KABANATA 10
Maktol na pasipa-sipa si Sten sa kaniyang paglalakad. Isang buwan na lang at matatapos na ang One Year Schooling nila sa 1st grade. Lumipas na ang Christmas Eve at Bagong Taon. Araw ngayon ng biyernes, buwan ng Marso, taong 1997. Matagal naghintay si Sten sa loob ng school nila pero wala pa ring Chardee ang dumating kung kaya’t napagpasyahan na lamang niyang lumabas na ng school gate at sasakay na lang ng puwedeng masasakyan pauwi sa kanila. Nang may biglang humintong kulay itim na kotse sa gilid niya at nang makita niya ito ay nakilala niya agad kung sino ang nagmamay-ari. Agad lumukot ang mukha niya. Magtatampo na sana siya pero hindi niya itinuloy.
“Sten!” tawag ni Chardee pagkabukas nito sa pinto ng kotse at bumaba.
“Oy, sorry natagalan kami. Ito kasi si Kuya Jaymi...nagpa-gasoline pa tapos may binili pa kami sa Jollibee eh, at halos mataas ang pila,” paliwanag ni Chardee kay Sten.
Alam niyang mahiyain ito kapag natatagalan sa paghintay na nakatayo lang sa bandang garahi ng sasakyan sa labas ng School Building nila.
“Akala ko hindi ka na darating. Pasundo-sundo ka pa kasi,” inis na kamot nito sa ulo niya kahit hindi naman makati.
“Kainis naman itong si Chardee, malapit na tuloy magdilim,” dugtong pa niyang sabi.
"Sorry na nga ‘di ba? Tara sakay na, dali!" At hinila na naman si Sten upang sumakay na ng kotse.
Pagkapasok na nila sa loob ng kotse ay nilingon sila ni butler Jaymi at nagsalita ito.
“Patawad Senyorita kung nahuli kami, masyadong ma-traffic talaga kapag gan’tong oras,” pagkuwan ay sabi niya sa bata.
“Ayos lang po. Ito po kasi si Chardee gusto pa kasi akong sunduin, hayan tuloy,” paninisi niya sa kababata.
“Nag-sorry na nga ako saka ihahatid ka na namin kina Tita kaya ‘wag ka na mag-alala riyan,” sagot ni Chardee kay Sten na parang nag-alala na masyado. Hindi na rin si Sten nagsalita pa.
Hindi na sila nagtalo pa sa biyahe. Mga ilang minuto lang at narating na nila ang bahay ni Sten. Sinalubong naman sila ng ng Mama ni Sten.
“Mama patawad po at ngayon lang ako nakauwi,” parang maiiyak pa na sabi ni Sten sa ina.
“Tita, I’m sorry. Nahuli po kami dahil mahaba po halos ang pila at ito po oh binili ko sa inyo ni Sten," paglalahad pa niya sa dalawang supot na papel na binigay sa kan’ya ni butler Jaymi na binili niya para sa mag-inang Amsedel. Napangiti naman doon si Mariare sa batang si Chardee.
“Naku maraming salamat dito Chardee ha, nag-abala ka pa talaga,” sagot ni Mariare sa batang si Chardee.
“Hindi ka po galit Tita?” agad napatanong si Chardee sa ina ni Sten. Nabalingan naman ng tingin ni Sten si Chardee. Bigla naman natawa si Mariare sa sinabing iyon ni Chardee.
“Bakit, nagagalit ba ako?” tanong niya pabalik sa bata. “Basta ikaw ang kasama ni Sten hindi na ako mag-alala dahil alam kong safe siya sa’yo, okay?” dugtong na sabi ni Mariare sa batang si Chardee.
Nahiya naman na ngumisi si Chardee. Hindi niya alam kung bakit kun'di tumango na lamang siya bilang tugon sa sinabing iyon ng ina ni Sten. Nalilito naman na pabaling-baling ng tingin si Sten kay Chardee at sa Mama niya.
“Pumasok na muna pala kayo. Bakit ba rito tayo nag-uusap sa labas? Dito na rin kayo kumain Chardee. Kapag nagtanong si Mommy mo sabihin mo na lang na pinigilan ko kayo ha,” tugon ni Mariare sa kaniya nang tumalikod na ito kaya sumunod na rin sila at tinawag naman ni Chardee si butler Jaymi para sumunod na rin. Hindi naman tumatanggi si Chardee sa tuwing inaanyaya sila ng ina ni Sten. Syempre nahihiya’t sinusunod niya rin ito dahil parang ang Mommy niya rin ito.
