KABANATA 24
“Um, Kuya Jaymi...can you drive faster po. Napakabagal naman ng takbo ng sasakyang ‘to?” reklamu pa ni Chardee kay Kuya Jaymi niya na personal butler niya.
Sinilip naman siya ni butler Jaymi sa salamin.
“Bakit ba Chardee't nagmamadali ka eh pasaan ba at makarating din tayo sa ating paroonan.”
Hindi sumagot si Chardee. Saglit na katahimikan ang namayani sa kanilang biyahe. May kalayuan din kasi ang Antional Secondary High School mula sa dati’y school nila ni Sten noong nasa 1st grade pa sila ng elementarya. Parang kailan lang naiisip niya. Pero bakit kaya nasa school pa rin na iyon si Sten na kung tutuusin ay magkasabay lang sila at pareho lang ang kanilang baitang. Parang may bagay yatang nagpapagulo sa isipin niya.
“Chardee!” tawag ni butler Jaymi sa kaniyang pangalan. Nilakasan na niya para marinig siyang talaga.
Napakislot naman si Chardee pagkarinig niya sa boses ni Kuya Jaymi niya.
“Ayos ka lang ba senorito? Mukhang may malalim kang iniisip, uh? Ano ba ‘yon?” sunod-sunod na tanong sa kaniya ni Kuya Jaymi niya habang pasimpleng sinisilip siya sa salamin sa loob ng kotseng minamaneho ni butler Jaymi.
“N-nothing. Kung alam ko lang na ganito ka magpatakbo ng sasakyan ngayon, nag-motor bike na lang sana ako.”
Istriktong sabi ni Chardee kay Kuya Jaymi niya na halatang naiinis. Napapa-iling na lang si Kuya Jaymi niya sa kaniyang tinuran. Sa hinaba-haba ba naman ng pagsasama nila ay hindi na siya natatamaan sa kasungitan ng alaga niya, maging ang hindi pag-unawa minsan sa ipinapakita nito. Kilalang-kilala na niya ang ugali ng Chardee na ‘to. Simula’t sapul pa lamang.
Nasa kalagitnaan ng kanilang klase si Sten. Sinusulit pang muli ang kahuli-hulihang klase nila dahil sa naturang aktibidadis sa kanilang eskuwelahan. Dalawang araw na lang kasi at magtatapos na siya sa elementarya. Nasa kaniyang konsentrasyon siya sa kaniyang ginagawa nang magsimulang mag-ingay ang mga kaklase niya. Nagbubulongan na naman ang mga ito na tila kinikiliti. Napapalakas pa ang tono ng kanilang boses. Pero 'di nagtagal ay tinabihan siya ng kaniyang kaklaseng nakikiusyuso. Napalipat ang kaniyang tingin sa kaniyang katabi. Kunot-noo niya itong tiningnan. Ngumiti ito sa kaniya. Pinagtakhan naman niya ito habang patuloy ang naririnig niyang usap-usapan sa kaniyang paligid sa loob ng kanilang classroom.
"May kailangan ka ba sa 'kin?" takang tanong ni Sten sa kaniyang kaklaseng si .
"Gusto ko lang sana malaman kung ka-anu ano mo ba 'yong lalaking nagpunta rito noong nakaraang araw?" tanong ni na pinupungay pa nito ang mga mata.
"H-ha? Anong ibig mong sabihin?" turan naman ni Sten na maging siya ay nalilito sa katanungan nito.
Napaisip pa siya sa sinabi ni .
"Sten! Sten!" malakas na tawag ni Lauryn kay Sten. Ang kaklase niyang tanging dito lang malapit ang kaniyang loob.
“Bakit, sweetheart?
Para pa siyang matatawa. Ano ba kasing nangyayari sa mga kaklase niya’t parang may kung anong pinagkaabalahan na naman ang mga ito. Kasali rin kaya ang close friend niyang ito sa mga nangyayari ngayon? Nagtataka siyang talaga.
“Loves,” sambit nito ulit sa kanilang tawagan.
Napabaling naman ng tingin si Cathy kina Sten at Lauryn. Nagtataka na rin ito.
“Bakit, sweetheart? Ano ba ‘yon, ha?” ulit ni Sten na tanong sa kaibigan.
