t stress your dad, okay?” sabat na ng Mommy niya sa usapan nilang mag-ama.
“Okay mom. Dad.” Kinuha na niya ang kaniyang kubyertos saka sinimulan muli ang pagkain.
Dumaan pa nga ang ilang mga araw at isang araw ng hapong ‘yon nang matapos ang klase ng dal’wang bata ay inihatid si Sten ng kotse nila Chardee na tanging si butler Jaymi ang nagmamaneho. Idinaan nila si Sten sa Coffee Shop dahil nandoon pa si Mariare ang ina ni Sten na katulong pa sa pagtitinda ng maliit nilang Cafeteria at Bakery Shop. Pagkababa ni Sten ng sasakyan ay sumunod naman bumaba si Chardee.
“Salamat sa paghatid,” paalam ni Sten sa kanila.
“Hindi mo ba kami papasukin? Pakainin mo muna kami. Gutom na ako eh,” sabay himas pa nito sa kaniyang tiyan.
Napakamot naman si Sten sa kaniyang ulo sa tinurang iyon ni Chardee.
“Kahit kailan talaga napakatakaw mo pa rin,” pang-iinis niya rito. “Sige na nga!” sabay ismid ni Sten.
“Hoy, hindi kaya... Basta ‘wag lang chocolate ‘coz I hate chocolate!” Bawing turan naman ni Chardee.
“Kuya Jaymi? Hali ka na po. Pasok po,” paanyaya ni Sten kay butler Jaymi. Agad namang tumalima si butler Jaymi dahil sanay na siya sa endearment ni Sten. Napaka-sweet kasi ng batang ‘to. Nasanay na siyang hindi ito matanggihan dahil tiyak magtatampo ito at kukulitin ka lang lalo kapag nagmatigas ka pa kaya sinusunod na lamang niya ang dal'wang batang ‘to kapag inaanyaya siya. Agad naman silang pumasok sa loob at binati ni Chardee ang si Mariare at Einna na kapatid ng ina ni Sten. Nakasunod lang sa kanilang likuran si butler Jaymi.
“Mama, tinapay na may keso nga po at ‘yong paboritong inumin ni Chardee,” pakisuyo nito sa ina. Agad naman nahulaan ng ina ni Sten ang ibig niyang sabihin.
“Kuya Jaymi, ‘yong sa ‘yo po? Ano po ang gusto niyo kainin?" agad na baling ni Sten kay butler Jaymi na tila nahihiya pa rin sa kanila.
“Ah eh kahit ano lang senyorita...maraming salamat,” ikling sagot naman ni butler Jaymi kay Sten.
“Sige po,” at nginitian ni Sten si butler Jaymi. Pagkatapos ay binalingan ang kaniyang Mama at may sinabi siya rito. Nakaupo naman sa bakanteng mesa at upuan sina Chardee at butler Jaymi habang nasa loob ng counter ng tindahan si Sten naghihintay sa meryindang inaasikaso na ng kaniyang Mama para ihanda.
“Oh. Heto na,” at inilapag ni Sten sa kanilang harapan ang pagkain. Pagkatapos ay tumabi na siyang umupo.
Bigla naman sumulpot si Mariare sa kanilang tatlo, nakasunod pala ito kay Sten nang bitbitin nito ang meryindang inihanda kina Chardee at butler Jaymi.
“Kain lang kayo ha, at ‘wag mahiya,” sabi ni Mariare sa naging bisita nila.
“Aba! Syempre naman po, napakasarap nga nito eh at paborito ko itong meryindang inihanda niyo po, Tita,” sagot naman ni Chardee na tila may compliment pa sa kaniyang sinabi. Natuwa naman si Mariare sa tinurang iyon ni Chardee.
“Kumain ka na nga, ang dami pang sinasabi eh,” iritang sabat naman ni Sten.
“Tita, pupunta po ulit si Sten sa mansion. Payagan mo po siya Tita, ha?” diritsahang sabi ni Chardee sa ina ni Sten. Nagkatinginan sina Mariare at Sten. Hindi nagsalita si Sten ngunit tumikhim si Mariare upang maalis ang biglang pagbara ng kaniyang lalamunan. Nabigla ‘ata siya sa sinabing ‘yon ni Chardee. Hindi niya napaghandaan. Wala siyang makuhang isasagot dito. Habang si Sten ay matamang hinihintay ang magiging sagot ng kaniyang ina.
