KABANATA 25
“Hello po Kuya Jaymi!” ang bati ni Sten kay butler Jaymi na nasa loob ng sasakyan. Binungaran niya kasi ito mula sa may bintana ng kotse. Nagulat naman ito ngunit ngumiti rin kaagad.
“Senyorita Sten, nariyan ka na pala. Si Senyorito ba, nasaan? Ba’t parang hindi yata kayo nagkasabay, eh, ikaw naman sadya no’n sa loob.”
Sumakay naman si Sten sa loob ng kotse sa may likuran nang denitalye sa kaniya ni Kuya Jaymi ang tungkol sa pagpunta nila ni Chardee ng school nila.
“Ano ka ba Kuya Jaymi, ‘wag mo na nga ako tawagin ng gan'yan. Wala namang tao,eh, tayo lang ang nandito,” sabi ni Sten kay butler Jaymi na hinuhuli pa ito sa kaniyang pagkamagalang.
“Pasensya ka na Senyorita at tila nasanay na ‘ata ako. Medyo matagal din kasi tayong nagkahiwalay kaya medyo nakalimutan ko na rin ang minsan na maging di-pormal naman,” litanya ni butler Jaymi kay Sten.
“Talaga po bang sinadya niya akong puntahan dito?” seryosong tanong ni Sten kay Kuya Jaymi niya.
“Ah, oo. After ng school niya ay rito talaga agad ang destinasyon niya,” sagot naman ni Jaymi.
“Eh, k-kasi po Kuya Jaymi lagi akong nagugulat sa kan'ya,” sumbong pa niya sa Kuya Jaymi nila.
“Huh. Bakit naman, Sten?” takang tanong ni Kuya Jaymi niya sa kaniya.
“Kasi naman po Kuya Jaymi, bigla ba naman susulpot ‘yon, eh, magugulat talaga ako.
Napatawa naman si Kuya Jaymi sa sinabi sa kaniya ni Sten. Iyon naman kasi ang asal ng alaga niya kaya hindi na siya magtataka pa kung bakit nagrereklamo nang ganito si Sten. Pinagtakhan namang tingnan ni Sten si Kuya Jaymi. Nang biglang gumalaw ang kotse dahil bumukas iyon at pumasok sa loob si Chardee saka pabalang na isinara ng malakas ang pinto niyon kaya nagulat naman silang dalawa.
“Oh, Chardee. Ang tagal mo naman ‘ata at nauna pa itong si Sten sa ‘yo,” bungad na salita ni Jaymi sa alaga.
Kumunot lang ang noo ni Chardee at tinapunan lang ng tingin si Sten habang si Sten na ngumiti ay napalis iyon nang mapagtanto niyang wala ‘ata sa mood ang kaniyang kababata. Marahil sa kaniyang ginawa kanina. Pa’no naman kasi, napikon siya sa kababata kaya ginawa niya ‘yon. Hindi naman niya ugali ang magsuplada pero bakit kapag sa tuwing nakakaharap niya ang kaibigan niyang ‘to ay nag-iiba ang ugaling naipapakita niya. Kaya maging siya man ay nag-aalala na rin sa mga ikinikilos niya.
Hindi nagsalita si Chardee bagaman nanatili lang siyang naupo at ipinag-krus pa ang kaniyang mga braso. Pinabayaan na lang ni butler Jaymi ang alaga. Alam na alam niya ang pag-uugali nito kaya sanay na siya.
“Okay...alis na tayo,” sabi pa ni butler Jaymi na diniinan ang salita para maparating ito kay Chardee.
Habang si Sten naman pinagmasdan lang niya si Chardee na nakatuon na ang paningin nito sa labas ng bintana ng kotse. Nag-alangan siyang kausapin ito dahil parang malamig ‘ata ang pakikitungo nito sa kaniya. Gano’n ba ‘to magdamdam, dinidibdib talaga? Hindi naman gan’to ang Chardee’ng nakilala niya noong mga bata pa sila dahil kahit istrikto ang batang Chardee na iyon ay likas namang masayahin iyon at lagi siyang inaanyaya upang maglaro. Sana pala nagdahan-dahan siya sa mga inaakto niya sa harap ng kababata niya dahil malaking kaibahan na ang dati kaysa ngayon. Baka nga ba’t napakamatampuhin na nito at napaka-emosyonal.
Maguguluhan pa ‘ata ang utak niya sa kaiisip. Siya na siguro ang mag-a-adjust.
“Ahm, Kuya Jaymi? Saan nga pala tungo natin?” tanong ni Sten nang hindi siya mapalagay.
At sa kaniyang sorpresa, imbes na si butler Jaymi ang sumagot ay si Chardee ang bumoses.
“Why do you always ask that you know where we go after school,” sabi nito sa kaniya na nag-smirk pa nang balingan siya nito ng tingin.
Napanganga naman si Sten sa ipinakitang iyon ni Chardee. Nakakaloko talaga itong kababata niya, parang may sayad lang yata.
“Pupunta tayo sa coffee shop. Anong akala mo, gugutumin mo kami. Syempre kakain kami lagi ro’n. Hm?” tinaasan siya ng kilay ni Chardee. Muntik pa siya mapamura ng tawa pero nagpigil siya.
Aba't gutom lang siguro ang dahilan nang pag-iba ng asal niya kanina. Kung gano'n, ang ugali niya noong mga bata pa kami, sa tuwing nagugutom siya ay iyon pa rin 'yon? Wow, tila walang nagbago ro'n. Anang isip ni Sten.
“What? makahulugang tanong ni Chardee kay Sten.
“Hindi mo naman kasi sinabing nagugutom ka na?” prangkang tugon ni Sten.
Nginitian siya ni Chardee.
“I would rather be quiet when hungry than make noise,” seryosong sagot ni Chardee.
Tumitig si Sten kay Chardee at parang nakonsensya pa siya sa kaniyang inasal.
“Galit ka ba sa ‘kin?” biglang natanong ni Sten kay Chardee.
Napalingon naman si Chardee kay Sten at sinamaan niya ng tingin si Sten na ikina-worry naman ni Sten, base na rin sa itsura ng mukha niya.
Imbes na ipinagkrus ni Chardee ang kaniyang mga braso habang nakaupo ay bigla niya iniba ang kaniyang posisyon. Lumapit pa siya ng kaunti kay Sten at inilagay niya ang kaniyang kaliwang kamay sa mga balikat ni Sten. Tiningnan naman siya ni Sten sa kaniyang ginawa nang may pagtataka. Pagkatapos ay nangunot ang kaniyang noo sa ginagawa ni Chardee ngayon sa kaniyang tabi na nakaharap pa ito sa kaniya. Nang magtama ang mga mata nila ay gano’n na lang ang kakaibang naramdaman ni Sten nang ngumisi si Chardee sa kaniya ng may pagkaloko at sabay kagat sa ibabang labi-nito.
“What if,” at ibinitin pa talaga ni Chardee ang kaniyang salita para kay Sten dahilan para magtagpo ang dalawang kilay ni Sten sa kaniya.
Parang mababakasan ang inis at kaba nito sa kaniyang mukha.
“Pa’no kung galit nga ako sa ‘yo?” seryosong sabi ni Chardee kay Sten.
Bumulatay naman ang kuryinteng kaba na nararamdaman ni Sten sa kaniyang katawan. Hindi niya lubos maunawaan ang seryosong mukha nito na nagpapakita talaga na may galit sa kaniya. At hindi niya rin talaga ito lubos na naunawaan. Sa ipinapakita ba naman nito ngayon sa kaniya ay isang malaking katanungan para sa kaniya. Baliw ba itong kababata niya? Totoo ba ang sinabi nito sa kaniya? Hindi ba siya nito nililinlang lang? Katanungang gusto niyang itanong sa kaniyang kababata pero kung seryoso ito na galit nga ito sa kaniya. Sa ano namang dahilan? Wala naman siyang ginawa rito kun’di ang pag-walk-out niya kanina sa kanilang usapin.
Nasa malalim siyang pag-iisip nang biglang inilapit ni Chardee ang mukha nito sa kaniya at pinakatitigan siyang mabuti. Para naman siyang naduling sa kasusunod niya ng tingin sa tingin din nito sa kaniya. Pagkatapos ay lumayo na ito sa kaniya sabay ng nakakaasar na tawa nito. Nabigla naman siya sa reaksyon na ‘yon ni Chardee. Baliw nga talaga itong kababata niya. Gano’n ba talaga ang nangyayari sa mga matatalinong tao? Anang isip ni Sten na nanatili pa ring nakatitig sa kababata. Nang walang makuhang tugon si Chardee kay Sten ay tiningnan niya muli si Sten at nakita niyang natuod ito sa kaniyang kinauupuan. Nanatiling nakatitig lamang sa kaniya.
“Hey? I was joking, nothing serious.”
Hinawakan ni Chardee ang baba ni Sten para i-angat ang mukha nito at doon lang natauhan si Sten sa kaniyang malalim na iniisip. Kaya naman hindi na tinugon pa ni Sten nang ano pa mang salita si Chardee. Siya na lamang ang nag-iwas ng kaniyang mukha sa paghawak no’n ni Chardee kaya napangisi ulit si Chardee sa inasal ni Sten. Tumahimik na lang si Sten dahil mukhang hahaba pa ang alitan sa kanilang dalawa. Hindi niya malaman kung maiinis ba siya rito o unawain niya? Hindi niya talaga ito naiintindihan.
“Ayos lang ba kayong dalawa riyan?” salita ng kanilang Kuya Jaymi na na nilingon pa sila sa likuran at sumulyap naman sa salamin kung saan kita silang dalawa sa likuran.
Hindi sumagot si Chardee kun’di ay nag-smirk lang. Napailing na lang si Kuya Jaymi nila.
“Eh, ikaw Senyorita Sten?” baling naman niyang tanong ulit at ngayon ay kay Sten na.
“P-po? Oo naman po Kuya,” agap na sagot naman ni Sten na nabigla pa ngunit ngumiti naman siya kay Jaymi. Nginitian na rin siya ni Kuya Jaymi nila pabalik.
Napabuga naman ng hininga si Chardee kung kaya narinig ni Sten iyon at nilingon niya ang katabi. Isang dangkal lang naman ang layo nila sa isa’t isa. Napatingin na rin si Chardee sa kaniyang gawi nang maramdamang binalingan siya ng tingin ni Sten. Nagkatitigan sila at nagsukatan ng tingin ngunit binawi rin iyon ni Chardee at...
“What?” tanong niya kay Sten.
“W-wala...” ang tanging nasagot na lamang ni Sten at itinuon na lang sa harap ang tingin. Ngunit sa kabilang banda naman ay ngumiti nang palihim si Chardee. Isinandal saglit ang ulo sa headboard ng upuan ng kotse at ipinikit ang kaniyang mga mata.
LASNER’S COMPANY BUILDING
“How are they?” ang pangungumusta ni Romy Chorein sa kaniyang mga ipinag-uutos.
May kinausap siya ngayon sa telepono sa loob ng kaniyang opisina. Patango-tango siya habang nakikinig sa kausap sa kabilang linya.
“Okay, then... I wanted to meet her too soon as long as I have my schedule. Nothing to worry about it. It will be settled, I assure of it.”
Tango na naman ni Romy Chorein sa kaniyang ulo. Pagkatapos ng ilang segondong lumipas ay ibinaba na niya ang telepono.
