Sa bilis ng mga pangyayari, na sa bawat tagpo ng banggaang ito ay para bang Isang tagpo sa isang pelikula. Banggaang sila mismong dalawa ang kapwa may sala at may gawa kung kaya't sila ay bumangga sa isa't isa.
Na ang banggaang ito ay tunay na nagbigay ng isang kakaibang kilig dahil nga sa pagkakataon na ito, hindi lamang ang kanilang mga matang nagsisipag-usap dahil sa kanilang mga titigan, ng mga kamay na humaplos sa bawat isa, kung hindi pati na ang kanilang mga katawan na sadyang nag-alab dahil sa pagkakadikit nito sa isa't isa.
Damang dama ni Ruben ng mga sandaling yaon ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan lalong lalo na ang dibdib ng dalaga na nakadiin sa kanyang katawan, ramdam na ramdam niya ang init ng katawan ng dalaga na sa kanya'y parang apoy na nagliliyab na bumalot sa buo niyang katawan at nagdala ng pamamanhid sa kanyang katawan na hindi niya maintindihan
At sa bawat sandali ng tagpong ito, ramdam na ramdam din ni Ava sa buong niyang katawan ang dibdib at katawan ng binata na ngayon ay yakap yakap nga niya. Ang amoy nito na langhap langhap niya na parang tunay na dumikit na sa kanyang katawan sa higpit ng mga kapit at yakap niya. Mahigpit na kapit na ayaw niyang bitawan habang titig na titig sa mukha ng binata
Dahil sa tindi ng pagkakabangga nila sa isa't isa, ay tunay na napayakap talaga ang dalawa sa bawat isa ng mahigpit, mahigpit na mahigpit na parang ayaw ng bumitiw at pakawalan ang isa't isa. At ng dahil din doon, hindi sinasadyang maglapat at magdikit ang kanilang mga labi, mga labing lalong nagbigay ng kakaibang kuryenteng na dumaloy sa buo nilang katawan.
Na ang paglapat ng mga labing ito ay unang beses sa buhay ni Ava na may dumikit na labi ng Isang lalaki, isang labing ubod ng tamis, na gumuguhit sa loob ng kanyang kalamnan. Sa isang lalaking hindi man lang niya kakilala ngunit parang hinayaan na niya na hindi lang lumapat sa kanyang mga labi bagkus ay parang hinayaan niya na ang mga labing ito ay tuluyan siyang halikan ng paulit-ulit.
Ang hindi maintindihan ni Ruben kung bakit ng mga sandaling yaon ay parang sinasadya na niya ang paghalik sa mga mga labi ng dalaga. At kung padampi dampi lamang ang paghalik niya sa dalaga noon una, ngayon ay tuluyan na nga niya itong hinalikan, hinalikan ng isang napakainit na halik na dumadampi ngayon sa mga labi ng dalaga, na sa isip niya ay wala na siyang pakialam ng mga sandaling kung sampalin man o isumbong siya nito sa guidance ng eskuwelahan. "Gustong gusto niya ang mga halik na ito, gusto niyang pigilin ang sarili ngunit hindi niya magawa.
At dahil nga medyo hapon na ng mga oras na iyon eh wala ng masyadong dumadaan sa lugar na iyon kaya walang nakakakita sa kanila, ang mga kaibigan naman ni Ruben ay nauna ng umalis at hinihintay na lamang siya sa coffee shop para kumain bago umuwi.
Bumalik lamang siya uli sa gym sa dahilang may nakalimutang siyang kuhanin at yun nga sa kanyang pagmamadali na makabalik na sa mga kaibigan ay aksidente niyang nabangga ang dalagang ito.
Na ito namang si Ava ay natural na yata sa kanya ang hindi tumingin sa kanyang nilalakaran dahil nagmamadali din siyang makauwi ng mga oras na iyon dahil nag-aantay nga ang kanyang inang. At dahil nga doon ay muli, nabangga nanaman niya ang binatang gumugulo sa kanyang isipan.
At ngayon nga, sa tuwing dumidikit ang mga labi ng binata ito sa kanyang mga labi, ay parang bang wala siya sa sarili na pinapaubaya na lamang niya dito ang kanyang mga labi. Kahit alam nya sa kanyang isipan at nararamdaman niya na ang lalaking ito ay sadyang hinahalikan na siya. Hindi pa rin niya maintindihan ang sarili kung bakit pumapayag siya, hanggang sa muli nanaman siyang tatangkain halikan ng binata at doon nga ay parang nagising siya at.
Sabay tulak ng malakas sa binata na napatulala lamang sa kanya habang pinagmamasdan sya habang pinupulot ang kaniyang mga gamit, na napangiti lamang ng siya ay lumakad na ng mabilis palayo dito.
"Ahh hindi tama ito! Ang landi landi ko bakit pinabayaan kong mangyari ito!!! Tumatakbong sinasampal ang sarili. "Ang landi mo Ava!! "Ahh nakakainis bakit ganoon pinabayaan ko siya ahhhh!!! Bulong na naiinis sa sarili.
Hangang sa kanyang paglabas ay talagang hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanila. Hindi sa hindi sya makapaniwala kung hindi, hindi niya maialis sa Isip niya ang lahat ng mga nangyari sa kanila ng binata, lalung lalo na ang mga labi nito na parang hanggang ngayon ay nakadikit pa sa kanyang labi. Na sa tuwing maiisip niya ang bawat dampi ng mga labi ng binata sa kanyang mga labi ay di niya maiwasan na hindi mapakagat sa kanyang mga labi. Mga halik na hanggang ngayon ay kaniya pa ring nalalasahan at nararamdaman sa kanyang mga labi.
At eto nga ang dalaga, habang nakasakay sa jeep ay hindi maiwasan na hawak hawakan ang kanyang mga labi, pilit na nilalasam at dinadamdam pa rin ang kanyang unang halik mula sa labi ng binata sa kanyang mga labi.
"Ano ba Ava ano na nangyayari sayo? "Nakakahiya sobra!! Mga bulong ng dalaga sa sarili na sobrang nahihiya sa sarili at sa ginawa niya, subalit; may mga bulong din siyang bigla na lang nagpapangiti sa kanya dahil ang tutuo, gusto niya ang mga nangyari, gustong gusto dahil napakasaya niya at ang ligayang nararamdaman niya sa kanyang puso ay hindi niya maintindihan dahil talagang iba ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.
Hindi tulad ng dati, noong una pagkakataon na nakabangga niya ang binata, sobrang pagkalito at pagiging mali mali ang ibinigay nito sa kanya. Ngunit ngayon, ay para siyang nakainom ng kakaibang uri ng gamot na nagbigay sa kanya ng kakaibang sigla at saya, na ang lahat ng kanyang ginagawa ay nagagawa niya ng tama na para bang punong puno siya ng inspirasyon. At ang kanyang mga ngiti ay tunay na nakakahawa sa bawat taong kanyang nasasalubong.
"Mama para po!! At bumaba nga siya sa eksaktong babaan sa may palengke na habang naglalakad tulad ng dati, malayo palang ito ay tanaw na siya ng kanyang inang na kahit hindi siya magsalita, alam niya na alam na ng kanyang inang kung ano mang pagbabago ang mayroon siya o kung ano man ang kanyang nararamdaman ay hindi kailanman maikakaila dito. Yun nga lang, ang kanyang inang ay hindi tulad ng ibang ina na pinipilit ang kanilang anak na magsabi sa kanila, ngunit IBA si inang, respeto ang mayroon siya para sa amin. "Hi inang uuwi na po ba tayo o magtitinda pa" ang nakangiting sabi ng dalaga habang nakayakap at hinahalikan ang ina.
Ang binata namang si Ruben ay ngayon lang nakarating sa coffee shop ngunit wala na ang mga kaibigan ng dumating siya. "Nasaan na ang mga yun, mga gago iniwan ako" bulong sa sarili habang dina-dial ang kanyang telepono upang tawagan ang mga ito.
"Hello boy nasaan kayo?
"Ah ok may dinaanan lamang ako kaya natagalan ako".
"O sige kayo na lang.., sa bahay na lang tayo magkita... Bye."
May pinuntahan ang dalawang binata na niyaya nga ng mga ito na puntahan sila ni Ruben na tinanggihan naman nito. At sa kanyang pag-iisa habang kumakain sa may coffee shop na yun ay hindi niya maiwasan na tuwing hihigop siya ng kape ay parang mga labi ng dalaga ang dumadampi sa kanya. Na sa dami ng mga labi ng mga babaeng nahalikan niya ay talagang kakaiba ang labi ng dalaga ito.
Damang dama niya hanggang ngayon ang tamis at lambot ng mga ito habang hinahalikan niya ito kanina. Ang lambot ng mga katawan nito at ang dibdib niya na nagpainit ng sobra sa buo niyang katawan. Ang mainit na hininga na galing sa mga labi nito habang ilang beses niyang hinalikan at alam nya na ang mga labing iyon ay hindi pa nahahalikan ng kahit sino kung hindi siya pa lamang. Sa dami ng mga babae na nagdaan na kanyang nakasama at nahalikan, sigurado siya kung ang babae ay may karanasan na o wala.
At pagkatapos ngang kumain ng binata ay nauna na itong umuwi sa unit na kanilang tinutuluyan. Matapos nitong magshower at magbihis ay dumiretso na sa kanyang kuwarto at tuluyan ng nahiga sa kama. Dati rati ay nanonood muna siya habang nag-aantay sa mga kaibigan ngunit ngayon ay pinili na niyang mag-isa sa kwarto. At sa kanyang pag-iisa ay hindi niya maiwasan na hindi maisip ang dalaga. "Napakaganda niya talaga, parang mahal ko na agad ang babaeng ito... Ahh kung sino ka man..! "Gusto talaga kita... Gustong gusto...".
Ngayon lang talaga siya naging tunay sa sarili niya, ngayon lang siya umamin sa sarili na talagang nabihag siya ng dalagang ito. "Bukas kahit ano ang mangyari ay gagawin ko na ang dapat kong gawin. "Huwag lang sana siyang magalit sa akin..
At sa kanyang pag-iisip ay hindi na niya namalayan na dumating na ang kanyang mga kaibigan dahil tuluyan na nga siyang nakatulog. "Hala boy.. may nangyari ba dyan? "Ang agang natulog ah.." ani ni Erik. "Bayaan natin baka talagang inantok lang ng maaga.. Sabi ni Enzo.
Sa kabilang banda naman, hindi din dalawin ng antok ang dalaga, dahil hindi niya makalimutan ang binata na kahit ayaw niyang aminin sa sarili ay ninanais niya na magkaroon pa sila ng mas malalim pa na pagtatagpo.
At sa kanyang isipan, pilit siyang humihingi ng pasensya sa pamilya dahil sa mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Na kahit kailan ay hindi niya pinayagan na may gumulo sa kanyang Isipan noon dahil ang gusto nya ay ang kanyang pamilya lamang ang laman nito.
Ngunit ngayon nga ay nangangamba siya, natatakot siya na mahati na ang kanyang atensyon dahil sa binatang ito. Ngunit ano ang gagawin niya dahil kahit siya hindi niya alam ang gagawin basta ang alam niya, nararamdaman na niya ang kanyang pagiging marupok. "Natatakot ako, bakit ba,, bakit napakahina ko kapag siya na ang kaharap ko? Ang tanong na naiwan sa kanyang isipan na nakatulugan na ng dalaga.....