Pagkatapos ng kanilang practice ng basketball ay dumiretso na ang tatlong mag-kakaibigan sa kanilang favorite na coffee shop, sandali lamang silang nagstay para kumain ay nagpaalam na pamaya-maya si Ruben na ikinagulat ng dalawa "Pare mauna na ako at magtaxi na lang kayo kung ayaw ninyo maglakad".
At nagmamadaling na nga itong umalis dahil nais nitong abangan ang dalaga, para sundan ng lingid sa kaalaman ng dalawa. Na siyang pinagtataka naman ang dalawa dahil kailanma'y hindi naglilihim sa kanila si Ruben, subalit ngayon umalis at may pinuntahan ng wala silang nalalaman na pinag-kibit balikat na lang nila. "Kay tita lang punta non palagay ko, siguro hingi ng allowance" ang sabi na lang ni Erik. "Bayaan mo na yan matanda na yan, kain na lang tayo" dugtong na lang ni Enzo.
Dahil nga sa mismong harapan ng sasakyan niya tumawid si Ava nuong nakaraang linggo kaya malinaw sa kanyang ala-ala ang lahat, kaya't tandang tanda niya kung anong oras maaring dumaan muli sa lugar na iyon ang dalaga. Kaya bago pa man dumating ang eksaktong oras na iyon ay nasa labas na siya ng University at pumarada na muna sa may kabilang side ng kalsada kung saan niya nakitang tumawid ang dalaga. Sa isang lugar sa kabilang kalsada na hindi siya makikita ng mga kaibigan pati na ang kanyang sasakyan.
Habang naghihintay sa loob ng sasakyan ang binata, talagang matiyaga itong sinisipat ang bawat tumawid sa tawiran na iyon. Subalit labin-limang minuto na ang lumilipas ay wala pa ring Ava na tumatawid doon. Gayunpaman, ok lang para kay Ruben dahil hindi sya nawawalan ng pag-asa dahil alam nya Isang araw muli silang magkikita nito at hindi siya magsasawang mag-abang doon araw araw makita lamang ang dalaga.
Napakalaki ng epekto ng dalaga Kay Ruben na kahit mismo ito ay nagtataka at hindi alam kung bakit, dahil ang tanging alam lamang niya ay gusto niya ang dalaga at gagawin nya ang lahat mapasakanya lamang ito.
Pamaya maya pa ay walang talagang Ava ang tumawid sa tawirang kanina pa niya tinatanaw dahil ang dalaga palang inaantay nyang tumawid kanina pa ay nasa likuran na mismo ng kanyang sasakyan ng hindi niya nalalaman.
"Aba ano ang ginagawa ng sasakyan ito rito ah" ang pagtatakang sambit ng dalaga sa sarili habang papalapit sa kanyang sasakyan. At dahil nga busy sa pag-aabang sa harapan ay hindi na niya namalayan na nasa likuran na si ava na kanina pa sinisipat sipat ang kanyang sasakyan na nais malaman kung sino ang lulan nito. "Sino kaya ang sira-ulong may-ari ng sasakyang ito" dagdag pa ni Ava habang sinisilip ang sasakyan.
Tinted ang sasakyan ng binata kaya hirap si Ava na maaninag ang loob nito, kung kaya't ng hindi makita masyado sa likuran ang laman ng sasakyan ay unti-unti nitong nilapitan ang harapang pintuan ng passenger's side at muling sumilip.
Dahil nga sa abala ang binata sa pag-aabang sa dalaga ay hindi nito namalayan na ang mukha mismo ng dalaga ay nakasungaw na at pilit sinisilip ang lulan ng sasakyan, kaya ng bigla nya pag-lingon ay hindi niya napigilan ang nagulat.
At sino naman ba ang hindi magugulat kung ganoon ang sitwasyon, kung kaya sa kanyang pag-kakagulat ay di sinasadyang nadiinan niya ang busina ng sasakyan kaya bumisina ito ng napakalakas at medyo mahaba na nakapansin at ikinagulat ng marami, mga taong malapit sa paligid.
Dahil nga sa biglang pagbusina na iyon ay halos magkandarapa talaga sa pagtakbo ang dalaga sa takot, na baka isipin ay may masama siyang binabalak sa sasakyan.
Dahil sa nakita ay huli na ng mahimasmasan si Ruben na ang hinihintay pala nya ay kanina pa siya sinisilip sa may bintana at sa halip na malungkot dahil nanghihinayang sa nangyari ay humagakpak ng tawa na halos maihi na at sumakit na ang tiyan. Dahil sa hindi mapigilang kakatawa, ang balak na pagsunod sa dalaga ay hindi na natuloy kung kaya nagpasya na lamang ito na umuwi na lang.
Dahil maliban sa hindi na niya talaga makita si Ava kung saan ito sumuot ng kumaripas ng takbo sa takot ay di pa rin niya mapigilan ang di tumawa sa tuwing nakikinita niya ang itsura ng dalaga at bilis ng takbo nito.
"Ano ba yan pagod na pagod ako ah" bulong sa sarili habang hingal na hingal sa pagtakbo. "Namputsang sasakyan yun., may dala yatang sumpa, ngayon pati terminal nalagpasan ko pa" gigil na gigil sa nangyayari sa kanya. "Ahhh! hindi ko na talaga lalapitan ang sasakyan na yan!" Ang naiinis na lumakad pabalik uli ng terminal.
"Hay salamat nakasakay na rin sa wakas, nakakapagod talaga ha". Habang nakasakay ang dalaga ay bigla siyang natawa kung kaya't pinagtinginan ng mga tao sa loob ng jeepney, bigla kasi silang nagulat nang biglang tumawa mag-isa ang dalaga. Siyempre kung ikaw ba ang magkaroon ng katabing tulad niya na bigla bigla na lang tatawa eh hindi ka ba mapapatingin at kakabahan.
Bigla siyang natawa dahil kaniyang napag-tanto na kaya rin siya napagod at hinihingal ngayon ay dahil na rin sa kagagawan niya, kung hindi ba naman siya huminto at sumilip silip pa sa sasakyan na iyon na parang hindi gagawa ng mabuti, eh hindi siguro nangyayari yun. At talagang natatawa na siya ngayon sa sarili at nahihiya siya baka nakita ng may-ari ng sasakyan kung paano siya tumakbo na siyang tunay.
Dahil kitang - kita talaga ng binata hindi lang ang bilis ng pag-takbo niya kung hindi ang buong pangyayari lalo na ang mukha niya na takot na takot.
"Mama-a! Ma-a sa tabi na lang po!" Natataranta niyang pagpara sa jeepney dahil sa pagkagulat na malapit nanaman siyang lumagpas ng palengke. At pagkababa sa jeep eh nagmadali nanaman itong maglakad dahil nga medyo natagalan talaga siya ng dating at baka mag-alala na inang niya kahit na medyo maaga pa, dahil alam nito kung anong oras talaga ang dating niya kahit na matraffic pa siya ng sobra. "Ano ba naman kasi ang nangyayari sa akin wala naman akong ginawang masama bakit ba naging mali mali na ako ngayon ay nakakainis" bumubulong sa sarili habang naglalakad papuntang sa puwesto kung saan nagtitinda ang kanyang ina.
Malayo pa lang siya ay pinagmamasdan na siya ng kanyang inang, na nangingiti sa itsura niya habang lumalakad "ano kaya ang nangyari dito at parang baliw na kausap nanaman ang sarili". Ng dumating ang dalaga sa puwesto ay di naman nagpahalata ang kaniyang inang sa nakita, ngunit dinaan na lamang sa pagbibiro sa anak. "Anak ang aga mo naman masyado ngayon ah, at mukha galing ka sa karera eh" biro sa anak ng nakangiti. Pede mo ba sabihin kay inang mo ang dahilan ng pagiging sobrang lagkit mo hahahah" natatawang sabi ng kanyang inang.
"Inang naman, wala po lumagpas po kasi yung sinakyan ko na Jeep kaya naiinis ako kaya napagod ako sa paglakad pabalik" ani ni Ava. "Kaya po ganito ang itsura ko" dagdag pa nito. "Dati ka nanamang lumalagpas ah eh ngayon parang karera ang ginawa mo eh, doble kasi ang lagkit mo at mas mas malagkit ka pa sa akin na nagtinda maghapon dito sa palengke" dagdag na biro ng kanyang inang na natutuwa sa kanya. Alam kasi ng kanyang inang kung si Ava ay nagsasabi ng tutuo o may tinatago sa kanya.
"Inang naman wala po talaga, uuwi na po ba tayo o titinda pa? Ang tanong niya sa kanyang ina. "Pamaya maya magbenta na lang muna tayo at medyo mabenta pa, tulungan mo na lang muna ako sandali ha.., wala ka na ba gagawin ngayon?. "Wala naman po inang tapos na po lahat ang mga assignment ko, wag na kayo mag-alala kasi dumadaan muna po ako ng library bago umuwi kaya wala na ko problema".
Ganoon pa man, alam ni Ava na sa lahat ng mga tao sa mundo; isang tao lamang ang hindi niya pwede paglihiman, dahil bago pa man siya magsabi dito ay alam na niya kung may problema ba o may mga bagay na ipinaglilihim ang kanyang anak. At ito ang kanyang ina, alam niya na umpisa pa lang ng siya'y binati nito ay alam na nito na may nililihim siya.
Subalit kahit na nakakaramdam na sa kanila ang kanilang ina, kailanman ay hindi nito nakita na pinangungunahan sila o nakialam man laman sa bawat isa sa kanilang magkakapatid ang kanilang ina lalung lalo na sa kanilang mga personal na bagay, kahit na mga bata pa lang sila ay tunay na nirerespeto sila nito.
Dahil nga may tiwala ito sa kanilang magkakapatid, kaya kahit kailan ay hindi nila magawang maglihim sa kanilang ina. Kung kaya't napakahirap para kay Ava ang magsinungaling subalit kung sasabihin niya kung bakit siya lumagpas ay tiyak na tiyak niya na hindi niya makukumbinsi ng ganun ganun na lang ang kanyang inang.
At ngayon nga ay nasa bahay na, hanggang sa matutulog na sila ay wala pa rin siyang binabanggit sa ina, pinili nya na wag na lang magsalita tutal para sa kanya wala namang talagang kailangan sabihin dahil wala naman talagang problema maliban sa taong aking nakabangga kanina na tunay nagbigay sa akin ng tunay na kalituhan sa aking isipan".
Na dala dala ko hanggang ngayon sa aking pagtulog, mga tanong na;
"Magkikita pa kaya kami?
"Ruben San Sebastian ang pangalan nya, mabait kaya siya?
At pinagsasampal ang sarili para magising, pero
"Ahh ano ka ba bakit pilit lang pumapasok sa utak ko"
"Hay Ava wag ka nga mangarap ng gising, hindi kayo bagay baka umiyak ka lang".
"Ang pamilya mo, ang pangarap mo Ava ang isipin mo"!!! Pagkabigkas ng salitang ito ay parang bumalik na ang ulirat ni Ava, "Tama ang pamilya ko lang ang dapat laman ng isip ko, nakatulog na nga at maaga pa pasok ko bukas".
Nakaraang magdasal at nagpasalamat ay nakatulog na nga ang dalaga.