Nagpakawala ng buntong hininga at nag-isip ng malalim habang nasa malayo ang kaniyang paningin. Ipina-ikot niya kasi ang kaniyang swivel chair at iniharap ang pagkakaupo niya sa Transparent Glass Wall ng kaniyang opisina. Kitang-kita kasi ang mga tanawin na nasa itaas mula sa kaniyang puwesto. At dahil nasa edad na si Chardee sa pagkabinatilyo kaya si Romy Chorein naman ay nasa mid 30’s na. Hindi naman gano’n katandaan at kabata pero sakto lamang. Makisig pa tingnan dahil nagsimula lang naman siya sa pagbuo ng pamilya nang makapagtapos siya ng kaniyang kurso at ipinatakbo agad ang kanilang sariling ari-arian na minana niya sa kaniyang kapwa magulang. Nagmana nga ang kaniyang Unico Hijo sa kaniya subalit mas kamukha nito ang kaniyang Grandfather. Doon nakuha ni Chardee ang katangian ng kaguwapuhan nito kaya habang lumalaki si Chardee ay unti-unti na lumilitaw ang lahing Koreano nito at dugong Pilipino.
Naging busy si Romy Chorein sa kaniyang kompanya pagbalik nila rito sa Pilipinas. Matagal din siyang nawala at ibinilin niya sa mga pinagkatiwalaan niya ang kanilang mga negosyo rito sa Pilipinas. Nawalan siya ng oras sa Unico Hijo. Pero alam naman niyang tulad ng dati nang nasa Korea si Chardee ay masipag pa rin itong mag-aral at hindi siya binibigo. Ngunit hindi niya alam kung may magbabago ba na ngayon ay nagkita na sila ng kaibigang iniwanan nito ng ilang taon. Pero mas kampante siya ngayon kaysa no’ng nasa Korea sila. Ayaw niyang bumitiw ng mga salita na ilalabas niya sa kaniyang bibig. Totoong nahihirapan siya sa kaniyang anak ngunit darating din ang tamang panahon na makapagsalita siya. Gusto niyang umiwas ng gulo sa pagitan nila ng kaniyang Unico Hijo dahil kung ano siya ka-istrikto rito ay mas malala pa ang ugali nito sa kaniya. At alam niyang darating din ang araw na ‘yon sa kaniyang anak kaya nakapaghanda siyang gawin ang lahat-lahat para sa Unico Hijo. Walang tatalo sa katalinuhan ng anak kapag nagkataon.
STEN
Heto na...ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ga-graduate na ako sa wakas! Ang saya-saya ko sa araw na ‘to dahil makakatungtong na ako ng Secondary High School at makakasama ko na sa wakas sa iisang school si Chardee. Teka nga lang...si Chardee nga pala. Iyong nangyari no’ng nakaraang araw. Lagi siya sumusulpot sa eskuwelahan nang walang pasabi man lang. Hindi siya tumutupad sa usapan na sa bahay na lang niya ako puntahan ngunit sa halip ay lagi akong nasusurpresa sa mga pinaggagawa niya.
Pero natutuwa naman ako sa ginagawa niya kaya nga lang hindi maiiwasang nagkakaroon kami lagi ng problema sa tuwing nangyayari iyon at isa pa sa pinaka-ayaw ko ay ang pag-angkin niyang pinsan niya ako na ayoko naman sa lahat. Nakakainis siyang talaga. Ayoko iyong ganoon ang isipin ng lahat sa amin. Hindi naman kasi kami totoong magpinsan. Simula noong mga bata pa kami ay iyon na lagi ang kaniyang dinadahilan sa lahat. Hindi naman kami ganoon kasing-yaman ng pamilya nila para akuin niyang magpinsan kami. Kapag nalaman ng lahat pa’no kaya ‘yon? Sumasakit ang ulo ko sa isiping iyon lalo na ang...ang nararamdaman ko. Ano ba ang nararamdaman ko?
~WAKAS~
“Sten! Anak? Lumabas ka na riyan at baka mahuli ka na niyan,” ang sigaw ni Mariare sa pangalan ng kaniyang anak mula sa labas ng kuwarto nito.
Kanina pa siya katok ng katok sa anak dahil mukhang natatagalan na ‘ata ito sa pag-aayos sa kaniyang silid. Ala-una y’ medya pa naman magsisimula ang kanilang palatuntunan sa pagtatapos. Nakapaghanda na siya sa lahat ng dadalhin nila ngunit si Sten Marie na lamang ang kahuli-hulihan niyang hinihintay.
“Lalabas na po, Mama.”
Tumayo na si Sten at binuksan ang pintuan ng kaniyang silid. Nabungaran naman niya agad ang kaniyang ina na nasa labas ng pintuan na naghihintay sa kaniya.
“Oh.”
Lumapit si Mariare sa kaniyang anak na nakatayo na sa pintuan ng kuwarto nito. Pinasadahan nito ang anak ng tingin. Nagtataka namang nakatingin si Sten sa ina.
“Oh, anak. Bagay na bagay sa ‘yo ang bagong tahing uniform,” sabay hawak ni Mariare sa pangtaas at pangbabang uniporme ni Sten.
“Mama, ga-graduate na po ako disen sana hindi na kayo nagpatahi pa kasi hindi ko na rin naman ito magagamit sa susunod na eskuwela,” ani ni Sten sa ina. Hinawakan ng ina ang kaniyang mukha.
“Sten, maiksi na sa ‘yo ang mga iyon kaya pinatahian kita ng bago nang sa gano’n ay makaterno ito sa susuotin mong toga.”
Bumuntong-hininga si Sten. Pero kahit na, at nagsasayang lang ng pera ang kaniyang Mama. Sayang din ‘yon. Napabusangot si Sten sa harap ng kaniyang ina.
“Ano ba... Graduation day mo ngayon kaya huwag kang gan'yan. Magtatampo ako sa ‘yo, gusto mo ba ‘yon?” ang nasabi na lang ni Mariare na tila nagtatampo sa anak. Agad naman bumakas ang pag-alala ni Sten sa ina.
“Mama, huwag ka nga po gan'yan. Na-appreciate ko naman po ito kaya lang nag-aalala lang po ako sa inyo.”
“Ano ka ba...hindi ba sabi ko naman na ayos lang. Itatago na lang natin pagkatapos as remembrance mo sa ‘yong pagtatapos, okay?” at nginitian siya ng kaniyang Mama saka niyakap nang napakahigpit. Hinalikan pa nito ang kaniyang maitim na buhok.
“Mama, naman.” Hinigpitan din ni Sten ng yakap ang ina saka ngumiti.
“Sige na, 'wag nang mag-drama pa at bilisan na natin dahil baka mahuli ka pa sa Program Ceremony niyo.”
Dali-dali na silang umalis palabas ng kanilang bahay. Si Einna naman, ang kapatid ni Mariare ay hindi makakapunta sa mahalagang okasyon ni Sten. Marahil ay sa pagsasalo na lamang nila ito pupunta bagamat hindi mapag-iwanan ang kanilang tindahan na unti-unti na ring lumalago. Si Einna lang ang tanging naaasahan na magbantay sa dalawa nilang tindahan. Ang Coffee Shop at ang Bakery Shop nila na kapwa magkatabi lamang.
Nang makarating na sina Sten at ang kaniyang Mama Mariare sa school ay tamang-tama naman na kasisimula pa lamang ng kanilang Graduation Program. Habang dinaluhan niya ang linya para sa mga graduating students kung saan magsisimula ang kanilang pagmartsa ay gano’n din ang kaniyang Mama Mariare nakalinya rin kasabayan niya para sa mga magulang na i-mamartsa ang kanilang mga anak. Palinga-linga at hindi naman mapakali si Sten sa kaniyang kinatatayuan. Isang napakahalagang araw ito ngayon para sa kaniya subalit parang hindi yata siya masaya. Bakit nga ba?