Simula ng Munting Pangarap
Ako ay si Ava escobar, pangalawa sa panganay sa apat na magkakapatid. Mahirap lang ang buhay namin, sapat lang at nakakaraos; gayunpaman masaya ako sa pamilyang mayroon ako. Sabi nga nila, hindi importante ang magandang bahay kung hindi mo naman ito matatawag na tahanan. Hindi mahalaga ang magagarang bagay at kagamitan sa halip ang pinaka-importante ay yung masaya ka na kasama ang buo mong pamilya, na puno ng pagmamahalan at pagbibigayan, na siyang tunay at kailanman man ay hindi kayang tumbasan ng kahit na anong yaman sa mundo, na iyong madadala kahit na sa paglipas man ng mga panahon . Ang pagbibigay ng importansya at pagpapasalamat sa lahat ng mga bagay na mayroon tayo, maliiit man o malaki ay matuto tayong magpasalamat.
Ang panganay namin ay maagang nag-asawa, ang aking kuya, at ngayon ay may sarili na rin siyang pamilya. Kaya ako na ang tumatayong panganay sa aming tatlo at sa aming tatlong babaeng, marami ang nagsasabing na kahit hindi nga raw ako ang pinakamaganda sa aming magkakapatid ay mayroon naman daw akong angking ganda na nagdudulot sa akin ng malakas na karisma. Tutuong magaganda ang aking mga kapatid, namana nila ang kanilang magandang mukha kay inang at kay itang naman ang mapuputi nilang mga balat. Ako naman sabi nila ay mukha raw ni itang ngunit ang kulay ay kay inang na kayumanggi, kaya minsan feeling ko talaga ampon lang ako at pinakapangit sa kanila. Ngunit wala halong biro, madalas talaga itong sambitin ng bawat tao na aming nakakasalamuha at nakakakita sa aming magkakapatid na yun nga na maganda raw ako at maappeal.
Gayunpaman, tunay talagang marami ang nagkakagusto sa akin, maraming raw ang may crush sa akin na lagi sinasabi ng aking mga classmate noon nasa High school pa ako. Subalit wala talaga sa isip ko ang mga bagay na ganyan, katunayan nga nakailang boyfriend na ang best friend ko nung High school na si Lilibeth pero ni minsan hindi sya talaga pumasok sa isip ko na subukan ang mga bagay na ganyan o ma-experience man lamang. Madalas nga sinasabihan ako ni Lilibeth ng, "sige na bes subukan mo sagutin mo na siya try lang". Pero ayoko, hindi sa dahil takot akong subukan o takot lang kina inang at itang; dahil ang tanging nasa isip ko lamang talaga ay ang aking pamilya at ang makapagtapos ng aking pag-aaral.
Dahil ang mga bagay na ganyan ay tunay na makakapaghintay at darating talaga ang tamang panahon na para diyan para sa tamang taong tunay na itinakda para sa iyo kaya hindi ko siya minamadali. Isang lalaking tunay na mamahalin ka habang buhay sa hirap man o sa ginhawa, kaya sa ngayon ang kailangan ko munang haraping at isipin ang aking mga pangarap yun lang at wala ng iba pa.
Si Lilibeth Magpayo, ay ang aking matalik na kaibigan simula pa pagkabata ay magkasama na kami, magkapitbahay, magkalaro at magkaklase simula elementary at high school. Nag-aaway man kami pero sandali lang yung at magkakabati kami uli, para kaming mga aso't pusa minsan pero ganon lang talaga kami, para ding kaming talagang magkapatid.
At ngayon college na kami pareho, ngayon lang kami talaga unang magkakahiwalay sa dahilang hindi siya pumasa sa scholarship na pareho naming inaplayan. Kaya pakiramdam ko ay tunay akong mahihirapan na magsimula uli lalo na yung makahanap ng isang kaibigang katulad ni Lilibeth.
Si Lilibeth ang laging nagtatanggol sa akin sa eskuwelahan sa tuwing may mga nambubully sa akin. Natatandaan ko pa nga noon lagi akong tinatawag na "ayan na si Maria Clara o tumabi kayo" at pagtatawanan. Dahil nga siguro sa kilos ko na akala mo matanda sa una na laging pang nakapusod ang buhok.. Siya rin ang taong laging tumutulong sa akin sa lahat ng bagay. Madalas nagbabaon siya ng pag-kain para sa pandalawahang tao ng lingid sa kanyang mga magulang para lang maibigay sa akin dahil sa madalas nga ay wala akong baon o pag-kain.
At eto na nga ang araw na pinakahihintay ko, ang simula ng pasukan, simula ng aking pagiging "independent" sabi rin kasi nila at sabi rin ng dating guro ko ng High school na sa pagtuntong mo raw ng kolehiyo kailangan mong matutong mag-isa dahil hindi yan katulad ng high school na pedeng sama sama lang kayo magkakaklase at parang hapi hapi lang. Dito raw kasi sa kolehiyo, talagang mag-uumpisa ka na raw bumuo na lahat ng mga pinapangarap mo sa buhay ng ikaw lang mag-isa.
6:00am ng Umaga, "Ava ano ba! Ang aga aga nakatunganga ka nnmn dyan tumayo ka na nga" bulyaw ng akin ng inang habang kami ay ginigising na magkakapatid". "At ikaw na nga rin ang magsaing at ako na bibili ng maiiulam natin sa labas para mabilis at makakain kayo ng almusal bago kayo magsipasok na magkakapatid sa eskuwelahan" dugtong pa ni inang. "Ava kumilos ka na ng hindi ka ma-late, sobrang kupad mo pa namang kumilos" walang patid na salita pa ni inang. Sadyang nakapikon talaga siya minsan "Opo wag na nga po kayong maingay dyan inang at kikilos na; nakakahiya ingay ingay aga aga pa" tugon ni Ava na may marahan na pagdabog na pag-kilos patungong kusina.
Yung ingay ni inang na yan ay pang araw araw na sa aking tainga, kung baga sanay na simula pa noong ako'y bata pa hanggang ngayong ako'y nagka-isip na, kahit na may dalawa pa akong kapatid na babae na pwede na naman niyang utusan ay ako pa rin talaga ang lagi nyang tinatawag dahil siguro ako na nga ang tumatayong panganay. At iyan siguro ang dahilan dahil nga sa nag-asawa ng maaga si kuya ang aming panganay. "Pasalamat ka inang mahal na mahal kita kung hindi ahh" pabulong na tugon ko kay inang na nagbibiro. " Kung hindi ano ha! Galit na sigaw na ni inang. "Wala po ang sabi ko gagawin ko na" ang tanging naitugon ko lang kay inang baka kasi magalit siya eh. Pero natawa talaga ako kasi naman biruin nyo narinig nya yun eh ang layo namin ha. Pero kung sabagay talagang maririnig nya nga dahil napakaliit lang ng bahay, kung tutuusin malaki pa nga yung banyo ng school namin noon kesa sa bahay namin eh'. Tanda ko nga naghahabulan pa kami sa loob ng banyo ng school ni Lilibeth dati eh sa sobrang laki.
Kaya minsan dinadaan ko na lang talaga sa tawa at biro si inang kapag nag-uumpisa ng siyang mag-ingay ng ganyan, mainitin kasi ulo niya minsan siguro sa pagod at dahil matanda na rin siya kaya inu-unawa ko na lang. Kung sabagay sadyang nakakapagod naman talaga yung mga ginagawa nya, dahil pagkatapos niya kaming asikasuhin, magtitinda naman siya para matulungan si itang.
Matapos makapagluto at ng makapag-almusal na ang lahat, si Ava ay nakahanda na rin sa kanyang pag pasok sa school para sa ika-unang araw niya sa kolehiyo, sa kursong Accounting. Pangarap niya kasing makapagtrabaho sa bangko balang araw at maging isang (CPA) Accountant .
Ngunit sa sandaling iyon ay hindi maipaliwanag ni Ava ang nararamdaman, kung excited lang ba siya talaga nung time na yun, natatakot ba sya o ano, yung parang bang nung oras na yun ang gusto nya ay magpasama at magpahatid sa inang nya sa pagpasok tulad sa unang araw nya nung highschool, isama mo pa na siya lang talaga ang papasok dahil walang Lilibeth na maghihintay at makakasama pagdating niya doon. Dagdag mo pa na ang eskuwelahan na kanyang papasukan ngayon eh tunay na malaki ang pagkakaiba sa mundong kaniyang ginagalawan. Inaasahang halos lahat ng mga estyudyanteng nag-aaral rito ay siguradong pawang lahat ay anak ng mga mayayaman.
"Hindi kaya ko ito" bulong nya sa sarili. "Inang papasok na po ako pakisabi na lang kay tatang na hindi na po ako makakasabay sa kanila, sila Angie at Anna na lang po ang isabay niya' sambit nya. Ang kanyang tatang Nick ay driver ng jeepney at ang kanyang inang Amor naman ay isang sidewalk vendor, si Angie at Anna ay parehong nasa highschool naman.
Ang kanyang pagkabahala ay kailanman ay hindi maitatago sa kanyang inang, at kahit kanino pang nilalang dahil hindi pa natin sinasabi ay nararamdaman na ng ating mga ina kung tayo ay nahihirapan, kung mayroon bumabagabag sa atin o kung tayo man ay masaya; dahil sila ang ating ina ang syang nagluwal sa atin. Dahil sila ang unang sumasaya at unang nasasaktan bago pa man natin ito maramdaman lahat ay nakagawa na sila ng paraan para sa atin. ito na rin marahil siguro ang isa pa sa mga dahilan nya para lalong magpursigi para makatapos ng pag-aaral upang makahanap ng isang magandang trabaho balang araw; "Mag-ingat ka at kaya mo yan dahil mahal na mahal ka namin at nandito lang kami para sayo" banggit ni inang na punong puno ng pagmamahal na siyang tunay na nagpapalakas ng aking. "Salamat po inang, marami pong salamat" sambit ni Ava habang niyakap ang kanya ina at doon ay nagsimulang na siyang lumakad ng nakangiti na puno ng pag-asa.
"Mama para po" at sa pagbaba sa jeep na sinakyan, "eto na ako, bagay ba talaga ako dito... ahh sadyang ako'y kinakabahan." Ito ang mga katagang naibulong nya sa sarili habang nakatayo't pinagmamasdan ang malaking gate at arko sa harap ng University. "Ava kaya mo ito.. basta't konting tiis lang isipin mo ang pangarap mo sa iyong pamilya." bulong na pinalalakas ang kanyang sa sarili.
At doon ay nagsimulang ng umusad ang kaniyang mga paa papasok sa loob ng eskuwelahan.
***