"MAGPINSAN DAW KAMI"

2321 Words
KABANATA 9 Lumipas ang linggo at pasukan na naman. Dali-dali na naman sa paggising ang batang si Sten para ihanda ang mga gamit niya sa pagpasok. Gano’n ang routine nila sa araw-araw. Pagkatapos maayos ang lahat, pumunta na sa school si Sten kasama ang Mama niya. Pagkarating sa school ay hinintay na lang siyang makapasok sa silid-aralan nila at iniwanan na siya ng Mama niya dahil may tatrabahuin pa ito sa kanilang shop. Hanggang sa nagsimula na ang klase nila’t dumating ang recess time. “Hey, Sten!” tawag ni Chardee sa pangalan niya mula sa kabilang classroom at tamang-tama naman pagkalabas din niya ng classroom nila. Napahinto siya at kumaway rin. Tumakbo si Chardee palapit sa kaniya at humahangos pa ito nang makarating sa harap niya. “Bakit ka pa kasi tumakbo? Alam mo na ang taba mo!” inis niyang sabi rito habang humahangos pa rin ang kaibigan. Malamang, sa katawan nitong tabain. Pero kahit narinig ni Chardee iyon ay binalewala na lang niya. “Tara! Meryinda kana?” tanong na lang nito sa kan’ya. “Hindi pa eh, kakalabas ko pa lang,” at hinila na siya ni Chardee sa kamay kung kaya’t hindi na natapos pa ang kan’yang sasabihin. Pagkarating nila malapit sa may canteen ay agad siya iniwanan ni Chardee at ibiniling babalikan siya agad. Ito na pala ang bumili ng makakain nila. Tiningnan na lang niya ang kaibigan sa mga ikinikilos nito. Natutuwa siya sapagkat mabait ito. Nagkaroon siya ng kaibigang katulad nito. Sana habang buhay na silang magkaibigan. Sa isip-isip niya. “Oh, heto.” Iniabot sa kan’ya ang chocolate at gatas na nasa isang pakete ng maliit na karton nakalagay. “Gatas na naman?” pakmamaktol niya sa kaibigan. “ ‘Wag ka na umangal diyan, tara roon tayo. Dali!” At hinila na naman siya nito. “Chardee naman eh,” angal niya rito. Sa may lilim ng puno na may sementadong upuan sila sumilong para umupo at nag-recess sa may 'di kalayuan na canteen. Doon na nila sinimulang kainin ang meryindang binili ni Chardee para sa kanilang dalawa. “Sige, upo na. Ubosin mo ‘yan, ha!” pahiyaw pang sabi nito sa kan’ya. Naiinis man ang batang si Sten sa kaibigan ay hinayaan na lamang niya ito. Paborito naman niya iyong chocolate kaya okay na rin sa kan'ya. Isa pa ay nilibre naman din siya kaya mabuti na 'yon at nakatipid na siya. Tawa niya pa sa kan'yang isipan. “I talk to dad last night,” pagkuwan ay sabi ni Chardee kay Sten habang kumakain na sila. Tiningnan niya si Chardee. “Talaga?” naisabulalas niya. “I told him na may kaibigan na ako’t dinala ko sa bahay para may kalaro ako. Hindi naman siya galit. Okay pa nga sa kan’ya eh, oh ‘di ba ang bait ng Daddy ko? Sabi ko naman sa’yo eh,” patuloy nitong pahayag kay Sten. “Kaya anytime p'wede kana pumunta sa bahay para may kasama ako palagi,” dugtong pa ni Chardee kay Sten. “Kailan naman?” tanong din niya sa kaibigan. “Basta, sasabihan na lang kita. Ayos ba 'yon?” nag-thumps up pa si Chardee kay Sten. “Sige ba,” pag-sang ayon naman ni Sten rito. “Pero ano na naman ang lalaruin natin? 