SUMPAAN

2042 Words
KABANATA 7 “Aray! Ang sakit naman ng mga balikat ko," daing ni Einna sabay na pinagsusuntok ng kamao niya ang dal’wang balikat na parang mina-massage iyon. “Ako nga rin eh, grabe ang pagod natin sa araw na ’to. Pero ayos lang ang mahalaga ay marami tayong mga costumers at kahit papaano ay malaking pangdagdag na iyon sa mga gastusin natin. May babayarin pa tayong loan," ani pa ni Mariare. Kasalukuyang nakaupo sila sa may munting sala nila at dinadama ang mga nararamdaman sa bawat katawan nila. 11pm na sila natapos sa shop dahil napaka-busy ng araw na ito para sa kanila. Kung dinadayo ng costumers ang Coffee Shop at Bake shop nila araw-araw ay mas lalong madagdagan pa iyon kapag nagkataon na marami ang nagkakape at nag-mi-meryinda. “Ah, teka nga muna Mariare, nakatawag ka na ba kay Sten? Mukhang wala ‘ata ako nababalitaan sa kan’ya galing sa ’yo?” bigla napatanong si Einna dahil bigla pumasok iyon sa isip niya. Simula nang nagpunta si Sten sa Mansion ng mga Lasner ay saka naman naging abala sila sa munting tindahan nila. Hindi na sila masyadong nakapag-usap ng masinsinan. Malamang sinasadya iyon ni Mariare para hindi niya ma-miss ang anak. Bago kasi sa kan’ya ang nangyaring gan’to kaya hindi siya sanay. Kaibigan niya ng matalik si Pinky kaya hindi niya puwedeng hindi-an ito dahil nakakahiya naman. Napakabuti nito sa kan’ya at nasisiguro naman niya na kahit napakayaman nito ay iba ito sa mga nakilala niya at nakatagpo sa mga naging mga kaibigan niya noon. Kaya kampante na siya dahil wala naming senyales na hindi maganda ang kalalabasan sa pagitan nila at ang anak nito sa Sten niya. “Hindi pa nga eh, baka bukas tatawagan ko siya. Sa susunod na araw naman ang balik no'n eh dahil malapit na matapos ang isang linggo at pasukan na naman nila sa susunod na linggo,” tugon ni Mariare sa kapatid. “Ang bilis nga ng isang linggo eh, parang wala lang ‘di ba?” patuloy ni Mariare. “Mas mabuti nga iyon kasi nami-miss ko na ang pamangkin ko. Parang hindi pa naman ako sanay na hindi ko siya nakikita,” sabi ni Einna na may kalungkutan sa boses niya. Tiningnan naman siya ni Mariare. “Asus, nagdrama ka na naman diyan. Pa’no naman kaya ako? Hindi mo rin ba naiisip ang nararamdaman ko? Hay…” sabi ni Mariare at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Kaya bukas na bukas ay tawagan mo. Kung hindi mo magawa ay ako ang tatawag at papauwiin ko na ‘yan dito," ang tapat na wika ni Einna kay Mariare. Saka tumayo nito at tumungo sa banyo. Hindi na ito lumingon at hindi rin niya hinintay si Mariare na sumagot. Sinundan na lang ni Mariare ng tingin ang kapatid at imbes na magsalita pa siya ay hindi na niya ginawa dahil baka magtalo pa sila. LASNER MANSION (Lasner Residence) Kasalukuyan naman na gising pa sina Sten at Chardee sa loob ng kuwarto. Nakatalukbong silang dalawa ng kumot at nag-on ng flashlight na parang nag-g-ghost play. Kasalukuyan kasing nakapatay ang ilaw sa loob ng mansyon sa mga oras na ito dahil kinukumponi iyon dahil nagkaroon ng biglang pagkasira sa isang kable ng kuryinte na nakakonekta sa main switch ng mansyon. Kaya naka-off ang lahat ng ilaw pansamantala. Pinuntahan naman sila ni butler Jaymi para pinagsabihan pagkatapos ay iniwan na sila agad. Sinabihan sila na babalikan sila kapag maayos agad ang kuryinte sa loob ng mansion. “Madali ka bang matakot sa dilim?” pagkuwa’y tanong ni Chardee kay Sten. “Ako? Dependi" sagot naman ni Sten. “Anong dependi?” takang tanong naman ni Chardee. Dahil siya ay medyo matatakutin hindi nga niya lang iyon sinabi. Kung wala nang mga oras na ito si Sten ay malamang nagtatakbo na siya sa kahabaan ng stairway nila at nagsusumigaw na sa pangalan ng Kuya Jaymi niyang butler. Nagtataka nga ang Mommy niya kung bakit ito ang tinatawag niya sa tuwing mahintakutan siya. Napapalagay kasi ang loob niya kapag si butler Jaymi ang nalalapitan niya. Takot kasi siya sa dilim, nakakatakot na palabas at maging sa paranormal na minsan nang nag-watch marathon ang mga katulong nila at nabungadan nga niya ito noon sa maids quarter kaya gano’n na lang ang takot niya na ayaw na ayaw na niyang maulit pa sa tanang buhay niya. “Hindi ako takot ‘no. Paborito ko nga tingnan ang horror movies. 'Yon ang kalimitang pinapanood namin ng ante Einna ko," matapang na sagot ni Sten. Nanlaki naman ang mga mata ni Chardee sa tinurang iyon ni Sten. Mukhang hindi yata siya makapaniwala rito, sa sinabi nito. “Oo. Totoo," agap na tugon ni Sten dahil napagtanto niyang hindi ito maniniwala sa kaniya. “Wee...‘di nga?” ang tanging nasambit ni Chardee. “Hindi nga sabi eh. Ginagawa namin ‘yon ng Tita ko dahil ini-imagine na lang namin na nanonood kami ng sine,” sabi ni Sten kay Chardee na gusto niyang ipatunay rito. “Bakit hindi na lang kayo tumingin sa sinehan?” tanong ni Chardee ulit kay Sten. “Sabi ni Mama, saka na lang daw kapag may budget na. Mahal daw kasi ang manood ng sine kaya sa bahay na lang namin ginagawa at para na rin naman kami nananood dahil parang totoo na rin,” mahaba niyang salaysay kay Chardee. Para naman nakadama ng lungkot si Chardee sa kaibigan. “Hayaan mo, manonood din tayo ng sine. Isama mo pa ang Tita Einna mo,” sabi sa kaniya ni Chardee. “Talaga?” parang hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. “Oo naman," sagot naman agad ni Chardee. Para matuwa ang kaibigan ay gagawin niya ito. Ipapaalam niya sa Mommy niya ang tungkol dito. Malamang ay papayag naman iyon lalo pa’t request niya. Nginitian ni Chardee si Sten dahil masaya ito. Napakalawak pa ang ngiti nito sa kaniya. Kaya hindi niya agad inalis ang pagkakatitig sa kaibigan habang patuloy pa ito sa pagngiti sa kaniya. Nang biglang umilaw. Bumalik ang ilaw sa buong kabahayan ng Mansion Lasner. ‘Di nila namalayan na nakapasok na pala si butler Jaymi sa loob ng silid at pina-ilaw na ang loob ng kuwarto. “May ilaw na!” sabay na sabi naman ng dalawa. Napasigaw pa sila. “Senyorito, senyorita, maayos na ang ilaw kaya puwede na kayo matulog dahil hating-gabi na at baka mapuyat kayo," ani ni butler Jaymi sa kanila. “Sige po, Kuya Jaymi.” Saka bumaba ng kama para ayusin ang higaan nilang lumukot. “Salamat po ulit Kuya Jaymi," sabat naman ni Sten. “Walang ano man senyorita," biglang napangiti si butler Jaymi sa sinabi ni Sten. “Sige alis na ako Senyorito Chardee, Senyorita," turan muli ni butler Jaymi at nagpaalam na sa dalawa. Madaling lumipas ang mga araw. Ang mga naging bonding nila na sa loob lamang ng mansion dahil sa hindi sila maaaring lumabas at ang araw na babalik na si Sten sa kanila. “Hali ka, pasok. Hindi mo man lang sinabi agad na pupunta ka rito disen sana pinasundo na lang kita sa driver dito sa mansion dahil ipapahatid ko rin naman kayo ni Sten pag-uwi niyo," ani ni Pinky sa kaibigang si Mariare na kararating lamang para sunduin nito si Sten. “Ano ka ba Pinky, ayos lang. Nandito na ako eh, maraming salamat," katwiran nito sa kaibigan. “Si Sten nga pala, saan?” tanong niya kay Pinky nang ang kaibigan lang ang nadatnan niyang sumalubong sa kaniya sa malaking pinto ng mansion. “Nasa loob ng kuwarto pa ‘yon. Nag-aayos pa ‘ata ng mga gamit niya,” sagot naman ni Pinky kay Mariare. “Gano’n ba?” ang naging tugon na lamang niya sa sagot ng kaibigan. “Hali ka. Maupo kana muna at anong gusto mong meryinda dahil ipapakuha kita?” magiliw na tanong nito kay Mariare. “Huwag kana mag-abala, saglit lang naman ako rito at isa pa katatapos ko lang kumain bago ako nagtungo rito," pahayag niya pabalik sa kaibigan. “Ano ka ba naman, matagalan pa kunti ‘yon at malamang nag-uusap pa iyung mga bata kaya sige na I insist para makapag-usap muna tayo sandali," pamimilit niya rito sabay hila sa kaibigang si Mariare para maupo sa sofa. Nagpatianod naman siya rito’t sumunod na lang. “Kumusta naman ang Sten ko rito Pinky? Hindi ba siya makullit, ha?” ani ni Mariare sa kaibigan. “Naku hindi naman...ano ka ba, ‘wag mo intindihin iyang mga bata dahil normal lang 'yan. Sumigla nga itong bahay eh dahil nandito si Sten, may nakalaro na si Chardee at tuwang-tuwa naman ang anak ko. Salamat talaga sa ’yo, ha. Ngayon ko lang kasi nakitang sumigla ang unico hijo ko’t hindi na lumalagi sa library ng mansion. And I’m very thankful to Sten ‘coz she’s my angel." Kinuha ang kamay ni Mariare upang haplusin iyon bilang isang pasasalamat ni Pinky sa kaniya. Sa dinami-dami ba naman ng nakakasalamuha niya’t mga kaibigan na mayayaman na may mga anak naman na kasing-edad lang din ni Chardee ay sa anak ni Mariare niya iyon nakita at nahanap ang mga gusto’t senyales na na-v-vibes niya. Tipong may pagka-feng shui itong si Pinky pero ayon na rin naman iyon sa mga naririnig at nababasa niya. Kesyo wala naman masama kung gawin mo man o hindi, maniwala ka man o hindi. Nag-angat ng tingin si Sten nang marinig niya ang pagpihit ng door knob, sumilip pala sa may pintuan sa labas si Chardee. “Ngayon na ba alis mo?” tanong ni Chardee nang makapasok na ito sa sariling kuwarto at nakita si Sten na in-arrange ang gamit sa bag matapos itong maligo. “Oo.” ikling sagot niya kay Chardee. “Wala kang iniwan na gamit mo?” tanong sa kaniya ni Chardee. “Wala, kukunin ko pa iyong iba sa cabinet mo dahil hindi pa ako tapos-" naputol ang sasabihin niya ng bigla siya hinarangan ni Chardee at pinigilan. “Bakit?” takang tanong naman ni Sten dahil nagulat siya rito. “Iwanan mo na lang 'yong iba mong gamit total babalik ka pa naman dito eh, ‘di ba?” sabi ni Chardee. At mukhang nag-alangan si Sten sa kan’yang sinabi. “Hindi ako sigurado kung papayagan pa ako ni Mama na pumunta rito ulit," biglang nalungkot ang boses niya. “Huwag ka mag-alala, makapaglaro pa tayo rito ulit. Ako ang bahala. Kung hindi ka babalik dito wala na akong kalaro. Malulungkot ako," pangonsensya nito sa kaniya. “Basta ako na bahala kay Tita, I think Mommy will agree,” sabi niyang nginitian si Sten na para bang may pag-asa. Tiningnan siya ni Sten ng may pagdududa at bagsak ang mga balikat niya na hindi niya mawari kung bakit? “Hay, bahala na nga...” walang kasiguraduhang sabi niya. “Basta promise, kaibigan mo ’kong talaga. Ikaw ba?” bigla ay natanong nito sa kaniya ni Chardee nang kinuha na niya ang kaniyang bag at isinuot na 'yon sa kaniyang likuran. “Hindi nga?” pagbibiro niya kay Chardee. “Totoo! Promise." At itinaas ang kanang kamay na tila nanunumpa. “Promise mo ‘yan ha?” paniguradong tanong niya rito ulit. “Oo na nga sabi eh, kulit?” turan niya kay Sten at nanatili pa ring nakataas ang kan’yang kanang kamay sa ere. “Pangako mo ‘yan ha, wala ng bawian,” serysong sabi niya rito. “Oo na nga. Sige kamay mo," iginalaw-galaw pa niya ang kan’yang kamay para makuha ni Sten ang ibig niyang sabihin. Ang makipag-appear dito. “Kailangan pa talaga 'yan?” nagtataka nang tanong niya. Hindi niya maisip na meron pagka-weirdo si Chardee kaya napangiti siya roon. “Promise nga ‘di ba?” paulit-ulit na naman niyang turan dito. Nangangawit na ang kamay niyang nanatili pa sa ere. “Sige na nga para matapos na. Pangako ko na kaibigan pa rin tayo. Kahit na minsan nagpupumilit ka sa pagpapainom sa’kin ng gatas," litanya niya dahilan para matawa si Chardee sa huli niyang sinabi at sabay appear sa kan’ya. “Pangako ko. Promise! “ At sumilay na naman ang malalim na dimples ni Chardee sa magkabilang pisngi nang lumapad ang kan’yang pagkangiti habang matamang tinitingnan si Sten sa mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD