SCRAPBOOK

2345 Words
KABANATA 28 Tinungo ni Chardee ang kuwarto ni Sten. Alam niya ang kuwarto ni Sten dahil natatandaan pa niya iyon. Dahil gano'n pa rin ang sa loob ng kanilang tahanan at walang ipinagbago. Kung may nagbago man malamang pinalitan ng mga kurtina ang kanilang mga bintana at sapin sa upoan. Nang nasa pintuan na si Chardee ng kuwarto ni Sten ay kakatokin na sana niya ito at tatawagin ang pangalan ni Sten ngunit nag-iba ang kaniyang isip. Hinawakan niya ang door knob ng pintuan sa kuwarto ni Sten at napansin na hindi pala ito naka-lock kaya ipinihit na niya ito ng dahan-dahan para bumukas ang pinto. Nang mabuksan na niya ito ay dahan-dahan din siyang pumasok sa loob sabay nang pagsara sa pintuan. Naka-paa lang siya kung kaya hindi iyon nakalikha ng ingay sa mapulang sahig ng kuwarto ni Sten. Maliit lang ang kuwarto ni Sten pero ang kaniyang kama ay puwede na panghigaan hanggang sa tuluyan na siyang maging isang ganap na dalaga. May sariling study table si Sten. May isang malaking aparador na salamin ang pintuan nito. Simple lang ang kaniyang kuwarto pero may mga soft toys naman, klase-klase kaya nang sinubaybayan ito ng tingin ni Chardee ay wala roon ang soft toys na ibinigay niya noon kay Sten. Napakunot noo siya sa pagtataka. Inihakbang pa niya ang kaniyang mga paa kaya medyo malapit na siya sa higaan ni Sten na sa kanan niyang banda. At doon nga nabungaran niya ang natutulog na si Sten. Ngunit bumaling siya sa maliit na mesa na kung saan nag-aaral si Sten. Agad niya napansin ang isang malaking Scrapbook. Iyon agad ang humuli ng kaniyang pansin. Naalala niya ang scrapbook na ‘yon. Iyon ang ibinigay niya nang pa-sekreto kay Sten noong nagtapos sila sa 1st grade. Hindi nga pala niya noon nasabi kay Sten na may ibinigay siya rito hanggang sa nakaalis na lang sila. Nilapitan niya iyon at tatangkaing buksan ngunit sinulyapan niya muna si Sten kung nanatili pa rin bang tulog. At gano’n pa rin nga ang posisyon nito na nakatagilid nang higa na sa kaniya pa mismo nakaharap. Katabi pa ni Sten ang kaniyang uniporme at toga na hindi pa niya nailigpit dahil pasalpak na siyang nahiga kanina na kahit ang pag-iisip ay nakatulogan na niya. Nang mapagtantong tulog pa rin si Sten ay kinuha na niya ang scrapbook nito at dinala niya sa kaniyang mga kamay upang simulang buksan. Binuklat nga niya at tiningnan ang nasa loob niyon. Mataman niyang tinitigan ang bawat pahina ng scrapbook ni Sten saka kumunot ang kaniyang noo. Alam kasi niyang mahilig gumuhit si Sten kaya naisipan niyang ito ang ibigay sa kaibigan dahil nasisiguro niyang matutuwa itong talaga. At hindi nga niya akalalin na magpahanggang ngayon din pala ay nakahiligan pa rin nito ang gumuhit. Saka may mga sulat pa sa bawat larawan na isinusulat niya. Maya't maya ang pagsilay ng matamis na ngiti ni Chardee sa kaniyang labi dahilan para lumitaw ang dalawang malalim na biloy niya sa pisngi. Saka isinarado na niya ang scrapbook at ibinalik ito sa kinalalagyan. Binalingan na niya si Sten na natutulog pa rin. Nilapitan na niya ito nang dahan-dahan saka iniluhod ang isang paa it ipinuwesto ang sarili na parang nakaupo pero hindi naman ngunit nakadantay lang ang kaliwang kamay niya sa isang tuhod niya. Minamasdan na niya si Sten ngayon habang natutulog. Nasa kalmado itong mukha dahil hindi ito nagtaray, aniya. Sa madaling