“May naghahanap sa ‘yo? Hali ka na!” sabi ni Lauryn sabay na hinila pa siya nito agad kaya napasunod na lamang siya.
“Teka! Bakit ba? Ano ba talaga ‘yon? Hindi mo pa ako sinasagot,” inis na tanong ni Sten kay Lauryn habang hila-hila siya nito sa may pintuan ng classroom nila.
Habang ang kaklase niyang si Cathy ay sinundan na lamang silang dalawa ng tingin na parang dismayadong hindi natugunan ang sana’y sasabihin nito. Para pa tuloy itong nang-uuyam.
“Ah, sige. Ipagpatuloy niyo lang,” habol na wika nito sa dalawa na hindi rin naman siya narinig ng mga ito.
“Ano ba-” putol na sabi ni Sten nang nakita niya kung sino ang nasa kaniyang harap ngayon.
Nang lingunin niya ang nasa kanilang paligid ay tahimik ang mga kaklase niyang nakapalibot sa kanilang dalawa ngayon ni Chardee. Tama, si Chardee nga ang naging bisita ni Sten Marie ngayon sa kanilang klase. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kaniya habang siya naman ay nasusupresa na naman sa naging pagdalaw na naman nito sa kanilang iskul. Pero nahihiya siyang talaga dahil pinagtitinginan silang dalawa ngayon na parang pagmamasdan pa ‘ata ng mga ito ang gagawin nilang hakbang. Tinulak pa siya nang bahagya ni Lauryn. Nasa likod niya ito kaya nabalingan niya ito na muntik pa niya nakalimutan ang kaibigan.
“A-ano ba?” tanong niya kay Lauryn sa mahinang boses. Pero pinanlakihan niya ito ng mga mata.
“Hindi mo ba ako ipakilala diyan sa naghahanap sa ‘yo?” sagot naman ni Lauryn sa mahinang boses din.
“H-ha?” takang sagot ni Sten na hinarap naman agad ang kababatang nanatiling nakatayo pa rin sa kaniyang harap.
“So, what’s now? Huh?”
Sa wakas ay salita ni Chardee na nagpakaba kay Sten. Galit ba ito? Bakit gano’n ang boses nito? Anang isipan ni Sten. Hindi siya agad nakasagot sa sinabi ni Chardee sa halip ay sinimangutan niya ito na siyang nagpatagpo sa mga kilay nito.
“Ano ba!” sita ni Sten kay Lauryn sa mahinang boses.
“Sige na. Ipakilala mo na ako,” anas ni Lauryn kay Sten. Pagkatapos ay napatingin sa kaharap ni Sten saka ngumiti rito at siya na mismo ang bumati rito.
“Hi! Ako nga pala ang close friend nitong si Sten,” panimula ni Lauryn sa kababatang kaibigan ni Sten na si Chardee.
Ngumiti naman nang malawak si Chardee kay Lauryn at imbes na sumagot ay hinila nito si Sten pagkatapos kinabig sa baywang kayat hindi lang sila magkatabi kundi napakalapit pa nila sa isa’t isa. Nagulat man si Sten sa ginawa ni Chardee ngunit mas nagulat ang close friend ni Sten na si Lauryn dahil sa pabiglang ginawa ni Chardee.
“Cousins, we’re cousins,” ang naging sagot naman pala ni Chardee sa close friend ni Sten na si Lauryn. Napatingin na lang si Sten kay Chardee na malaki ang gulat nito sa mukha. Hindi naman agad nakapagsalita si Lauryn.
Ngunit...
“Pinsan?” mahinang tanong ni Sten kay Chardee nang mabalingan niya ito ng tingin. Ngunit hindi rin siya sinagot ni Chardee sa halip...
“I’m sorry, if you will excuse us,” magalang na pagpaumanhin ni Chardee sa close friend ni Sten.
Saka naman umalis na silang dalawa dahil hilang-hila siya ni Chardee palayo sa kanilang classroom kung saan nanatili pa ring nakatingin sa kanila ang mga kaklase ni Sten kahit papalayo na sila sa mga ito. Napapalingon na lang si Sten sa naiwan niyang close friend na hindi na niya nagawa pang mag-iwan ng salita rito. Hindi rin namutawi ang bulong-bulongan o usapin sa bibig ng kaniyang mga kaklase, maging ang katabing ibang classroom pa nila bagaman tahimik lang din ang mg aitong nakamasid lang sa kanilang mga ikinikilos. Kaya naman hindi malamamn ni Sten kung ano ang maaari niyang e-reaksyon o gagawin. Nakakainis din naman kasi itong kababata niya dahil pasulpot-sulpot lang bigla at lagi’y magugulat ka na lang sa mga pinagagawa nito sa kaniya.
Nang makarating na sila sa isang bahagi ng school na tambayan ng mga istudyante kapag walang klase ay may upuan na nakahilera ro’n kaya naupo si Chardee agad habang nakatayo pa rin si Sten at tinitingnan lang ang kababata.
“W-what?” striktong tanong ni sa kaniya. Bigla naman siya natauhan sa boses na ‘yon ng kaniyang kababata kaya napaupo na rin siya sa tabi nito dahil parang mangangatog pa yata ang kaniyang mga tuhod.
“Ano ba kasing ginagawa mo rito?” tanong ni Sten kay Chardee sa mahinahong boses.
“Ano pa nga ba? Kun’di dinadalaw ka,” agad naman na sagot ni Chardee sa kay Sten.
“Pero dapat nagpapasabi ka naman,” sagot ni Sten na napatingin bigla si Chardee sa kaniyang mukha.
Ang kababata niya, ngumiti pa nang nakakaluko imbes na sagutin siya nito. Nabuhay tuloy ang kabang naramdaman ni Sten. Hinarap siya ni Chardee at pinakatitigan ng mabuti. Halos maduling pa ang mga mata ni Sten nang subukan niya ring tingnan ang kaniyang sariling mukha. Pakiwari niya kasi ay may nakaktuwa sa mukha niya kung bakit gano’n na lang tingnan ni Chardee ang kaniyang mukha. Humalakhak naman bigla ng tawa si Chardee pakatapos inihilamos ang sariling palad nito sa kaniyang mukha. Nagulat naman siya sa ginawa nito sa kaniya. Para pa tuloy siya ang may hindi kanais-nais na ginawa.
“Ano ba! Chardee naman eh,” inis na wika ni Sten sa kababata.
“Ano ba naman kasi iyang pinaggagawa mo?” tanong nito sa kaniya na napapangisi pa.
“I-ikaw naman kasi! Hindi ko rin naman naintindihan ‘yang pinaggagawa mo!” sungit niyang sagot sa kababata. Napamura naman ng mahina si Chardee sa tinuran na iyon ni Sten.
“What?” Anong pinaggagawa? So, you mean it’s my mistake? How come?” takang tanong ni Chardee kay Sten. Napasapo naman si Sten sa kaniyang noo at parang napabaling pa ‘ata sa kaniya ang katanungan imbes na ang kababata niya ang dapat na sumagot.
“Ang ibig kong sabihin ay magsabi ka man lang na pupunta ka rito hindi iyong nasusurpresa ako sa ginagawa mong pagsulpot sa school.”
Umayos ng pagkakaupo si Chardee habang seryosong pahayag ni Sten na mataman lang naman siyang tinitingnan ni Chardee hanggang sa matapos siyang magsalita.
“And...sa gusto kong dito kita puntahan. At saka naiirita ako sa mga kaklase mong ayaw akong tantanan sa mga kakulitan nila,” anas pa ni Chardee na halatang galit ito kaya naman tinanggal niya sa pagka-botones ang isang botones ng kaniyang uniporme.
“Kaya nga huwag ka na pumunta ulit dito sa school. Doon ka na lang sa bahay dumiretso sa susunod,” tugon ni Sten kay Chardee.
Biglang sumingkit naman ang mga nito na biglang napatingin sa kaniya na napapaisip pa.
“Nope. Paano kung ayoko. Dito na kita puntahan. Sabay nga tayo ‘di ba? Saka marami pa tayong dapat na ipagkuwentuhan. Ang tagal ko kayang nawala kaya naninibago ako sa ‘yo ngayon,” seryosong sabi ni Chardee kay Sten na iknabigla naman ni Sten.
Pinagtakhan niya pa ang tinuran nito.
“Nanibago? Pa’no mo naman nasabi ‘yon, huh?” tanong naman ni Sten.
“Ewan ko but I think so,” sagot naman nitong parang hindi pa sigurado dahilan para malukot ang mukha ni Sten sa laking pagtataka.
“Ewan ko rin sa ‘yo. Hindi talaga kita maintindihan,” ang nasabi na lang ni Sten sa istriktang boses.
“Napakasuplada mo na talaga.”
Ang na i-wika na lang ni Chardee sa kababata niyang si Sten pagkatapos ay tumayo na ito at inilahad ang isang kamay sa kaniya.
“Bakit?” takang tanong ni Sten nang tingnan nito ang kaliwang kamay ni Chardee na nakalahad sa kaniya.
Parang pigil pa sanang magmura ni Chardee pero pinigilan niya ang kaniyang sarili . Alam na lama niya lagi ang gan’tong diyalogo na ‘to. Matalino naman itong si Sten pero noong mga bata pa sila ay palaging hindi na g-gets ang mga moves niya at magpahanggang pa pala ngayon.
Parang matatawa pa ‘ata siya sa lagay na ‘to. Tinaasan niya ng kilay si Sten at nanunudyong ngumisi rito.
“Bakit ba?” tanong ulit ni Sten sa kababata na halatang nairita na siya sa ginagawi nito.
“Ano pa ba kun’di tayo na,” sabi ni Chardee rito sa wakas.
“Anong tayo na?” kunot noo na pinagtakhan niya ang kababata.
“Don’t you get it? Oh my god, you're too slow... I mean, let’s go na at kanina pa naghihintay sa ‘tin si Kuya Jaymi,” pahayag ni Chardee kay Sten sabay ulit nitong iginalaw ang kamay para kuhanin ni Sten.
Wala nang nagawa si Sten kung kaya’t kinuha na niya ang kamay ni Chardee para tumayo. Hindi na siya nagsalita pa dahil baka pagtatalunan pa nila kaya naman sumunod na lang siya rito habang hawak-hawak nito ang kaniyang kamay. Naiilang man sana siya dahil sa bultahe-bultaheng kuryinte na dumadaloy ngayon sa kaniya. Parang papawisan pa ‘ata ang kaniyang palad habang hawak ni Chardee. Tinitigan niya ang likuran ng kaniyang kababata habang hila siya nito sa kanilang paglalakad. Matangkad ito sa kaniya kaya napapatingala siya. Kahit nakatalikod ito ay ang guwapo pa rin nito dahil sa pormang taglay nito. Pero bakit nga ba tinawag siyang pinsan nito kanina? Anang isip pa ni Sten at bigla’y nakaramdam siya ng inis dito kaya bumitiw siya sa pagkakahawak ni Chardee sa kaniyang kamay. Napalingon naman ang kaniyang kababata dahil sa kaniyang ginawa. Nagtagpo ang kilay ni Chardee na nakatingin sa kanilang kamay ni Sten na hindi na magkahawak.
A moment na sana’y feel na feel na nila... biglang naudlot.
“T-teka nga lang muna. Bakit mo nga pala sinabi do’n kay Lauryn na pinsan mo ‘ko?” tanong niya kay Chardee sa galit na boses.
Napasabunot naman si Chardee sa bouncy niyang buhok.
“Why? Is there any problem about that?" tanong ni Chardee pabalik kay Sten sa kalmadong tono.
“H-hindi naman kasi tayo magpinsan!” bigla’y hiyaw na sagot niya kay Chardee.
Nagulat naman si Chardee sa kaniyang tinuran kaya nilapitan siya nito bigla at tinakpan ng kamay ng palad nito ang kaniyang bunganga.
“Puwede ba, huwag ka mag-histerical. Are you insane? It’s not a big deal,” katwiran niyang tugon kay Sten. Inalis naman ni Sten ang kamay ni Chardee na nakahawak sa kaniyang bibig.
“Ewan ko sa ‘yo!”
Pagkasabi niyon ni Sten ay nauna na itong naglakad at iniwan na niya si Chardee na nakatunganga. Napahawak na lamang si Chardee sa kaniyang baba at tiningnan ang kababatang papalayo. Hindi na niya talaga lubos maintindihan ang kaibigan.