KABANATA 18
Matapos ang selebrasyon ng dalawang bata sa kanilang pagtatapos ay ang sunod na araw rin ng pag-alis nila Chardee papuntang Korea. Ang sayang sinaluhan ng dalawang bata ay magiging baon na alaala na lang iyon sa kanilang dalawa. Manatili na lang nila na iisipin at alalahanin ang mga alaalang iyon habang sila ay magkakalayo. Kinabukasan isinama si Sten ng kaniyang ina sa kanilang munting Coffee Shop dahil katatapos lang ng kanilang klase at bakasyon na kaya wala na itong gagawin pa para iwanan siya sa kanilang bahay. Nang tanghaling tapat ay nasa bakanteng mesa si Sten at gumuguhit na naman ng kaniyang mga naisin. Habang sa siya ay abala sa pagguhit ay biglang tumunog ang telepono sa kanilang tindahan. Abala naman kapwa ina't tita sa gawain sa loob ng kanilang Coffee Shop at may mga iilang nagkakape at kumakain din ng mga oras na ito. Palinga-linga si Sten sa kaniyang paligid. Patuloy lang sa pagtunog ang telepono at walang may balak sagutin iyon o ‘di kaya’y wala talagang nakaririnig. Kaya tinungo na ni Sten ang kinalalagyan ng kanilang telepono malapit sa pintuan ng owner’s room at siya na ang sumagot ng tawag na ‘yon.
“Hello. Sino po sila?” tanong ni Sten sa kabilang linya nang masagot na niya ang tawag.
“Hey, Sten! Si Chardee ito,” agad na sagot sa kabilang linya nang marinig ang boses ni Sten. Nagulat naman si Sten pagkarinig niya sa boses ni Chardee.
“Chardee!” sigaw naman niya sa kaibigan sa kabilang linya. Hindi niya mawari kung bakit gano’n na lang ang kaniyang tuwa ng marinig niya ang kaibigan na tumawag.
“Saan ka ba ngayon?” tanong ni Chardee sa kaniya.
“Bakit? Nasa tindahan ako ngayon eh, isinama ako rito ni Mama,” sagot pa niya.
“Bakit ka nga pala napatawag?” tanong niya ulit sa kaibigan sa kabilang linya.
“Hindi mo ba alam na mamayang gabi na kami aalis.”
“Ha!” gulat niyang sagot kay Chardee. “Ngayong gabi na ba?” balik niyang tanong dito.
“Oo, kaya pupunta kami riyan ni Kuya Jaymi sa inyo mamaya,” tugon nito.
“Pero, ‘di ba aalis na kayo? Baka magalit ang Daddy mo kapag nagpunta ka pa rito,” turan niyang nag-alinlangan sa naisin ng kaibigan.
“I said goodbye to Mom and she agreed...we’ll just be there for a while,” bilin niya pa para hindi mag-alala ang kaibigan. Baka pagalitan pa si Sten at siya pa ang magiging dahilan.
“Sige! Bye!” Sasagot pa sana siya nang bigla na naputol ang sa kabilang linya.
“Ano ba kasi ang gagawin niya rito?” anang sarili niya. Tapos bumalik na sa mesa kung saan ay ipinagpatuloy na niya ang kaniyang pagguhit.
LASNER MANSION
(Lasner Residence) Nasa study room ng Library ng mansyon sina Chardee at ang Kuya Jaymi niya na private butler pa niya. Palakad-lakad at pabalik-balik si butler Jaymi at naririnig iyon ni Chardee, ang yapak ng kaniyang mga paa dahil sa tunog ng sapatos nito. Tumatama kasi ‘yon ng madiin sa marmol na sahig ng mansyon. Napaangat siya ng tingin kay Kuya Jaymi niya at napapaisip siya kung bakit pabalik-balik ito sa paglakad? Nakapamulsa ang mga kamay nito. Parang hindi ito nahihilo sa ginagawa nitong paroo't parito.
“Kuya Jaymi!” tawag ni Chardee sa kaniyang butler. Tinawag pa niya ito ulit at parang walang narinig kaya nilapitan niya ito at kinalabit ang damit nito para hawakan. Napalingon naman si butler Jaymi sa kaniya na nagulat sa kaniyang ginawa kaya napahinto ito saglit sa ginawang paglakad.
“Kuya Jaymi, ayos ka lang po ba? Ano po ba'ng iniisip niyo?” Curiosity na tanong ni Chardee.
“Ah, e, w-wala...may inalala lang ako,” sagot naman ni butler Jaymi kay Chardee.
“Inalala, then what is it?” curios na namang tanong ni Chardee.
“Ewan ko kung tama ba itong sabihin sa isang tulad mo pero napakabata mo pa,” tapat na turan ni butler Jaymi sa alaga.
Nagsalubong naman ang maiitim na kilay ni Chardee.
“And so? Alalahanin mong matalino ako kaya kahit paano ay nakaintindi ako,” pikon niyang tugon. Ngumisi nang makahulugan si butler Jaymi at tinitigan si Chardee sa mukha. Nagtaka naman si Chardee at nag-iwas sa mapanuring tingin ni butler Jaymi.
“Okay. Sige nga, sabihin mo...alam mo ba ang pakiramdam ng magkagusto?” diretsahang tanong niya kay Chardee.
“Magkagusto? For what?” litong sagot niya kay butler Jaymi.
“ ‘Di bale na lang...hayaan mo balang araw ay maiintindihan mo rin lalo na ‘yang sa inyong dal’wa ni Sten,” ani butler Jaymi na nagpaalala pa sa kaniya.
“Bakit naman po nasali si Sten dito?” sabi niyang ikinalilito niyang lubusan.
“Basta...” at ginulo ang buhok ni Chardee. Iniwas naman iyon agad ni Chardee.
“Wait! Si Sten nga pala pupuntahan natin mamaya,” tugon niya ke butler Jaymi.
“Bakit, Chardee? Magpapaalam ka na ba kay Sten Marie?” tanong naman ni butler Jaymi.
“Kailangan natin siyang puntahan mamaya pag-alis nila Mommy’t Daddy. Hindi na kasi ako makapunta sa kanila kapag nandiyan si Daddy kasi ang sabi niya sa ‘kin hindi na ako p'wede magpupunta pa kung saan. I hate it!” maktol pa niya. Napatingin naman sa kaniya si butler Jaymi. Nahulaan nito ang kaniyang gustong mangyari.
“So, nakapagdesisyon ka ngang tumakas tayo?” pagkumpirma niya sa batang si Chardee sa binabalak nito.
“Oo. Please Kuya Jaymi, sandaling-sandali lang tayo do’n and promise, I will face the consequence kung malalaman man ni Daddy,” sabi niyang nangangako at itinaas pa ang kanang kamay bilang nanunumpa.
“Sinasabi ko na nga ba,” pa iling-iling na nasabi na lamang ni butler Jaymi sa alaga. “May magagawa pa ba ako,” dagdag pa niya.
“Yes! C’mon, tingnan mo kung nakaalis na ba sila Mommy’t Daddy. Silipin mo lang,” utos pa niya.
Napa-iling na lang ulit sa kaniyang ulo si butler Jaymi. Agad naman niyang tinungo ang pintuan at binuksan iyon para puntahan ang stairway para matingnan kung nasa salas pa ba ang Mommy’t Daddy ni Chardee.
“Mapapahamak talaga ako sa batang ‘to, anang isip niya. “Pag-ibig nga naman.”
Naghihintay naman si Chardee sa study room habang nag-aabang na pumasok si butler Jaymi sa may pintuan. Hindi niya lubos maintindihan ang kaniyang pakiramdam, parang sabik siyang makita na si Sten o ‘di kaya ay ito na ang huling makikita niya siya kaya ganiyan na lang ang mga ikinikilos niya. Inaasahan niya na panandalian lang siguro sila sa Korea. Kapag nakabalik na siya rito ay una niyang hahanapin ang kaibigan.
Nang biglang bumukas nga ang pinto at iniluwa no’n si butler Jaymi. Sumilay ang kaniyang ngiti sa labi na ang mapuputi’t pantay niyang ngipin ay nakita. Lumalim tuloy ang mga biloy niya sa pisngi. Inilang-hakbang lang niya ang paglapit dito.
“Mamaya na nga talaga,” bungad nitong wika sa kaniya.
“Ha, bakit Kuya Jaymi?” takang tanong ni Chardee rito. Ginulo lang ni butler Jaymi ang kaniyang buhok.
“Nag-uusap pa sila sa baba. Siguro naman makakahabol pa tayo mamaya, mahaba-haba pa naman ang oras,” paliwanag niya lang sa bata para hindi na ito mag-alala pa.
Tumango naman si Chardee at agad na nagtungo sa malaking bintana katabi ng kaniyang upuan. Tumingin ito sa labas ng bintana, marahil hinihintay nito ang paglabas ng kaniyang Mommy’t Daddy sa malaking pintuan sa salas sa baba ng kanilang mansyon. Muli, napa-iling na lang ulit ng kaniyang ulo si butler Jaymi ngunit iba rin ang kaniyang naiisip simula pa noong nakita niya ang batang babaeng ‘yon na lalong nagpapagulo ng kaniyang utak. Kailan niya kaya ito makita ulit? Magkikita pa kaya sila? Saang lupalop kaya naroon ang batang babaeng ‘yon? Ang daming tanong sa kaniyang isipan at tila sasabog na ang mga katanungang ‘yon kapag hindi nabigyan ng kasagutan. Lumapit siya katabi ang batang si Chardee, pinagmasdan niya ang alagang si Chardee saka siya nagsalita.
“Sino ba ang iniisip mo, Chardee?” tanong ni butler Jaymi rito. Hindi man lang siya binalingan ng tingin ni Chardee at seryoso ang mukhang nakaabang lang ang tingin sa baba na naghihintay pa rin sa kaniyang Mommy’t Daddy na aalis.
“Alam mo, ‘yang awra mo ang ayaw kong tingnan sa ‘yo. Iba kasing Chardee Lasner ang nakikita ko kapag gan’yang nagseryoso ka. Kay bata mo pa pero kakaiba ka talaga,” ani butler Jaymi ngunit sa ikalawang beses ay hindi ito umimik at nanatili lamang ang pag-tingin nito sa labas ng bintana.
Nahiwagaan tuloy si butler Jaymi kapag gan’tong tahimik ang batang ‘to. Hindi niya ma-imagine ang magiging kilos nito kapag itoy lumaki na.