At sa wakas natunton din nila ang numero ng room na kanilang parehong hinahanap kanina pa at doon ay napag-alamanan nila na sila pala ay magkaklase. "Hey we are classmate pala" maarteng salita ni Andrea kay Ava na parehong nagulat sa natuklasan, na kapwa nakaramdam ng kaba at takot sa kanilang napag-alamanan;
Dahil ito palang si Gng. Elena Rivas, na ang gurong kanilang sinusundan simula pa kanina ay ang kanilang palang guro sa kanilang first subject.
"Ok class I'm back, kung tapos na ang lahat sa pinagagawa ko, you can pass your papers now" sigaw ni Gng, Rivas habang kinakalampag ang pisara.
"Omg" bulong ni Andrea habang hindi naman mapakali si Ava, kaya dahan dahan na lang silang dalawa sa pagpasok sa room para humanap ng kanilang mauupuan ng biglang, "kayong dalawa, sino ang nagbigay sa inyo ng pahintulot na pumasok"? malakas na boses na sigaw galing sa guro. "Hindi ako tumatanggap ng mga late o ng kahit anong paliwanag kaya naiintindihan ninyo"! "kaya labas'! "labas"! ang patuloy na sigaw ng guro at sabay bato sa kanila ng kanilang mga registration card.
Mula sa labas, may isang pang estyudyanteng babae ang humahangos at tumatakbo papunta sa loob ng room kung saan nagtuturo ang gurong si Gng. Rivas. Siya ay si Aira Mae Reyes, hindi siya ganon kayaman tulad ni Andrea, pero sila naman yung tinatawag nating may kaya sa buhay. Ang mga magulang nya ay parehong may magagandang posisyon sa kanilang mga trabaho kaya kahit paano nakukuha pa rin nya ang kahit anong mga bagay na magustuhan niya. Dagdag pa na nag-iisa lang syang babae sa apat nilang magkakapatid tulad namin, kaya siguro naging paborito siya. Tulad din ni kuya alam ko paborito siya ni inang dahil sa nag-iisang nga siyang lalaki tapos tatlo na kaming babae.
Si Aira Mae, ang ganda nya sobra, subalit kapag nagdamit halos lumuwa na ang kaluluwa, at tunay na mapapansin mo siya kahit na nakapikit ka pa haha kasi naman sobrang ang lakas nyang tumawa, hindi basta tawa kung hindi para siyang halahak ng isang lasenggo sa kanto at tunay na mahahawa ka sa tawa nya.
"Labas" isang malakas na "labas" na sigaw ang narinig namin mula sa loob at mga tawanan. Kami naman ay tawa rin ng tawa hindi dahil sa may bagong biktima na nasigawan dahil tatlo n kaming nasigawan at pinalabas. at yung naranasan nya ay naiintindihan namin, ganoong din kasi yung naranasan namin, yun bang pakiramdam na halos maihi ka na parang gusto mong umiyak sa pagkapahiya subalit iba pala talaga itong si Aira Mae, siya ang tunay na baliw. Alam nyo ba ang ginawa niya nung sinigawan sya ng labas, ginawa niyang rampa ang loob ng class room at lumakad palabas ng parang modelo at naglitanya ng ang ilang salita ni Jose Rizal na "Adios" Patria Adorada, region del sol querida" hahaha at iyan ang dahilan kung bakit lalo pa kaming tumawa ng tumawa sa labas at ganoon din ang iba naming mga kaklase. Hindi lang sya talaga baliw talagang may payka-jologs pa ika mo, yun bang maganda at seksi nga jologs naman.
Nakakatuwa siya talagang tunay, yung parang wala syang pakiaalam kahit pinalabas kami, parang si Andrea na kahit hindi na sila tanggapin pa kinabukasan wala lang sa kanila. Ako, hindi puede, konting pagkakamali ko mawawala lahat, pati mga pangarap ko sa pamilya ko mawawala. Matagal kong itong pinangarap, yung makapasok sa ganitong klase ng eskuwelahan at ayokong mawala ang scholar ko, kailangan ko itong alagaan kung hindi ako ang mag-goodbye Adorada.
" Hey mga sis isa rin ba kayo sa mga biktima ni "Adorada" tanong ni Aira Mae na kami ang tinutukoy, sabay tawa pagkabigkas ng pangalang Adorada.
Si Gng. Elena Rivas ay isa sa mga ginagalang at pinakamagaling na professor ng Unibersidad, tunay kang matututo sa paraan ng kaniyang pagtuturo subalit siya rin ang isa sa mga professor na kitatakutan ng halos lahat ng mga estyudyante ng Unibersidad na maging guro nila. Dahilan sa pagiging sobrang istrikta nito at tunay talagang ibabagsak ka niya kapag hindi ka pumasa at natuto. At kapag napag-alamanan na ng isang estyudyante na isa siya sa magiging guro nila, dalawa lang ang iyong pagpipilian; i-drop o maghanap k ng ibang kurso mo na hindi pinagtuturuan si Gng. Rivas. Dahil kapag napag-alamanan na nagpapalipat ka sa ibang oras para lang makalipat sa ibang guro ay hindi ka papayagan ng University dahil kilala nila kung gaano kagaling na guro si Gng. Rivas. Maaari ka nila ilipat ng ibang oras subalit si Gng. Rivas pa rin ang mananatili mong professor kaya wala kng lusot.
Dahil nga sa galing at husay ni Gng. Rivas, siya lamang ang gurong madalas magawaran ng parangal. Siya rin ang madalas na maimbitahan para mag bigay ng mga "opening or closing remarks" sa anumang "occasion" o mga pagtitipon, lalo na sa mga magtatapos, sa loob o labas man ng Unibersidad.
At sa mga naging estyudyante niya na hindi sumuko bagkus ay ginawa syang instrumento para sa kanilang mga pangarap ay pawang naging "successful" lahat, na siyang pabalik balik para bisitahin at pasalamatan siya. Kaya kung gusto mong maging matagumpay, " harapin at labanan mo ang lahat ng takot sa sarili mo" at yang salita na yan ang tunay na tumatak sa aking isipan". Dahil itong si Gng. Elena Rivas ay Isang malaking parte rin ng kanyang buhay bilang estyudyante.
"Ano kaya pa ba mga sis" dugtong ni Aira habang nakangiti sa kanilang dalawa. "Ako nga pala si Aira, Aira Mae Reyes, kayo sis" tanong sa kanila. I'm Andrea Romero and this is, ah what is your name again"? Tugon nya kay Aira ng nakatingin kay Ava habang tila hinihintay ang sagot nya. "Nakakainis talaga itong babaeng ito kanina ka pa ha" bulong nya sa sarili na ang tinutukoy ay si Andrea. Ako si Ava Escobar at sana tandaan mo na ha". Mahinahong tugon na nakatuon ang mata Kay Andrea.
Sa buong maghapon na iyon sa eskuwelahan ay wala nang naging problema pa ang tatlong dalaga kahit na sa mga sumunod pa nilang mga subject ay naging maayos lahat maliban lamang talaga sa kanilang unang subject kay Ginang Rivasi.
Nag-karoon man ng kaunting problema sa umpisa, lubos pa rin ang kanilang naging kasiyahan, na punong puno ng pananabik sa mga darating pang mga araw na kanilang tatahakin at pupunuin.
Oras na ng uwian, "9:00am hanggang 3:00pm ang oras ng schedule nila simula Lunes hanggang Biyernes, maliban sa Miyerkoles; P.E lang ang subject na nakalaan sa araw na ito at gayundin, hindi nila inaasahan na hanggang sa kanilang P.E. ay pare-pareho pa rin ang napili nila subject at ito nga ay swimming lesson.
Swimming para kay Aira, hindi dahil sa talagang napakaganda ng kanyang katawan kung hindi mahilig siya talagang mag-swimming kaya ito ang napili nya, maraming syang mga collection ng mga swimsuit na ubod ng seseksi na never pa akong nag-karoon at nasubukang makapag-suot, na kapag iyong sinuot ang isa sa swim suit nya ay para bang wala nang natakpan sa katawan mo, para bang wala ka ng tinago pa.
Swimming para kay Andrea, tulad ni Aira mahilig din sya mag-swimming, napakaganda din ng hubog ng kanyang katawan at napakarami rin niyang collection ng mga swimsuit, doble pa sa dami ng collection ni Aira. Kaya pinili nya ang swimming hindi dahil mahilig din syang mag-swimming kung hindi dahil walang siyang mapiling ibang P.E. kung hindi ito, ayaw nya kasi yung mga activity na sobrang nakakapagod at nakakapag- pawis. May pagka-maarte nga kasi siya diba, anak mayaman kasi gusto nya may tagapunas pa ng pawis.
Ako naman pinili ko talaga ang swimming, unang una ay para matuto akong lumangoy dahil hindi nga talaga ako marunong lumangoy; pangalawa never ko pang talagang naranasan ang makapag-swimming o makapunta man lang sa beach o sa mga swimming pool; kaya ito ang napili ko natatakot man ako, na baka mapahiya o malunod ako, ah basta bahala na.
"Paano mga sis nandito na ang sundo ng lola nyo,, see you tomorrow" paalam ni Aira na unang sinundo ng kanyang kuya Marlon. "Maghanda kayo kay Adorada mga sis hahaha agahan nyo bukas" pahabol pa nya na nang-uuyam.
Pamaya maya lang ay ang magarang sasakyan naman nila Andrea ang dumating na minamaneho ng kanilang driver na si Mang Cesar. Tulad ng napapanood ko sa tv, lalabas ang driver at pagbubuksan niya ang kaniyang amo. Ganoon si Andrea, nakakainggit pero ok lang "balang araw mararanasan ko rin lahat yan kasama ng buong kong pamilya kaya kapit ka lang Ava kayang kaya mo yan" bulong ni Ava sa sarili.
"Sabay ka na lang sa amin Ava, hatid ka na lang namin sa Inyo " alok ni Andrea ng may ngiti sa pagtawag sa kanyang pangalan. "Hay sa wakas alam na rin niya at hindi na nakalimutan ang pangalan ko" bulong sa sarili ni Ava. "Sige na anak sumabay ka na sa alaga ko" alok din ni Mang Cesar. "Wag na po malapit lang ang sa amin walking distance lang po sya, salamat na lang po, salamat din Andrea" tugon ni Ava. "Ingat po kayo" dagdag pa niya. "You too Ava see you tomorrow" sagot ni Andrea habang may pagkaway ng kamay. Tango na may halong ngiti at kaway din naman ang ginanti ni Ava sa kanila.