KABANATA 23
Habang nasa loob sila ng sasakyan ay patuloy pa rin sa pag-uusap sina Sten Marie at butler Jaymmi. Tahimik lang na nakikinig sa kanila si Chardee. Wala pa rin itong imik nang nakasakay na sila sa kotse. Umiba ang templa ng mukha nito.
“Kayo rin po senyorita, aba at napakaganda na po ninyo nang lumaki,” papuring sabi sa kaniya ni butler Jaymi. Ngumisi-ngisi lang si Sten kay butler Jaymi na tila nahihiya pa.
“Sino ba ang mag-aakalang ang batang si Sten noon ay napakagandang dilag na ngayon. Siguro ay dalaga na kayo ‘no, Senyorita?” tanong naman ni butler Jaymi na nakasilip pa sa salamin para makita nito si Sten.
Ngumisi lang si Sten imbes na sumagot. Nahiya naman siya sa tinurang iyon ni butler Jaymi.
“Kuya Jaymi, can you please concentrate driving,” tahasang utos ni Chardee.
Napalingon naman si Sten Marie kay Chardee. Napakaistrikto ng dating ni Chardee. Ano kayang problema ng kaibigan niyang 'to?
Sabi na naman ng kaniyang isip. Hindi na siya nagsalita pa dahil parang hindi ‘ata nagustuhan ng kaniyang kaibigan ang pagiging madaldal niya ngayon. Ngayon lang naman siya nagkaganito dahil na-miss rin naman niya si Kuya Jaymi niya. Naging napakabuti nito sa kaniya kaya naman magaan ang loob niya rito. Para na niyang kuya itong ituring.
“Pupunta tayo sa inyong coffee shop,” sabi ni Chardee sa kaniya at nilingon pa siya nito sa tagiliran. Tumango lang siya bilang tugon. Umiling-iling naman si Chardee nang makita siyang hindi sumagot.
“Teka lang, pa’no mo nga pala nalaman ang classroom ko? Akala ko ba sa bahay mo ako pupuntahan. Bakit sa school?” bigla’y sunod na tanong niya kay Chardee. Binalingan naman siya nito ng tingin.
“Malamang nagtanong ako eh, tsss,” sagot nito sa kaniya na parang ‘di pa makapaniwala sa kaniyang itinanong. Inismiran naman ni Sten si Chardee dahilan para ngumisi ito nang nakakaloko. Pagkatapos ay pinisil nito ang isang pisngi niya.
“Aray! Ano ba?” gulat niyang tanong kay Chardee. Nagulat siya sa ginawa nito sa kaniya. Napasilip naman sa may salamin si butler Jaymi at ngiting napailing na lang.
“Bakit mo ginawa ‘yon?” tanong ulit ni Sten kay Chardee. Tiningnan naman siya ni Chardee na nagtataka.
“Ang alin?” inosenting sagot pa nito saka ngumisi na nagpalitaw ng dimples nito.
“Chardee naman eh! ‘Yong pisngi ko kinurot mo, ang sakit!” sabi niyang parang maluluha pa ‘ata.
“Masakit ba? I-Im sorry, I didn’t mean it,” alalang tugon ni Chardee kay Sten.
Inalo pa niya ito na inakbayan sa balikat si Sten na tila payakap habang hinawakan ang pisngi ni Sten na namumula. Tanda ng kaniyang pagpisil na napadiin pala. Bigla naman nakaramdam ng kakaiba si Sten kaya’t agad siyang lumayo kay Chardee ng bahagya. Napatingin naman si Chardee sa kaniyang inasta.
“O-okay na ‘ko,” sabi niya rito sabay hawak sa kaniyang pisngi na ramdam pa niya ang kirot.
“Allergic?” ang nasabi na lang ni Chardee sa kababata. Nilingon naman sila ni butler Jaymi sa likuran.
“Para pa rin kayong aso’t pusa na nagbabangayan. Malambing nga sa isa’t isa pero laging nagtatalo.”
Hindi sila nakaimik sa tinurang iyon ni butler Jaymi. Tahimik lang sila at nakatuon ang paningin sa harap. Nagpatuloy naman sa pagmamaneho si butler Jaymi na pangisi-ngisi habang panaka-nakang sinisilip ang dalawa sa salamin sa loob ng kotse.
Makaraan lamang ang ilang minuto ay nakarating na rin sila sa coffee shop ng mga Amsedel. Agad iyon ipinark ni butler Jaymi kung saan tanging ang mga costumer lamang ang puwedeng mag-park sa area. Unang bumaba ng sasakyan si Chardee at kasunod naman si Sten na pinagbuksan pa ni Chardee. Habang sa loob naman ng coffee shop ay natanaw mula sa labas ni Einna ang pamangkin na lumabas mula sa kotse at pinagbuksan ng isang binatilyong lalaki na nahinuha niya agad na si Chardee Lasner, ang kababata ni Sten Marie mula sa Korea. Wala na siyang ibang natatandaan sa pagmumukhang iyon na mala-istrikto, ang nag-iisang nagmamay-ari no’n walang iba kun’di ang batang lalaking chubby na kababata ni Sten na si Chardee Lasner. Natatandaan man ni Einna ang mukhang ‘yon subalit pinanlakihan pa rin niya ito ng kaniyang mga mata nang tuluyan na itong nakapasok sa loob ng coffee shop at malinaw na niyang nakikita. Ang mangilan-ngilan na costumers ay nakasunod ang tingin sa pagpasok nila Sten Marie at Chardee sa loob ng coffee shop. Tulala at nakamaang ang mga itong sinusundan ng tingin ang kasama ni Sten na si Chardee. Marahil ay manghang-mangha ang mga ito sa kanilang nakikita. Napakaguwapo kasi ni Chardee at parang Oppa sa kanila ito.
Alam niyo ba ano ang ibig sabihin ng Oppa? Marahil kayong nagbabasa nito ngayon ay kinikilig ngunit mali kayo ng akala. ‘Wag kasi agad maniwala sa pandemyang kumakalat ngayon...pero para sa ‘kin lang naman ito at ito ang pagkakaintindi ko sa salitang Oppa. Oppa ay salitang paggalang sa isang lalaking nakakatanda sa ‘yo katulad ng salitang Kuya. ‘Yun lang! Huwag kayong matawa riyan pero ang salitang iyan kasi ay kalimitan ng ginagamit ngayon ng mga kababaihan lalo pa’t kilig na kilig sila sa isang lalaking guwapo na halos lahat ng katangian ay nasa kaniya na.
Dahil galing si Chardee ng Korea at nasa lahi talaga niya ang dugong Koreano kaya naman mababakasan talaga siya ng taglay na katangian ng isang Oppa/Korean. Tingnan niyo, nasamid tuloy ang pananalita ko’t nahawa na sa Oppa na ‘yan.
Nang tuluyan nang makalapit sina Sten at Chardee sa Tita Einna ni Sten ay tinatawag ni Sten ang kaniyang Tita sa pangalan nito. Itinaas pa niya ang kaniyang kamay at iniharap sa mukha ng Tita Einna niya para makita nito talaga na nasa harapan na sila ng Tita Einna niya. Tila tuod, nakatulala at hindi nakakilos si Einna. Nangunot ang noo ni Sten dahil sa reaksyon ng kaniyang Tita Einna. Hindi niya tuloy ito maintindihan. Parang naengkanto ‘ata ang kaniyang Tita Einna. Kaya si Chradee na ang nagsalita na tila napakagat-labi pa na pigil ang mapangisi.
“Good afernoon, po, Tita Einna,” wika ni Chardee sa nakatulalang si Einna na sa wakas ay nakahuma na rin.
Napangisi na nang tuluyan si Chardee ng mahina sa pagkagulat ng Tita ni Sten.
“Tita! Ano po bang nangyari riyan sa inyo?” tanong ni Sten na parang nairita sa ipinakita ng kaniyang Tita Einna. Para naman itong nahiya at nagpupunas pa ng kaniyang mukha tsaka ngumisi.
“I-ikaw n-na b-ba ‘yan?” salita ni Einna na nabubulol sa letrang bigkas niya. Patanong ito kay Chardee.
“Ah, what?” takang tanong ni Chardee sa tanong ng Tita Einna ni Sten.
“Tita naman...ayosin niyo po iyang pananalita niyo,” turan naman ni Sten sa kaniyang Tita Einna.
“A-ang ibig kong sabihin si Chardee na ba ‘yan, iyong kababata mo no’ng maliit ka pa?”
Sa wakas ay naidiretso na nito ang kaniyang nais na sabihin. Nagpakawala naman ng buntong hininga si Sten. Napangisi naman ulit si Chardee bago siya na nagsalita.
“Uhm, yes po. Ako na nga po ito Tita.”
“Aba! Ang laki na nga ng ipinagbago mo ‘no? Akalain mong hindi ka na matabain at mas lalo lang gumwapo,” turan ni Einna na puring-puri talaga sa kaniyang mga isinambit.
Napatawa naman ng bahagya si Chardee na lalong nagpalitaw sa kaniyang dimples. Nagpalipat-lipat lang ng tingin si Sten sa kaniyang Tita Einna at kay Chardee.
“Noon po ‘yon pero matagal na po iyong pagka-matabain ko Tita,” sagot naman ni Chardee na nakangiti habang sinusuklay na kaniyang mga daliri ang bouncy niyang buhok.
“Oo, nga. Ang laki nga talaga ng pinagbago mo. Mabuti naman at bumalik na kayo rito?” tanong na ni Einna sa seryusong boses.
“Yes, po. Dito na po ako nag-aaral,” dagdag pa ni Chardee.
“Saka napakatangkad mo pang talaga, tingnan mo at hanggang balikat lang si Sten sa ‘yo,” sabi pa ni Einna na parang nagpadismaya. Napalingon naman si Chardee sa kaniyang tagiliran kung saan katabi niya pa rin si Sten na nakatayo ring tulad niya.
Ngumiti lang si Chardee saglit kay Sten saka binalingan ulit ang Tita Einna ni Sten.
“Kaya nga po eh, that’s why pinapainom ko pa rin siya ng gatas. Payat pa rin siya tulad ng dati,” panlulumong sabi ni Chardee saka nagpakawala ng malalim na hininga. Napakunot-noo si Sten sa tinurang ‘yon ni Chardee.
“Sinabi mo pa at napakamasakitin pa!” dagdag pa ni Einna na halos pahiyaw pang sinabi.
Nagulat tuloy si Sten sa sinabi ng kaniyang Tita Einna pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Chardee.
“Tita, ‘saan po ba si Mama?” sabat na tanong ni Sten para maiba ang tungo ng usapan.
“May delivery ‘yon kaya mamaya pa uwi no’n. Buti naman at sinundo ka nitong si Chardee?” tanong ni Einna pabalik sa kaniyang pamangkin. Napatingin naman si Sten kay Chardee.
“Ang akala ko nga po pupunta siya sa bahay pero sa halip sa iskul ko siya pumunta,” sagot naman ni Sten.
“Gano’n ba? Kung gano’n alam mo kung saan nag-aral itong si Sten?” takang tanong ni Einna kay Chardee. Tumango lang si Chardee at ngumiti.
“Tita?” tawag ulit ni Sten sa kaniyang Tita Einna.
“Oh. Bakit?” takang tanong ni Einna sa pamangkin.
Sumenyas naman si Sten sa kaniyang Tita Einna sa pamamagitan ng pagpapakita ng reaksyon sa kaniyang mukha. Nakuha naman nito agad ang kaniyang nais na iparating. “
Muntik ko na makalimutan. Hali kayo rito Chardee at makapag-meryinda,” anyaya na ni Einna.
“Patawad kong naging mausisa ako ha, nakalimutan tuloy kitang anyayahan kumain,” sabi nitong sabay ngisi.
Napangiti naman si Chardee tapos yumuko bilang pagparating na ayos lang pagkatapos napakagat-labing nilingon niya si Sten na siyang nagpalitaw ng kaniyang dimples. Ikinunot-noo naman ito ni Sten. Hindi niya tuloy alam ang ginagawang ekspresyon nitong si Chardee pero gano’n pa man ay ito pa rin ang kaniyang kaibigan na kahit alam niyang malaki na ang ipinagbago rito sa sarili o sa tamang salitang sa labas na kaanyuan nito.
Habang nag-mimeryinda sina Chardee at si butler Jaymi ay siya namang senyas ni Einna kay Sten. Lumapit naman si Sten sa kaniyang Tita Einna.
"Ano ba 'yon, Tita?" tanong ni Sten sa kaniyang Tita nang makalapit na siya.
"Iyan pala talaga si Chardee 'no?" tanong pa ni Einna kay Sten. Napatingin naman si Sten sa bahagi nila Chardee. Kumakain pa rin ang mga ito na nag-uusap ng seryoso pero hindi na nila iyon madinig.
"Bakit po ba, Tita? Kanina pa kayo tanong ng tanong sa kaniya. Nakikita niyo naman po siya, 'di ba?" reklamung tugon ni Sten sa kaniyang Tita Einna.
"Pasensya na kung nakukulitan kita, eh, hindi lang sa talaga ako makapaniwala sa naging itsura niya ngayon. Nag-mature na siya, parang gano'n na lang 'yon? Napakaperpekto niya, Sten. Kung ako sa 'yo, huwag mo na pakawalan 'yan, huh?" turan ni Einna sa pamangkin na ikinakunot noo naman ni Sten.
"Ano ba kasi iyang pinagsasabi niyo, Tita?" inis nang tanong ni Sten sa kaniyang Tita na hindi pala nito makuha-kuha ag ibig sabihin ni Einna.
"A-ano...ang ibig kung sabihin na huwag mo na pakawalan ang kaibigang mong 'yan. Dapat talaga na hindi mapuputol ang inyong pagkakaibigan. Strong lang...strong, okay?" ang nasabi na lamang ni Einna sa pamangkin sabay tapik-tapik nito sa balikat ni Sten.
Nginitian naman niya si Sten nang plastikan para hindi halatang ib apala ang ibig sabihin niyang iyon.
"Ang gulo niyo po, Tita." Pakamot-kamot pa sa ulo si Sten na nanatili pa rina naguguluhan sa kaniyang Tita Einna.
Kung nandito lang ang kaniyang Mama, malamang pinagalitan na siya nito. Pero hindi niya talaga lubos na maunawaan ang kaniyang Tita Einna. May gusto itong sabihin pero parang hindi yata masabi. Napalingon na lamang silang dalawa nang tawagin ni Chardee si Sten. Tumayo si Chardee at lumapit sa kanila.
"Naku, hayan na..." salita ni Einna na narinig pa talaga ni Sten.
"Thank you, Tita for the meryinda. Nabusog po kami. Napakasarap po," sabi ni Chardee sa Tita Einna ni Sten. Ngumisi naman si Einna na parang nahihiya pa.
"Ayos lang 'yon basta ikaw. E-este kayo ng kasama mo, si Jaymi." Pinupunas pa ni Einna kunyari ang mesa sabay ngiti kay Chardee.
Napatawa naman nang mahina si Chardee at nilingon si Sten. Nag-iwas naman ng tingin si Sten kay Chardee. Nakakaloko kasi ang ngiti nito, lalo pa ang kaniyang tawa.
"Uhm, by the way Tita...alis na po kami. Salamat po ulit sa meryinda. Sten?" paalam ni Chardee kay Einna pagkatapos nilingon si Sten.
"Bakit?" takang tanong ni Sten kay Chardee.
Napailing naman si Chardee na napapangiti.
"You're too innocent in all things like this." Hinawakan niya sa kamay si Sten na ikinagulat naman ni Sten. Napatingin na lamang si Sten kay Chardee.
"Alis na po kami, Tita. Ihahatid ko lang po si Sten," paalam ulit ni Chardee kay Einna. Tumango naman si Einna.
"Sige. Mag-iingat kayo, huh? Si Sten, ingatan mo!" pahabol na sigaw ni Einna nang nakalayo na sina Chardee at Sten hanggang sa tuluyan na nga silang nawala sa paningin ni Einna. Lumabas na ang mga ito sa Coffee Shop. Nakita pa ni Einna ang pagsakay nila sa kotse pati ang pag-andar nito palayo.