KABANATA 6
Gano’n na lang ang pagkagulat ni Pinky nang mabungaran niya ang naging lagay ng Unico Hijo niya at ni Sten Marie pagkabukas niya ng pinto. Nakita niya ang ginawa ng dalawang bata. Mahimbing pa rin na natutulog ang dalawa sa bahay-bahayan na ginawa nila. Nagulat man ay natawa siya sa kaniyang nasaksihan sapagkat hindi pa man gaano ka-close ang dalawa subalit kakaiba na ang naging bonding nila ayon sa kaniyang nakikita ngayon sa pagitan ng Unico Hijo niya at ni Sten Marie. Matapos niya pagmasdan ang dalawa na mahimbing pa rin na natutulog ay hindi na lang niya ito dinisturbo at isinara na lang niyang muli ang pinto ng kuwarto. Matagal na nakatulog ang dalawa at tinanghali na ng gising.
“Hello Children!” bati ni Pinky sa dalawa pagkababa ng mga ito sa stairway ng Mansion.
“Kumusta ang tulog ninyong dalawa, ha? Tila maganda ang tulog n’yo dahil ngayon lang kayo nagising," sabi ni Pinky na siya na rin ang sumagot.
“Whatever Mom...” tamlay na wika ni Chardee sa Mommy niya.
“Hello po, Tita!” bati ni Sten na nakangiti.
“Hali na kayo't kumain dahil tanghali na. Mahirap malipasan ng gutom. Alam niyo na ang posibleng maaring mangyari. Pinaghandaan ko na kayo ng makakain kaya punta na sa kitchen. Dali!” pagtataboy pa niya sa dalawa.
Dali-dali namang tinungo ng dalawa ang malaking mesa sa kitchen area at sinimulan na ang pagkain. Nang matapos sila ay wala silang ginawa kun'di ang maglaro at mag-swimming sa pool at pumaroon sa bandang kilid na bahagi na kung saan nando'n ang malaking palaruan ni Chardee. Aliw na aliw silang talaga at parang walang bukas kung maglaro ang mga ito. Kahit may pagtatalo sa kanilang dalawa ay ayos lamang ‘yon dahil sa huli’y magtatawanan din naman sila at pagkatapos, ipagpapatuloy na nila ang paglalaro kahit na ano ang maisipan nila. Lagi lang naman nakabantay sa kanilang dalawa si butler Jaymi. Gano’n parati ang naging set-up nilang dalawa kaya masayang-masaya si Pinky sa nakikita niyang maligaya ang Unico Hijo niya. Naisip niya tuloy na sana gan’yan na lang palagi ang anak niya. Ayaw niyang maging malungkot ito at magmukmok sa silid-aklatan nila. Para naman kasing hindi bata ito kung kumilos kapag gano’n ito umakto. Naging mature lang siguro sa isip niya si Chardee dahil sa malamang namana nito sa Daddie niya, maging ang uri ng pagpapalaki nito sa kaniya simula no'ng isilang niya ito.
Iba talaga magpalaki ang lahi ng mga Koreano kahit na half Korean and half American ang Daddie ni Chardee. Dahil ang mother ni Romy Chorein Min Lasner ay isang Koreana. At American naman ang father nito. Samantalang siya naman ay purong Pilipina lang na napangasawa ng husband niya ngayon. Nagkakilala sila ng husband niya sa bansang Korea rin nang mag-aral siya roon at doon na rin nagkaroon ng trabaho. Mayaman naman ang angkan nila pero mas minabuti niyang kumayod mag-isa sa kinuhang propesyon niya hanggang nakilala nga niya itong Daddie ni Chardee, nag-ibigan hanggang sa nagpakasal sila matapos ang limang taon ng pagiging magkasintahan. Literal na madalas sila mag-english kaysa magsalita ng lengguwahe ng Korean.
Matapos ang pagbabalik-tanaw sa alaala niya ang mga nagdaan. Nagulat siya ng biglang may yumugyog sa kaniyang braso at si Sten pala itong nasa kaniyang harapan at tinitingala siya. Kumurap-kurap pa ang mga mata nito na tila naghihintay ng respondi galing sa kaniya.
“Oh, Sten? K-kanina ka pa ba riyan? ” tanging nasambit niya agad sa bata.
“Hindi naman po masyado. Ayos lang po ba kayo, Tita? ”
“Oh. I’m so sorry, Sten. Are you two done there because we’re going to have dinner? Paghanap niya agad ng maisagot at tama nga naman siya dahil iyon ang tangkang sabihin ni Sten sa kan’ya.
“Kakain na po tayo sabi ni Kuya Jaymi.”
“Oo, sige tayo na at kumain.”
Sumunod naman si Sten kay tita Pinky niya. Agad na pinagsaluhan nila ang hapunan na masayang nagkukuwentuhan.
So is everything is clear Mr. Corpuz? Hopefully we have finalized the upcoming project, especially and we are in a team now.” salita ni Romy Chorein sa isa niyang kasosyo nang na-close na ang agad ang kanilang deal. Isa na namang malaking proyekto ito ‘pag nagkataon na ipapatayo nila sa mga susunod pa na taon kapag matapos nila magawan ng presentasyon ito, ma-apprubahan at magawan ng both parties ng report. Syempre matatagalan ‘yon dahil napakarami pa ng kanilang gagawin bago isagawa ang mga hakbang para sa proyekto nilang ito.
“Walang problema ‘yan Mr. Lasner, basta ba makapagsimula na tayo at mapag-usapan natin lahat. Magiging successful din itong bagong exhibit na itatayo natin.” pagbigay assurance pa ni Mr. Corpuz sa kan’ya.
“Aasahan ko ‘yan," at agad na tumayo upang makikamay sa kasosyo nito para tapusin na ang usapan at mag-paalam. Nakikamay na rin ang sa kabila at nauna nang lumisan si Mr. Lasner kasunod ang secretary nito.
Pagdating sa sasakyan ni Mr. Lasner ay agad nito nilingon ang secretary niya na si Ms. Alina Salajar.
“Please call my wife now at mag-long distance ako ngayon sa kaniya pagkarating natin sa suit ko. Thanks!” utos nito at agad na tumalima ang sekretarya niya.
“Yes Sir, right away.”
At pumasok na sila sa loob ng sasakyan na agad din naman binuksan ng personal driver ni Romy Chorein.
Naglalatag naman ng bagong ahon na mainit na tinapay si Einna, ang kapatid ni Mariare habang siya naman ay naka tuka sa Coffee Shop nila. Medyo marami-rami rin ang naging costumer nila ngayon dahil ito ang oras ng pagkakape or kadalasan tambayan sa maaga ng mangila-ngilan na pumapasok ng trabaho sa opisina na hindi pa nagsisimula sa oras. May kalapitan din ang kanilang shop sa maliit lamang na establishment sa hyway road. Malakas sa costumer ang shop nila sa gan’tong kaaga, tanghaling tapat at sa hapon hanggang gabi ang coffee shop kapag nagtambayan na ang mahilig magpuyat at magkape. Matapos ang mahabang trabaho nila ay nakapagpahinga na rin sila saglit para mananghalian at bandang alas dos na nga ng hapon sila nakapananghalian. ‘Di talaga maiwasang malipasan sila ng gutom lalo pa’t naging abala sila sa pag-intertain ng mga costumer nila. Pero gano’n pa man ay hindi rin naman nila pinababayaan ang mga sarili nila kaya’t lagi silang may baon na vitamins na iniinom nilang dalawa araw-araw.
“Maiba nga pala tayo Mariare, kailan ba talaga uuwi si Sten? Mahabang araw rin ang inilagi niya roon ha,” ‘di mapigilang tanong ni Einna sa kaniyang kapatid na isang taon lang naman ang agwat ng edad nila kaya’t hindi mo masabing may tatawag na ate o bunso sa kanilang dalawa.
“Hindi ko alam kasi may ilang araw pa siya roon dahil weekdays ‘yong out of classes nila kaya baka sa sabado pa ‘yon si Sten. Alam mo naman na nakiusap sa ’kin si Pinky, alam mong hindi ako maka-hindi sa kaniya," mahabang turan niya sa kapatid.
“Asus naman...” ang tanging naging reaksiyon ni Einna.
“Hindi ba, sinabi ko naman ‘yan sa’yo. Alam mong masaya naman siya at pumayag kaya okay na ako ro’n basta sa kasiyahan din ng pamangkin mo.” pagpaintindi pa niya rito sa kapatid.
“Oo na. Nag-alala lang naman ako,” katwiran niya pa.
At natawa naman siya sa sinabi ng kapatid. Mukhang mababasa pa niya ang nais ipahiwatig ng pag-react nito sa kan’yang sinabi sa naging reaksiyon sa kaniyang mukha.
“Kunwari ka pa, eh namimis mo lang naman talaga ang pamangkin mo,” pagtatama niya sa kapatid.
“Ngayon lang naman kasi siya nawalay sa atin ng gan’to katagal...mahaba na ‘yong ilang oras ng pagkawalay niya sa atin. Ano pa kaya’t abutin ng halos isang linggo. Aba! Napakahaba na no’n!” pagtaas niya ng boses na ikinagulat ni Mariare. Tuloy nahampas siya ng ‘di oras ng kapatid dahil sa pagtaas ng tono ng boses niya.
“Hmp!” inirapan na lang si Mariare ni Einna.
Pagkatapos nang naging tanghalian nila ay itinuloy na nila ang kayod-kabayo nilang pagtatrabaho sa buong araw hanggang abutin ng gabi. Dating gawi na naman.
LASNER MANSION
(Lasner Residence)
“Pagod na ako. Magpahinga naman tayo.” anas ni Sten kay Chardee na parang ang dami pang enerhiya dahil walang kapaguran mag-swimming. Halos nabibilad na sila sa hapong tapat sa sikat ng araw. Mukhang ayaw pa tumigil ni Chardee sa kalalangoy.
“Sige, huli na ‘to. Isang ikot na lang,” sabi pa ni Chardee kay Sten na nakatingin na lang sa kan’ya habang itinuloy pa ang pag- swimming.
“Whoah! Satisfied swimmer,” sabi nito kay Sten nang nakalapit na siya rito.
“Kumain ka kasi ng marami para lumakas ka. Ayoko pa naman sa payat.”
Panunukso pa ni Chardee na ikinabusangot naman iyon ni Sten.
“ ‘Di joke lang,” tawa pa niya na ikinunot lamang ng noo ni Sten.
“Senyorito, umahon na po kayo at para makapag-bihis. May inihanda akong makakain ninyo ni Senyorita Sten," sabi ni butler Jaymi nang makalapit ito sa kanilang dalawa.
“Okay.” sagot ni Chardee.
Iniabot na sa kanilang dalawa ng isang maid ang mga tuwalya at nang maitakip na ito sa kanilang katawan ay agad na nabaling ang tingin ni Chardee kay butler Jaymi at pagkuwa’y sabi nito.
“Sanadali, Kuya Jaymi may gatas po ba para kay Sten?” tanong niya rito.
“Oo naman, Senyorito.” sagot naman nito sa alaga.
“Okay. Thanks Kuya Jaymi!”
Binalingan niya si Sten at nginitian ito. Lumitaw tuloy ng pagkalalim ang kan’yang dimples. Dahilan para pagtakhan siya ni Sten at tiningnan lang siya.
“Nakakabuti ‘yon sa katawan ang gatas kaya inumin mo ‘yon,” sabi niya kay Sten na napaghalata niyang parang galit ang awra nito sa kan’ya at pigil ang kan’yang tawa sa reaksiyon nito ngunit ‘di rin naman si Sten kumibo.
Likas naman na mahiyain si Sten kaya hindi siya minsan makasakay sa mga pinaggagawa sa kan’ya ni Chardee.
“Hali na kayo sa loob senyorito! senyorita!" anyaya na ni butler Jaymi sa kanila.
“Oh, ano na? Tara na sa loob.”
Pigil niya sa kan’yang tawa at hinila si Sten papasok sa likod na pintuan ng Mansion.
Pagkapasok nila sa loob ay agad na nagtungo sa banyo at nagbihis. Matapos makapagbihis ay tinungo na nilang dalawa ang itaas kung saan paboritong tambayan nila Chardee ang terrace ng kan’yang kuwarto. Nakahanda na nga sa glass circle table ang pagkain.
“Bakit parati na lang gatas?” tanong ni Sten kay Chardee.
“Nakakasawa naman...palagi na lang ito iniinom ko,” maktol na naman niya na sinungitan ng tingin si Chardee.
“Ano ka ba naman, sabi ko naman sa’yo kanina na nakakabuti sa katawan ang gatas kaya dapat kang uminom niyan,” paulit-ulit niyang saad dito.
“Ayaw mo ba talaga tumaba?" hindi mapigilang tanong niya kay Sten.
“Eh, ganito na ang katawan ko. Bakit ba? Ano ba ang masama sa pagiging payat?” sunod-sunod niyang tanong kay Chardee.
Napapansin na kasi niya ito. Palagi kasi nito binabanggit ang pagiging payatin niya. Kinukuwestiyon nito ang maging mataba. Hindi naman ganoon kapangit tingnan ang pagiging payat niya. Dahil natatakpan naman ito ng ganda na taglay niya dahil sa mahaba niyang buhok na kulay itim.
“Alam mo mas lalong maganda ka tingnan kapag tumaba ka,” pagkuwa’y sabi niya kay Sten sa seryosong boses.
Tiningnan siya ni Sten.
“Gusto ko tumaba ka,” at nginitian ni Chardee si Sten.
“Gusto mo akong tumaba katulad sa’yo? Ang chubby mo kaya!” inis na turan ni Sten.
Bumonghalit naman ng tawa si Chardee at mataman lang nakatitig sa kan’ya si Sten. Ni hindi ito tumawa katulad niya. Galit ang mukha nito kaya naman...
“Oy, galit ka? Loko lang naman. Ayos lang sa isang batang lalaki katulad ko ang maging mataba pero sa kagaya mo ayos lang din naman pero dapat tumaba ka kasi ang ganda mo. Gaganda ka pa lalo kapag tumaba ka. You will see,” pagpalakas naman ng loob sa kan’ya at seryoso ang litanya nito sa huli.
“Bakit? Ayaw mo akong kaibigan kung hindi ako mataba?” tanong niya kay chardee na hindi inaalis ang tingin niya rito.
“Wait. Walang gano’n, syempre kaibigan kita. Hindi naman siguro masama kung gusto kong hilingin na tumaba ka, ‘di ba? Ayaw mo no’n... I’m just worried about you,” ginalaw-galaw pa ang kilay niya na nanunudyo pero tapat 'yong rason niya.
“Huwag mo nga ako ma-english english, puwede ka naman mag-tagalog eh,” anas niya.
“Gan’to na ako magsalita, nasanay na ako na bigla na lang lumalabas sa bibig ko. Mas okay na nga ngayon dahil mas madalas na’ko magsalita ng tagalog pero kapag nandiyan si Mommy ko hindi ko maiwasan mag-english. Ewan ko ba, lalo na si Daddy.”
“Hindi nakapagtatakang ang talino mo dahil nasa Section A ka. Gano’n siguro kapag mayaman ka 'no? Parang nasa sa ’yo na ang lahat.”
Parang namangha si Sten ulit pagkasabi niya sa kung anong mayroon si Chardee ngayon.
“Tss...dati hindi pero ngayon oo.”
“Ha?” pinagtakhan niya ang sabi ni Chardee.
“Kahit pa sabi ni Mommy na meron daw ako ng lahat na sinasabi mo but it doesn’t matter...wala naman akong ‘ikaw’ na naging kaibigan ko na ngayon. Malungkot pala kapag walang kalaro. Nakakabagot din magbasa kapag paulit-ulit na lang ang nababasa mo,” sabi niya na itinuon ang mata sa spaghetti na kasalukuyang hinahalukay ng kan’yang tinidor.
Napatingin naman dito si Sten at...
“Talaga ba? Kawawa rin pala kayong mga mayayaman 'no, dahil wala masyadong mga kaibigan kapag gano’n. Ayoko na maging mayaman,” biglang napatingin sa kan’ya si Chardee at kumunot ang noo.
“Malungkot pala kapag gano’n eh," dugtong ni Sten sa kan’yang sinabi.
“Hindi naman siguro. Ayaw kasi ni Daddy na may mangyari sa’kin dahil ako pa ang magdadala sa name niya,” turan niya kay Sten.
“Anong mangyari?” takang tanong niya sa kaibigan.
“Hindi ko rin alam," at tiningnan ang baso ni Sten na may lamang gatas.
“ ‘Di pa ubos ang milk mo?” pagkuwan ay sabi niya kay Sten. “Ubusin mo na ‘yan, lalamig na ‘yan at wala ng nutrients. Sige ka, hindi ka tataba niyan!” patuloy niya at nanunukso pa. Inismiran lang siya ni Sten at dinampot ang baso para inumin ulit. Para na siyang maduduwal sa palaging pagpapainom sa kan’ya ng gatas ni Chardee pero wala na siyang magagawa pa dahil baka magtampo ito sa kan’ya. Ayaw pa naman niya ng gulo dahil nangako siya sa Mama niya na magpakabait siya.
“Ano ka ba...hanggang ngayon nahihiya ka pa rin siguro? ‘Wag ka na mahiya, magkaibigan na tayo, 'di ba?” pagkumpirma naman sa kaniya ni Chardee.
“Kasi ang yaman mo tapos napakaganda ng bahay ninyo. Ang laki-laki pa tapos madami pa ang mga nagtatrabaho,” ani ni Sten.
“Baka helper ang ibig mong sabihin?” pagtatama niya sa sinabi ni Sten.
“Oo. Iyon na 'yon," ang ibig sabihin pala ni Sten.
“Sabi ni Daddy, mayroon kaming pag-aari na mga Building, Hotels, Shops at Condominiums. Meron din pala kaming Art Gallery Buildings at alam mo ba na ang daming mga nakaguhit doon. Nakapunta na ako roon no’ng nasa Korea pa kami," salaysay ni Chardee sa mga pag-aari nila na minsan na binanggit sa kan’ya ng Daddy niya.
“Wow, ang galing naman...umm nasaan ba ang Korea?” mangha niya sa mga sinabi ni Chardee sa kan’ya. “Malayo ba ‘yon?”
“Oo. Gusto mo pumunta roon?” tanong naman n Chardee kay Sten.
“Sige ba.” Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi dahilan upang ngumiti na rin si Chardee.
“Sige, pupunta tayo ro’n kapag payagan ka ni Tita. Dadalhin kita roon at pagkatapos mamasyal tayo!” bigla siya napahiyaw sa excitement na naisip. At pareho silang tuwang-tuwa na dalawa.
“Sige, kain ka pa, oh. Ubusin mo ‘yang lahat, ha?” hirit niya pang sabi ni Chardee kay Sten.
Nakakatuwa silang dalawa sapagkat may pinaplano nang ‘di lingid sa kanilang mga magulang.