Pagkapasok nila sa loob ay pinaupo muna sila at pinahintay habang niluluto pa ni Mariare ang hapunan nila. Agad din nagtungo si Sten sa kaniyang silid upang magbihis. Malapit na magdapit-hapon kaya maya-maya lang ay magdidilim na.
“Bulaga!” panakot naman ni Chardee kay Sten dahil sumunod pala ito sa kaniyang kuwarto. Nakabukas ng kaunti ang kaniyang kuwarto kaya sumilip ito at nang makapasok ay saka siya ginulat.
“Chardee naman eh, nanggugulat!” irita niyang sabi rito.
“Nagulat ba kita?” tawang sabi ni Chardee kay Sten. “Nakakatuwa ang itsura mo bigla namutla,” dugtong niya pa na nang-aasar.
Hindi na lang si Chardee pinansin ni Sten at iniligpit na ang binihisang damit at inilagay sa labahan. Bigla naman natahimik si Chardee at inilibot ang paningin sa buong sulok ng kuwarto ni Sten. Pagkatapos ay pinuntahan ang maliit na mesang pinag-aaralan ni Sten na katabi lamang ng higaan nito at kusang ginalaw ang mga gamit na nakalagay sa ibabaw ng mesa. Parang pinakialaman na niya ito.
“Marunong ka palang mag-drawing?” tanong nito sa kaniya. Nakita ni Chardee ang mga Cartoon Character na ginuhit niya.
“Oo,” tanging sagot naman ni Sten.
“Ang galing mo pala mag-drawing. Siguro marunong ka rin magpinta ‘no? Kasi ang Daddy ko gan’to ni-w-work niya.” sabi ni Chardee na pinakatitigan ng maigi ang mga ginuhit ni Sten.
“Siguro..." nag-aalangang sagot ni Sten kay Chardee.
“Bakit naman hindi ka ‘ata sigurado? Eh ang galing nitong mga drawing mo, oh! Kung ako ito hindi ko ito kaya,” pagsasabi niya ng totoo rito. “Sabi nila kapag marunong ka gumuhit marunong ka magpinta. Do’n din kasi ang punta no’n.”
“Hindi ko nga rin alam. Hindi pa naman ako lumalaki para malaman ko,” inis na niyang sabi rito na nakapameywang. Ngumisi naman si Chardee na naaaliw sa reaksyon ni Sten.
“Oy, pikon agad? Oh! Ano 'to? Picture mo ba ito no’ng bata ka pa?” kinuha nito ang litrato niya no’ng nasa Day Care Stage pa siya.
Nakita ito ni Chardee na nasa lagayan ng pens niya.
“Oy, akin na ‘yan!” sabi pa ni Sten kay Chardee na kuhanin niya sana ang litrato kung hindi lang tinaas-taas ni Chardee sa ere para hindi niya maabot.
“Ang c-cute mo rito oh, ang puti mo pa kaso madumi ang bunganga mo rito. Kumakain ka nito ‘no? Para naman naputikan ang bibig mo rito,” tuloy-tuloy pang tanong ni Chardee kay Sten.
“Sabi ng akin na nga ‘yan eh, ano ba ang kulit!” singhal na niya rito.
“Akin na lang ito, please...para may remembrance ako sa marumi mong itsura,” napalakas pa niya ang kaniyang tawa. Tuluyan naman napikon si Sten sa kan’ya na animo’y nagpupuyos na sa inis sa kan’ya.
“Ano ba akin na nga ‘yan sabi eh! Ah, Aray!” biglang napahawak ito sa kaniyang dibdib. Natigilan naman doon si Chardee at nilapitan siya kaagad.
“Hey, Sten? Ayos ka lang ba?” bigla siya natakot para sa kaibigan. Nanatili kasi itong nakahawak sa kaniyang dibdib at hinahaplos niyon ng kamay ni Sten.
“Hoy! Ano ba? Okay ka lang ba talaga? Anong nangyari sa’yo?” nag-aalala nang tanong ni Chardee kay Sten.
“Oo, ayos lang naman ako. Bigla lang kasi sumikip ang dibdib ko,” tapat niyang turan kay Chardee.
“Hala! Sorry Sten, I did'nt mean it. Hindi na kita ulit iinisin. Baka sa pagkapikon mo ‘yan?” suggest niyang walang katuturan. “Ikaw kasi ang dali mong mapikon, iyan tuloy,” kunwari’y sisi ni Chardee kay Sten.
“Naku, hindi ha!” sagot naman niya’t ikinalma agad ang sarili.
“Ito oh, isusuli ko na, sorry ulit baka ito pa ang dahilan sa biglang pagsakit ng dibdib mo,” lungkot niyang sabi kay Sten at nag-seryoso.
“Okay lang, hindi naman iyan ang dahilan eh, hindi ko lang talaga alam kung bakit? Siguro sa kagagalaw ko lang...” palagay na lang ni Sten. Hindi na nagpumilit pa magtanong ulit o magsabi ng kung ano-ano si Chardee.
Pagkaraan ay lumabas na rin sila ng silid para kumain ng hapunan. Matapos ang ganap na hapunan ay nagpaalam na rin sina Chardee at Kuya Jaymi niya para umuwi. Habang nasa byahe sila pauwi ay hindi napigilang itanong ni Chardee kay Kuya Jaymi niya ang tungkol sa nangyari kay Sten kanina.
“Kuya Jaymi? Can I ask?”
Nilingon naman siya ni butler Jaymi saglit at pagkuwan ay sabi nito sa kan’ya.
“Bakit, Chardee? Ano ba ‘yon?”
“Eh, kasi po kanina biglang sumakit ang dibdib ni Sten,” diritsong wika ni Chardee. Biglang napaisip si butler Jaymi bago ito nagsalitang muli.
“Bakit? Ano bang ginawa ninyo kanina?” takang tanong ni Jaymi kay Chardee dahil bigla lang naman ito nawala sa salas katabi nito at nang sundan siya ng tingin ni butler Jaymi kanina ay pumasok siya sa silid ni Sten at matagal lumabas.
“K-kasi po...I was thought na kasalanan ko ‘yong nangyari sa kan’ya kanina. Pinikon ko kasi siya kaya siguro bigla sumakit ang dibdib niya,” pagtatapat niyang sabi rito.
“Baka bunga lang 'yon ng karamdaman niya,” hinuhang turan ni butler Jaymi kay Chardee.
“Ano pong karamdaman? Ang ibig n’yo po bang sabihin na may sakit si Sten?” curious niyang sabi rito. Gumuhit ang tila pagsisisi sa sarili sa anyo ng kan’yang mukha.
“Hindi ako sigurado o baka bunga ng kan’yang kapaguran. Minsan kasi nagreresulta iyon ng pananakit ng dibdib ang kakapusin ka ng hininga,” pahayag nito sa kan’ya.
“Napakaimposible naman po ‘yon eh hindi naman siya nagtatakbo. Pinagtatalunan lang naman namin iyong litrato niya kanina ah,” paliwanag niya pa at muli’y pinagtatakhan niya talaga ito. Napapaisip siya. Nagkibit-balikat lang si butler Jaymi nang tingnan niya itong muli.
LASNER COMPANY
“Yes? Right. How’s it going? What! That’s can’t be. I’ll see it soon after I have sorted out the important things here. Alright. Can you contact my manager there Nam Kim? Yes again, tell him to get everything ready when we come in any day. (jeongmal gamsahamnida).”
Nakatanggap ng long distance call from KOREA ang Daddy ni Chardee na si Romy Chorein Lasner. Habang nakaupo sa kaniyang swivel chair sa kan’yang opisina ay ‘di napigilang napaisip ito ng malalim. Make things difficult for them. Hindi pa siya naka-out sa kan’yang office building at nag-overtime para sana sa tatapusin niya para bukas na submission ng files na ginawa pa ng team ng company nila. Isinasaayos niya ‘yon bago in-approve. Iniisip pa rin niya kung papaano sasabihin sa wife niyang si Pinky na mag-m-move out na naman sila patungong KOREA at baka hassle na naman ito para kay Pinky. Hindi kasi puwedeng iwanan ang pamilya niya kung palipat-lipat siya ng destino sa bawat Establishment Building na kung nasaan ang mga kompanya nila. Kailangan niyang subaybayan ang paglaki ni Chardee kung kaya’t nasaan man siya ay naroon din dapat ang kan’yang pamilya. And there is no longer any reason whatsoever, as long as that’s it and nothing else. Biglaan kasi ito’t bago pa lang ang isang taong pamamalagi nila sa lugar na ito. Hindi sila nakapag-stay ng matagal o ilang taon pa man lang. And there is no reason for a long time, he will fix everything so that they can return to Korea. It's March now, maybe it’s time for them to return to Korea because they’re going on vacation and that’s where Chardee will continue his studies.
Habang nasa maliit na salas naman ang mag-inang Sten Marie at Mariare ay nagkaroon ng oras ang dalawa para makausap ni Mariare ang anak na si Sten.
“Sten, anak?” panimula niya rito. Lumingon naman si Sten sa kaniyang ina.
“Bakit po, mama?” tanong naman ni Sten sa kan’yang ina. Tiningnan na muna siya ng kaniyang Mama saka ito nagsalita. Parang nag-aalangan pa itong magsalita sa harap niya. Bakit kaya? Parang pagtakhan na naman ‘ata niya ang Mama niya.
“Mama may sasabihin po ba kayo?” muli ay tanong ni Sten sa kan’yang ina.
Ngumiti lang ang Mama niya at...
“Gusto ko lang sana kumustahin ‘yong pag-aaral mo?” ang tanging naitanong na lang ni Mariare sa anak.
Tumalikod siya sa kan’yang ina at pagkuwan ay ipinagpatuloy ang pagguguhit saka nagsalita.
“Ayos lang po naman mama. Sa susunod na buwan na po ‘di ba ang end ng classes namin?” tanong niya pabalik sa kan’yang ina.
“Oo at buwan iyon ng Abril anak. Bakit mo naitanong?” sabi naman ng Mama niya dahil mukhang lumungkot ang mukha niya.
“Bakit gan’yan ang mukha mo? May nararamdaman ka bang hindi maganda? Sabihin mo kay mama,” agad rumehistro ang pag-alala sa itsura ng mama niya dahil matagal siya nakasagot sa tanong nito.
Ngumiti lang si Sten bilang tugon sa naghisteryang mama niya. Nawala naman agad ang pagkunot ng mukha nito at napalitan naman ng maliwanag na mukha. Gan’yan sila kung minsan ng mama niya. Parang may pagka-drama silang dalawa.
“Kung gano’n po ba na malapit na ang bakasyon. Paano po ‘yan? Ano po gagawin natin sa bakasyon?” ang sunod-sunod na tanong ni Sten sa ina. Parang naging curious lang siya.
“Ano pa nga ba kun‘di ang magbakasyon din, ‘di ba Mariare?” biglang sabat naman ni Einna na kadarating lang sa salas at naupo. Napalingon naman sila.
“At saan mo naman binabalak ang magbakasyon, aber?” iretableng tanong ni Mariare sa kapatid.
“Bakit hindi tayo magbakasyon? Aba Mariare, magpahinga naman tayo kahit kunti. Wala naman masyadong tatao sa’ting tindahan niyan dahil limitado na lang sapagkat wala na masyadong mga istudyanteng pumapasok. Mas mabinta pa naman tayo kapag mga nasa college,” tila panunumbat niyang sabi sa kaniyang kapatid na si Mariare. Inirapan siya ni Mariare.
“ ‘Wag mo sabihin na wala ka talagang plano? Para naman makapagpahinga tayo kahit mga ilang araw lang. Miss ko na ang probinsiya,” at suminghot pa si Einna na tila inaamoy ang amoy sa lugar ng probinsiya.
“Wala naman akong sinasabi na gan’yan. Pero sayang lang din kasi dahil kahit paano ay may costumers din tayo niyan kahit kaunti. Malilikom din natin,” sagot naman niya.
“Tingnan mo ang mama mo, umandar na naman ang pagka-kill joy!” pang-asar pa ni Einna kay Mariare.
“Mama, ‘san po ba talaga tayo ngayong bakasyon?” tanong niya ulit sa ina.
“Hindi ko pa alam, Sten. Saka na natin pag-usapan iyan. Hindi pa naman tapos ang buwan ngayon. At ikaw naman Einna, magtigil ka nga riyan! Huwag mo ako pangunahan lalo pa’t nasa harapan ka ng anak ko,” saway ni Mariare sa kapatid.
Inismiran lang siya ni Einna. Hindi naman galit si Mariare sa lagay na ‘yan. Gan’yan lang talaga ito magsalita kapag naiinis ito minsan sa bunganga ni Einna.
Sa bandang huli ay walang magandang kinalabasan ang pag-uusap nilang mag-ina. Hindi na lang umimik at nagsalita si Sten. Hindi na niya ito binigyan pa ng pansin.