Episode 16

1531 Words
"O aalis ka na agad boy?  Kararating mo lang ah? Tanong ni Erik sa binata.  Dahil kahit siya na ang nahuling dumating sa practice ay siya pa rin ang naunang aalis.  "Pasensya na boy may pupuntahan lang ako..., Coach mauna na ko" ang paalam ng binata.   "Aba San Sebastian may naaamoy nanaman ako sa'yo ah, hinay lang at malapit na ang tournament natin at baka mabitin tayo ha.. paalala ng Coach.  "Yes coach don't worry" at umalis na nga ang binata ng nagmamadali. Akmang papaandarin pa lamang ng binata ang kanyang sasakyan ng biglang natanaw niya ang paparating na dalaga.  "Mabuti na lamang at nakalabas na ako agad kung hindi ay di ko siya maabutan".  Ang naibulong ng binata na nagpapasalamat habang pinagmamasdan ang dalaga na tila huminto nanaman sa harap ng kanyang sasakyan kung kaya't hindi niya ito mapaandar. "Aba nandito pa itong sasakyan na ito ah!!!  Ang bulong ng dalaga habang nakatitig sa sasakyan na para bang may inaaninag pa sa loob nito.  "Parang may tao siya sa loob, parang may gumagalaw eh", at "sino kaya may-ari nito?  "Nakita kaya niya ako noon" mga bulong niya na habang pinipilit pa ring inaaninag ang loob ng sasakyan subalit ayaw naman niyang lumapit dito dahil nga sa takot pa rin siya sa nangyari dati nuong sinubukan niya ito lapitan at silipin.  "Ah makaalis na nga at nagtatagal na lang ako rito" kausap ang sarili bago nagsimulang lumakad muli. "Buti naman at umalis na siya, di tuloy ako makaandar" ani Ruben sa sarili.  "Ngayon nga ay masusundan ko na siya"  masayang sambit niya at talagang desididong desidido siyang makilala ang buong pagkatao ng dalagang ito.  At sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan, na sa pagkakataong ito ay hindi na niya hahayaang mawala sa kanyang paningin ang dalaga. At sinimulan na nga niya ang pagsunod sa dalaga, na ngayon ay kasalukuyang naglalakad kung kaya't dahan dahan lamang din siya sa kanyang pagmamaneho ng pahinto hinto;  Ito ay dahil nga hindi niya pwedeng bilisan ang pagpapaandar ng sasakyan dahil nga naglalakad lamang ang dalaga na siyang pinagtatakhan ng binata, napakalayo na kasi kung tutuusin ang kanyang nalalakad mula sa eskuwelahan.  "Saan siya pupunta at bakit sya naglalakad, kung pede ko lamang siyang hintuan ngayon isasakay ko na lang talaga at ihahatid siya" naaawang bulong ng binata sa sarili. Dahil sa kanyang mga nasasaksihan ngayon sa dalaga ay lalong lamang lumalaki ang paghanga at paghahangad niya rito na makuha ang buong tiwala nito.  "Sobrang kakaiba niya talaga sa lahat ng mga babaeng nakilala ko" bulong niya na bilid na bilid talaga sa dalaga.  Ngayon ay ang jeep na sinasakyan naman ni Ava ang kanyang sinusundan, determinado talaga si Ruben na kilalaning lubos ang dalaga, nais niya kasing maging wasto ang lahat ng kanyang ikikilos kapag nag-umpisa na siyang ligawan ito.  Natatakot din kasi ang binata na hindi niya mapaniwala ang dalaga na talagang malinis ang kanyang intensyon dito, takot siya lalo na't malaki ang kaibahan ng estado nila sa buhay.  Ayaw niyang maging hadlang ito sa kanilang magiging relasyon ngunit ayaw niyang ilihim ito sa dalaga, ang gusto niya ay makilala rin siya ng lubos ng dalaga kung sino siya at hindi sa kung ano mayroon siya, kung hindi sa kung sino ang tunay na siya.  "Mapapatunayan ko sayo lahat ito na tutuo at tunay ang intensyon ko sayo dahil ngayon pa lamang ay sigurado ako.... sigurado ako sa sarili ko.. "Na Mahal kita, kahit sino ka man!!  Mga salitang binigkas ng kanya mga labi, mga labi na punong puno ng pag-asa. Pamaya-maya lamang ay huminto na ang jeep sa may tabi ng palengke, kaya huminto na rin siya para makita kung sino ang bababa; at ang dalaga na kaniyang sinusundan nga ang bumaba.  Dahil nga medyo masikip na ang kalye sa may palengke, kailangan niyang itabi na lang muna ang sasakyan at maglakad para masundan ng mabuti ang dalaga kung san ito nakatira. Subalit hindi natuloy ang kanyang pagbaba dahil parang sa natatanaw niya sa dalaga ay parang hindi pa ito uuwi, at magtatagal pa ito kasama ng Isang medyo may idad ng babae na nagtitinda doon.  Kaya nanatili na lamang muna ang binata sa sasakyan at doon na lang naghintay habang pinagmamasdan ang dalaga. "Sino kaya yung kausap niya? Niyakap at hinalikan pa niya... "Parang ang saya saya nila kapag nag-uusap at tinutulungan pa niya itong magtinda... "Nanay kaya niya iyon? Mga tanong na naglaro sa kanyang isipan habang nagmamasid at nag-aantay sa loob ng sasakyan. "Anak anong oras na ba ha? Wala ka naman na gagawin diba? Tanong ng kanyang inang sa dalaga.  "Wala naman po ako gagawin na, bakit po inang" ang tanong lamang ng dalaga sa ina.  Gusto ko sana na magtagal muna tayo dito, marami pa kasi tao at mabenta ngayon... para naman makaipon tayo ng kaunti kapag nangailangan tayo lalo ka na".  Hangga't maaari kasi ayoko ng binibili ka ng mga kaklase mo tulad noong nangailangan ka ng maisusuot sa P.E." dugtong pa niya.  "Bakit naman po inang, mabait naman po sila.., tutuo po iyon inang hindi nila tinitignan ang estado ko sa buhay, wag na po kayo mag-alala maaari po ba" ang pakiusap niya sa kanyang ina.  "Hindi mo kasi maiaalis sa mga magulang ang hindi mag-alala sa kanilang mga anak.., natatakot lamang ako para sa iyo, ayoko kasi balang araw eh susumbatan ka nila" ani ng kanyang inang.  "Mahal na mahal kasi namin kayong aming mga anak" dugtong pa ng kanyang inang, sabay halik at yakap sa kanya. Kitang kita ng binata ang mga tagpong iyon na parang bang kumukurot sa kanyang puso...  Dahil kung siya talaga ang kanyang ina, ay napakapalad niya sa kanyang mga magulang dahil kahit mahirap lamang sila ay nararamdaman nila ang tunay na pagmamahal at gabay ng isang magulang na siyang lubos na kinaiinggitan ng binata.  Sa dahilang kahit kailan ay hindi niya ito naranasan sa kaniyang mga magulang, lumaki siya at namulat sa pangangalaga ng ibang tao.  Lumaki siyang walang nakakaalam ng kaniyang mga gusto at naisin, ng kanyang mga pangarap at kung ano ang kanya gustong maging na lubos niyang kinalulungkot at kinaiinggitan mula ng siya ay bata pa sa kanyang mga kaibigan. Mabuti pa ang kanyang mga kaibigan, kilala siya mula bata hanggang ngayon na binata na siya.  Kaya nga siguro lumaki siyang rebelde sa magulang at nagawang lumipat ng ibang eskuwelahan kahit hindi nalalaman ng mga ito, na hangang ngayon nga ay hindi pa rin nila nalalaman; dahil kung mag-kita man sila, walang silang ibang tanong sa binata kung hindi "kailangan mo ba ng pera.... "Oo pera, pera lang ang mahalaga sa mga magulang ko hindi ako" ang bulong ng binata sa sarili na lalong nagpapagalit sa kanyang loob. Pamaya-maya nga ay Isang malakas na busina ng jeepney ang narinig ng binata na kinagitla niya na siyang nagpagising sa mga pagdaramdam niya sa kanyang mga magulang.  Isang driver ng jeepney ang bumisina kina Ava ang sa kanya'y nagdala ng pangamba para sa dalaga ngunit humupa rin pamaya maya ang kanyang naramdaman ng makita niya ang mga pagkaway at ng mga ngiti nito sa pagkakita sa mamang nagmamaneho ng jeepney. "Ano diyan na ba kayo sa palengke matutulog na dalawa ha!!! Sigaw ni itang mula sa jeepney na medyo naiinis dahil medyo ginabi na nga kami ni inang sa pagtitinda.  "Halika na nga Ava at magligpit na tayo medyo gabi na nga pala, kaya ayan sinundo na tayo ng itang mo.., yari tayo niyan sa sermon mamaya sa bahay, di ko kasi namalayan... Di bale lambingin na lang natin, marami naman ang benta ngayon eh kaya bayaan na natin siyang magsungit" ang sabi ni inang na nakangiti at masayang masaya.  Halos maubos kasi ang kanyang paninda ng araw na iyon kaya lubos ang kanyang kasiyahan.  "Parang uuwi na sila, sila siguro ang kanyang mga magulang" ang bulong ni Ruben habang ini-start na ng dahan dahan ang kanyang sasakyang.  Matagal din ang ginawang pag-aantay na iyon ni Ruben sa dalaga, at ganoon na nga siguro, kapag talagang gusto mo kailangan magtiis ka.  At ngayon nga at dahan dahan na niyang sinusundan ang jeepney na minamaneho ng itang ni Ava, maingat dahil ayaw niya mahalata siya lalo na't kilala ng dalaga ang sasakyang gamit niya.  Ang hindi lang alam ng dalaga ay iyong siya ang may-ari nito. Pamaya maya nga ay huminto na ang sasakyan at kinakailangan din niyang pumarada sandali at bumaba dahil hindi niya puede ipasok pa ang kaniyang sasakyan dahil eskinita na ang kanilang nilalakaran ngayon.  Kaya bumaba na siya at naglakad ng dahan dahan upang hindi sila makahata ngunit may ilang mga tao ang tumitingin sa kanya dahil nga siguro bago ang kanyang mukha na hindi naman nakaapekto sa kaniya.  Sa wakas, tagumpay na nalaman niya kung saan nakatira ang dalaga at maaaring na nga siyang mag-isip kung paano niya sisimulan ang panunuyo dito at tama, sila ang kaniyang mga magulang, napakasaya ng kanilang pamilya.  At nakita rin ng binata kung gaano kahirap ang buhay ng dalaga, subalit sa kanilang pagmamahalan at kasiyahan sa payak nilang pamumuhay ay higit pa silang nakakainggit kumpara kung sa anong meron ako. At muli ay lumakad na ng pabalik ang binata sa kanyang saksayan ng may mga ngiti sa labi......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD