Masiglang pumasok si Sten sa sumunod na mga araw. Labis ang naging pagtataka ni Sten nang hindi pa rin niya nakakasalamuha ang kababata. Hindi ito nagparamdam o pumunta man lang sa kanilang bahay. Hindi siya nito pinagkaabalahang hanapin man lang kahit sa kanilang classroom. Ano na kaya ang nangyari roon sa kaniyang kababata? Bigla ba siya nitong nakalimutan? Napalaglag-balikat pa si Sten nang maisip niya ang kababata. Bigla siyang tumamlay at mahigpit na napahawak sa kaniyang backbag habang nakatingin sa kawalan. Paakyat na siya nito sa may hagdanan hanggang sa ikalawang palapag kung nasaan ang kanilang classroom. At habang nasa malalim na pag-iisip si Sten ay bigla siyang napahinto sa kaniyang paglalakad. Umangat ang ulo niyang kanina’y sa sementadong sahig lang nakatingin. Ang maingay