salita, napakapayapa ng mukha nito. Malaki na rin ang ipinagbago nito. Nanatiling nakatitig pa rin si Chardee sa mukha ni Sten. At ang buong silid ng kuwarto ni Sten ay nabalutan ng katahimikan. “Napakasarap nga pala talaga ng mga ‘to, Pinky.” Habang nagsasandok ng dessert sa kaniyang plato si Mariare ay panay ang puri niya sa mga inihanda ni Pinky sa ibinalot na pagkain para sa okasyon ni Sten. “Sabi ko sa ‘yo, eh, kaya kain lang ng kain dahil ang dami pa nito oh, at kung hindi maubos bigyan natin ‘yong mga kapitbahay ninyo rito,” ngiting turan ni Pinky kay Mariare. “Naku! Huwag na Pinky at salamat na lang. Iyang mga kapitbahay na bibigyan mo eh, ‘wag na lang.” Natigilan si Pinky sa sinabing iyon ni Einna. Pinagtakhan ni Pinky iyon kaya agad na hinampas ni Mariare sa balikat si Einna kaya nagulat ito at napatingin sa mukha ni Mariare na naiinis na sa kaniya ngayon. “Aray ko naman, ang sakit!” reklamo pa ni Einna na nakatingin ngayon kay Mariare. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo, ha?” pagtimpi sa galit na tanong ni Mariare sa kapatid. “Ang sabi ko lang naman na bibigyan iyang mga walang kuwentang kapitbahay natin eh, panay lang naman tsismis ang mga iyan,” seryosong sagot ni Einna pero bakas sa tinig ang pagbibiro nito. Natawa naman nang lubusan si Pinky sa kapatid ni Mariare. “Boses mo, hinaan mo at baka marinig pa tayo ng kapitbahay niyan,” saway ulit ni Mariare kay Einna. “Naku, hayaan mo na. Pagkain lang naman iyan eh, it’s okay.” In-aksyon pa ni Pinky ang kamay sa ere para ipabatid sa kanila na hindi na mahalaga dahil pagkain lang naman at hindi na pinagtatalunan pa. “Tingnan mo, napakabait ng kaibigan mo. Ikaw lang itong lagi komukontra sa akin imbes na suportahan mo ako,” pagtatampo pa sa boses na sabi ni Einna kay Mariare. Nagpigil naman ng tawa si Pinky habang patuloy na kumakain pa ang dalawang helper ni Pinky kasama si butler Jaymi na seryoso rin na kumakain habang palipat-lipat ng tingin sa mga nagtatalo sa kaniyang harapan. Saka nagsalita si Jaymi makaraan ang ilang segondo. “Siya nga po pala, may binili nga po pala si Chardee. Nasa back seat ng kotse ko inilagay. Teka at kukunin ko po muna. Maiwan ko muna kayo,” pagpaalam pa ni butler Jaymi sa mga ito. Agad naman silang lahat tumango kay Jaymi at sinundan ito ng tingin na papaalis. “Bakit ang tagal naman ng mga bata lumabas? Ano kayang nangyari sa kanila?” takang tanong ni Einna sa katabing si Mariare. “Oo nga ‘no? Kanina pa iyon si Chardee, hindi na nakabalik, eh, hindi pa ‘yon nakakain,” alalang sabi ni Mariare. “Hayaan niyo na baka masinsinang nag-uusap ang mga iyon. Ngayon lang ‘ata nagkataon ang dalawa, pansin ko.” Kumindat si Pinky kay Mariare. Parang ngumiti pa ito nang nakakaloko. “Sige nga Einna puntahan mo ‘yong mga bata dahil baka nagugutom na iyon maging si Sten. Hindi pa naman iyon nakakain ng mabuti kanina,” tugon ni Mariare sa kapatid. Agad naman na tumayo si Einna at pinuntahan na ang dalawa sa kuwarto ni Sten. Pero bumalik rin agad at parang nakakita ng multo ang reaksyon ng mukha. “Anong nangyayari sa ‘yo? Ba’t ganiyan ang mukha mo?” takang tanong ni Mariare sa kapatid. “How’s them?” tanong na rin ulit ni Pinky kay Einna. “Pa’no ko ba sasabihin...kailangan niyong makita ‘to,” tugon ni Einna sa seryosong boses. Tumalima naman sila at agad na tinungo ang kuwarto ni Sten at iyon na nga nabungaran nila ang kuwarto ni Sten dahil pinatili itong bukas ni Einna nang buksan niya ito. Tumambad sa kanila ang natutulog na Sten at Chardee na kapwa naghihilik pa. Ang kanina’y natutulog na Sten na nakaharap kanina kay Chardee ay tinabihan na ito ni Chardee at nakaharap na rin siya kay Sten na natutulog. Para naman kinilig si Einna at Pinky nang makita ang sitwasyon ng dalawa. Habang si Mariare ay nagk-krus pa na tila nagulat sa nasaksihan. “Akala pa siguro nila ay mga bata pa sila,” ang nasabi na lang ni Mariare sa dalawang kasama. “Napaka-sweet Mar, hindi ba?” lokong tanong pa ni Pinky kay Mariare na halatang pinipigilan ang sariling makilig. “Oo nga. Tama ka riyan. Bagay nga sila eh, ‘no?” suhestiyon naman ni Einna kay Pinky. Napabuntong-hininga na lamang si Mariare sa tinuran ng dalawa. Maging siya ay wala ring nagawa. “Alam niyo? No’ng nasa mansyon si Sten noong maliit pa sila, nadatnan din namin sila ni Jaymi no’n na magkatabi nang natutulog. Pero hindi roon sa kama kun’di sa sahig, gumawa ng bahay-bahayan kaya natawa na lamang ako sa kanila,” pahayag naman ni Pinky kina Mariare at sa kapatid nito. “At bakit mgayon mo lang ‘ata nasabi ito sa ‘kin?” ang natanong na lamang ni Mariare sa kaibigang si Pinky. Nagtatanong ang mga mata ni Mariare habang hinihintay ang sagot ni Pinky. Maging si Einna ay nagtataka rin kung kaya’t palipat-lipat siya ng tingin ngayon sa dalawang kasama habang nasa b****a sila sa pintuan ng kuwarto ni Sten na nanatili pa ring nakabukas. Nagpakawala ng buntong hininga si Pinky bago nagsalita. “I’m sorry, kapag sinabi ko kasi iyon sa ‘yo ay baka hindi mo na payagan si Sten pumasyal sa ‘min ulit kaya inilihim ko na lamang,” walang gatol na sagot ni Pinky sabay ng kaniyang pagngisi. “Naku...ayos lang! Hindi rin naman iyan magagalit,” kampanteng turan naman ni Einna na parang binalewala lang. “Einna...” gigil na sambit ni Mariare sa pangalan ng kapatid. May diin na iyon. Pagkatapos binalingan niya si Pinky na nakangiti. “Ano ka ba naman Pinky...at bakit naman ako magagalit? E, tiwalang-tiwala ako riyan kay Chardee dahil alam kong mabuting bata siya at nanggaling sa respetadong pamilya. Sa totoo nga niyan ay mas nahihiya ako sa inyo, akalain mo ba naman na sa tinagal ay magkaibigan pa rin tayo at ang mga bata. Hindi nagbago ang naging pakikitungo niyo sa amin,” mataas na salaysay ni Mariare sa kaibigang si Pinky na seryoso rin naman na nakatingin sa kaniya habang siya ay nagsasalita. Ngunit ngiti lang ang tinugon ni Pinky at niyakap nito ang kaibigan. “Alis na tayo, balik na tayo ro’n at baka magising pa natin sila,” mungkahi naman ni Einna. Kung kaya ay ibinalik nila sa pagsara ang pintuan at nilisan na ang kuwarto ni Sten habang nanatiling mahimbing pa rin na natutulog ang dalawa. Makalipas ang tatlo’t kalahating oras ay hindi pa rin nagigising ang dalawa kung kaya naman ay napagpasyahan na lamang ng Mommy ni Chardee ni mauuna nang umuwi kasama si butler Jaymi at ng dalawa pa nilang kasambahay. Bagaman pasado alas-dyes na ng gabi at gabi na kaya hinayaan na lamang ni Pinky na sa kanila Mariare na tuluyang matulog si Chardee. Ipapaliwanag na lamang niya sa husband na si Romy Chorein kung sakaling maghanap man ito. Kaya walang atubiling umalis na nga sina Pinky matapos na makapagpaalam sa kina Mariare at Einna. Hinayaan na lamang din ni Mariare ang dalawa kaya bago pa man sila matulog at nailigpit na ang dapat iligpit ay kaniya pang sinilip ang dalawa sa kuwarto ngunit nang mapagtantong tulog pa rin ang mga ito ay isinara niya ang ulit ang pintuan. Iniwan na niya ulit ang mga ‘to habang may ngiti sa mga labi. Maghahating gabi na nang magising ng kusa si Sten at nagulat pa siya nang maramdamang masikip ang kaniyang hinihigaan. Nang lingunin niya ang kaniyang kaliwang bahagi ay nakita niya agad ang natutulog na si Chardee kung kaya napasigaw siya rito. Napabalikwas naman ng bangon si Chardee habang mugto ang singkit nitong mga mata na halatang galing sa malalim na pagkatulog. “W-what?” alanganing tanong ni Chardee sa kaniya. “A-nong g-ginagawa mo rito?” gulat pa ring tanong ulit dito ni Sten na hindi makapaniwala. Pababa at pataas ang tingin na sinuuyod niya ang kaibigan. Hindi na kasi ito nakasuot ng uniporme kun’di sweatshirt long-sleeve at jogger pants ang suot nito. “Bakit ka nandito sa kuwarto ko? P-pa’no ka nakapasok?” sunod-sunod na tanong sa kaniya ni Sten. Kinusot-kusot pa ni Chardee ang kaniyang mga mata na tila nililinaw pa ang nangyayari ngayon. “Gosh, inaantok pa ‘ko. Can I continue to sleep? Mag-usap na lang tayo bukas,” walang ganang sagot ni Chardee sabay talikod kay Sten at niyakap pa nito ang unan sa kaniyang tabi. “P-pero Chard...” putol na lang sa sasabihin ni Sten dahil wala na siyang nagawa nang bumalik na nga ito sa kaniyang pagtulog. Nag-alangan si Sten na kulitin ito ulit para gisingin dahil mukhang seryoso itong natulog ulit. Kaya nagdahan-dahan na lamang siya sa pag-alis sa kama sa bandang paanan nang sa gano’n ay hindi niya masagi ang natutulog na si Chardee. Pagkababa niya sa kama ay hinanap niya agad ang kaniyang tsinelas panloob, isinuot ito at lumabas na ng kuwarto. Pagkalabas ni Sten ng kaniyang kuwarto ay tumama naman ang kaniyang paningin sa kuwarto ng kaniyang Mama na kaharap lang mismo ng kuwarto niya. Pupuntahan sana niya ang kaniyang Mama dahil litong-lito siya ngayon sapagkat nadatnan niyang natutulog mismo sa kaniyang higaan ang kaniyang kababata. Akalain mo iyon, napakayaman nito ngunit natutulog lang sa maliit niyang kama na hindi naman ganoon kalambot ang kaniyang higaan. Baka manibago ito at sumakit pa ang katawan nito paggising. Pero nagbago ang isip niya, baka madisturbo pa niya sa pagtulog ang kaniyang Mama kaya hindi bale na lang. Pupunta na lamang siya sa kusina at kakain dahil nakaramdam siya ng paghihilab ng kaniyang tiyan. Nagugutom siya. Malamang dahil kaunti lang ang kinain niya kanina at wala man lang siyang naramdaman na nagkalaman ang kaniyang tiyan kanina habang kumakain. Marahil sa wala siya sa kaniyang sarili kanina kaya wala siyang gana kumain at magkikilos. Sinimulan na niya ang pagkain. Bagaman nagtataka man sa mga pagkaing parang ngayon pa niya matitikman dahil hindi ang mga inihanda kanina nang kumain siya ang kaniyang nakita ay walang tanong-tanong pa na sinimulan niya ang pagkain. Ilang minuto lang ay tapos na siya saka hinugasan ang sariling pinagkainan at kumuha ng matatamis na puwede niya kainin sa loob ng kaniyang kuwarto kaya kumuha siya ng ilang piraso ng choco balls dahil paborito niya ito. Inilagay niya iyon sa maliit na platito saka sinimulang maglakad pabalik sa kaniyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD