Ang hindi inaasahang reaksyon ni Daddy Romy

2358 Words
KABANATA 8 Sige sa susunod ulit Mariare, looking forward for it”, umaasa na sabi ni Mrs.Pinky sa pag-uusap nilang dalawa ni Mrs.Mariare habang hinihintay nila ang mga bata bumaba mula sa kuwarto. “Walang problema sa ’kin basta ikakaligaya rin ng Sten ko. Sasang-ayunan ko 'yan. Nakakabuti rin naman pareho sa mga bata ang malibang, makilala ang isa’t isa saka malaman nila paano mabuhay ang isang bata na malaya," sabi ni Mariare na walang pag-alinlangan sa nais naisin ni Mrs.Pinky. “Hayaan mo sa susunod kami ay naman ang papasyal doon sa inyo para malaman naman namin kung nasaan ang tirahan niyo ‘di ba?” sa wakas ay nasabi niya ang kanina pang gusto niyang sabihin. Madali niya kasing makalimutan kaya pilit niyang inaalala ang matagal nang hindi niya natanong kay Mariare kung saan ang tirahan nito. “Aba, syempre naman Pinky pero pagpasensyahan mo na agad ang bahay namin ha, mahirap lang talaga kami baka hindi matagalan doon ni Chardee. Parang hindi pa naman yata siya sanay sa ganoong katayuan,” mahaba niyang salaysay sa kaibigan sabay ng pagkapahiyang yumuko. Nakakahiya naman kasi na katulad pa nila ang magiging bisita, baka ano pa ang masabi nito pero batid naman niya na hindi gano’n ang kaibigan niyang si Pinky kaya naman niluwagan niya ang puwang ng pagiging magkaibigan nila para mapasok nito ang mundo nila at makilala sila nang hindi ipinagkakait nito ang kung sino’t anong mayroon sila. Hindi madali sa tulad nila ang makatagpo ng kagaya nila Pinky at anak nitong si Chardee na isang LASNER. Isa pa naman iyong pangalang tanyag na kilala sa pagiging pinakamayaman sa industriya ng Business Industry. Pinagmamay-arian ng Lasner na kilala dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa kaya gulat na gulat man sa mga nangyayari sa kanila ngayon sa pagitan ng pamilyang Lasner ay wala na silang magagawa pa kundi ang e-welcome ang mga ito sa buhay nila na maging bahagi na ng paunti-unting simulain. “Mom,” tinig ni Chardee na nagpapukaw sa kanilang masinsinang pag-uusap. Sabay na napalingon ang dalawang magulang nila at kasunod naman iyon sa likuran ni Chardee ay si Sten. “Mama,” sambit ni Sten sa ina ng makita niya ito. Napatayo naman si Mariare at niyakap ang anak ng mahigpit. “Miss na miss kita!" sabay pisil sa magkabilang pisngi ni Sten at pinupog niya ito ng halik. Nakiliti naman si Sten sa ginawa ng Mama niya at pinagmasdan na lamang sila ni Pinky at Chardee na tila natutuwa sa kanilang mag-ina. “Mama tama na po at nakakahiya, nakatingin sila sa atin,” saway ni Sten sa ina. At nginitian sila ng mag-inang Lasner. “Pasensiya na talaga sadyang na-miss ko lang itong baby no more ko," panggigigil na ni sabi ni Mariare sa anak. “Mama!” inis na wika ni Sten sa ina. “Nakakatuwa talaga kayong mag-ina,” pagkuwan ay sabi ni Pinky sa kanila Sten at ng Mama niya. “Hijo, did you saw it?” tanong ni Pinky sa Unico Hijo niya. “Yeah, Mom. Then, what is it?” tanong naman ni Chardee sa Mommy niya. “I’m jealous. Let’s do what they did,” pilyang sabi ni Pinky sa Unico Hijo niya. Ikinangiwi naman iyon ni Chardee. “Eww. Mom, I’m not a kid anymore!” At patakbong umakyat ito ng hagdanan palayo sa Mommy niya. Napatingin