"boy ano gimagawa mo dyan ha? Aga mo namang naligo? hahahaha...,, Ang pang-aasar ng dalawa habang tinutulungang umahon ang binata. "Mga siraulo! Tinulak ako dito ni Maria Clara... Sagot ng binata na inaya agad ang dalawa na pumunta ng locker "Halika na nga at magpalit na tayo mabuti na lamang may baon akong extrang damit.. ahh sayang".
"Ano ang sayang ha? "Ano ang sayang?? Excited na tanong ng dalawa. "Sayang sana hinalikan ko na lang uli.. ang nabiglang sagot nito. "Halikan uli!!?? Sabay at gulat na tanong ng dalawang binata na talagang nag-duet pa. "Wala!! sabi ko sana nga., dahil tinulak niya ako at hindi uli.. mga sira" ang palusot niya sa dalawa dahil sa nadulas niyang mga salita, ayaw niyang malaman ang tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa ng dalaga ng hinalikan niya ito.
Matapos makapag-palit ng tatlo ay dumiretso na nga ang mga ito sa kanilang practice, at ang mga dalaga naman ay nag-uusap sa pakikipagkita nila mamaya sa coffee shop, "hoy! girl kasama ka mamaya at may ipapakilala kami sa'yo ni Andrea.., ang popogi nila makikita mo" ang kinikilig na pagkwento ni Aira sa dalaga. "Wag na lang kaya.. nahihiya ako, di na lang ako sasabay sa inyo mamaya" ang sagot na lamang ng dalaga. Wag ka ngang kill joy ha.., usapan na natin ito tuwing P.E., pag tapos ay sasamahan mo kami at kakain tayo di ba".., ang sabi naman nitong si Andrea na kinukonsesya ang dalaga. "Sige na nga, pero mauna na lang muna kayo at may dadaanan lang ako sandali sa library, mayroon kasi ako na hindi nasagutan kahapon eh.., ang pangako naman ng dalaga sa kanila. "O sige at wag ka mag-kamali na di pupunta, kung hindi sabunutan ka na namin" biro ng dalawa.
Natapos na nga ang klase ng mga dalaga, at gayundin ang practice ng mga binata kaya kanya kanyang yaya na ang mga ito. "Pre may daanan lang muna ako sandali ha, di ko sure kung makakadaan ako sa coffee shop".. ang paalam ng binata sa dalawa. "Boy sama ka muna sa amin at may pakikila lang kami sa'yo, sandali lang para ihatid mo na rin kami doon" ang pakiusap ni Erik sa binata. "Ah kaya naman pala ang babait ninyo.. mga siraulo talaga kayo!! Sabi ko na nga may kailangan lamang kayo..,,, ang sagot ng binata na pinagtawanan naman ng dalawa. "Sige na nga, halika na kayo at ng makaalis ako agad" At tumungo na nga ang tatlo sa coffee shop.
Nandoon na ang dalawang dalaga ng dumating sila at, "girls pasensya na ha, ang hirap yayain ng star player namin eh'" ang paghingi ng pasensya ni Enzo sa dalawa. "Si Ruben nga pala barkada namin, pakilala ni Erik sa dalawa at kanya kanyang pagpapakilala na ang dalaga sa binata. "Ako nga pala si Aira pare" sabay kamay sa binata na napangiti dahil ang gandang babae pero mukha pang lalaki kung kumilos kaysa sa kanya. At ng si Andrea naman ang nagpakilala sa binata na kanina pa titig na titig ay, ako nga pala si Andrea , Andrea Romero, single and ready to mingle" kinamayan ang binata at pinisil ang kamay nito na kinabigla ng binata. Isang ngiti ang ginanti ng binata sa dalaga at pilit kumakawala sa higpit ng hawak ng mga kamay nito sa kanya.
"Alam mo you really looks familiar to me..., I don't know, aren't we met somewhere? Tanong ng dalaga kay Ruben na nanatiling hawak ang mga kamay ng binata na itinanggi naman nito "baka hindi ako yun, baka kamukha ko lang". Pagkabitiw ng mga kamay sa pagkahawak ng dalaga ay sinabayan ng pagpapaalam ng binata, sige mauna na nga pala ako sa inyo and nice meeting sa inyo..,,, pasensya na may dadaanan pa kasi ako eh.. pare see you later ha". "Huy sandali mamaya ka na umalis" ang habol naman ni Andrea ngunit hindi na narinig ng binata dahil nagmamadali itong lumabas ng shop.
"Parang ang lakas ng tama mo kay ugok sis ha?? Ang tukso ni Enzo sa dalaga na dinugtungan naman ni Aira "oo nga may papisil pisil pa,. pisilin kaya kita". "Ikaw ba si Andrea, wild ka rin pala noh ngayon ko lang nalaman, mas pa kesa sa akin" muling panunukso ni Aira sa kaibigan sabay tawa. Sa sandaling pagkakakilala nila Enzo at Aira ay para bang matagal na talaga silang magkakakilala nito. Magkakampi silang tinatawanan si Andrea na nginingitian lang Erik ang dalawa sa kalokohan nila. Tahimik lamang kasi ito lalo na't bagong kakilala lamang niya kaya medyo nahihiya pa, si Enzo kasi ay talagang siyang pinakamakulit sa tatlo na parang babaeng Aira kung ikukumpara, kung kaya't madali silang nagkasundo.
"Ayan na pala siya..., akala ko di darating eh kung hindi sabunutan ko yan talaga bukas" ani Andrea na nakatingin sa paparating na si Ava. "Sabunot talaga agad Hahahaha" sagot naman ni Aira. "Joke lang Gaga" ang bawi naman nito. "Pasensya na ha medyo natagalan ako" isang malambing na boses mula sa likuran ng mga binata, na dahan dahan nilang nilingon ang pinanggalingan ng boses na siyang kanilang ikinabigla ng sobra ng mga ito at sabay "Ikawww-w???..... Maria Clara!!!
Na siya namang kinagulat ng dalaga, na kanyang ikinailang dahil din sa pagtawag nila sa kanya ng Maria Clara. Dito ay parang niyang hiya ang dalaga at ayaw ng magsalita. Dahil maliban sa hindi naman niya kilala ang mga ito at ngayon lang niya ito mga nakita ay iyon pa ang unang bungad na binati sa kanya.
"Maka-Maria Clara at ikaw kayong dalawa ha.. parang kakilala nyo na siya ah." Sabi ni Andrea sa dalawa. "Sarap ninyong pag-untugin ahh, pero may tama rin naman kayo siya nga si Maria Clara Hahahaha.. joke lang" dugtong na biro ni Aira "peace sis muaahh".
Tinanggi naman ng mga binata na kilala nila ang dalaga, "wala ginugulat lang namin sya akala namin kasi yung Isang fan namin na humahabol sa amin eh". Na parang ikinailang naman lalo ni Ava, "joke lang yung ha..., wag mong dibdibin, sorry!!.. Ako nga pala si Enzo at ito namang titig na titig sayo ay sya sigurong tunay na fan at magiging isa sa mga karibal",, pagkarinig ni Erik ng sinabi ni Enzo ay hindi mapigilan na hindi mabatukan ng malakas ang kaibigan. "G**o!! Masakit yun ha...
"Ta**n*ado ka" sabay batok at "Wag kang maniwala dyan ha.., siraulo yan.., ako nga pala si Erik" at maginoong nagpapakila ang binata sa dalaga, saka kinamayan ito, sabay sambit na "pasensya na ha ang kulit nito eh..," sabay turo kay Enzo na tawa lang ng tawa. "Kanina hindi ka nagsasalita ah, may boses ka pala pre??? Ang panunukso ni enzo sa binata na sinabayan din ng dalawang dalaga, "oo nga akala nga namin mag-aaral pa kami ng sign language para makausap ka lang eh, at nagtawanan na nga ang lahat, nakitawa na rin sa kanila si Ava.
Naging masaya ang naging kwentuhan ng lima, at madaling silang nagkapalagayan ng loob, marami silang kuwento sa bawat isa na parang kulang ang oras na iyon sa dami ng kanilang mga nais pag-usapan, at parang walang katapusan ang masasayang kuwentuhan iyon kung hindi dumating ang mga sundo ng dalawang dalaga.
At ng magpaalam ang dalawang dalaga ay nagpaalam na rin si Ava sa dalawang binata. "O pano text text na lang tayo ha" ang sabi ni Andrea sa mga binata, "sige mga sis see you tomorrow" ang paalam ni Aira sa dalawang kaibigan at kaway naman sa mga binata. "Ava ingat" ani Andrea sa dalaga na nginitian naman ni Ava gayundin Kay Aira na kumaway sa kanya.
"Bye Ava ingat" ang paalam naman ng mga binata na may flying kiss pang kasama na mula kay Enzo na tawa ng tawa na kinabig ng binata na nginitian naman ng dalaga at kumaway sa kanila.
Naiwan pa ng ilang sandali ang mga binata doon, nag-aantay baka sakaling bumalik si Ruben. "Sayang boy kung hindi agad umalis ang kumag sana nakilala na niya si Maria Clara Hahahaha malas niya.. ani ni Enzo. "Oo nga eh, ang ganda nya pre, kaya baliw na baliw itong si Ruben eh" ang tugon naman nitong si Erik. "Oo nga eh.. kaya parang gusto mo na rin mabaliw sa palagay ko eh" ang tukso ni Enzo at sabay batok ni Erik sa sinabi ng kaibigan. "Buti na lang wala akong problema kay Aira.. bagay kami diba? Ani uli ni Enzo. "Oo bagay nga kayo., Pareho kayong siraulo" ang sagot ni erik kay Enzo. "Ang sakit mo magsalita ah" ganti ni Enzo na tinatawanan lang ang kaibigan.
"Ayokong magkaroon kami ng problema boy kaya ipapaubaya ko na lang siya Kay Ruben, gustong gusto niya kasi talaga si Ava." "Basta bahala na.., tignan na lang natin.. gago ka wag mo sabihing ito kay insan ha, itong pinag-uusapan natin ha" dagdag pa ni Erik. "Boy hindi naman ikaw ang nakikita kong problema kung hindi itong si Andrea, yung kaibigan niya" ang sagot ni Enzo. "Yun lang" ang tugon lang ni Erik.
"Take out mo na lang kaya si Ruben at mag taxi na lang tayo, siguradong hindi na darating yun' ani pa Enzo. "Oo nga baka dumiretso na uli yun" sagot ni Erik. Pagkakuha ng kanilang inorder para sa kaibigan ay umuwi na rin at nagtaxi na lamang ang dalawa.
Ng mga oras naman na yun ay kausap ng walang kamalay malay na ina ni Ava si Ruben, ang lalaking laman ng isipan ng kaniyang anak "Nay maaari po bang magtanong? Ani ng binata sa ina ng dalaga. "Oo naman iho sa gwapo mo ba namang yan eh hindi kita sasagutin ha,, pabirong sagot naman ng ina ni Ava. "Nakakatuwa naman po kayo,, tanong ko lang po sana kung anak ninyo po ba yung laging sumusundo sa inyo gabi gabi?
Ah oo at bakit mo naman naitanong ha? Manliligaw ka na Niya ha?, Panganay ko siya" sagot lang nito sa binata na abala sa pagtitinda ng mga oras na iyon. "Pamaya-maya lang nandito na iyon, hintayin mo na lang para magkausap kayo..,
"Baka hindi ko na po mahintay may pupuntahan pa po kasi ako, balik na lang po ako bukas, pede po ba na nanay na lang itawag ko sa Inyo??tanong ng binata sa ina ni Ava. Aba ok lang, walang problema...halos lahat naman nanay talaga ang tawag sa akin, sige balik ka na lang bukas.. ingat ka. "Salamat po ng nay bukas na lang po" paalam ni Ruben na nagmamadali dahil baka maabutan siya ng dalaga.
At tuloy na nga'ng umalis ang binata...