KABANATA 11
LASNER MANSION
(Lasner Residence)
“Chardee, heto na’t kainin mo habang mainit-init pa.”
Inilapag ni butler Jaymi ang pagkaing inihanda niya para kay Chardee. Hindi kasi ito naghapunan sa baba at nagpahatid na lamang sa Study Room nito, ang malawak na silid-aklatan ni Chardee. Simula no’ng hindi na nakabalik si Sten sa pagpasyal sa kanila ay parang na b-bore na siya kung kaya’t balik na naman siya sa dati niyang pananatili sa loob ng study room. Hindi niya maiwaglit balik-balikan ang kaniyang narinig na pag-usap sa pagitan ng kaniyang Mommy’t Daddy nang tangkain niyang pumasok sana sa loob ng kuwarto ng mga ito.
FLASHBACK!
"Sa susunod na buwan matapos ko asikasuhin ang mga dapat na kakailanganin ay babalik na tayo sa Korea," ang diretsahang pahayag ni Romy Chorein sa wife nitong si Pinky.
"Anong sabi mo?" pagkabigla ang naibulalas ni Pinky sa sinabi ng kaniyang husband.
"Didn't you hear what I said?" tanong ni Romy kay Pinky. "We will be back in Korea soon. The problem I had to work on was already waiting for me there, so no time should be wasted," paliwanag ni Romy Chorein.
"Pero Rom, hindi pa tapos ang study ni Chardee-"
"naneun imi gyeoljeonghaessgo ulineun da-uem dal-e tteonal geosibnida!"
Salitang Korean na ang ibig sabihin ay nakapagdesisyon na siyang sa sunod na buwan na ang alis.
Napagtaasan ng tono ni Romy Chorein ang wife nitong si Pinky. Bigla naman natigilan si Pinky dahil tumaas ang boses nito sa huli pagkasabi niyon ng kaniyang husband.
"I just want to say that we should finish Chardee's studies here first before he will be in his last school next month," kalmadong sabi na ni Romy. Mabuti na lamang at madali siyang nakapagtimpi.
"joesonghabnida"
Salita ni Romy Chorein na isinalin sa lengguwahe ng Korean. Malimit lang ito magsalita pero nagtataka siya dahil sa tuwing galit lamang ito nagsasalita ng lengguwaheng Korean.
"Pasensiya ka na, I'm just under pressure. My head just really hurt that's why-"
"It's okay. I understand. Magpahinga ka na lang muna and I'll just get you medicine," agap na tugon ni Pinky sa kaniyang husband na si Romy kaya hindi na nito naipagpatuloy pa ang sinabi.
Kumalma naman si Romy at paupo pa na hinawakan ang kaniyang sintido.
At mabilis na umalis si Chardee sa pinto pagkatapos narinig ang pag-uusap ng kaniyang Mommy't Daddy.
END
Kasalukuyan...
Aalis na pala sila. They are leaving next month. Paano na si Sten? Iiwanan niya? How would he tell this to her friend Sten? How could he say they were leaving next month? Will they be separated? Paano na? Ano na ang mangyayari? Ayaw niyang humiwalay kay Sten. Tama, kakausapin niya ang Mommy’t Daddy niya. Makikiusap siya. Is it okay for him to talk to his Mommy’t Daddy? Hindi kaya magagalit ang mga ito? Pa’no ba niya sasabihin? Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip ng mga tanong. Ano ba ang dapat? Baka magalit si Sten sa kan’ya kapag malaman nitong aalis na sila at babalik na ng Korea. Mataman naman nakamasid si butler Jaymi kay Chardee. Nagtataka siya kung bakit tahimik ito at tila may malalim na iniisip ang alaga.
“Chardee? May problema ba?” pagkuwan ay tanong ni butler Jaymi sa alaga. Iniangat naman ni Chardee ang kan’yang ulo. Parang hindi pa ito magsasalita at nakatingin lang din sa kaniya. May problema nga ang alaga niya kapag gan’tong tulala ang mga mata na nakatingin sa ‘yo na parang may tinatanaw naman sa malayo.
“Hey, Chardee? Sabihin mo sa ‘kin at ano ba ang iniisip mo?” ‘di mapigilang tanong ni butler Jaymi. Tila nag-iisip pa si Chardee at isang minuto pa ang lumipas bago niya sinagot ang kaniyang Kuya Jaymi.
“K-kasi narinig ko ang pag-uusap nila Mommy’t Daddy, babalik na raw kami sa Korea,” lungkot ang boses na sabi niya.
“Hindi ko alam pa’no sasabihin kay Sten. Baka magalit ‘yon sa akin. Bakit ba kailangan pa namin ang umuwi sa Korea?” patuloy niyang sabi.
“Chardee, kung ano man ang dahilan marahil ay napaka-importante no’n. Hindi naman siguro hahayaan ng magulang mo na aalis na lang nang bigla ng walang ano mang rason, ‘di ba? Kaya kung ano pa ‘yon ay dapat intindihin mo,” mahina at kalmadong pahayag sa kaniya ni Jaymi.
“Pero kuya Jaymi, hindi na kami magkikita pa ni Sten kapag gano’n?”
Muntikan pa matawa ni Jaymi sa tinuran na ‘yon ni Chardee.
“Ang inaalala mo ba ay baka hindi na kayo magkita pa?” diritsong tanong sa kaniya ng Kuya Jaymi niya. Hindi siya umimik. “Napakaimposible naman no’n eh ang daming paraan na kahit hindi kayo magkita ay magpapatuloy pa rin ang inyong komunikasyon.”
Bigla siya natigilan at hinarap si butler Jaymi.
“Ano pong ibig niyo sabihin Kuya Jaymi?” ngumiti lang ng makahulugan si butler Jaymi.
Pinihit ni Pinky ang pintuan ng kuwarto ni Chardee at sinilip muna ang anak saka pumasok. Nakita siya ni Chardee at isinara nito ang binabasang aklat. Napansin naman ng Mommy niya na tila matamlay siya kaya agad itong nag-alala.
“Hijo, you alright?” Itinapat naman ng Mommy niya ang palad nito sa kaniyang bandang noo.
“Hindi ka naman mainit. M-may problema ba?” sabi ni Pinky na may gatol sa kaniyang boses dahil alam na niya kung bakit ganiyan ang unico hijo niya.
“I already know Mom.” Seryosong tiningnan ang kaniyang Mommy Pinky. “Why all of a sudden?”
Nabigla naman ang kaniyang Mommy sa kan'yang naging tanong dito. Iyan nga siguro ang nagagawa ng matatalino, madaling makahula o kusang madali lang din sa kanila ang malaman ang mga bagay lalo pa’t iniispayohan bago pa ibahagi. Tumikhim muna si Pinky bago niya simulan ang sasabihin sa Unico Hijo.
“Chardee, hijo. I’m sorry if I haven’t told you yet because I’m still looking for a spurt to tell you. Alam kong magtatampo ka kaya ako na magsasabi sa ‘yo, ayoko na hintayin mo pa na si Daddy mo ang magsabi sa ‘yo. Alam mo ba na I don’t want to add to your Daddy’s heavy burden so let’s understand him Hijo, okay? Ayoko na nagdagan pa ang iisipin ng Daddy mo. Pagod na siya para pagtalunan pa natin ang gan’tong bagay.”
Niyakap niya ang anak matapos niya ito hawakan sa magkabilang pisngi. Hindi naman nakapag-react pa si Chardee. Bigla siya nalungkot sa pahayag na iyon ng kaniyang Mommy. Parang ayaw na rin niya dagdagan pa ang alalahanin nila.
“I’m sorry too Mom. Pero h-hindi na po ba tayo babalik dito?”
“Well of course not, babalik pa rin tayo rito. May aayosin lang si Daddy mo ro’n at pagkatapos uuwi na tayo. Pero kailangan mo muna tapusin ang pag-aaral mo rito at pagakatapos ay ipagpatuloy mo na sa Korea. Don’t think too much okay, your Daddy will take care of everything.”
At sa ganoong posisyon pa rin na nanatiling magkayakap ang mag-inang Lasner. Hindi na nagawa pang tugunan ni Chardee ang sinabing iyon ng kaniyang Mommy.
Laging abala naman sa school ang lahat sa ginagawang paghahanda dahil darating na ang pagtatapos ng pasukan sa taon na ito. Naging abala ang lahat sa susunod pa na mga araw at buwan. Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad ang dalawang batang sina Sten Marie at Chardee patungo sa exit gate ng school ay sinimulan nang sabihin ni Chardee rito ang tungkol sa pag-alis nila na ikinalungkot niyang hindi niya masabayan si Sten sa Vacation Summer na pinaplano nila. At ano pa nga ba ang naging reaksyon ng batang si Sten kun’di ang lumungkot at tipo iiyak ito. Bigla naman hindi malaman ni Chardee ang gagawin. Naawa siya at nasasaktan dahil iiwanan nga niya naman ang kaibigan. Pagkarating nila sa kotseng maghahatid-sundo kay Chardee ay may kinuha ito sa loob at itinago sa kaniyang likuran.
“Huwag ka na malungkot, heto at may sorpresa ako sa ‘yo.” sabi niya saka inilabas sa kaniyang likuran ang isang soft toys na half body ng tulad niyang bata ang laki. Sa ka-chubby ba naman ni Chardee siguradong tagong-tago ang soft toys sa kaniyang likuran.
“Wow! Teddy Bear?” manghang wika ni Sten Marie kay Chardee at kinuha sa kamay nito ang Soft Toys. “Ito iyong gustong-gusto ko. P-pero ‘di ba koleksiyon mo ‘to?” bigla ang pagkabahala sa kaniyang boses.
“Ayos lang ‘yon basta ‘wag ka na malungkot ha, sa ‘yo na ‘yan bigay ko na sa ‘yo. Ingatan mo ‘yan, ha?”
“Talaga, akin na ‘to?” ‘di pa rin makapaniwalang sabi ni Sten. Pinagkaabalahan niyang kalikutin ang soft toys. “Oo naman iingatan ko ‘to. Bigay ‘to ng kaibigan ko eh,” nginitian ni Sten si Chardee at niyakap ang chubby niyang kaibigan.
Nabigla naman si Chardee at namulang masyado ang mga pisngi niya.
“Salamat dito ha, hindi na ako malulungkot,” patuloy pang sabi ni Sten habang nanatili pang nakayakap sa kaibigang si Chardee.
“Isipin mo na lang ako ‘yan, kaya kapag wala ako, iyan na ang makakalaro mo. P'wede mo naman kausapin kaya nga lang ay hindi lang makakilos,” mahinang tawa ni Chardee na nagawa pang magbiro para matakpan ang kabang nararamdaman niya.
“Ehem! Senyorito, Senyorita, maari na ba tayong umalis?”
Tumikhim si butler Jaymi sa likuran nila kaya napalingon ang dalawang bata. Paghingi ng paalam na sabi niya rito sa dalawang bata.
“Kuya Jaymi, tingnan mo oh bigay sa ‘kin ni Chardee.”
Ipinakita ni Sten ang ibinigay sa kaniya ni Chardee at ngumiti lang na nagyuko ng ulo si butler Jaymi. Nasa isip niya nang mga oras na ito na kung hindi lang mga bata ang mga ito ay tipong nagliligawan na ang mga ‘to sa mga ikinikilos nila. Natutuwa siya sa mga ito.
Sa bahay naman ng mga Amsedel ay ipinakita ni Sten sa kaniyang Tita Einna ang soft toys na bigay sa kaniya ni Chardee. Ipinagmalaki niya ito sa kanila. Kahit na medyo lumungkot siya sa iisiping magkakahiwalay na sila ng kaibigan niya ay mas lalo rin siyang nalungkot para sa kaniyang Mama dahil matalik na magkaibigan din sila ni Tita Pinky. Siguradong malulungkot rin silang tulad nila.
“Kung gano’n sa Korea pala talaga sila nakatira at lumipat lang dito dahil sa mga business nila,” turan ni Einna sa kapatid na si Mariare.
“Oo, gano’n na nga. Wala tayong magagawa eh nandoon din ang ibang kompanya na pag-aari nila kaya siguro kailangan din nilang bumalik doon. Gan’yan talaga kapag buhay mayaman. Napaka-busy’ng tao. Buti na ang gan’to lang tayo atleast maliit lang ang p-problemahin natin,” kampanteng pahayag ng Mama ni Sten.
Parang hindi ito nababahala na magkakahiwalay sila at matagal na hindi magkikita ng kaibigan.
“Mama? Ayos lang po sa inyo na magkahiwalay kayo ni Tita Pinky? Hindi po ba kayo nag-aalala?” curious niyang tanong sa kaniyang Mama.
“Bakit mo naman naitanong 'yan?” tanong naman pabalik sa kaniyang Mama sa kaniya.
“ ’Di po ba magkaibigan din kayo ni Tita Pinky?” walang pakundangang tanong na naman niya sa kaniyang Mama.
“Sten, anak, hindi hadlang ang distansiya ninyo kahit na magkahiwalay pa kayo. Kung magkaibigan kayo, magkaibigan at walang magbabago ro’n. Kahit malayo pa man kayo sa isa’t isa ay magkakaroon pa rin kayo ng komunikasyon,” pinal na sabi ng kaniyang Mama sa kaniya.
“Tama!” Na sinang-ayonan naman Einna ang sinabi ng kaniyang kapatid. Ngumiti naman ng pagkalapad si Sten dahil sa sinabing ‘yon ng kaniyang Mama.
Ngayon ay alam na niya kung bakit? Hindi niya pala iyon dapat na ikalungkot bagkus ay dapat ikatuwa pa niyang malapit o malayo man ay tunay na may kaibigan siyang hindi pa rin mawawala sa kaniya. At iyon ang kababata niyang si Chardee Lasner.