KABANATA 14
Matapos ang araw na ‘yon na hinatid nina Chardee sina Sten at ang ina nito ay hindi na mawaglit sa isipan ni Chardee ang mga sinabi sa kan’ya ni Sten. Hindi siya mapalagay sa bagay na ‘yon at hindi niya alam kung bakit? Parang nakaramdam siya ng awa sa kaibigan dahil maging sa ina nito ay hindi sinasabi kung ano man ang nangyayari sa kaniya. Hindi niya rin naintindihan si Sten dahil wala naman itong magandang detalye sa kaniyang mga sinasabi. Tapat din siya sa kaniyang pangako kaya ano man ang mangyari ay sekreto na lamang nila iyon ni Sten, bahala na. Ayaw naman niya na magalit sa kaniya si Sten. Ayaw niya mawalan ng matalik na kaibigan at ayaw niyang may tampuhan o sama ng loob. Hindi magtatagal at pupunta na sila ng Korea kaya naman hangga’t maari ay ayaw niyang umalis nang may hindi magandang mangyayari sa kanilang dalawa ni Sten. Pero dapat ay may kailangan siyang gawin. Si butler Jaymi agad ang kaniyang naisipan. Nakasiguro siyang matutulungan siya ng kaniyang kuya Jaymi. At iyon na nga ang kapasiyahang kaniyang naisip.
Sa kabilang banda naman, itong si Sten ay napapadalas na pala ang nararamdaman nitong pananakit ng kaniyang dibdib at kailan man ay hindi pa niya ito sinasabi sa kaniyang Mama maging kay tita Einna niya. Tanging si Chardee lang ang nakakaalam niyon. Napapansin naman ni Mariare na pagkagaling ni Sten sa eskuwela ay agad na itong tutungo sa kaniyang kuwarto. Lalabas lang ito at kakain. Lagi niyang sinasabi sa kaniyang Mama na palagi siyang pagod sa klase at lagi siyang inaantok kaya naman ay hinahayaan na lamang siyang mamahinga kung gustuhin niya na ‘di na siya iniistorbo ng kaniyang Mama. Hindi rin naman kapansin-pansin na matamlay si Sten o may sakit dahil sa tuwing makikita mo siya ay masiglang-masigla ito. Pero sa kabila pala no’n ay may naitago na siyang naganap sa kaniyang sarili.
Isang araw, sa school ay nagkasundong pumunta ang Mama ni Sten at ang Mommy ni Chardee. Susurpresahin nila ang dalawang bata dahil matagal-tagal ding hindi na nila ito sinasabayan sa kanilang pagpasok sa eskuwelahan. Nasa bungad ng labasan ng classroom building nila nag-aabang ang kanilang mga magulang. Sakto naman na magkasama pala ang dalawa at magkasabay na lumabas kaya tanaw agad sila ng mga magulang nila. Tinawag sila upang palapitin sa area’ng pinaghihintayan nila. Labis naman ang tuwa ng dalawa nang masilayan nila ang mga mukha ng kanilang mga ina. Pagkuwan ay mabilis silang tumakbo patungo sa kanilang magulang at yumakap.
“Mama, mabuti naman po at naisipan mong puntahan ako rito sa school?” tanong agad ni Sten sa kaniyang Mama na hindi pa napapawi ang ngiti sa mukha.
“Oo, naman. Napag-isip-isip kasi ni Mama na kailangan ko nang dalawin ang baby ko dahil baka sasama na ang loob niyon sa akin. Napakatampuhin pa naman ng baby kong ‘yon,” sabay himas sa pisngi ni Sten na ngumingiti.
“Si Mama talaga b-ni-baby pa ako eh, ang laki ko na.”
Kunwari ay hindi niya gusto ang paglalambing na ‘yon sa kaniya ng ina pero ang totoo’y nahihiya lang siyang tawagin ng ina niya ng gano’n sapagkat kasama pa naman nila ngayon ang mag-inang Lasner.
Napatingin lang sa kanila ang mag-inang Lasner nang lingunin ito ni Sten kasunod din ng pagtingin ni Mariare sa binalingan ng tingin ng anak. Napangiti ng palihim si Mariare dahil nakuha niya agad ang sinabing ‘yon ng anak. Nakangisi naman na nakatingin sa kanila si Pinky habang si Chardee ay seryoso lang ang mukha nito. Napakunot ng noo si Sten nang magkatinginan sila ni Chardee. Seryoso pa rin ang mukha nito na walang ano mang ekspresyon.
“Where do you want to snacks, children?” tanong ni Pinky sa mga bata at nakuha naman niyon ang kanilang atensyon.
Nagulat naman si Mariare sa sinabing iyon ni Pinky. Habang ang dal’wang bata ay sabay na nagsasabi sa kanilang gustong kainin.
“Bakit hindi na lang tayo kumain sa Coffee Shop, may mga tinapay naman doon at cake,” agad na mungkahi ni Mariare.
“Minsan lang naman ‘to Mariare, hayaan mo na at do’n tayo sa hilig ng mga bata, ang Jollibee. Do you kids want to eat in the Jollibee?” ulit na tanong ni Pinky sa dalawa.
“Opo. Tita gusto ko po roon,” ngiting sagot ni Sten.
“Ikaw, Hijo?” tanong ni Pinky kay Chardee.
“Yes, Mom, of course,” agap namang sagot ni Chardee.
“Alright, so pa’no...let’s go!” paanyaya na ni Pinky sa kanilang lahat.
“Sige na nga,” ang tanging nasabi na lamang ni Mariare.
Wala na siyang nagawa pa dahil ayaw na niyang makipagtalo pa sa kaibigan dahil alam niyang mapilit ito kaya hinayaan na lamang niya sa gusto nito. Malapit lamang sa isang Mall na katabi nito ay ang fastfood ng Jollibee sila nagpunta. Hindi naman iyon kalayuan sa school ng mga bata. Pagkapasok nila ay agad na umupo sa bakanteng mesa na saktong may apat na upuan para sa costumer. Um-order sila ng mga pagkaing gusto ng mga bata at dahil ngayon lang nakakain si Sten ay nilubos-lubos na niya ang mga pagkaing gusto niya. Grabe naman ang pag-awat ni Mariare sa anak ngunit hinayaan lang ito ni Pinky bagkus ay sadya pa niyang pinagbibigyan ang gusto ni Sten Marie. Si Chardee naman ay panay lang ang lagay ng sauce at inilagay sa kaniya lahat ang burger steak na pandalawahang in-order nila.
“Hayan ubosin mo ‘yang lahat ha,” sabi naman ni Chardee kay Sten na sinimulan na ang pagkain. Maging si Chardee ay kumain na rin ito. Ang dalawang Mrs. ay kapwa na tinitingnan silang dalawa habang kumakain.
“Anak, dahan-dahan ka naman sa pagkain, nakakahiya,” sabay ngisi ni Mariare.
Napatawa naman doon si Pinky na tuwang-tuwa sa kanila.
“Ngayon lang ako nakatikim ng ganito, Mama, napakasarap po pala. Maraming salamat nga pala rito Tita,” wika ni Sten kahit punong-puno pa ng pagkain ang kaniyang bunganga.
“It’s nothing, just enjoy your foods,” balewalang sagot lang ni Pinky. Kahit na masyadong malaki ang nagastos niya sa kanilang snacks lang naman.
“Ini-spoiled mo talaga ang bata, baka maya niyan ikasanay niya ‘yan,” sabi ni Mariare sa kaibigan habang siya ay kumakain din.
“Ano ka ba, ayos lang ‘yan ‘no. Ngayon nga lang tayo lumabas ng ganito kukuntra ka pa,” at sabay na ngumisi ang dalawang Misis.
“Ang dami pa naman nitong in-order mo, mauubos ba natin ‘to lahat? Saka napakamahal dito kaya nga hindi ko madala-dala si Sten dito eh, naawa tuloy ako sa kaniya,” parang lumungkot ang tono ng boses niya. Nakaramdam din ng awa si Pinky para sa kaibigang si Mariare. Pagkatapos ay tiningnan niya ang batang si Sten na masayang kinakain ang pagkain sa harap nito.
“Huwag ka na malungkot diyan Maria, nakakain naman si Sten ngayon oh, kaya dapat ay matuwa ka na riyan,” paglalakas-loob na sabi ni Pinky sa kaibigang si Mariare.
“Gano’n na nga eh, ibang tao pa talaga nag nagbigay sa kan’ya nito, nakakahiya lalo sa ‘yo, maraming salamat talaga para rito,” at hinawakan ang kamay ng kaibigan si Pinky pagkatapos ay nag-pout na `thank you`.
“Ano ka ba...’wala nga ‘yan, maliit na bagay lang ito saka tulad ng sabi ko kanina ngayon lang tayo nag-bonding ng ganito na kasama ang mga bata. You know what, I’m so happy that their gettting close to each other, na alam mo ‘yon ang pakiramdam ng isang ina na natutuwa dahil nakikita niyang masaya rin ang kan’yang anak.”
Pinakinggan naman ni Mariare ang seryosong pahayag sa kaniya ni Pinky na naramdaman naman niya na totoo ang sinasabi ng kaibigan. Alam na alam ni Mariare ang ganoong pakiramdam sapagkat ina rin siya na ang gusto ay maibigay sa anak ang lahat at makitang masaya ito. Hindi kayang makita na malungkot ang anak at nasasaktan, tiyak napakasakit para sa kanilang pagiging isang ina iyon. Kaya ang talagang nais lamang para sa anak ay maibigay ang nakapagpasaya rito, ano't ano pa man ang mga ito. Maging ang buhay ng ina ang maging kapalit pa ng lahat.
“Ramdam ko rin ‘yan dahil ina rin ako...p-pero pa’no na Pinky kapag umalis na kayo? Ayoko man isipin...b-baka kasi malulungkot ang Sten ko,” naisip niyang itanong sa kaibigang si Pinky.
“Sa ibang pagkakataon na lamang natin pag-usapan ‘yan, ‘wag ngayon dahil nandito ang mga bata,” ani ni Pinky sa mahinang boses. Napatutop na lang bigla si Mariare sa kan’yang bunganga.
“Pasensiya na,” paghingi niya ng paumanhin.
Nakalimutan niyang kasama pala nila ang mga bata. Pa’no naman kasi ay abala rin ang dalawa sa pagkain habang nag-uusap din ang mga ito. Hindi naman ‘ata napapansin ng mga ito ang kung anong sinasabi ng mga magulang nila. Nagkatinginan na lang sila Mariare at Pinky saka sabay na ngumiti pagkatapos ay itinuon na ang mga sarili sa pagkain.
“Tita, maraming salamat po sa pagkain. Busog na busog po ako.”
Idinaan sila ng mag-inang Lasner sa kanilang tirahan matapos nilang makapag-snacks sa isang fastfood ng Jollibee.
“Walang ano man ‘yon...nagustuhan mo ba ang mga pagkain do’n?” tanong naman sa kan’ya ng Mommy ni Chardee.
“Opo, subra!” pagmamalaki niya na tuwang-tuwa pa.
“Ngayon ko lang talaga siya nakita na marami ang kinain, did you notice that Mom? I think, marami siyang nakakain kapag favorite niya ang kan’yang kinakain,” paghinuha ni Chardee.
Maskin siya ay nasisiyahan na makitang marami ang kinain ni Sten. Gusto niya kasi ito na tumaba. Maganda kasi tingnan para sa kan’ya kung mataba ito. Hindi pa niya ito nakitang kumain ng ganoon kadami kaya hindi niya inaasahan ‘yon kanina.
“Ewan ko basta gusto ko lang kumain ng kumain kanina, bakit ba?” takang turan ni Sten sa iminungkahi ni Chardee sa kaniya. Ngunit ngumisi lang si Chardee sa kan’ya sabay abot nito sa kaniya ng supot na papel na kulay kayumanggi. May pagtataka namang tiningnan iyon ni Sten.
“Sige na. Kunin mo,”sabi ni Chardee. Iginigiit naman niya ‘yon sa kamay ni Sten.
“Ano ba ‘to?” tanong na niya rito. Nag-alangan siyang kuhanin iyon.
“Just take it Sten, it's yours,” sabat ng Mommy ni Chardee sa kaniya.
“Ano po ito, Tita?” curious niyang tanong sa Mommy ni Chardee.
“Jollibee meals, Chardee bought it for you. Alam niyang paborito mo raw ‘yan kaya palagi kanang gana kumain ha para tumaba ka,” turan ng Mommy ni Chardee sa kan’ya.
Luko rin itong si Chardee uh, naisin pa naman nitong patabain siya. Para tuloy siya maiinis dito but since then, na gusto naman niya ang pagkain ay kinuha na niya iyon at inamoy ang nasa loob ng supot na papel.
“Wow, ang galing naman! Ito rin ‘yong kinain natin kanina uh, puwede rin pala ito dalhin sa bahay?” pagtatakang turan ni Sten subalit may pananabik sa kan’yang boses.
“Seyempre naman...at take-out ang tawag do’n,” pagtatama ni Chardee sa naging reaksyon ni Sten.
“Tita, maraming salamat po ulit dito,” at ngumiti siya sabay tingin sa Mommy ni Chardee.
“You’re always welcome Sten,” sagot naman ng Mommy ni Chardee.
“Maraming-maraming salamat ulit Pinky ha para rito, hindi ko akalain na nagpabalot ka pa,” walang humpay na pasalamat ni Mariare sa kaibigang si Pinky.
“Pa’no ba ‘yan, we have to go na,” ani ni Pinky sa kanila.
“Sige Pinky dahil gabi na rin at baka ma-traffic kayo sa daan niyan,” tugon naman ng ina ni Sten.
“Mag-iingat po kayo, Tita,” sabat naman ni Sten.
“Thank you,” sagot ni Pinky kay Sten. “Let’s go na Chardee...Jaymi is already waiting for us in the car,” patuloy na sabi nito.
“Bye! Susunduin ka na lang namin sa linggo!” hiyaw na sabi ni Chardee kay Sten habang papalayo.
“Opo!” sigaw rin niya sa kay Chardee sa magalang na wika.
“Mag-iingat kayo!” pahabol na sigaw ng ina ni Sten sa mag-inang Lasner habang kumakaway ang kamay nito ng pagpapaalam.
Tanaw na lang nila mag-ina ang gate na kababago lang nilabasan nila Chardee at ng Mommy nito pagkatapos ay sabay na nagkatinginan sila at ngumiti sa isa’t isa.