“Please Tita, please? This is the last time that we spent Sten for playing. Magkakalayo na po kami,” Pakiusap ni Chardee na pumuwesto pa ang dalawang kamay nito na tila nagdarasal.
Kumawala ng malalim na hininga si Mariare at ngumiti sa bata. Mukhang hindi niya ito mahindian.
“Ano pa nga ba ang magagawa ko?” Walang alinlangan na sagot ni Mariare sa batang si Chardee.
“You sure, Tita?” Paniguradong tanong dito ni Chardee at tumango naman si Mariare at ngumiti.
“Wow! That’s great, Tita!” napalakas ang kaniyang sabi kung kaya’t napalingon ang ibang costumer na kumakain at umiinom ng kape ng mga sandaling iyon. Napatayo si Chardee pagkasabi niyang ‘yon ngunit bumalik din naman sa kaniyang pagkaupo.
Napaangat naman ng tingin si butler Jaymi sa kaniyang alaga. Napatigil siya sa kaniyang pagkain at mataman naman na pinakinggan ang mga nag-uusap pa sa kaniyang harapan.
“Mama, pumapayag po kayo?” tanong ni Sten sa kaniyang Mama dahil maskin siya ay nagulat din.
“Oo,” agad na sagot ni Mariare. Naupo naman siya sa tabi ni Sten na kaharap naman sina Chardee at butler Jaymi. Pagkatapos ay kumuha ng kanilang pagkain at sumubo rin.
"And did you know, Tita that Daddy allowed us to play in the playground park,” pagmamalaki niyang sabi sa ina ni Sten.
“Talaga?” biglang patanong na sabi ni Sten sa sinabing ‘yon ni Chardee sa kaniyang Mama.
“Yup,” ikling sagot ni Chardee. “Makakalabas na po kami ni Sten ng mansion, akalain mo iyon!”
“Kung gano’n ay binabati kita Senyorito,” agad na salita ni butler Jaymi na nakisali na rin sa naging pag-uusap. “Ito ang unang pagkakataong pinayagan ka ng Daddy mo.”
“Aba! Napakagandang balita nga iyan Chardee. Mabuti naman at pinayagan ka ng Daddy mo?” patanong na sabi naman ni Mariare habang sinasalinan ng tubig ang kaniyang baso.
“Anong nangyari senorito at pinayagan ka ng Daddy mo?” curious na tanong ni butler Jaymi sa kaniyang alaga.
“Oo nga,” segundang sabi ni Sten. Nakatanga naman ito kay Chardee at hinihintay ang sasabihin nito.
“Ah, k-kasi si Daddy, pinayagan ba naman ako dahil kay Sten,” ngusong turan niya.
“D-dahil kay Sten?!” gulat nah tanong ni Mariare kay Chardee. “Bakit si Sten ang dahilan?”
Nagpalipat-lipat lang ang tingin ni Sten sa kaniyang Mama at sa kaibigan. Nanatiling tahimik lang siya.
“Oo nga Senoyrito, bakit nga ba? Sa pagkakaalam ko ay bihira lamang sila magkita ni Senyorita at hindi sila gaanong nakapag-usap man lang,” mahabang pahayag ni butler Jaymi. Maskin siya rin ay nagtataka.
“Hindi ko po alam, that’s what Daddy told me recently.” ang naging maikling sagot na lamang ni Chardee.
“Siguro mabait na tao lang ang Daddy mo Chardee,” at ngumiti ng pagkalapad si Mariare.
“Kaya huwag na natin isipin pa ‘yan, ang mahalaga ay pinapayagan ka na Chardee na lumabas para maglaro, hindi ba?” sabi ni Mariare na sinang-ayunan naman ng tango ni butler Jaymi habang hindi pa rin nagsasalita si Sten.
Napansin naman ni butler Jaymi na nanahimik lang si Sten habang si Chardee ay nilalantakan pa rin ang pagkain sa kaniyang harapan. Marami-rami na rin ‘ata ang kinain nito simula pa kanina.
“Senyorita, ayos lang ba kayo? Kanina ka pa tahimik,” puna ni butler Jaymi kay Sten dahilan upang pagbalingan siya ng tingin ng kaniyang ina at ni Chardee. Napansin din pala siya ni Einna kaya nagsalita ito mula sa kanilang likuran.
“Sten, mukhang maputla ka ‘ata ah, kanina pa kita napapansin. May iba ka bang nararamdaman?”
“Po? Tita,” sagot naman ni Sten na pilit kinalma ang sarili at pinilit na ngumisi sa harap nila.
“Sten, anak, talaga bang ayos ka lang?” segundang tanong naman ni Mariare. Nag-alala na rin ito.
“A-ah opo, ‘wag po kayong mga-alala. Pagod lang po siguro kaya bilisan mo na riyan Chardee. Hoy! Kanina ka pa riyan hindi ka pa tapos!” inis niyang turan na inilalayo ang usapan sa kaniya. Pagkatapos ay tiningnan siya ni Chardee nang makahulugan.
“Para makapagpahinga na ako,” dugtong ulit ni Sten. Agad naman nakuha ni Chardee ang senyales na ‘yon ni Sten.
Palihim naman na tumawa si butler Jaymi. Maging si Einna ay napangisi na rin.
“Talaga ba anak, sige pagdating natin sa bahay ay magpahinga ka na pagkatapos nito. Sabay na tayong umuwi,” at binalingan niya si Einna. “Einna, ikaw na ang bahala rito ha, ikaw na ang magsara ng shop mamaya.
“Oo na. Alam ko na ‘yan,” paalalang sabi ni Einna sa kapatid.
“Tita, sumabay na po kayo sa amin. Ihahatid na po namin kayo,” pagrekomenda naman ni Chardee.
“Naku, ‘wag na Chardee, nakakahiya naman. Palagi na nga ninyong hatid-sundo si Sten. Nandito naman ako kaya ako na ang bahala,” pagtatanggi pa ni Mariare.
Walang ano po ‘yon Maam Mariare tsaka iisa lang naman po ang distinasyon natin. Madadaanan naman namin ang papunta sa inyong bahay,” katwirang sabi pa ni butler Jaymi. Tila nagdalawang-isip pa ang ina ni Sten.
“Sige na po, Tita. Pumayag na po kayo,” pamimilit dito ni Chardee.
“Sige na nga. Mapilit kayo eh,” at tumawa si Mariare na natutuwa sa dalawa.
Kaya’t matapos mapagbilinan ni Mariare ang kapatid nito sa kanilang tindahan ay iniligpit na rin niya ang gamit nila ni Sten at sumunod nang lumabas kina Chardee at butler Jaymi. Sumakay na sila sa kotse at habang nasa biyahe ay hindi maiwasang kausapin ni Chardee si Sten sa mahinang boses lamang upang hindi sila marinig ng ina ni Sten na nasa harap nila nakaupo. Mabuti na lamang at hindi si Sten tinabihan ng kan’yang ina sa back seat ng kotse. Inilapit naman niya ang kan’yang mukha sa bandang tenga ni Sten para roon bumulong sa kaniyang nais sabihin dito.
“What happened to you before?”
“Bigla kasing may kumirot sa dibdib ko kaya pinakiramdaman ko ‘yon,” sagot naman niya. Mabuti na lamang at nawala rin ito at saglit lamang ang sakit na ‘yon.
“Ang ibig mo bang sabihin ay ‘yong nararamdaman mo ay bumalik na naman?” may gulat sa sinabing iyon ni Chardee kaya medyo lumakas ng kaunti ang tono ng boses niya pagkasabi niyang ‘yon. Napalingon naman ang ina ni Sten sa kanilang dalawa. Maging si butler Jaymi na nagmamaneho ay napasilip sa maliit na salamin na nasa kaniyang bandang harap. Mabuti na lamang at hindi na nagsalita pa ang ina ni Sten at tiningnan lang silang dalawa ni Chardee.
“Baka marinig tayo ni Mama,” inis niyang sabi.
“Sorry, I didn’t mean to. Pero ba’t naman nagkagano’n? Ano nga ba talaga ang nangyayari sa ‘yo?” pag-alala na ni Chardee rito kay Sten na naging sunod-sunod ang kaniyang mga tanong.
“Hindi ko rin alam,” malungkot na sagot ni Sten sa kababata. Imbes na magsalita si Chardee ay tiningnan na lamang niya ang kaibigan at pinakatitigan ito. Gusto niyang aluin ito pero hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Maging siya man na isang matalino ay may mga bagay na mahina siya't wala siyang gaanong alam. At sa kaibigan pa talaga niya siya walang magawa.