KABANATA 41 Sten Patakbo kong tinungo ang entrance ng school. Late na nga talaga ako. Pero ang dami ko pa rin kasabayan na pumasok. Napahinga ako nang maluwag. Sa unahan ay ang malawak na field. Hindi ko akalain na may flag raising ceremony pa rin pala ang secondary school. Kasabayan kong naglalakad ang mga kapwa ku estudyante habang naglalakad pa rin kami sa gilid ng field kahit nagsisimula na ang flag raising ceremony. Nag-aanunsyo pa naman kaya ayos lang na makahabol pa sa aming linya. Hinanap ko kung saan ang 1st year level naka-line pero hindi ko naman akalain na iba ang mahahanap ng aking mata. Si Chardee, nakita ko sa kanilang linya na kasunod lang sa 'min. Hindi na ako magtataka pa roon dahil napakatalino rin niya kaya nasa unahan din ang kanilang linya tulad ng sa 'min. Sa damin

