Episode 11

1660 Words
Episode 11 Ang tagpong ito ay parang bang tila nagpahinto sa oras ng dalawa, na para bang sila lamang ang tao sa paligid, at hindi alintana ang mga taong kanina pa sila pinagmamasdan, mga tao na tila naging tulad na rin nila na natulala ng mga sandaling iyon. "Miss sa iyo ba ito?.......... Muling tanong na pabulong ni Ruben kay Ava,. habang ang kanilang mga mukha ay halos magkalapit na,  habang ang kanyang mga kamay ay nanatili pa ring nakahawak sa beywang ng dalaga, ng mahigpit at ang mga mata na tila nakapako na sa mukha ng dalaga, na hindi na natanggal.  Mga tingin at hawak na sadyang ayaw ng bumitaw. At si Ava, sa unang pagkakataon, ang kaniyang mga kamay ay yumapos sa isang estranghero na ngayon ay parang ayaw ng rin bumitiw, na ang dating dalaga na hindi man lang tumitingin sa kahit sino pang mga lalaki ay tunay na nakipagtitigan na ayaw man lang ikurap ang mga mata, na para bang kapag kanyang kinurap ang mga mata ay mawawala ng parang bula ang lalaking ito. Sadyang ang kanilang titigan at tinginan sa bawat isa ay tunay na nakakapaso, ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan ay tunay na umaalab na hindi nila pareho maipaliwanag, isang bagay na hindi maipaliwanag na sila lamang ang tunay na nakakaalam ng kanilang nararamdaman.  Mga t***k ng puso na pabilis ng pabilis at mga kabog ng tumatambol ng palakas ng palakas sa kanilang  mga dibdib. "Prrrrt......, Isang malakas na pito mula sa kay Coach ang sa kanila'y nagpagising at pumutol sa diwa ng tagpong yun.   Sabay nagulat at binitawan ang isa't isa at si Ava, bumalik na sa dating katinuan, ang dalagang napakailap at suplada "akina na nga yan!" sabay sabi at agaw sa kamay ni Ruben at lumakad ng mabilis na parang walang nangyari. Na ikinagulat naman ng binata, "aba at di man lamang nag-pasalamat ang babaeng yun ah"  ang Sabi nito.  "Kayo ano ginagawa ninyong tatlo rito sa pool ha?  Tanong ni Coach sa kanila.  "Wala po Coach sinamahan lang namin si Ruben sa locker at yun nga napakabilis talaga ng mga pangyayari" sagot ni Enzo na nanloloko,  sabay Batok sa kanya ni Ruben at sabing "sira-ulo".  "Bumalik na kayo sa practice" ang utos ni Coach.  "Pero coach may nangangailan pa ng pito mo rito" ani ni Enzo na ang tinutukoy ay si Erik.  Kinuha ni Ruben ang bola at ibinato kay Erik at sabing "boy tapos na ang palabas mamaya naman".  "Gago gusto mo ikaw lang" ang ganti niya.  At bumalik na nga ang tatlo sa kanilang practice habang patuloy na pinag-uusapan si Ava.  "Boy si Maria Clara at yung babaeng basahan ay iisa lang pala at kaya naman pala" ang sabi ni Erik sa dalawa.  "Pero tutuo Maganda siya talaga noh.., iba sya ang lakas" ang sabi naman ni Enzo.  "Iba sya talaga lalo na kay kumag" ang Sabi ni Erik na ang tinutukoy ay si Ruben. "Tulala pa rin" ani ni Erik sabay batok Kay Ruben.  Ginantihan din naman siya ng binata at "pare iba talaga ang babaeng yun, sana hinalikan ko na lang para nakapagpasalamat man lang sya sa pag-abot at pag-yakap nya sa akin". "O ikaw ang dapat magbayad, ikaw ang ayaw bumitiw sa beywang nya at titig na titig eh"  pabirong sabi ni Enzo  "at ang higpit ha pambihira" ang dagdag pa  ni Erik sabay tawa.  "Oo nga pala kung siya yung babaeng basahan eh di sya rin ang gumawa ng mga putik sa kotse mo diba"  ang bigla naalala ni Eric, na sinigundahan naman ni Enzo "at galit na galit ka sa kanya na ang sabi mo na kapag nakita mo ay makikita nya at hahalikan mo diba".   "O ano napanis ka na Ruben" ang patuloy na pambubuska ng dalawa sa kanya na hindi na lang niya pinapansin. Parang bale wala sa kanya ang pang-aasar ng dalawa, tuloy lamang na nilalaro ang bola na nakangiti.  Na parang bang nanaginip ng gising at hindi man lamang napipikon sa dalawa, hindi tulad dati.  Masaya ang mukha ni Ruben nung mga oras na iyon na parang walang nakikita kung hindi yung nangyari kanina, ang mukha ni Ava na malapit sa mukha niya. "Gusto ko siya boy" ang kanyang nabanggit sa dalawa, "gustong gusto, at ngayon ko lang naramdaman ito" dagdag uli nya.  "Uy pag-ibig na yan boy iba ka na talaga ha, ngayon ka lang yata nag-iisip ng ganyan ha" tanong ni Erik.  "Baka sumakit ang puson mo hahahah" ang dagdag ni Enzo na tawa ng tawa. Ngunit kahit anong pang-aasar ang ibato nila rito ay hindi man lamang ito napikon o gumanti sa kanila bagkus ay ngiti lang at halatang ganado ito sa kanilang practice.  Simula pa noong mga bata pa sila at ngayon nga ay mga binata na, ngayon lang nila nakita ang kaibigan na naging ganoon kaseryoso lalo na sa pagdating sa babae. Naging seryoso siya noon sa kanyang kababata na naging puppy love niya pero hindi talaga tulad ngayon na sasadyang kakaiba.  Ni hindi pa man niya ito nakilala at hindi pa malinaw kung magiging sila nga nito ay talaga nga namang may kakaibang sigla at saya ang hinatid sa kanya nito. Ngayon nga ay parang baliw itong si Ruben habang nagprapractice ng basketball, hindi pa man itong tutuong laban ay akala mo talagang nasa competition na sa kanyang mga kilos at galaw na talagang pinagtatawanan ng dalawa. Sa kabilang banda naman, tampulan din ng tukso ito si Ava na pinangungunahan ng kanilang guro na si Coach Eddie, na habang nagtuturo ay hindi mapigilan na hindi nito tuksuhin si Ava.  "Class in case of emergency at bigla ay namulikat kayo sa gitna ng tubig ano ang gagawin ninyo? Seryoso niyang tanong ngunit hindi pala.  "Mag relax po at wag kabahan" sagot ng Isang estyudyante.  "Tama at kapag may dumating na saklolo ay huwag yakapin ng mahigpit di ba Ms. Ava? Ang sagot niya na nakatuon ang mga mata kay Ava.  At nagtawanan ang lahat kasama sina Andrea at Aira.  "Alam nyo ba bakit bawal ha class? Dagdag pa na tanong nito at lahat ay sabay sabay sumigaw ng "bakit coach".  "Dahil hindi puedeng dalhin ang pito sa ilalim". At lalong nagtawanan ang buong klase maliban kay Ava na kahit kayumanggi ang kulay ay pulang pula sa hiya. Ang Ilan naman niyang mga classmates ay naiingit sa nangyari; "ang gwapo niya diba? "Ang tigas ba ng muscle Niya? "Ang bango nya di ba? "Nakaka-inggit ka naman, crush kaya ng bayan yung tatlo na iyon lalo na yung si Ruben, yung naka-bangga mo., ang swerte mo kaya.. Sunod sunod nilang tanong na pinapakinggan laman nila Aira dahil hindi nila nakita ang buong nangyari dahil nakatalikod sila at ng lumingon sila ay napituhan na ang mga ito ni Coach kaya hindi sila makasali sa usapan, kaya nakikisakay na lamang sila sa tawanan ng mga ito. "Ano pangalan ng nakabangga ko? Ang tanong ni Ava sa Isa niyang classmate na halatang interesado rin siyang malaman.  "Ruben San Sebastian, yan ang pangalan niya, varsity player at sikat siya buong campus" ang sagot naman nito.  "Ruben pala pangalan niya, ibig sabihin siya yung nakita ko nuong nakaraang Wednesday na magaling mag-basketball.". "Ang gwapo nya nga talaga sobra nakakahiya.. bakit ba niyakap ko siya".   Bulong sa sarili na hindi rin maitago ang ang kilig na nararamdaman sa nangyari.  Na kahit nahihiya siya sa ginawa ay hindi nya maiintindihan kung bakit nangingiti pa siya na parang gustong gusto nya ang mga nangyari. Isang malakas na palapak ang mula kay Aira ang kanyang ikinagulat, "CLAP" sabay sabing "sino yun oh" at nagtawanan ang lahat sa kanyang reaksyon sa pagkakagulat nito na biglang parang may hinanap..  "Nakakainis naman ito eh nanggugulat" Sabi nito sa kaibigan.  "Aba aba inutusan lamang ako ha, mamaya nga magkuento ka sa amin at ng maiintindihan namin ang pinagkakaganyan mo' ang sabi lang ni Aira na inayunan ni Andrea, "mamaya kain tayo uli habang nag-aantay ha" At natapos na rin ang kanilang klase "ok class next week uli at be prepared ha" ang paalam ni Coach at sabay sabing "Ava iingat ka sa mga mokong na yun at matatalas yun pero may tiwala naman ako sayo". "At sayo lang wag matakot coach diba dahil wala ng katalas talas" sabay sigaw ng dalawa "Aira at Andrea".  "Hoy mga luka-luka kayo hindi kayo mapahiya dito" ganti naman ng pilyong coach sa dalawa. Pagkatapos ay dumiretso na ang tatlo sa kanilang ng locker room at magpalit na sila.  Andrea bayaran ko ito sa inyo ha, kung hindi man ngayon basta pag-iipunan ko ha, salamat talaga sa Inyo ng marami. "Wala yun binili namin talaga sa iyo iyan wag mo ng isipin at sayo talaga iyan at libre namin yan ha" ang sagot naman ni Andrea.  "Oo wala yan basta ikuwento mo sa amin yung  nangyari at yun ang utang mo sa amin"  ang sabi naman nitong si Aira. At yung nga ay sinimulan na ni Aira ang ikuwento sa dalawa ang buong pangyayari na pati silang dalawa ay hindi mapigilang hindi kiligin, dahil ayon nga sa kanilang naririnig at sa mga kuwento ng kanilang mga classmates ay talagang nakakalaglag panti nga ang tatlong ito.  "Kapag nilapitan ka at magpapakilala sabihin mo agad sa amin at ipakilala mo rin kami ha, wag na wag kang tatakbo" Sabi ni Aira na sadyang kinikilig na kahit hindi pa man nya nakikita ang mga ito.  "Promise mo ha ipapakilala mo kami" ani rin ni Andrea. At pamaya maya nga ay dumating na ang kanilang hinihintay na sundo at sabay sabay na nga silang nag-uwian, tulad dati kapag nakaalis na ang sasakyan ng dalawa ay saka lamang uuwi si ava.  Bago pa man siya nakakalayo ay nakita nanaman niya ang maroon na sasakyan ngunit sa pagkakataong ito ay paalis na ito at  hindi na niya nakita kung sino ang lulan nito kaya nagpatuloy na siya sa pag-uwi...  "Sayang di ko nakita ang may-ari ng kotse na yun".... Ang kanyang naibulong na lamang at tuloy tuloy ng lumakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD