Masaya ang binata ng gabing iyon habang papauwi sa tinutuluyang condo. Naroroon na ang mga kaibigan ng dumating siya at kasalukuyang nanonood ng "television".
"Boy kamusta lakad mo.., ang saya mo ah.., ano yan ha.." tuloy tuloy na tanong ng mga kaibigan. At Isang matamis na ngiti lang ang ginanti ng binata sa mga ito. "Huy di ka ba kakain ha? Ang habol sa kanya ni Erik. "Kakain ako shower lang ako sandali" ang sagot lamang ng binata.
Pamaya maya nga ay lumabas na ang binata para kumain; mabilis, na para bang hindi kumain ng buong araw, tunay na gutom talaga ang binata dahil sa tagal ba naman ng pag-aantay niya doon at sa pagsunod sunod sa dalaga ay talaga namang magugutom siya.
"Gutom lang boy, parang di kumain ah" biro ni Enzo na nagtatawa habang pinagmamasdan ang kaibigan. "Buti na lang nag-take-out kami kung hindi wala kang kakainin" ang dugtong na sabi na lamang ni Erik sa binata dahil kilala nila ito na kapag nain-love ay talagang hindi nila mapipigilan at talagang kahit sarili niya ay nakakalimutan kapag talagang may ginusto ang kaibigan.
"In love nanaman po ang ating kaibigan at parang naiiba ang Isang ito boy..., talagang seryoso pare" ang palitang usap ng dalawa habang patuloy na pinagmamasdan ang binata.
Mabilis na nakatapos sa pag-kain ang binata at pamaya-maya nga ay nag-paalam ng matutulog, "salamat pre papasok na ko sa kwarto". At tuloy tuloy na itong pumasok sa kaniyang kwarto. Habang nakahiga nga ang binata ay hindi niya maiwasan ang hindi mag-isip tungkol sa dalaga.
Hindi niya alam kung saan magsisimula, basta ang nais lamang niya ay makilala at malaman ng dalaga na tunay ang hangarin niya para dito. "Siguro magsimula na lang muna ako sa nanay at tatay nya para makilala ko siya ng lubusan at ako din para malaman ng nanay niya na tapat ang hangarin ko sa anak nila" bulong ni Ruben sa sarili na nakatulugan na rin pamaya maya ang pag-iisip.
Habang ang dalaga naman ay siya rin ang laman ng isipan ng mga sandaling iyon. "Bakit ba parang sobra akong nagselos sa nakita ko kanina., Parang akong tanga.., naiinis talaga ako sa babaeng humalik sa kanya" mga tanong ni Ava sa sarili habang pikit matang Inaalala ang mga labi ng binata na dumampi sa kanya, ang kanyang unang halik.
Parang baliw na nakakagat labi pa ang dalaga ng nakangiting hinahaplos ang kanyang mga labi, na parang pilit ninanamnam pa rin ang mga halik na iyon sa kanya ng binata. Na siya palang pinagmamasdan ng kanyang inang mula pa kanina, "Ava ano ba ang ginagawa mo ha bata ka??? "Ano ba ang mayroon sa mga labi mo at parang nilalasahan mo pa hanggang ngayon ha. Mga tanong ng kanyang ina na hindi niya alam kung paano niya sasagutin dahil sa sobra niyang hiya rito. Hindi niya kasi inaasahan na mapapansin siya nito dahil buong akala niya ay natutulog na ito.
"Sige na nga at matulog ka na, gabi na at maaga pang gigising bukas" ang sabi na lang ng kanyang ina ng wala syang maisagot dito, ngunit pamaya-maya ay narinig na lamang niya na kumanta ito sa himig ng "Unang Halik". At pagkarinig ng dalaga ay ito lamang ang kanyang nabanggit sa ina " Ah i-inang ano po ba naman yang kinakanta mo".
Alam ng dalaga na sinasadya ito ng kanyang inang at pinatatamaan talaga siya nito. "Sige matulog ka na, love you anak" pagkabanggit nito ng kanyang ina, alam niya na pinararamdam lamang sa kanya ng kanyang ina na naiintindihan niya ang kanyang lahat ng kilos at naghinihintay lamang ito na magsabi siya. "Salamat inang ha, mahal na mahal ko rin po kayo ni itang" tugon niya sa ina at natulog na nga ang dalaga.
Kinabukasan ay muntik ng makalimutan ng dalaga na Miyerkoles pala at araw ng P.E nila, "ah muntik ko ng makalimutan itong swim wear ko" sa pagkakataong ito ay hindi na masyadong naiilang pa si Ava kung isusuot niyang muli ang swim wear na ito. Matapos magpaalam sa kanyang inang ay umalis na nga ang dalaga para pumasok sa eskuwelahan.
Sa oras din na iyon ay magkakasabay ding pumasok ang magkakaibigan sa eskuwelahan, at ang dalawa ay lulan ng sasakyan ni Ruben na masayang nagbibiruan at nagtatawanan. "Boy di ko alam kung makakasabay ako sa Inyo sa uwian mamaya ha" ani ni Ruben sa dalawa. "Sabi ko na nga ba magdala ka na lang ng sasakyan eh!!!" ang hampas ni Enzo kay Erik pagkarinig sa sinabi ni Ruben. "Boy talagang paglalakarin mo nanaman kami talaga ha" ang sabi naman ni Eric sa binata. "Pasensya na pre bawi na lang talaga ako sa Inyo" ang tanging sagot lang binata sa dalawa.
Matapos mag-park ng sasakyan ay diretso na sa may gym ang tatlo dahil sa araw din ng P.E. nila ngayon ay practice lamang ng basketball ang gagawin nila sa tulong ng kanilang coach Eddie na siya ring instructor nila Ava.
Habang naglalakad patungo sa kani-kanilang mga locker room ang mga binata ay siya namang eksaktong paglabas ng mga dalaga sa kanilang locker room. Naunang lumabas ay si Andrea, ang sumunod ay si Aira ngunit hindi pa makalabas ang dalaga si Ava sa dahilang siya nanaman ang nahuli sa pila. Kaya nauna na lamang ang ang dalawa, naglakad ng parang mga modelo na talagang pinagtitinginan nga ng mga taong naroroon sa paligid.
Si Andrea at Aira ay sadyang napakagandang pagmasdan sa kanilang mga swimwear na suot, at talaga namang mapapahanga ka sa kanila, dahil maliban sa ganda ng mga ito ay talaga namang napaka-gaganda pa ng mga hubog ng katawan na kaya kahit ayaw mong lumingon ay talagang lilingon ka, sayang nga lamang dahil hindi nila kasama si Ava ng mga oras na iyon dahil mas lalo siguro silang pagtitinginan ng mga tao.
At ngayon nga ay sadyang pinagtagpo sila ng pagkakataon, dahil ang dalawang grupo ng magkakaibigan mismo ang sumalubong sa bawat isa, na siyang nagpahinto sa kanila. Dahil sa pagkakataong ito ay hindi lamang ang tatlong binata ang napahinto; kung hindi pati na rin sa dalawang dalaga.
Ang dalagang si Andrea ay napukol ang mga mata kay Ruben, habang ang mga mata naman ng binata ay para bang pilit may hinahanap na iba kahit na napakagagandang pa ng mga babae na ang nasa kanyang harapan ay parang bale wala lamang sa kanya.
"Hi mga beautiful I'm Enzo and this Erik, kayo ano mga name niyo" na sinamantala naman ng dalawang binata ang pagkakataon na iyon para pagpapakilala sa mga dalaga. "Ako nga pala si Aira at ito naman si Andrea" ang sagot naman ng dalagang si Aira ng sabay hatak kay Andrea dahil sa iba nga ito nakatingin. "Andrea! huy sino ba tinitignan mo dyan ha?...
Matapos magpakilala sa isa't isa; nag-kamayan na nga ang apat maliban kina Ava at Ruben na parehong wala sa tagpong iyon. Dahil ang binatang si Ruben ay biglaang humiwalay sa kanila dahil nasulyapan niya sa di kalayuan ang papalapit na dalaga kaya dagli niya itong nilapitan at sinalubong ng hindi napapansin ng dalawa na busy sa pagpapakilala sa dalawang dalaga.
Nagkakuwentuhan na nga ang apat dahil medyo maaga pa naman ng mga oras na iyon, nagkayayaan na rin silang kumain o lumabas minsan. At napag-alaman rin nila na pareho lamang pala sila ng mga schedule, ng mga pinupuntahan kapag uwian na at ngayon nga ay napag-kasunduan ng grupo na magkita sa may coffee shop pagtapos ang kanilang mga klase.
At habang masayang nagkukwentuhan ang apat ay sinamantala naman ni Ruben ang paglapit sa dalagang si Ava na noo'y nga ay naglalakad patungo sa mga kaibigan, na talagang nagkakapag-patunganga sa mga nakakakita rito, lalong lalo na kay Ruben na hindi na mapigilan ang sarili na lapitan ang dalaga.
Alam ng binata na kapag nilapitan niya ang dalaga ay iiwasan siya nito, dahil sa sobrang kagustuhan na makilala talaga ang dalaga ay lakas loob, sinalubong at hinarang niya ang dadaanan nito na siya ikinailang ng sobra ng dalaga.
Dahil sa dami ng mga estyudyanteng nakapaligid sa may tabi ng swimming pool, at sa dami na rin ng mga estyudyante na nakakakila sa binata ay hindi maiwasan na mag-kantiyawan at magtilian ang mga ito. Lalo na sa ginawang pagharang na ito ng binata sa dalaga ay talaga nga namang lalong nagpatili at nagpasigaw sa mga nasa paligid nila.
"wooooo-oo!!!! Mga sigawan at tilian ng mga kabataang kinikilig kina Ruben at kay Ava.
"Ano ka ba!! bakit ayaw mo ko paraanin" ang naiinis na tanong ng dalaga sa binata ngunit ang tutuo, sa loob nito ay kinikilig rin siyang tunay. "Hindi ako aalis dito magpakilala ka muna sa akin at pararaanin kita pangako" pagkasabi nito ay hinawakan ng binata ang mga kamay ng dalaga na siyang kinabigla nito, kinabahan siya na baka halikan siyang muli nito kaya napapikit na lamang ang dalaga.
Napangiti na lamang ang binata sa dalaga na pinagmasdan ang mukha nito na nakapikit. At habang hawak hawak ang mga kamay ng dalaga ay bumulong ang binata dito ng "ako nga pala si Ruben San Sebastian at hindi kita hahalikan, saka na lang kapag naging tayo na". Pagkarinig ng dalaga sa sinabi ng binata ay sabay dilat sa mga mata, dahil sa kabiglaan niya ay hindi sinasadyang naitulak niya ang binata sa may pool.
At dahil nga sa pangyayari na iyon ay mga malalakas na hiyawan muli ang narinig sa mga estyudyante ng mga oras na iyon na dinig hangang sa may kinaroroonan ng apat na siyang nagpatigil sa kanilang kuwentuhan.
Ay-y!!! "Si Ruben nalaglag sa pool" at iba pang mga sigaw na nagtitilian at may mga naiinis na kadalagahan na nag-sasabing "Ang arte naman ng babae na yun, ang swerte nya nga si Ruben pa lumapit sa kanya.. Sana ako na lang" mga usapan na maririnig sa pangyayaring iyon.
Habang si Ava naman ay lakad takbong lumayo sa lugar na iyon ng mabilis papunta sa kanilang klase na kabang kaba, iniisip niya na baka kung ano ang mangyari sa binata, na baka malunod ito o mapa-ano, natatakot siya. Yung lakad at takbo niyang iyon ay na napansin ni Aira kung kaya't pasigaw niyang tinawag ang atensyon nito na hindi naman narinig ng dalaga, "sis ano nangyari doon ha??? "Walang nanaman siyang narinig" ani lang ni Aira kay Andrea na noo'y nakatingin sa binatang nahulog sa fool.
"Sige na nga pasok na kami see you na lang later sa coffee shop parang kaibigan ninyo yata ang nalaglag sa pool" ang nasabi lamang ni Andrea sa dalawang binata at nagpaalam na nga ang dalawa para tignan ang nangyayari doon.....