KABANATA 39 Isang panibagong kabanata ng buhay naman ni Sten ang kaniyang kahaharapin na hindi lingid sa kaniya na mas susubukin siya, ang kaniyang sistema't pagkatao kung gaano siya katatag. Kung papaano niya haharapin ang napakabigat na sakit na kaniyang mararamdaman. Isa ito sa ipinangarap ni Sten ang makatuntong ng sekondarya matapos na makapagtapos siyang Valedictorian sa elementarya. At dahil exempted siya na hindi mapabilang sa pagsusulit para makapasok sa sekondarya, naging madali iyon para kay Sten. "Sten, anak?" Isang umaga iyon para sa pagpunta ni Sten sa eskuwelahan kung saan ay magpapasa siya nang mga kakailanganin niya. Iyon ang eskuwelahang pinapasukan ni Chardee na kung iisipin pa lang ni Sten na papasok siyang muli sa eskuwelahan na kasabayan ang kababata ay walang pagsi

