Ngayon nga ay muli siyang tutungo sa may palengke upang puntahan ang ina ng dalaga at sa pagkakataong ito, sasabihin na niya dito ang tunay niyang pakay at hangarin para sa dalaga.
Ngayon ay medyo mabilis ang kaniyang pagmamaneho, sa dahilang nais niya makarating sa palengke ng mas maaga, ito ay para mas mahaba ang oras ng kanilang magiging pag-uusap.
"Ah mabuti na lamang at walang masyadong traffic.., ang buntong hininga ng binata, "tamang tamang, makakapag-usap kami ni inang ng medyo mahaba" ang bulong sa sarili habang lumalakad patungo sa puwesto ni aling Amor.
"Hi inang., Magandang hapon po, kamusta po kayo? Ang bati ng binata sa matanda.
"Oh ikaw pala iho.,
"Mabuti naman.,
"Medyo pagod lang., matanda na kasi.. ang tugon nito sa binata habang patuloy sa pag-iistima ng mga bumibili.
"Ano nga ba ang pangalan ha? Ang tanong niyang una sa binata.
"Nasabi ko kay Ava yung pagpunta mo kahapon kaya lang bakit parang hindi ka naman niya kilala" ang muli nitong usisa sa binata.
"Pasensya na po inang kung hindi ko nasabi kahapon ang pangalan ko.., opo, hindi n'ya nga po ako kakilala, sa mukha lang po.., madalas po kasi
kaming magkakasalubong sa school.
Ako nga po pala si Ruben, Ruben San Sebastian po at ikinagagalak ko po kayo makilala n-na-nay?..". Ang pagpapakilala ng binata sa matanda.
"Amor.., nanay Amor o inang, kahit ano gusto mo iho," ang maagap na tugon ng matanda sa binata.
"Inang maaari po bang makiusap sa inyo.., na kung pede po na wag na lang muna ninyo sanang banggitin kay Ava ang pangalan ko at yung pagpunta punta ko po sa Inyo., Maaari po inang please" ang pakiusap ng binata sa kay aling Amor.
"Bakit naman ayaw mo pabanggit sa kanya? "Ayaw mo ba na magkakilala kayong dalawa ni Ava ha? Ang nagtatakang tanong ni aling Amor.
"Kasi po, sa tutuo lang ay gustong gusto ko po talaga na makilala ang inyong anak,. Ewan ko po bakit napakatorpe ko pagdating sa anak ninyo. Sa ngayon po ang gusto ko na lamang muna ay ang malaman ninyo ang tunay na nararamdaman ko para sa inyong anak, sabihin sa inyo na tunay po ang aking hangarin para sa kanya" ang pagpapatuloy ng binata na pinakikinggan naman ng matanda.
"Gusto ko po kasi na personal na ipaalam sa inyo, na gusto ko po ang inyong anak, gustong gusto po at nais ko po siyang ligawan kaya po naglakas na po ako ng loob na lumapit sa inyo" ang salaysay ng binata.
"Kaya naman pala wala siyang matandaan na kaibigang lalaki kagabi ng nabanggit kita sa kanya" ang naging paliwanag na lamang ng ina ni Ava.
"Pero kung hindi kayo magkakakilala ng aking anak ay paano mo naman siya liligawan?
"Gayunpaman, kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko na may nag-uugnay sa inyong dalawa dahil., nararamdaman ko sayo ang mga bagay na siyang ring nararamdaman ko kay Ava, na hindi ko maipaliwanag" ani uli ng matanda.
"Opo inang, Tama po kayo., hindi ko rin po maintindihan ang nararamdaman ko., Yung para bang magkakilala po kami pero hindi naman., kaya hindi ko po talaga alam kung paano mag-sisimula" ang tanging naisagot na lamang ng binata.
"Anak hanga ako sa'yo at naiintindihan kita pero., alam mo bang mailap pa yan sa pinakamailap na tupa, hay naku iho.. good luck na lang sayo" ani ng inang ni Ava.
"Opo inang, tunay na napaka-ilap po niya talaga" ang sagot naman ng binata.
"Naniniwala ako sa'yo Ruben, pero siya pa rin naman ang sasagot sa'yo, kung ako lang ay naku kanina pa kita sinagot, pareho kayo ni Ava, napakabait mo rin na bata, at napakasuwerte ng mga magulang mo sa iyo".
Sa halip na matuwa ay lungkot ang gumuhit sa mukha ng binata sa tinuran na iyon ng ina ni Ava, dahil ang tutuo, hindi niya kailanman naramdaman ang kahalagahan niya sa kanyang mga magulang na siyang tinutukoy ng inang ni Ava, kung kaya't hindi niya alam kung suwerte ba ang mga ito sa kanya, dahil lumaki siyang kasama ng ibang tao at hindi nang kanyang mga magulang.
Ito rin siguro ang dahilan kung mabilis siyang napalapit sa matanda kung kaya't ang kalungkutang ito ay hindi niya pinahalata sa matanda bagkus ay sinang-ayunan na lamang niya ito ng may mga ngiti sa mga labi.
"Alam mo bang wala pa kahit ni isang naging karelasyon si Ava, masyado kasing mataas ang pangarap nito para sa mga kapatid niya, gayundin para sa amin ng ama nya,.
"Hindi naman namin siya hinahadlangan sa mga gusto niya., hindi namin siya inuubliga, lagi lang kaming nakasuporta sa kanya subalit mas kami pa rin ang pinipili niya, kahit kailan ay hindi niya inuna ang kanyang sarili, napakabait at napakatiisin niyang anak.
"Alam mo bang pumapasok siya kahit kaunti lang ang dala niyang pera, mas pinagbibigyan niya kasi ang kanyang mga kapatid, kaya naaawa ako kapag umaalis at dumarating siya dito sa palengke., pagod na pagod dahil sa paglalakad, lahat yun ay tinitiis niya..
Kaya sana, kung sakali na maging kayo, pasayahin mo siya at wag na wag mong sasaktan, hindi namin kakayaning makita siyang nasasaktan." Ang pagpapatuloy nito na buong puso namang pinakikinggan ng binata.
"Ruben, sana maintindihan mo., Kahit kailan ay hindi mawawala sa magulang ang pangamba dahil natatakot lang kami na masaktan siya dahil napakabait niyang kapatid at anak" dagdag pa ni aling Amor sa binata.
"Kung sakaling man na maging kayo maipapangako mo ba na hindi mo sasaktan ang amin anak?
"Na kaya mo siyang ipagtanggol sa lahat gayundin sa iyong mga magulang?
"Maipapangako mo ba sa akin ha anak? Sunod sunod na turan ng inang ng dalaga na humihingi ng kasiguruhan sa binata.
"Opo inang pinapangako ko po, pangako ko po na hindi ko siya sasaktan., at naiintindihan ko po ang inyong mga pangamba" ang sabi ng binata na buong pusong nangangako rito na nagbigay ng ngiti at pag-asa sa matanda.
"At pinapangako ko rin sa inyo na kung sakali man na maging kami ay hahayaan ko pa rin po siyang tuparing ang lahat ng kanyang mga pangarap para sa Inyo, at ako ay magiging katuwang niya para sa ikatutupad ng mga ito para sa Inyo.
"Napakabait mong bata., Napakapalad talaga ng iyong mga magulang dahil napakaayos ng pagpapalaki nila sa iyo, maraming salamat, kahit napakalaki ng agwat ng estado ninyo sa buhay ay hindi mo ito tinitignan bilang isang balakid sa iyong layunin para sa aking anak..,
"Salamat Ruben.
"Ngunit sa ngayon po inang, ay wag muna kayong mag-alala, dahil hindi po ako nagmamadali, bagkus ay hahayaan ko muna siyang maging masaya sa buhay niya. Handa po akong maghintay kung kailan siya magiging handa" ani ng binata.
"Sa tutuo lamang po inang, hindi ko nga po talaga maintindihan kung bakit, wala po akong lakas ng loob na magpakilala o magtanong man lang sa kanya kahit kung pwede ko siyang maging kaibigan., ewan ko po ba napakatorpe ko talaga pagdating sa kanya".
"Aba parang ayaw ko maniwala na napakahina ng manok ko" ang panunukso naman ng matanda sa binata..
"Hindi naman po ako torpe, sa kanya lamang po at di ko nga po alam, puro porma at kalokohan lang ang kayang kong Ipakita sa kanta eh". "Siguro nga po eh asar na asar sa akin yun, baka nga nayayabangan pa po siya sa akin eh" pagpapatuloy pa ng binata.
At bakit mo naman nasabi yan ha? May ginawa ka ba Kay Ava para magalit siya sayo ha iho? Tanong ni aling Amor sa binata na daglian naman itinanggi nito.
"W-wala, w-wala po akong ginagawa sa kanya, takot lang po ako na isipin nya na babaero po ako, dahil hindi po tutuo yun, mga babae lang po ang pilit na mga lumalapit.., ang paliwanag ng binata
"Eh kung ganon naman pala eh di wala ka dapat na ikatakot.. Pero hindi ka naman talaga torpe huh? Dahil kung ganyan ka hay naku baka naunahan ka..,
"Joke lang anak, dahil kung kayo talaga., kahit sino pa ang humarang ay kayo pa rin hanggang sa huli tandaan mo yan." Ang pagbibigay lakas ng loob ng inang ni Ava sa binata.
Salamat inang, tugon ng binata at pabulong na sabing "sana tulad nyo rin sina mama" na hindi naman nakaligtas sa pandinig ng matanda. "Ano kamo Ruben? May sinasabi ka ba ha? Na siyang pinabulaanan naman ng binata, ah wala po inang, sabi ko po sana lahat ng magulang tulad ninyo. "Inuto mo pa ako ha" nakangiting tugon lamang nito.
"Tulad nga po ng nasabi ko sa inyo, hahayaan ko na lamang po muna siya at maghihintay na lang po muna ako., Pabayaan nyo na lamang po ako na bantayan na lamang muna at proteksyunan siya, masaya na po ako sa ganon".
"Isa na lang po, pede po ba na kayo na lang muna ang aking liligawan kung ok lang po? pagkasabi nito ni Ruben ay hindi mapigilan ng matanda na hindi matawa sa binata., Tinapik ang balikat ng binata at sabay sabing, "oo sinasagot na kita.. hahhaha, ikaw talaga.. tignan mo ang oras baka maabutan ka nun, sabi mo sekreto lang muna natin ito," paalala nito sa binata.
"Ang sarap nyo pong maging magulang, nakakatuwa po talaga kayo" ani ni Ruben.
"Wag mong iisipin na pinaaalis kita ha pero tutuo, pamaya maya lang ay darating na si ava baka maabutan ka dito" pagkasabi ng inang ni Ava ay nagpaalam na nga ang binata rito. "Sige salamat po inang, napakarami ko pong natutunan sa inyo, next time po uli,... Ingat po kayo lagi inang ha.."
"ikaw din mag-ingat., Ingat ka sa pagmamaneho mo ha..
Nagmadali na nga sa paglakad papuntang sa kanyang sasakyan ang binata ngunit hindi na muna ito umalis sa halip ay nanatili muna ito sa loob ng sasakyan at nag-antay sa pagdating ng dalaga. Na hindi naman lingid sa inang ni Ava na matamang nakasulyap sa kinaroroonan ng binata.