Pagdating nga ng binata sa condo ay naroon na ang dalawa at;
"Boi dumating ka na pala., "In case na gutom ka nanaman ay may take out po kami sa'yo ha" ang salubong na biro ni Erik sa binata na sinigundahan naman ni Enzo.
"Kakahiya naman kasi, iniiwan mo na kami at pinababayaan na lang maglakad.., hay pagod na pagod ang mga paa ko" at saka umarte ito ng paika-ika.
"Siraulo! maniniwala ba ako sa inyo, at ikaw pa ba, ang tamad mo kaya mag-lakad" pagkasabi nito ay sabay dampot ng throw pillow at binato kay Enzo, dahil doon ay nagtawanan na nga ang tatlong mag-kakaibigan, "sige na shower lang ako at salamat talaga, labas ako pagtapos ko.
Dumiretso na nga ang binata sa kanyang kwarto at naiwan na nag-uusap ang dalawa sa sala, nagtatalo sila kung sasabihin ba nila o hindi sa kaibigan na kilala na nila si Maria Clara. "Ano sabihin ba natin o wag na? Tanong ni Erik kay Enzo. "I-ikaw bahala.. ang tugon lang nito. "Sige paglabas nya sabihin natin sa kanya, nakakaawa rin ang kumag eh" ani Erik. "At yun ay kung paniniwalan niya tayo., Alam mo naman yan" ang tugon ni Enzo.
At yun nga, napag-desisyunan nilang dalawa na sabihing sa kaibigan na kilala na nila si Maria Clara at sa susunod na Wednesday ay muli nga silang magkikita at ipapakilala nila ito sa kanya, ngunit isang malutong na halahak ang naging tugon ng binata sa dalawa. "Hahahaha, tigilan nyo nga ako.. baliw talaga kayo! A-ako pa talaga iisahan ninyo ha.. kahit ayaw maniwala ng binata ay pilit pa rin nila itong pinipilit maniwala sa kanila ngunit ayaw talaga nitong maniwala, "bahala ka nga kung ayaw mo maniwala sa amin" ang nasabi na lang ng dalawa.
Sa dahilang kahit siguro ano ang sabihing nila rito ay hindi talaga ito maniniwala sa kanila, at hindi nila ito masisisi, dahil sa kanilang tatlo mas lamang ang mga kalokohan kaysa sa mga seryoso usapan kung kaya't hinayaan na lamang nila ito. "Salamat pre kahit paano talaga hindi nyo ko nakakalimutan kaya't mahal na mahal ko kayong dalawa eh.... Ani Ruben sa dalawa habang kumakain. "Oo naman, ikaw lang naman ang nakakalimot eh., Ang sagot naman ni Enzo. "Hahahaha" ang tawang malakas ni Erik, "may tama ka boy.. sabay appear ang dalawang kolokoy na pinagtawanan nanaman ang binata.
Natigil lamang ang tawanan ng tatlo ng mag-ring ang phone ni Enzo, "sandali lang ang chick's ko tumatawag....
Ah..,hello my labs?
"Ano sabi mo ha???
Sinong my labs huh??
My labs mo kaya muka mo !! Ang sagot ng nasa kabilang linya na si Aira.
"Ang sungit mo ha., sige wag na nga lang kung ayaw mo.. iba na lang marami naman dyan.. ang sagot ni Enzo na kunwaring nagtampo at kumikindat sa mga kaibigan.
"Galit galitan ka pa dyan ha sige na nga my labs na kung my labs, ang bawi na lamang ng dalaga na kinikilig naman sa kabilang linya.
"Tayo na ba ang ibig mong sabihin ha.. wala ng bawian? Ang sagot naman ni Enzo na halatang mabilis talaga pagdating sa babae.
"Anong sinasabi mong tayo na ha., sapak gusto mo ha" kunwaring ayaw na sagot ng dalaga ngunit gustong gusto naman nito.
"Ayaw mo ba? Ang tanong ng binata.,
"Gusto naman kaya lang parang mabilis eh.., ang katwiran ng dalaga.
"Sige na nga di bale na lang, di na kita pipilitin" Sabi ng binata na nagkunwaring sumama nanaman ang loob.
"Sige na nga tayo na pero wag ka muna maingay sa kanila ha, nakakainis ka talaga.. bukas sa coffee shop tayo" ang nasabi na lang ng dalaga at napilitan ng pumayag na maging sila na nga ni Enzo.
"Ok my labs muaahh, see you., Ani ng tuwang tuwang Enzo na halos pumalakpak ang lahat sa kanya sa tuwa.
"Huy request ni Andrea kung pede nyo isama nyo si Ruben ha..wag mo kalimutan ha, sige bukas na lang ha goodnight...
"Ok.., Goodnight" pagkabigkas ay sabay talon at lundag ang binata sa tuwa.
"O ano mga kolokoy may girlfriend na ko Hahaha, ayos di ba,.. kinikilig habang nagsasabi sa dalawa, "kaya magpaturo lang kayo sa akin at liligaya talaga ang buhay nyo".. pagkasabi ni Enzo nito ay sabay siyang hinampas ng malakas ng unan ng dalawa at sabing "siraulo ka wag mo kaming idamay sa'yo. "Seryoso na rin ako boy., idol ko si Ruben kaya ginagaya ko kaya lang "olats" hahhaha... makupad si boy' pang-aasar na tugon nito sa binata kung kaya't muli siyang binato nito ng unan.
Napakasaya talagang pagmasdan ang tatlong magkakaibigan na ito. Para silang mga tunay na magkakapatid kung sila ay magturingan, nagbibigayan at nagtutulungan ang bawat isa sa kanila, pagkatapos nga ng masayang kuwentuhang iyon at biruan, masaya ang bawat isang nagtungo sa kani-kanilang silid at hindi pa man nakakapasok sa kanilang mga silid ay muli nanamang humirit ang dalawa kay Ruben, "ano ayaw mo ba talaga na ipakilala ka namin Kay Maria Clara huh???? Baka magsisi ka ha, sabihin mo di ka namin ipinakilala". "Mga siraulo, matulog na nga kayo" ang tugon lamang ng binata sa kanila. "Ayan ha ayaw nya maniwala basta walang sisihan" at nag-appear ang dalawa ng tawa ng tawa habang pumapasok sa kanilang kwarto.
Ng mga oras din na iyon ay nag-uusap naman ang mag-inang Amor at Ava, "anak may pumunta sa akin sa may palengke kanina bago ka dumating, kaibigan mo raw?.,. Akala ko nga may boyfriend ka na at di ka man lang nagsabi sa amin ng ama mo'' ang pagtatanong nito sa dalaga na siya namang pinagtatakhan ng dalaga. "Sino naman po kaya yung lalaking maghahanap sa akin" ani ni Ava na nagtataka dahil wala naman siyang kaibigang lalaki at kung mayroon man ay siguradong kilala ito ng kanyang inang dahil kahit kailan ay hindi sya naglihim dito tungkol sa mga taong kaniyang nakakasalamuha, lahat ay kanyang ipinakilala dito o kung hindi man niya kayang maipakilala ng personal ay kaniya naman ikinukwento ang mga ito sa kanya, kung kaya't imposibleng hindi sila kilala ng kanyang inang.
"Ano po ba ang itsura nya inang? "Wala naman po akong matandaan na kaibigang lalaki ngayon.., maliban sa dalawang kong classmates na babae na lagi kong ikinukweto sa inyo. yun lang po at kung mayroon man po akong kaibigang mga lalaki ay kanina ko lang po yun mga nakilala dahil pinakilala nila sa akin, pero sila po ang may kaibigan doon hindi ako., alangan namang pong isa sa kanila ang pumunta sa inyo, imposible naman.., at ikukukwento ko rin naman iyon sa iyo pero., Sino po kaya iyon?" Ang tanging nasabi na lang ng nagtatakang dalaga sa kanyang inang. "Hindi kaya siya iyon, bakit naman niya gagawin yun" ang bulong niya sa sarili.
"Ay naku anak napaka-gwapo niya kung naabutan mo lang, di ko lang naitanong ang pangalan niya sayang.., parang ngang gusto ko ng palitan ang itang mo kanina nung lumapit sya sa akin eh., mukha pang mayaman at mabait pa". "Akala ko nga boyfriend mo sya at naglilihim ka na sa amin eh., naisip ko nga baka siya siguro yung unang mong halik eh kaya napapakagat labi ka at may pahaplos ka pa sa mga labi mo,.. Hahaha" kuwento ng kanyang mapanuksong inang na nagtatawa na siya namang kinapikon ng dalaga.
"Bahala nga kayo dyan Inang.. nakakainis, bakit kaya nanunukso ng ganoon sabi ng walang namang nangyaring ganon eh" ang sagot ng napipikong dalaga sa ina. "Tutulog na po ako inang, wag na po kayo maingay maaga pa tayo bukas, I love you na po.." dugtong pa ng dalaga habang ang kanyang ina ay ayaw talagang paawat sa pang-aasar, patuloy pa rin ito sa kanyang pag-awit ng kantang "Unang Halik".
"Ahh inang-g naman eh ayaw talagang tumigil.. goodnight na nga po" muling sabi nito na tinakpan na lamang ng unan ang kanyang mga tainga upang hindi marinig ang pagkanta ng kanyang inang dahil alam niya na kahit ano ang kanyang gawin ay hindi niya talaga ito mapapahinto, dahil sobra talaga sa kulit ang kanyang inang.
Ang hindi niya maintindihan ay ang kanyang sarili kung bakit sobra siyang apektado sa kantang ito. Siguro ay dahil tama lamang ang kanyang ina, sa dahilang tutuo talaga ang sinasabi niya., tutuong hindi niya talaga makalimutan ang mga halik na iyon ng binata. Isang binatang hindi naman niya kakilala kung kaya't sa tuwing nanunukso ang kanyang inang ay talagang apektado siya ng sobra.
Ang panunuksong ito ng kanyang ina ay base lamang sa kanyang hinala at dahil alam niya na patama ang mga panunuksong ito sa kanya ay hindi niya maiwasan na hindi magreact dito.
Dahil patuloy pa rin sa pangugulit ang kaniyang ina ay hinayaan na lamang niya ito. Dahil alam niya na pamaya maya lamang ay makakatulog na rin ito dahil sa pagod nito sa pagtitinda at hindi nga siya nagkamali dahil mga ilang minuto lamang ay hindi na ang pag-awit nito ang kanyang narinig kung hindi ang malakas nitong paghilik, hilik na tanda ng sobrang pagod at hirap niya sa maghapong paghahanapbuhay.
Dahil sigurado na ang dalaga na tulog na tulog na ang kanyang inang ay pabulong siyang bumigkas ng, "salamat inang., mahal na mahal ko po kayo, kayo ni itang, goodnight po"...
Kinabukasan ay maagang pumasok si Ava, maaga pa lamang ay naglalakad na siya papuntang terminal papasok ng kanilang eskuwelahan. Gayundin ang binata, maaga pa lamang ay umalis na siya, hindi para pumasok ng maaga kung hindi upang puntahan ang dalaga para sabayan sana sa kanyang pagpasok ngunit paano niya ito gagawin, hindi niya magawang bumaba at magpakilala dito, sadyang napakatorpe niya pagdating sa dalaga kung kaya't pinili na lamang niya na nanatili na lamang sa loob sasakyan at matama na lamang siyang sumubaybay ng palihim sa pagpasok ng dalaga hanggang sa makarating ito ng ligtas sa eskuwelahan.
At nang nasiguro na ang kaligtasan ng dalaga ay saka lamang huminto sa kanyang pagsunod ang binata para tumuloy na sa kaniyang klase at mga kaibigan.
Matapos ang buong araw ng klase ay nagpaalam na ang binata sa mga kaibigan na mauna ng umuwi, ito ay para muling bumalik sa palengke upang puntahan ang inang ng dalaga para magpakilala na at sabihin ang kanyang tunay na nais at hangarin para sa kanilang anak na si Ava, at upang makilala din niya ang buong pamilya nito , gayundin para sa kanila upang mapatunayan na tunay at tutuo ang kanyang hangarin na ito sa kanilang anak..