'Yong iba naman,” dagdag pa ni Sten at nag-suhestiyon. Hinintay niya ang sagot ng kaibigan na nag-iisip pa. “Ah. Alam ko na!” Bigla pa si Chardee napatayo. “Tuturuan kita maglaro ng computer games ko,” ani pa ni Chardee. Bumusangot naman si Sten pagkasabi niyon ni Chardee. Larong panlalaki naman 'yong sinabi niya. “Hindi naman ako marunong maglaro ng gano’n eh, iba na lang.” Pinadyak pa ni Sten ang kaniyang isang papa sa lupa. Ibig sabihin lang no'n ay hindi ni Sten sinang-ayunan ang sinabi ni Chardee. “Kaya nga, tuturuan nga kita ‘di ba? Maging magaling ka rin do’n, promise! Madali lang naman kasi 'yon laruin,” panghihikayat niya rito. Muli siyang naupo. “Basta, balik ka ulit sa bahay ha, sasabihan ko si Mommy”. “Sige, ‘di ba sabi mo manood din tayo ng movie? Kailan tayo manonood?” curios niyang tanong dito. “Ah, oo nga pala, baka hindi tayo payagan ni Daddy lumabas. Iyon kasi ang ayaw na ayaw niya pero p'wede naman tayo sa bahay lang manood, may projector kami ro’n na magiging isang malaking tv! Parang sine rin 'yon kalaki!” paliwanag niya pa na in-action. Nakumbinsi naman niya si Sten at mukhang masaya itong nakikinig sa kan’ya. “Hayaan mo, patuturo tayo kay Kuya Jaymi kung paano?” sabi niya kay Sten. Bigla naman tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang hours of recess. “Tara balik na tayo, dali!” At hila na naman ni Chardee sa kamay si Sten . “Sandali lang hindi ko pa ubos ito,” awat na sabi ni Sten kay Chardee. “Dalhin mo na lang 'yan, bilis!” utos ni Chardee kay Sten sa pagmamadali kung kaya’t patakbo na silang bumalik sa kanilang classroom. Madaling lumipas ang mga araw at mas naging close pa silang lalo. Laging sabay at magkasama sila sa loob ng school. Tuwang-tuwa naman doon ang Mommy ni Chardee lalo pa’t lagi ikinukuwento iyon ni Pinky sa husband nitong si Romy Chorein. Wala namang reaksyon ang Daddy ni Chardee bagamat lagi’y nakikinig lang ito. Iba kasi ang sigla ng Unico Hijo nila. Ngayon lang kasi ito nagkaroon ng kaibigan simula noong magsimula itong mag-aral sa pre-school. Marami naman ito naging kaibigan ngunit wala namang matatawag na close niya at pinapunta sa bahay nila o binabanggit man lang. Nakapagtataka lang din kasi dahil sa dinami-dami naman ng magiging kaibigan nito ay babae pa ang nakawilihan na interesanteng kaibiganin ng Unico Hijo nila. Pero gano’n pa man ay hindi rin naman ni Chardee pinababayaan ang kaniyang pag-aaral. Lagi nga siya na sa Top Number One sa kanilang klase kaya lagi’y proud na proud dito ang Daddy ni Chardee. Dumating ang araw na sinorpresa ni Chardee si Sten sa pagbisita sa kanilang bahay. Kaya naman nagulat silang mag-ina nang pumunta ang mga ito sa kanila, araw ng linggo. Kasama pa nila si butler Jaymi na ito mismo ang kusang nagmaneho sa mag-inang Lasner. Nahihiya man ay pinatuloy nila ito. “Naku hindi kayo nagpasabi na darating kayo. Ang gulo-gulo pa ng bahay. Katatapos lang namin maglinis dito sa loob, hindi pa nga kami tapos eh, pa’no nakakapagod na. Wala rin kaming bakanteng araw kung minsan. Alam mo na kapag binuhay na sa hirap,” pekeng ngisi ni Mariare na ang totoo ay nahihiya itong talaga. “Ano ka ba...it’s alright. Pumunta kami rito kasi gustong bumisita ni Chardee. Buti na lang madali namin natunton ang bahay n’yo kung hindi dahil dito kay Jaymi na mabilis na-memorize 'yong lugar niyo.” paliwanag naman ni Pinky na napapangisi. “Hello po, Tita.” Bati ni Sten kay Pinky. Ngumiti si Pinky sa kan’ya