naman doon sina Sten at Mama niya at bigla naman tumingala si Sten nang huminto sa pagtakbo paakyat si Chardee sa gitna ng stairway at tinawag siya. “Magkita na lang tayo sa school!” kaway ni Chardee sa kan’ya sabay sabi no'n at tumango lamang siya. “Don’t mind him. He is always like that whenever I tried to play tricks on him,” sabi ni Pinky na tila natatawa. “By the way Sten, balik ka ulit dito ha? We will miss you here," patuloy na sabi ni Pinky. “Po?” biglang taka niya sa Tita Pinky niya. “Yes, you heard it clear. Maaari kang bumalik dito hangga’t gusto mo. “Talaga po?” gulat pa ring sabi niya, ni hindi siya makapaniwala. Subrang bait talaga nitong Mommy ni Chardee. Eh ang Daddy kaya ni Chardee gano’n rin kaya? Bigla siya tuloy napaisip. Si Chardee nga walang magawa kung ayaw ng daddy niya eh paano kaya kung gano’n? Mukhang maraming question mark sa utak niya ah, hindi pa niya nakita at nakasalamuha ang daddy ni Chardee. Mabait kaya ‘yon? Hindi kaya iyon takot sa katulad nilang mahirap lang? Magustuhan kaya sila ng Daddy ni Chardee katulad din ng pagkagusto sa kanila ng Mommy ni Chardee? Matutuwa kaya iyon sa kan’ya? Mukhang takot siya. Anang isip niya. “Sten. Anak, okay ka lang ba?” tanong sa kan’ya ng Mama niya nang mapunang bigla siyang natahimik at parang may malalim na iniisip. “Sten, hija are you alright?” tanong na rin sa kan’ya ni Pinky. Bigla itong nag-alala sa kan’ya. “Wala po,” at ngumiti lang siya sa kanila. “Sige Pinky, hindi na siguro kami magtatagal pa at marami pa kaming gagawin sa tindahan,” paalam na ng ina ni Sten sa kaibigan nitong si Pinky. “Sige, ipapahatid ko na kayo sa driver and no buts, okay?” pamimilit ni Pinky kung kaya’t hindi na nakapagtanggi pa ang mag-ina. “Jaymi?” tawag nito sa butler nila. “Yes po, Maam?” sagot naman nito agad. “Samahan mo sila sa paghatid sa kanila. Sumabay kana sa driver at iyong pinabibilin ko sa ’yo na ipapadala ko sa kanila tapos mo na bang ihanda?” mahabang turan nito sa kan’yang iniutos kay butler Jaymi. “Opo, Maam. Ayos na po lahat.” Bigla naman nagkatinginan sina Mariare at Sten. Tila nagtaka sa mga sinabi ni Pinky. Pagkuwan ay binalingan sila ni Pinky na nakangiti. “Kuwan kasi Mariare may ipinabalot akong ibibigay ko sa inyo. Nasa kotse na 'yon, kayo na bahala sa mga 'yon at sana magustuhan n’yo, masasarap 'yon at gatas para kay Sten pinabibigay ni Chardee 'yon," sabi niya sa hindi pag-imik ng mag-ina. Pero pagkuwan naman ay nagsalita ang ina ni Sten. “Nag-abala ka pang talaga Pinky pero maraming salamat, tatanggapin ko 'yon,” nahihiyang sabi niya sa kaibigan at hindi na bale binigay naman niya ang mga iyon kaya walang kaso kaysa naman tanggihan pa niya ang mga 'yon baka magtampo pa ang kaibigan. “Pakisabi na rin po kay Chardee na maraming salamat sa gatas,” sabat naman ni Sten. “Oo naman at walang ano man iyon,” at hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi ni Sten. “Sige, alis na kami Pinky. Maraming salamat ulit ha,” muli’y paalam na niya. “Sige, mag-iingat kayo.” Huling sabi nito sa kanila nang tuluyan na silang makalabas sa malaking pinto ng mansion. “Sten!” sigaw naman ni Einna nang makita ang pamangkin pagkapasok sa Coffee Shop nila. “Payakap, dali!” hiyaw nito na parang may kung anong nangyari eh, na-miss lang naman ang pamangkin. “Tita naman kung maka-sigaw ka po eh,” sabi ni Sten na napakamot saglit sa kan’yang batok. “Ano ka ba! Hinaan mo nga iyang boses mo, nakakadisturbo sa mga costumer natin, mahiya ka naman," saway pa ni Mariare sa kapatid at inilapag sa loob ng mini-room sa loob ng Coffee Shop ang mga dala nila. Napuna naman iyon ni Einna kaya tinanong niya si Sten. “Oy, ang dami naman ‘ata iyang dala ninyo, saan galing iyan?” tanong niya kay Sten matapos niya itong bitawan mula sa pagkakayakap. “Sa kina Chardee po.” sagot pa niya. “Oh, talaga?” ‘di makapaniwalang turan niya. “Ano naman ang mga 'yon?” tanong pa niya ulit sa bata. “Mga pagkain po at gatas!” sagot naman niya. “At alam n’yo po ba na inihatid pa kami nila Kuya Jaymi ng kotse nila.” patuloy na sabi niya at tila nagmamalaki pa. “Ows, grabe naman ‘ata iyan. Sobrang bait naman ng kaibigan mong ‘yan at may ipinadala pa sa inyong mag-ina,” sabi ni Einna na parang nanunudyo pa ‘ata. “Ipinadala iyan ni Pinky. Hindi na nga ako nakapagtanggi eh, ewan ko ba riyan sa kan’ya at hindi kinaligtaan na may ibibigay talaga. Hindi maubusan ng mabibigay,” paliwanag pa ng ina ni Sten. “ ‘Ka mo mayaman kasi kaya gan’yan,” dugtong pa ni Einna sa sinabi ni Mariare. “Do you have chocomocha?” anang isang costumer na kapapasok pa lang. “Puntahan mo na at may costumer tayo, nakikiusyuso pa kasi,” pagtataboy na ni Mariare kay Einna. Agad naman tumalima si Einna at pinuntahan ang costumer para sistemahin. “Hello! Welcome to our coffee shop. What is your order again, Maam?” tanong nito ulit at inisistema na ang ibang costumers na sunod-sunod dumating na naka-linya na sa puwesto ng unang dumating. LASNER MANSION (Lasner Residence) “Daddy!” patakbong sinalubong ni Chardee ang ama pagkakita niya rito nang bumukas ang malaking pinto sa entrance ng malawak na salas ng mansion. Niyakap naman siya nito at hinalikan. Pagkatapos ay ginulo ang bouncy na itim niyang buhok. “Hey kiddo! Did you take care of your mom when I’m not around?” sabi ng daddy niya na may ibinilin pala ito sa kan’ya. “Yeah, dad but mom, instead she’s the one who takes care of me. She always thought that I’m her baby boy? I don’t like it. You said that I’m big na! Right?” sumbong pa nito sa ama at nagpapakumpirma. “Right. Don’t worry, time is running fast and you will notice you can have someone to fall for.” “What? D-dad?” tila naguguluhan niyang tanong sa Daddy niya. Ngunit ginulo lang nito ulit ang kan’yang buhok. “Where’s your mom?” tanong nito pagkuwan na hindi sinagot ang nagtatakang tanong ng unico hijo. “She’s in the kitchen,” sagot naman ni Chardee nang pag-angat sa ulo ng Daddy niya ay bumungad agad ang Mommy niya galing sa dirty kitchen nila. “Dad was here mom,” sabi niya agad sa Mommy niya nang makita niya rin ito. Agad na nagyakapan ang Mommy’t Daddy niya at binati ang isa’t isa. “How was your business trip?” tanong nito kay Romy Chorein, sa kan’yang husband. “It’s been good. I closed another projects.” walang pag-alinlangang sagot ni Romy Chorein kay Pinky. “Binabati kita kung gano’n. Well...let’s eat. Nakahanda na iyong dinner. Ako ang nag-prepare no’n dahil alam kong ngayon na ang uwi mo. I cooked your favorite adobong pinya and pasta,” ngiting pagkatamis ang iginawad ni Pinky sa husband nito. At sanay na sanay na si Pinky sa mga nakakamit ng husband niya. Halos wala itong napapalagpas na walang achievements pagkatapos. “Okay,” ikling tugon ni Romy Chorein at tinungo na nila ang mahabang mesa kung saan nakahanda na ang dinner nila. Pagkaupo nila sa harap ng mesa ay agad na sinimulan ang pagkain. Panay ang usapan nila nang sumabat si Chardee sa pag-uusap nila. “Ahm, dad?” simula niya. Napatingin naman sa gawi niya ang kan’yang Mommy’t Daddy. "I spent time playing with my friend here in our house.” Natigilan ang daddy niya at tiningnan siya ng seryoso pagkatapos ay itinuloy ang pagkain. Bigla naman pinandilatan si Chardee ng mata ng Mommy niya. “Who?” pagkuwan ay tanong sa kaniya ng Daddy niya. “It’s Sten. Unless you're not allowing me to go out so I bring her in the house to play with me.” Biglang natigilan ang daddy niya sa pagkain at tiningnan siya na hindi pa naman ni Chardee muling ginalaw ang pagkain habang hindi pa siya tapos sa pakikipag-usap sa Daddy Romy niya. “Her? It’s a girl?” ulit na tanong sa pagtatama sa kan’ya ng Daddy niya. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi ng Daddy niya at nakita nila iyon ng Mommy niya and they’ve thought for a sudden na magagalit ito pero parang hindi naman pala. “Iyong ikinuwento ko sa ’yo Rom na nagkaroon ako ng kaibigan sa school and she had a daughter so I want her also to introduce to me and I let Chardee know her also. She’s an angel to me so I like her to be Chardee’s closest friend. You know what that she is so mannered and kind just like her mother. She was so pretty too!” pagmamalaki pa ni Pinky kay Sten para maging pasado ito sa ama ni Chardee. “I see...so if Chardee likes her I have no doubt about it.” kinindatan pa nito si Chardee. “I trust you, Hijo.” Huling sabi ng daddy ni Chardee at tuwang-tuwa naman siya sa sinabing iyon ng Daddy niya. “Really, Dad?” tiningnan niya ng maigi ang Daddy niya at kumukuha ng pabalik ulit na sagot dito. “Yup,” tipid nitong sagot. "Thanks dad.” balik niyang tugon sa Daddy niya. “That’s great!” habol pa niyang sabi sa Daddy niya. Mataman lang nakamasid sa kanilang dalawa si Pinky. Hindi na ito nagsalita pa. Hinayaan na lamang niyang si Chardee na ang bahalang kumausap sa daddy niya. Nabanggit naman niya iyon kay Romy subalit wala sa detalye niya roon na babae ang anak ng kaibigan niya. Hindi naman sila matapobre pero wala rin namang oras para sa mga ganiyang bagay si Romy Chorein kasi nga ay napaka-busy nitong tao. Ang tanging focus lang sa ngayon ng husband niya ay ang pagsasaayos ng lahat habang wala pa sa edad si Chardee dahil tanging ito lang ang susunod na mamalakad sa lahat nang mayrooon sila. Tumutulong naman siya ng kaunti subalit hindi niya mapag-iwanan si Chardee ayon na rin sa kagustuhan ng husband niya na hindi pabayaan si Chardee sa ano mang gawin nito. Nahinuha niyang payag ito sa naging kaibigan ni Chardee dahil isa itong babae kaya siguro madali itong napa-okay ni Chardee. Dinadalangin niyang sana ay mas magustuhan pa nito ang bata kapag makita at ma-meet ng daddy ni Chardee sa personal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD