Sa may di kalayuan, may isang lugar sa loob ng campus na kung saan ito ay tinatawag ng mga estyudyante na Mini Lagoon, dahil sa may maliit na parang lawa dito na punong punong ng mga isda. Ito ay para ding mini park na napakagandang pagmasdan sa pag-sapit ng gabi. Maraming ritong mga upuan na inilaan para sa mga estyudyante, para kanilang maging pahingahan, tambayan at hintayan, o sa kanilang pag-babasa habang sila ay nagpapalipas ng oras.
Marami ding mga makasintahan na madalas maglagi dito lalo na nga sa pag-sapit ng gabi dahil sa mga ilaw na nakatanglaw, sa mga puno at halaman sa paligid na madalas ikutan ng mga security guard dahil sa mga kabataang hindi mapigilan ang kanilang mga kapusukan.
Iyan ang Mini Lagoon na naging tambayan na ng halos lahat ng mga estyudyante na nag-aral sa Unibersidad na ito. Dahil hindi lang sya tambayan bagkus sa bawat paligid nito ay may mga sari saring food cart din na nagtitinda sa araw na maaari mong bilhan na iyong makakain kapag ikaw ay nakaramdam ng gutom, maliban sa marami ka ng mapagpipilian, sadyang mura talaga ang mga bilihin dito, abot kaya talaga ng bulsa lalo na para sa mga estyudyanteng katulad ko na wala masyadong kakayahan sa buhay, tunay na malaking tulong ito para sa amin.
"Ang ganda niya boy tignan mo dali" ani ni Ruben sa kaibigan nyang si Eric, na ang tinutukoy at itinuturo nito ay ang lugar na kinaroroonan ni Ava na palinga linga sa may di kalayuan malapit kung sa saan sila naka-puwestong dalawa. "Putsa iba ang ganda nya, iba talaga boy kaya lang may problema, parang "reincarnation" ni Maria Clara eh hahahaha" dugtong pa nya habang humahalakhak ng parang si Lucifer. "Siraulo ka talaga baka mamaya iyan pang babaeng na iyan ang magpaluha sayo ng bato.. sige ka" tugon ni Eric na may halong pagbabanta. "Luluha talaga ako ng bato sigurado dyan boy, baka mahirapan ako diyan ng sobra alam mo na..kaya talagang mauubos nya ang lakas ko" siyang pagtawa ni Ruben ng malakas pagkasabi ng mga yun. "Baka di nga lang bato mailuha ko dyan eh.. hahaha" dugtong pa ng siraulong Ruben habang pinagtatawanan ang kanyang sariling mga kalokohan. "Siraulo ka talaga" ang nasabi lang ni Erik habang nakikitawa din. "Unahan tayo boy tignan natin kung kanino yan unang bibigay" pilyong hamon ni Erik. "Wag pare ibalato mo na yan sa akin at sigurado naman ako na sa akin ang bagsak niyan" seryosong tugon ni Ruben. "Baka mamaya eh daliri palang ang mahawakan ko dyan mangisay na agad yan.. alam mo naman ang mga ganyang tipo, mga sabik yan.. iisipin nila naka-jackpot agad hahah" dagdag pa niya. "Una lang yang hinhin na yan pagnagtagal yan.. tulad ni ano? Yung dati boy ano nga ba pangalan nung babaeng yun.. putsa akala nya matitikman nya ako uli eh hahah" ang patuloy na kuwento pa ni Ruben. "Gago pero sa Isang iyan parang lalamunin mo yang mga sinasabi mo" ani ni Erik na parang siguradong sigurado sa nakikita sa kaibigan.
Si Erik Pineda ay hindi lang matalik na kaibigan ni Ruben, dahil sila rin ay magpinsang buo. Magkapatid ang kanilang ama na parehong magaling na doctor. Subalit di tulad ni Ruben, si Erik ay maginoo, mabait, at magalang lalo na sa mga kababaihan na siya namang kabaligtaran nila ni Ruben, may magandang mukha at pangangatawan din sya tulad ng kanyang pinsan na si Ruben, yun nga lang tutuong napaka-suplado nya na siya naman kaibahan nila ni Ruben. Ayaw ni Erik sa mga babaeng sobrang maharot na siyang namang gustong gusto ng pinsan niyang si Ruben, na sila pa ang unang nag papakita ng kanilang mga motibo sa lalaki para lang magustuhan sila. Kaya kung si Ava ay si Maria Clara, si Erik naman ay si Crisostomo Ibarra. Subalit, sa pagiging kuwela at sa mga kalokohan, diyan silang dalawa tunay na nagkakasundo.
"Seryoso boy di ka ba nagagandahan sa kanya"? Tanong ni Ruben kay Erik. Oo talagang maganda sya kaya lang parang laging may baong itak eh hahahaha" at doon ay sabay ng tumawa ang dalawang Lucifer.
Dahil sa tutuo pareho lang naman silang sira ulo nito medyo matino nga lang siya kumpara kay Ruben, dahil kahit paano marunong itong gumalang ng babae pero siguro depende rin dahil may pagkasuplado nga ito. Bakit kamo depende, pareho kasi silang hindi marunong sumesoryoso sa babae, at talagang madalas s*x lang talaga ang habol nila, isama mo na ang isa pa nilang kaibigan. Sabagay, wala pa naman talaga kasi silang siniseryosong babae at alam ng mga babae ang status nila kapag pumatol sila sa kahit sino man sa tatlo, na siguradong s*x lang talaga ang magiging relasyon sa kanila ng tatlo. Tama, tatlo silang sikat sa buong campus, ngunit si Ruben talaga ang pinaka-nangingibabaw sa kanila, ang pinaka hinahabol at tinitilian ng mga babae. School varsity players kasi sila kaya sigurado ako, hindi lang dito sa loob ng campus sila sikat kung hindi pati na rin sa ibang mga eskuwelahan na dinadayo nila.
Pero ang mga titig sa mga mata ni Ruben para kay Ava ay talagang hindi napupukaw, para bang gusto nyang lapitan agad agad at kilalanin ang dalaga. Subalit bago pa man niya ito magawa ay naglaho at nawala na ang dalaga ng parang bula. "f**k man san na siya?" "Saan na napunta si Maria Clara". Bigkas ni Ruben na parang bang nahulugan ng kung anong napakahalagang bagay na kailangan niyang mahanap agad.
"Boy tumayo na kayo diyan, ang sarap pa ng mga upo nyo" isang malakas na sigaw na nanggaling sa may likuran ng dalawang binata ang kanilang narinig, ito ay nagmula kay si Enzo Ramírez "Dalian ninyo na at papunta na raw sa kwarto si ma'am" dagdag pa niya na halatang pinagmamadali niya ang dalawa sa kanilang mga pagkilos. "Tama na yung pagtitrip nyo, mamaya na yan!" dugtong pa niya, .
Dagliang tumayo at nagmamadaling nagtakbuhan na parang bang mga bata ang tatlong binata ng nag-uunahan at nagtatapikan pa sa kanilang mga balikat. "Putsa boy hindi mo nakita si Maria Clara" masaya pagbabalita ni Ruben kay Enzo na may halong kilig at pananabik habang tumatakbo . "Alam mo ba yung pakiramdam na ginising nya yung natutulog kong mundo kanina, putsa talagang nagising siya" dagdag pa nya habang sabay turo sa maselang bahagi ng kanyang katawan. "Sira ulo ka talaga sa malayo mo lang nakita tumigas ka agad," pambubuskang sagot ni Eric sabay tawa "hahahaha". "f**k you boy" ganti ni Ruben. "Tumigas talaga puson ko kay Maria Clara boy, putsa kailangang may malabasan ako nito" pilyong dagdag Niya. "Sira ulo ka talaga sige mamaya puntahan natin si Maria Clara kilala ko sya gago para mailabas mo yan" ang pakikilokong turan ni Enzo sa dalawa na may ngiting nakaloko.
Si Enzo ay walang kaibahan sa dalawa, at siyang ang pangatlong kaibigang na aking sinasabi; gwapo at isa rin syang matipunong lalaki. Mag kababata silang tatlo na simula elementarya ay magkakasama na; magkaklase mula noon hanggang sa ngayon na pare-pareho ng mga binata at kapwa mga nasa kolehiyo, silang tatlo ay nanatiling pa ring mag-kakasama, pati na ang kursong kanilang kinuha ay magkaka-tulad pa rin, ang maging isang sikat Architecture.
Dahil sa tinuran na yun ni Enzo na kanya ngang kilala itong si Maria Clara, ay ikinatuwa ni Ruben, namilog bigla ang kanyang mga mata na sa pakiwari ay talaga nga namang kanya itong sineryoso. Na para bang tunay nga na siya ay talaga nga namang umasa na makikita at makilala niya itong si Maria Clara.
Talagang tunay na sila ay magkakaibigan dahil pareho nga silang tatlong mga sira ang ulo. Gayunpaman, kahit na ganoon sila kaloko at kakulit; in fairness sa kanilang tatlo, dahil maliban sa pare parehong silang sikat na varsity player ng University na lumalaban sa ibat ibang eskuwelahan, silang tatlo ay mga Dean's lister din.
At sa buong araw na iyon, walang namang naging problema sa unang araw ng klase ng tatlong binata, lahat ng subject nila ay naging ok naman. Ang mga oras at schedule ng kanilang klase ay halos tulad din ng kina Ava maliban nga lang dahil sa mga varsity player ang mga binatang ito ay dumidiretso sila sa gym pagkatapos ng kanilang mga klase para mag-practice ng basketball bago umuwi ng kani-kanilang bahay.
Habang naglalakad papuntang gym, "pare ok lang ba kahit hindi na virgin si Maria Clara ha"? Kalokohang tanong ni Enzo kay Ruben. "f**k you ka talaga boy, si Ruben San Sebastian Jr. lang ang makakawala ng virginity nya" Turan ni Ruben na parang tunay na nakakasiguro. "Tandaan mo yan" dugtong pa nya.
"Huli ka na, laspag na yung Maria Clara mo, naunahan ka ni pare Crisostomo Ibarra" ganti ni Enzo na pinagtatawanan si Ruben.
"Hayup ka talaga boy akala ko pa naman talagang kilala mo si Maria Clara" sabay batok ni Ruben kay Enzo. "Hahaha" patuloy na pagtawa ni Enzo.
"Mag si-tahimik kayo huy, si padre damaso dumarating" ang kalokohang pagsali ni Erik na ang tinutukoy ay si coach Eddie na kanilang coach sa basketball na kaninang kanina pa nag-aantay sa kanila.
"Ano ba ang tatagal nyo ha kayo na lamang ang inaantay sa practice, puro pambabae inaatupag ninyo" sabay bato sa kanila ng twalya. "Coach hindi kami nambabae, ang mga babae ang pagsabihan ninyo wala sila inaatupag kung hindi kami" katwiran ng tatlo at sabay mga nagtawanan saka binato pabalik ang twalya sa kanilang coach, "mga siraulo" ang salitang nasabi lang ni coach. At dumiretso na nga ang tatlo sa kanilang mga dressing room.