at may iniabot ito. “Ano po ito, Tita?” tanong naman ni Sten dito. “Pagkain iyan na paborito mo sabi ni Chardee,” sagot naman ni Pinky na tila masaya ito na inilibot pa ang paningin sa buong munting bahay nila. “Ganda ng bahay niyo ‘no kahit simple lang,” puri pa ni Pinky. “Nakakahiya nga eh, kaya pagpasensiyahan niyo na, ha, Chardee?” tawag pansin ni Mariare kay Chardee na busy sa paglilibot ng paningin nito sa loob ng kanilang bahay. “I’ts okay, Tita. It’s cool.” kalmadong turan ni Chardee sa ina ni Sten. “Naku, hali na muna kayo at maupo. Mag-mi-meryinda tayo total luto na 'yong pina-bake ko kay Einna,” paanyaya niya sa mag-inang Lasner. At excited naman din si Pinky tikman ang isa sa mga binibenta nilang tinapay sa kanilang Own Bake Shop. “Sige nga at matikman natin ‘yan. Naku! Ngayon lang talaga ako nakapunta sa inyo.” ubod ang ngiti ni Pinky sa sinabing iyon ni Mariare. Tamang-tama naman pagkalabas ni Einna galing kusina ay nadatnan niya ang mag-inang Lasner sa kanilang munti’t maluwag na salas, kasama ni Mariare ang mga ito. Hindi siya agad nakaimik at nakatulala lang. Animo’y may kung anong nakita si Einna. Napuna naman siya agad ni Mariare kaya tinawag siya nito upang ipakilala. “Siya nga pala Pinky, ang nag-iisa kong kapatid si Einna. Einna si Pinky ang kaibigan ko. ’Yong sinasabi ko sa’yo,” patuloy niyang pagpakilala sa kanila. “At siya naman si Chardee Lasner ang kalaro ni Sten doon sa mansion, ang nag-iisang anak ni Pinky.” Ngunit patuloy lang nakaawang ang baba ni Einna. Shocked ito sa naging reaksyon niya. Nainis naman si Mariare sa kaniyang ipinakita. “Hoy! Einna? Ano ba? Ayos ka lang? Para ka naman nakakita ng multo riyan!” sabi naman ni Mariare para mapukaw sa pagkatulala si Einna. Ngising-ngisi naman si Pinky sa kanila maging si Chardee’t Sten ay mataman nakamasid sa tita niyang ‘di malaman ang dahilan kung anong nangyayari rito sa kan'ya. “Ah eh, pasensiya na. Nagulat lang ako. Pasensiya na talaga,” tugon ni Einna na nakangisi at humingi ng paumanhin sa mga bisita. Hiyang-hiya siya sa kan'yang ginawa. “It's okay.” Tuluyang tumawa si Pinky na ikinagulat nila kaya napatawa na rin sila kasabay nito. “Nakakatuwa lang talaga kayo ‘no? Siguro ang saya-saya ng pamilya n’yo?” patuloy na sab ni Pinky. Nagkatinginan naman sina Mariare at Einna at napangisi silang dalawa. “Sinabi mo pa Pinky, eh ito lang naman si Einna ang laging nagpapasaya sa pamilyang ‘to,” sagot niya kay Pinky. “Kahit ano-ano ang mga pinaggagawa niyan at maging si Sten ay kahit ano itinuturo sa pamangkin,” wika ni Mariare na tawang-tawa pa. “Hello po pala sa inyo,” ngiti ni Einna kay Pinky. At tumango naman si Pinky sa kaniya. “Hindi lang talaga ako makapaniwala na nagkaroon ng magandang bestfriend itong kapatid ko at may anak pa na ubod ng pogi oh! Grabe itsura pa lang halata ng yayamanin. Grabe talaga, as in!” Hindi na naman makapaniwalang pahayag ni Einna na halos pinupuri niyang talaga. “Naku, salamat!” tugon naman ni Pinky na nginitian si Einna. “Ngayon maniwala kana!” sinagot naman ni Mariare ang pahayag na 'yon ni Einna. “Oo na, paniwalang-paniwala na. Naku ‘tong kapatid kong talaga!” simangot niyang sabi rito at natawa. “Hindi pa po ba tayo kakain? Gutom na kami eh,” sabat naman ni Sten sa nagtatalong ina’t tita niya. “Ay, oo nga pala tayo na sa kusina at kainin na natin iyong niluto kong meryinda,” pagkuwan ay sabi ni Mariare sa kanilang lahat. “Luto na ba 'yon Einna?” agad niyang tanong dito. “Oo. Bago lang, nakahanda na 'yon sa mesa kaya nga tumungo ako rito para sabihin sana kaso may dumating ka pa lang bisita hindi mo agad sinabi,” mahabang sagot ni Einna sa kapatid. “Pa’no ko naman sabihin, eh, nagulat nga rin ako nang pagbukas ko ng pinto eh nandiyan na sila,” paliwanag naman ni Mariare sa kapatid niyang si Einna. “Sorry talaga Mariare ha, surprise kasi ang pagpunta namin dito. Tuloy nagulat pa namin kayo,” paumanhin pa ni Pinky. “Ano ka ba, okay lang iyon ‘no. ‘Wag ka mag-sorry. Mabuti pa kumain na tayo baka lumamig pa ang pie na niluto ko at hindi na masarap kainin.” Pumanhik na sila sa may kusina kasunod ng mga bata . Pagkaupo nila sa harap ng maliit na bilugang mesa ay agad naman nanalangin si Sten upang magpasalamat sa biyayang bigay ng nasa itaas. Na-touched naman doon si Pinky dahil bukod sa simpleng pamumuhay lang ang kinalakihan ni Sten ay hindi nito nakakalimutang banggitin ang nasa itaas. GOD centered din pala ang pamilyang ‘to kaya kahit simple lang sila ngunit napakasaya na nila sa pamumuhay nila ngayon. Ibang-iba yata talaga siguro ang mga mayayaman sa mahihirap. O ano ba talaga? Anang isip ni Pinky. Napuno na naman ng kasiyahan ang munting bahay ng Amsedel. Bulong-bulongan din sa labas ng bahay ang naging bisita nila kaya’t ang tanging sagot na lamang nila Mariare at kapatid nitong si Einna ay magpinsan ang dalawang bata. Galing sa malayong lugar na kamag-anak ni Mariare, muling bumalik dahil umasenso sa malayo kaya nakapagbisita sa kanila. Sinang-ayunan naman iyon ni Pinky na tawang-tawa pa sa kuwentong ginawa nila. Natapos ang araw na iyon na isang napakagandang araw para sa kanilang lahat dahil mas lalong nakapag-bonding sina Sten at Chardee. Isang umaga nang magising si Sten at lumabas ng kanilang bahay upang pumasok na sa eskuwelahan, habang hihinintay ang kaniyang ina sa labas ay bigla ba naman siya hinarangan ng kapitbahay nilang si Ginang Jojana. Hindi man maganda banggitin ito ngunit napaka-tsismosa ng Ginang na ito sa lugar nila. Sinabi niya sa bata na hindi ito makapaniwalang may ganoong pinsan siyang ubod ng yaman at napaka-guwapo pa kahit tabain ang batang si Chardee. Bali-balita na raw iyon sa lugar nila. Nagtaka naman siya sa sinabi ng Ginang ngunit hindi na rin niya ito pinatulan pa sa pagka-tsismosa ng kapitbahay nila. Iyon kasi ang turo ng Mama niya. Ano man sabihin ng ibang tao ay pakikinggan niya lang ito’t ‘wag na manlaban pa ng sasabihin. “Mama, kagagaling lang po rito si Ginang Jojana at may sinasabi po siya,” pagkuwan ay sabi niya sa Mama niya dahil sa kaniyang pagtataka. “Ano? At ano naman ang sinabi sa’yo ng Ginang na ‘yon? Galit na sabi sana ni Mariare pero pinigilan lang niya dahil baka pagtakhan siya ni Sten. “Sabi nila ay mag-pinsan po raw kami ni Chardee?” "Ano! Sinabi niya 'yon?" gulat na wika ni Mariare. Humanda sa 'kin ang tsismosang iyon. Anang isip ni Mariare na pigil sa pagngangalit ng kaniyang mga ngipin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD