Dumating na naman ang panibagong araw ng pasukan sa pag-aaral ni Sten sa Antonial Secondary High School. Excited na naman siyang pumasok sa araw na ito. Excited siyang mas makilala pa ang kaniyang mga kaklase lalo na ang makapaglibot sa buong campus. Mag-isa na lang si Sten pumunta at sumakay ng bus sa kaniyang eskuwelahan. May kalayuan din ito sa city dahil hindi ito sa may sentro. Eskuwelahan ito para sa may mga kaya sa buhay at sa mga estudyanteng matatalino. Matalino si Sten at bukod pa roon ay gumraduate siyang Validictorian kaya sa references pa lang niya ay qualified na siya kaya naman agad siyang nakapasok sa eskuwelahang Antonial Secondary High School. May magandang benepisyo ring in-offer ang eskuwelahang ito dahil sagot na nila ang tuition fee ng mga istudyanteng may nakuha no’n

