Episode 13

1629 Words
Wala pa ang dalawa ng dumating sa condo si Ruben, diretso sa kanyang kwarto at nagshower; pagkabihis ay lumabas sa sa "living room' at nagbukas ng tv para doon hintayin ang pagdating  ng mga kaibigan.   Habang nanonood ng tv, mapapansin ang pabigla bigla nitong pagtawa kahit na ang kanyang pinapanood ay wala namang nakakatawa dahil ang tutuo ay hindi naman comedy ang palabas kung hindi Isang balita.  At kung pagmamasdan mo siya ay hindi naman sa television nakatuon ang pansin nito kung hindi sa kawalan.  Nakatingin ang mga mata sa television subalit iba ang nakikita ng mga mata at patuloy ang panaka naka niyang pagngiti na bigla muling tatawa. Habang nasa ganoon siyang sitwasyon ay hindi niya namalayan na dumating na pala ang mga kaibigan na kanina papala siya pinanonood at pinagtatawanan.  Tuwang tuwa sa galak na pinagmamasdan siya sa kanyang mga kinikilos.  "Boy ano nangyayari sa kaibigan mo bakit nagkakaganyan ha?" Bulong ng tuwang tuwang na si Enzo, habang tawa naman ng tawa itong si Erik. Dahil nga sa tawa sila ng tawa ay nakahalata na itong si Ruben dahil naramdaman at narinig niya na may naghahagikgikan at ingay sa kanyang likuran at wala naman ibang tao ang gagawa noon kung hindi ang mga siraulo niyang mga kaibigan.  Kaya hindi nila napansin na papalapit na sa kanila si Ruben at may dalang unan at yun nga, pinagpapalo sa ulo ang dalawa na nagpatuloy lalo sa pagtawa dahil nahuli sila nito.  "Boy parang may sapi ka kanina ah, ano ba nangyari sayo ha tinatakot mo naman kami eh" Sabi ni Erik na di mapigilan ang pagtawa.  "Oo nga nakakaba ka eh pabigla bigla ka sa mga kilos mo" sagot naman ni Enzo. "Pero walang halong biro bakit ka ba tumatawa ha? Tanong ni Enzo na sinang-ayunan naman ni Erik "oo nga, bakit ba para ka ngang siraulo ha?. Tulad ni Ava, hindi rin masabi ni Ruben ang buong kuwento, kung ano ang dahilan ay hindi rin niya maintindihan, pero alam niya kung ano ang tunay na nararamdaman. "Si Maria Clara kasi pare...." Hindi pa man naitutuloy ang kuwento nito ay may sapantaha na agad ang dalawa.  "Sabi ko na nga ba siya ang dahilan ng pagiging baliw mo ano?  "at kung kaya't iniwan mo kami ano? "Ano sumagot ka? Ang sunod sunod na tanong ng dalawa. "Mga sira-ulo kayo ayaw nyo ko patapusin sa kuwento ko tapos ang dami dami ninyong tanong" ang sagot na lang ni Ruben.  "Sige na nga magkwento ka na" ang pag-amo ni Eric at "sige na sabihin mo na" ang dugtong ni Enzo na may halong kalokohan. At yun nga nag-umpisa na uli mag-kuento si Ruben tungkol sa nangyari sa kanya habang nakaparada ang kanyang sasakyan ngunit hindi niya sinabi kung bakit siya nakaparada at kung ano ang ginagawa niya doon. Hindi pa man ito natatapos sa kanyang kuwento ay inihit na ng tawa ang dalawang sira ulo niyang kaibigan at talagang tuwang tuwang at hindi mapigil sa pagtawa sa pangyayaring iyon. Marami pa rin naman silang mga pinag-kukwentuhan mga ibang bagay, mga bagay na nangyari sa buong mag-hapon at pangyayaring sadyang nakakatuwa na malimit nilang gawin bago sila tuluyang matulog. Kinabukasan nga ay maaaga pa lang ay nasa eskuwelahan na ang tatlo, in fairness sa kanila, kahit na punong puno sila ng kalokohan ay talaga hinding hindi nila pinababayaan ang kanilang mga klase na kung tutuusin sa kanilang pagiging mga varsity player ay pwede na silang maging petiks dahil maari nilang gawing excuse ito sa kanila mga classes especially kung may practice sila, lalo na at kung may laban sila ngunit never nilang ginawang excuses ang mga ito dahil talagang priority nila ang kanilang studies. Next month ay lalabas nanaman sa bulletin board ang mga listahan ng mga Dean Lister na siyang lagi nilang inaabangan at ng iba pang mga estyudyante.  Ngayon ay may Isa pang naghihintay at umaasang lalabas din ang kanyang pangalan sa list tulad noong siya'y nasa high school pa lamang, ito ay si Ava.  Lagi rin laman ng bulletin board ang kanyang pangalan para sa mga nangunguna at matatalinong estyudyante ng buong paaralan nila noon at ngayong college na siya ay muling umaasa na mapabilang muli ang kaniyang pangalan sa listahan. At dating gawi, pagkatapos ng kanilang mga klase ay didiretso na ang tatlo sa kanilang practice, si Ava ay sa library, at ang dalawa, si Aira at Andrea ay kakain or pupunta muna kung saan habang nag-aantay ng kanilang mga sundo dahil alam nilang hindi nila maasahan ang dalagang sumama sa kanila dahil nga sa library ito dumidiretso pagkatapos ng klase. Dahil nga ang library ay malapit sa gym, at sa may tapat ng library din nagpapark ng sasakyan niya ang binata kaya hindi imposible na Isang araw ay magtagpo nanaman ang kanilang mga landas.  Ngayon nga ay naglalakad nanaman ang dalaga patungong library at tulad ng dati ay nandoon nanaman ang sasakyan, sa oras na iyon ay hindi alam ni Ava ang nararamdaman dahil ang tutuo, hangga't maaari ay ayaw na niyang makita ang sasakyan na iyon dahil nga puro kapalpakan lamang lahat ang dinadala sa kanya nito at nung huli nga ay yung nangyari sa kanya kahapon. Ngunit ang hindi alam ng dalaga na ang sasakyan na ayaw niyang makita ay siyang pag-aari ng lalaking nakabangga niya, lalaking laman ng kanyang isipan na pilit niyang inaaalis ngunit hindi niya maialis alis. At eto nga nandyan nanaman ang sasakyan sa dadaanan niya, na malayo palang ay kanya ng natatanaw, hindi nya tuloy kung tutuloy pa ba siya o hindi pero kailangan niyang labanan ang nararamdaman; "ano ba Ava para kang tanga,  relax  lang" bulong nya sa sarili na naglakad ng parang robot na hindi lumilingon, mabilis, malagpasan lamang agad ang sasakyan. Dahil sa pagmamadali, ay hindi niya napansin na may umaatras na sasakyan, at bumisina ito sa kanya na kanyang ikanagulat nanaman!! "Beep-p bee-e-p!".  " Ay kabayo-o!!! Ang sigaw ni Ava sabay ng buong reaksyon ng katawan sa sobrang gulat. "Ha Hahahaha" lumabas ang may-ari ng saksayan na nakangiti at tawa ng tawa sa kanyang pagkakagulat.  "Hi ok ka lang? I'm Erik". Dahil nga sa gwapo at matangkad din ito, ay napatunganga at napatingin siya sa binata ngunit hindi tulad ng naramdaman niya kay Ruben ng makabangga niya ito.   Dahil sa ngiti nito ay naisip ng dalaga na baka pinag-tritripan nanaman siya o kaya'y sadya siyang ginulat; sabay hawak sa kaniyang bag, sabay hampas nito sa binata "ammp-p, yan ang bagay sayo.... Hi mo muka mo"  saka mabilis na tumakbo.  Dahil nakayuko at umiiwas sa paghampas ng dalaga, hindi niya nakita kung saan na ito sumuot.  "San nagpunta ang babaeng yun, ang bilis naman tumakbo Tama nga si Ruben" ang sabi sa sarili ng nakangiti".  "At talagang napakaganda niya lalo na sa malapitan".  Ang bulong na lang niya habang papunta na sa gym para kitain ang mga kaibigan na kanina pa nag-aantay. Nagdala na ng sariling sasakyan si Erik dahil nga sa pag-iwan sa kanila ni Ruben nung Isang araw.  Pagpasok pa lamang sa gym at pagkalapit sa mga kaibigan, ay hindi na napigilan ang excitement na maikuwento agad ang nangyari bago siya pumasok sa gym.  "Boy hulaan ninyo kung sino ang nasalubong ko sa may labas, nakakatuwa talaga sobra promise!!!. Kuwento niyang tuwang tuwa habang binibida sa mga kaibigan. "Sino dali., Wag mong sabihing si Maria Clara yan ha?". Panlolokong tanong ni Enzo na pinariringgan si Ruben.  "Tama ka boy" sagot ni Erik sabay appear ang dalawa ng kanilang mga kamay sa ere habang tinitignan ang reaksyon ni Ruben kung sasagot.  "At parang may gusto sa akin boy, ang mga titig nya parang naglalaway sa akin" pagkakasabi ni Erik ng ganon ay doon sumagot si Ruben.  "Siraulo mo!! Di ako naniniwala sa'yo imposible" sagot ni Ruben sabay Batok Kay Erik na naiwasan naman nito ng tawa ng tawa. "Ano nga ang nangyari ikuwento mo na" ang pangungulit ni Enzo at yun nga sinimulan na ni Erik ang nangyari at nagtawanan ang tatlo.  "Boy mas magugulat yun kapag ikaw ang nakita, na ikaw pala ang may-ari ng kotseng iniiwasan nya Hahahaha" ang sabi ni Erik kay Ruben na tumatawa.  "Ano kaya gagawin niya kapag nakita ka ha? Matuwa kaya sa itsura mo ha boy..? Dugtong ni Enzo ng tawa rin ng tawa. Sa tinuran na iyon ni Enzo ay hindi nakakibo si Ruben, ano nga kaya kapag nalaman ng dalaga na siya nga ang may-ari ng saksayan, ano kaya ang gagawin nito; mga tanong na naglaro na sa kanyang mga isipan. "Oh boy wag na mag-isip sayang isip hahahaha" Sabi ni Erik sabay bato ng bola sa kaibigan. "Hahaha mga siraulo di ako nag-iisip". Ang sagot na lang ni Ruben at nagpatuloy na sa kanilang practice ang tatlong binata. "Hay salamat at tapos na rin sa wakas ang mga assignment ko" bulong ni Ava na katatapos lang sa kanyang mga gawain ng mga sandaling yun.  At habang nagliligpit ay di maiwasang mag-isip, "ano ba yan nadadagdagan ang mga nasasalubong ko na hindi magaganda ngayon ah".  "Sana naman paglabas ko wala na yung maroon na sasakyan na yun!  "Yun talaga ang pasimuno simula pa noong una palang akong pumasok dito, sinusuwerte ako pag nakakasalubong ko yun eh".  Patuloy na bulong sa sarili at bago nga lumabas sa library ay "sana naman nakaalis na yun" at lumabas na nga siya ng library at nagmamadali na siya dahil medyo gabi na nga at nag-aantay na ang inang niya kaya dire-diretso na siya sa paglakad. Dahil dire-diretso nga ang dalaga at hindi tumitingin, may Isang ring dire-diretsong naglalakad at hindi tumitingin, si Ruben.  At dahil kapwa nagmamadali at hindi tumitingin sa dinadaanan; sa ikalawang pagkakataon, muli ay nag krus nanaman ang kanilang mga landas, subalit sa pagkakataong ito ay hindi lang ang dalaga kung hindi pareho silang bumangga sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD