KABANATA 40 "Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Sten kay Chardee dahil hila-hila pa rin siya nito nang mahigpit sa kaniyang kamay. Hindi ito umiimik kaya nababagabag si Sten na baka galit ito sa kaniya. Pinagtitinginan pa naman sila ng ilang estudyanteng nakakita sa kanila. Para namang lovers in quarrel sila kung gano'n? Eh, kabago-bago pa nga ni Sten sa school na ito may issue na agad? Anang isip ni Sten na medyo may kalokohan din. "Chardee? Saan ba talaga tayo pupunta?" muling tanong na naman ni Sten dito. Huminto si Chardee saka hinarap si Sten. "I'm starving. Malamang kakain." At pinitik nito ang kaniyang noo. "Ipinaghintay mo ako ng matagal pagkatapos ay iyon pa ang madadaratnan ko." Nagsasalita ito habang patuloy silang naglalakad. "Ano ba 'yang sinasabi mo?" ang pagtatakang tano

