Dahan dahan at marahan, nag-umpisa ng humakbang ang kanyang mga paa papasok sa loob ng malaking gate ng eskuwelahan, kasabay niya ang maraming mga kabataang na sadyang napakagagandang pagmasdan sa kanilang mga itsura, lalo na sa kanilang magagarang mga kasuotan, at sa bawat estyudyante na kanyang nasasalubong at nakakasabay ay "hindi lang sila magaganda ahh ang babango pa nila" ang tanging nasasambit lang niya sa sarili. Ito ay dahil siguro karamihan nga sa mga estyudyanteng ito na nag-aaral doon ay tunay na may mga kaya sa buhay at mayayaman.
Kabaligtaran naman ito ng mga estyudyante na kaniyang bawat nakakasalubong, lalo na ang mga kababaihan estyudyante na kung tignan siya ay mula ulo hanggang paa at pawang malakas na tawanan lamang ang tangi mong maririnig pagkalagpas nila kay Ava. "Hahahaha" malutong na tawanan, iyan ang maririnig mo.
Gayunpaman, ay binabale wala na lamang ito ni Ava at pinababayaan na lamang sila. Tutal wala rin naman kasi siyang magagawa dahil sadyang siguro ay kakaiba lang talaga ang ayos at itsura niya kumpara sa kanila. Hindi naman lahat ng nakakasabay niya ay pinagtatawanan siya, yung iba kasi walang namang mga pakialam sa mga nakakasalubong eh.
Kahit ganoon ang kanyang nararanasan sa iba, hindi pa rin mapatid patid ang kanyang pagkamangha, hindi lang sa bawat mga estyudyanteng masalubong, pati na rin sa kanyang mga nakikita sa loob ng campus, magagarang mga sasakyan, sa malawak at magandang kapaligiran, at sa malalaking mga gusali sa loob mismo ng eskuwelahan na ngayon lang siya nakita na sa kanyang pakiwari, siya ay talagang sadyang maliligaw.
Kaya naman, talagang tunay na nagpapasalamat siya sa scholarship na ibinigay ng eskuwelahan na ito dahil nga isa siya sa mga naging mapalad na estyudyante na nakapasa at nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral dito ng libre. Ibinibigay ito taun taon ng mismong eskuwelahan para sa mga mahirap na tulad niya ngunit matatalinong mga kabataan na nangangarap makapagtapos at makapag-aral ng libre subalit mananatili lang ang scholarship na ito kung mapanatili nila ang mataas na average na siyang requirements para sila ay makapag patuloy hanggang sa sila ay makapagtapos sa anumang kursong naisin nila.
Lingid sa kanya, ay may mga mata na kanina pa na matiyaga siyang pinagmamasdan at pinapanood mula sa di kalayuan, siya ay si Ruben San Sebastian Jr., Isang freshman na katulad nya, Isang anak mayaman na nagmula sa makapangyarihang angkan sa kanilang lugar, na nagmamay-ari ng isang sa malalaking hospital sa lungsod.
Si Ruben ay isang transferee mula sa isang medical school, na kung saan siya unang inenrol ng kanyang mga magulang na parehong mga doctor sa kursong Medisina upang maging isang doctor tulad nila balang araw. At dahil hindi niya talaga gustong ang maging isang duktor ay lihim siyang lumipat ng ibang eskuwelahan at nag-enroll sa kursong architecture ng lingid sa kanyang mga magulang. Ang maging Architect balang araw ang siyang kanyang tunay na nais at pangarap simula noong siya ay bata pa. Pangarap niya kasi ay magkaroon ng sariling firm kasama ang kanyang mga kaibigan at makapagpatayo ng isang bahay na siya mismo ang gumuhit.
Sa katigasan ng kanyang ulo at pagiging spoiled, nakukuha nya ang lahat ng bagay na kanyang maibigan, lahat ng kanyang naisin at magustuhan.
Si Ruben ay tipo ng isang lalaki na kapag tumingin sayo ay mawawala ka na sa sarili mo, sabi nga ng mga kababaihan ay nakakalaglag panti ngiti pa lang ulam na. "Hay naku kasarap nya promise". Na halos lahat na yata ng babae ay walang ninanais at pinapangarap kung hindi mapasakanya, matatawag mo siyang pantasya ng buong campus, ah hindi lamang pala babae pati na rin ang mga pusong babae. Yung para bang kahit matikman mo lang sya sapat na. Hindi uso sa kanya ang nanliligaw dahil babae mismo ang lumalapit sa kanya at ganyan sya katindi.
Siyempre, ibahin nyo ang Lola nyo, kahit ganito ako patigasan tayo hindi ko ibaba ang bandera kahit sino pa yan, kahit si Ruben pa yan. Old style pa rin ako tulad ng laging pinapa-alala ni inang, "iingatan mo yang puri mo, mas maganda na kasal muna at sa magiging asawa mo lang dapat ibibigay ang sarili mo," at hindi lang yan, ito ang pinaka malupit " kapag nabuntis ka papatayin kita" o diba ano ang masasabi nyo pero salita lang ni inang iyon.
Patuloy pa rin si Ava sa kanyang paglalakad ng dahan dahan, lakad dito lakad doon na ang kanyang ginagawa, kaya halos mapudpod na ng sobra ang kanyang sapatos, dahil hindi niya nga kasi talaga alam kung saan siya pupunta, nahihiya naman siyang magtanong kasi parang halos lahat ng mga estyudyante ay pawang mga suplado at suplada, at yung iba ay nagtatawa pa sa kanya kaya nagpatuloy na lang siya sa paghahanap kahit hindi nya alam kung saan talaga sya dapat pumunta.
Kahit na may hinahanap hindi pa rin niya maalis ang pagkamangha niya sa bawat makita. At huli na ng kanyang mapansin na malapit na siyang mahuli sa kanyang unang klase, 9:00 am ang umpisa ng kanyang unang klase, subalit limang minuto na lang ang natitira at alas nuebe na. Kaunting minuto na lang para hanapin nya ang room niya. "Pero saan hindi ko alam at wala akong mapagtanungan' "ano ba yan" ang tanging naibubulong niya sa sarili. Litong lito talaga siya kung saang building sya dapat pumunta, kung saang departamento at kung paano matutunton ang kanyang room.
Subalit, paano nya ito gagawin gayung ubos na ang sobrang nyang minuto para maghanap. "Ahhh talaga nga naman kapag minamalas ka oo nakakainis sobra" kausap ang sarili nya na parang baliw. Dahil nga parang na siyang baliw na ikot ng ikot sa Corregidor, lahat na yata ng mga estyudyante sa paligid ay siya na ang pinagtitinginan, mabuti na lang may isang estyudyante na kapareho nyang naghahanap din ng kanyang room ang nakapansin sa kanya.
Siya ay si Andrea Romero, maganda, mistisa at isang anak mayaman. Sila lang naman ang may-ari ng ilan sa mga mga naglalakihang building dito sa Manila, anak ng isang sikat na arkitekto na nagmamay-ari ng pinakalaking construction company sa bansa. At dahil sa kanyang katayuan sa buhay, masasabi kong lahat yata ng bagay na nanaisin at gugustuhin ko sa buhay ay nasa kanya na lahat, sunod sa layaw ika nga.
"Hey miss freshman ka din? Halika sumabay ka sa akin at ng hindi ka magmukhang baliw dyan" "hahaha" sabay tawa. "Sasabay ba ko sa bruhang to makatawag ng baliw feeling close lang grrr" naiinis na bulong ni Ava. "O ano sasabay ka ba o hindi?"muling tanong ni Andrea. "Bahala ka nga dyan baliw hahah" sabay talikod ng nakangiti.
Iyan si Andrea, feeling nya lahat ay alam at utusan nya; kung makapagsalita at makapag-utos wagas. Gayunpaman, sa mga hindi nakakakilala sa kanya ng lubos, siya ay mabuting kaibigan at may mabuting puso. Oo, sobra siyang prangka at minsan talagang nakakapikon, pero kung iisipin mo ang lahat ng sinasabi nya ay tutuo lang naman lahat. Ayaw nya kasi ng paligoy ligoy gusto nya yung tutuo at diretsahan. Wala siyang pakialam kung makakasakit sya basta malaman mo lang at masabi nya kung ano ang tutuo.
"Sandali lang masyado ka naman.. anyway, ako nga pala si Ava Escobar" aniya habang humahabol kay Andrea. "Pasensya na di ko kasi alam kung ako ba talaga yung kinakausap mo eh, yung mga nakakasalubong ko kasing pawang nagtatawa sa akin eh" dugtong ni ava. "Ok tama na yan I'm Andrea, Andrea Romero, let's go magtanong na tayo dali, at wala akong pakiaalam sa itsura mo, ano ba ang course mo?" Ani Andrea. "Accounting ang course ko" sagot ni Ava habang patuloy sa kanilang paglalakad. "Mabuti na lang kahit may pagkamaldita itong babaeng ito isinabay niya ako," bulong niya sa sarili na nagpapasalamat. "Palagay mo ba papasukin pa tayo sa klase kasi sobrang late na talaga" tanong ko kay andrea. "I don't think so, I'm also late eh ano magagawa natin" maarte at mataray niyang sagot.
Hanggang sa kanilang paglalakad, ay isang naka-uniformed na babae ang kanilang nakasalubong at dahil "no choice" na at talagang nagmamadali na sila, kaya nagtanong na sila rito. Mukha siyang empleyado ng nasabing eskuwelahan at mukhang ring napaka istrkto. Siguro mga nasa mid forty kung sya ay iyong pagmamasdan at tama, siya ay hindi lang empleyado bagkus siya ay isang guro.
Siya ay si Gng. Elena Rivas. Isang guro ng nasabing eskuwelahan at sa hindi inaasahan pagkakataon, siya ay patungo rin sa parehong room na kanilang kanina pa hinahanap. "Ma'am maaring po ba kami na magtanong? paano po ba namin matutunton itong room na ito" sabay nilang tanong sa guro. "Nasaan ang mga registration card ninyo, Ilabas ninyo?" tanong ng guro. Pagkakita ay dagli niyang kinuha pareho ang registration card ng dalawa at sabay sabing "ok follow me. "Ok po ma'am salamat" ang sabay na sagot uli ng dalawa.
"Alam ba ninyo na kanina pa nag-uumpisa ang klase ko, at may binalikan lang ako dito sa office". "Ang room ninyo ay natatagpuan sa kabilang building at doon din ang tungo ko". Patuloy ni Ginang Rivas. Nagtataka man walang nagawa ang dalawang estyudyante kung hindi sumunod na lamang at makinig sa dahilang nasa kanya nga ang kanilang mga registration card.
Kaya nagpatuloy na lamang sila sa pagsunod sa guro hanggang sa narating nila ang kanilang patutunguhan na siyang pareho nilang kinagulat.
***