Masayang masaya ang binata ng gumising kinabukasan, pakanta kanta sa himig ng "love of my life", ng lumabas sa kanyang kwarto ay handa at nakabihis na rin ito, at masayang bumati sa mga kaibigan "good morning mga boy! Mauna na ko pumasok sa inyo ha at may dadaanan lang ako sandali... see you na lang sa school". Nagtataka man ang dalawa, gayunpaman ay ngumiti na lang sila at "sige boy goodluck" at umalis na nga ito.
At naiwan na nga ang dalawa na hindi maiwasan na pag-usapan ang biglang pagbabagong iyon ng kanilang kainigan. "Last time na nakita ko yan na ganyan eh noon nililigawan niya ang kanyang first love diba" ani ni Erik kay Enzo na sinang-ayunan naman nito. "Kaya nga.., kaya pabayaan na lang muna natin yan at di tatagal magsasabi rin yan sa atin tulad dati". "Kaya kumain na lang tayo, at magdala ka na lagi ng sasakyan sigurado yan na wala na tayong aasahan nanaman dyan" dagdag ni Enzo. "Hahaha oo syang tunay iba kapag umibig yan nakakalimutan tayo" ani Erik.
Ngayong nga ay buo na talaga ang loob ng binata na gawin ang lahat ng kaya niyang gawin mapasa-kanya lamang ang dalaga, lahat ng mga nararapat na bagay makuha lamang niya ang tiwala nito.
Dahil mas nauna nga niyang nakita ang dalaga, simula pa lamang ng pasukan kung kaya alam na niya kung saan siya dapat magsisimula. At sa pagkakataong ito ay kumikilos siya ng siya lamang mag-isa at hindi na nagsasabi sa kanyang mga kaibigan, na siyang ngang pinagtatakhan ng mga ito kung kaya't pinababayaan na lamang siya ng mga ito.
Ngayon nga ay maagang pumasok itong si Ruben, mas maaga sa normal nitong pagpasok hindi dahil kailangan siyang pumasok ng maaga kung hindi para pumuwesto ng maganda sa may mini lagoon na kung saan siya naka-puwesto ng una niyang nasilayan ang dalaga. At ngayon nga ay nandito nanaman siya para abangan muli ang pagdaan nito.
At hindi nga siya nabigo dahil pamaya-maya lamang ay nakita na niya ang kanyang inaabangan, "hay salamat at nakita na kita bago pa man dumating ang dalawang kumag" ang bulong niya sa sarili na nagpapasalamat.
"Sadyang napakaganda niya..., bakit ganoon, parang sobra akong nahihiya" ang bulong pa niya uli sa sarili na talagang nagtataka dahil kahit kailan ay hindi niya ito maramdaman sa kahit sino pang babae, ngayon lamang. Dati rati kasi ay hindi siya nakakaramdam ng hirap pagdating sa mga babae, dahil ito mismo ang kusang lumalapit sa kanya ngunit ngayon ay sa halip na lumapit ay bakit parang kusang lumalayo ito sa kanya.
Ngayon ay sigurado na siya sa kanyang sarili, dahil una pa lamang niyang nakita ang dalagang ito ay iba na talaga ang kanyang naramdaman dito. "Iba na yata talaga itong nararamdaman ko, parang mahal ko talaga itong babaeng ito" ang sabi niya na siguradong sigurado sa sarili.
"Bahala na" ang kanya tanging nasambit at lakas loob ng lumakad para tunguhin at salubungin ang dalaga ngunit ng malapit na siya dito ay Isang babae ang bigla na lang humalik sa kanyang labi, isa ito sa mga babaeng pumapayag na lumabas makasama lamang siya kahit wala itong relasyon sa kanya na kanyang kinabigla dahil mismong sa harap ng dalagang si Ava ito nangyari.
At dahil sa kitang kita nga dalaga ang buong pangyayari, ay namilog ang mga mata nito at napahinto sa may harapan niya. Nagka-titigan ang kanilang mga mata na parang nag-uusap, ang titig niya na nagbibigay ng paliwanag sa dalaga na "wag ka mag-isip ng masama please wala kaming relasyon ng babaeng ito" na tutuong ito ang nasa isip ng binata habang pilit nilalayo at inaawat ang babae palayo sa kanya.
At ang dalagang si Ava naman, ay parang nanunumbat sa kanyang isipan sa mga titig nito sa binata "ahh di ka dapat pagkatiwalaan, masyadong babaero talaga ang lalakeng ito nakakainis". Hindi maintindihan ni Ava kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman dahil sa kanyang pakiwari ay tutuong nasasaktan siya sa kanyang mga nasaksihan, "ahh bakit ba nasasaktan ako, wala naman kaming relasyon" at saka ito tumakbo na ng mabilis paalis sa lugar na iyon.
Pagkawala ni Ruben sa dalagang humalik sa kanya ay hinabol niya agad si Ava ngunit sadyang mailap talaga ang dalaga dahil nawala na ito sa kaniyang paningin at hindi na uli makita. Dahil kinakailangan na rin niyang bumalik at pumasok sa kaniyang klase ay nagdesisyon na lamang ang binata na bumalik na lang, "mamaya na nga lang.. bad trip nakita pa nya yun!".
Nagwo-worry ang binata na baka ma-disappoint ang dalaga sa kanya, na ayaw niyang mangyari kaya natatakot din siya "patutunayan ko talaga sa kanya na hindi talaga ako ganoon" ang tanging nasambit sa kanyang sarili na nangangako na magbabago para sa dalaga, na ibang Ruben na ang makikilala niya simula ngayon.
Pagpasok sa kanyang klase ay sinalubong si Ruben ng paulit-ulit na tanong nanaman ng kanyang dalawang makulit na kaibigan na nagtatawa nang lumapit siya.
"Boy saan ka ba nagpunta ha? Ang aga aga mo? Nilalagnat ka ba? Sunod sunod na tanong ni Erik na sinundan naman ni Enzo. "Oo nga boy, putsa kakaiba ka nanaman, siguradong in love ka nanaman ano? "Oo Tama ako ano" at saka nito sinabayan ng tawa ang binata.
"Tumigil na nga kayo.. ayan na si sir tahimik na tayo" ang tanging sagot lang ni Ruben na nakangiti na parang hindi apektado sa panunukso ng dalawa. "Mamaya nga pala may pupuntahan ako uli ha, mauna na lang muna kayo at baka late na ako dadaan sa coffee shop" dagdag pa nito na nagtinginan na lamang ang dalawa.
"Sige suportado ka namin anu man yang mga ginagawa mo boy" mahina ngunit sabay na sagot ng dalawa dahil nandoon na nga ang kanila professor kaya tinapik na lamang nila sa balikat ang kaibigan, senyales ng kanilang suporta rito.
At ng mga oras din na yaon, si Ava ay hindi mapakali na napansin ng mga kaibigan nito. "Huy girl ano problema mo at mukha hindi maipinta yung mukha mo ah" tanong ng nagtatakang si Andrea. "Wala para kasing nagagalit ako ng hindi ko alam kung bakit" ang sagot lang ng dalaga. "Aba'y baliw! Baliw ang tawag dyan gusto mo samahan kita sa Mandaluyong ha? Biro naman ni Aira. Ano gagawin natin sa Mandaluyong? Tanong naman ng dalaga na walang kamuwang muwang sa panloloko ng kaibigan. Pagkasabi niya ay sabay nagtawanan ang dalawa at duet na sinabi na "ipapasok ka namin sa mental hospital ng Mandaluyong" at tuluyan na nga nila na pinagtawanan ang dalaga.
"Psst... Quiet now girls at mag-start na tayo" saway ng kanilang guro na kararating lamang ng mga sandaling yaon. "Biro lang namin girl ha wag ka mapipikon ah" sabay tapik ng dalawa at saka tumahimik na ginantihan naman ng dalaga ng isang ngiti at pabulong na nagsabing "okey lang sanay na ako sa inyo eh". At tahimik na nagngitian na lamang ang tatlo.
"Hay salamat tapos na ang klase" ang bulong ng dalaga sa sarili. "O ano dating gawi sa coffee shop muna tayo maghihintay" Sabi ni Andrea. "At ikaw sa library" dagdag ni Aira na ang tinutukoy ay si Ava at sabay tawa. "Joke lang yung ha, sige na mauna na kami ingat ka" ang sabi ni Andrea sa dalaga na may ngiti na kinawayan naman ni Aira.
Dating gawi nga, diretso na uli patungo sa library si Ava at sa pagkakataong ito ay hindi niya maiwasan na luminga linga na parang bang mayroon siyang hinahanap. "Nakaparada nanaman itong kotseng ito rito baka mamaya may sumpa nanaman na dala ito sa akin" bulong niya sa sarili na naiinis dahil sa nakita nanaman niya ang sasakyang ito. Ngunit walang kamalay malay ang dalaga na ang kanyang tila nililinga at hinahanap kanina pa ay naroroon lamang pala sa loob ng kotseng ito, kotseng ayaw niyang makita at kanya ngang kinaiinisan.
Na lingid sa dalaga, simula pa lamang ng kanyang paglalakad patungo sa lugar na ito ay kanina pa may mga matang nagtatago at nag-aabang sa kanyang pagdating. Na nakatago mismo sa loob ng sasakyang ayaw niyang makita na kung saan siya ngayon ay nakatayo sa harap, habang pinagmamasdan ito.
Si Ruben ay kaninang kanina pa nag-aantay sa pagdating ng dalaga dahil sigurado siya sa sarili niya at nararamdaman niya na muli itong dadaan sa lugar na iyon. Dahil sa bawat Pag-krukrus ng kanilang landas ay tinatandaan lahat ito ni Ruben, ang eksaktong oras at lugar na kung saan niya posibleng makita muli ang dalaga ay tandang tanda niyang lahat.
Ngayon nga ay malaya niyang napagmamasdan ang dalaga sa labas ng sasakyan, ngunit parang wala siyang lakas ng loob na labasin ito at lumapit tulad ng madalas niyang gawin sa lahat ng mga babaeng nakikita niya lalo na kapag mayroon siyang natitipuhan na babae. Lahat ay napakadali para sa kanya at hindi siya nahihirapan kailanman dahil nakukuha niya ang mga ito ng walang kahirap hirap.
Ngunit ang Isang ito ay hindi niya alam kung paano siya magsisimula, parang sadyang napakahirap para sa kanya. "Ano ba talaga ang gagawin ko, nahihirapan ako magsimula" ang tanging naibubulong niya sa sarili habang tinitigan ang dalaga sa labas ng salamin ng kanyang sasakyan. "Mahal na mahal kita miss alam mo ba yun..... sambit niya sa sarili ng parang baliw na nakatingin sa dalaga na ngayon nga ay nagsimula ng lumakad palayo patungo sa pupuntahan nito.
Ng wala na ang dalaga ay saka lamang bumaba at lumabas ng sasakyan ang binata para tumungo sa gym para puntahan na ang mga kaibigan na kanina pa nag-aantay sa kanya sa practice nila ng basketball. "Hay Ruben umiral uli ang katorpehan mo sa buhay" ang bulong niya sa sarili habang naglalakad patungo sa gym.