Episode 10

1768 Words
Sadyang naging maayos na nga ang lahat para kay Ava, maliban sa pagkakaroon ng mga makukulit na kaibigan, wala na rin siyang nagiging problema pa sa kanyang pag-aaral, maliban lamang sa ibang mga bagay na kailangan sa school.  Mga bagay na minsan ay nire-required ng mga guro na kinakailangan niyang bumili, sabihin pang libre ang kanyang pag-aaral ngunit hindi sa lahat, kung kaya't minsan ay sadyang kailangan niya talagang gumastos, dahil kung sa mga libro lang naman ay walang problema dahil may library naman.  At sa mga ganitong bagay, ay talagang sadya siyang nahihirapan, dahil hirap talaga sila sa buhay, ay halos pigain na niya ang kaniyang mga magulang, makabili lang ng mga kailangan niya na talagang  namang pinipilit din naman ng mga ito na makabili ng lahat ng mga kailanganin hindi lang niya pati na rin ang sa  dalawang niyang kapatid. Tulad nga ng last week pa niyang pinoproblema, ang swimwear na kanyang isusuot, na kaniyang gagamitin sa kanyang swimming class na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya na naibibili ang kanyang inang.  Hindi naman niya maipilit dahil alam naman niya na hindi ganoon kadali para sa kanyang mga magulang ang kumita ng sobrang pera dahil nakikita naman niya ang hirap ng mga ito, kaya wala siyang magagawa kung wala talagang maibigay ang mga magulang niya.. Dahil nga sa bilis ng araw ay kinakabahan siya dahil kinabukasan nga ay P.E. na nila uli at nirequired na sila na magdala ng kanilang gagamitin.  Ngunit, hanggang ngayon ay wala pa talagang nabibili ang inang nya.  At ito na nga ang kanyang pinoproblema ng mga sandaling iyon habang nakasakay sa jeep.  "Mama para po" at pagbaba sa jeep ay natanaw na niya agad ang kinaroroonan ng kanyang inang.  Medyo nagmamadali siyang makarating agad sa kinaroroonan nito at, "inang nandito na po ako" agad niyang sabi at "Inang makabili pa po ba kaya ako ng gagamitin ko sa P.E. namin bukas?  Ang malumanay niyang tanong sa kanyang inang. "Anak hindi naman sa nakalimutan ko yung pinabibili mo, nawala lang sa loob ko na bukas mo na pala ito kailangan" sagot ni inang.  Ang dami kasi nating mga gastos ngayon at inuna ko kasing makabili ng kahit tig-isa na uniform ang mga kapatid mo" mahinahon niyang paliwanag.  "Pasensya na talaga anak, bawi na lang kami sa susunod ha." Ang dagdag pa niya. "Sige po inang, wag po kayo mag-alala, una pa lang naman at siguro di naman ako mapapagalitan ni coach" paliwanag ni Ava sa ina para hindi na ito mag-alala pa.  "Sana po inang sa susunod po makabili na ko"  ang kanyang pakiusap sa ina.  "Oo anak ikaw naman ang ibibili namin ng tatay mo, pasensya na ha wala ka magagamit bukas" malungkot na mukha ni inang habang nagpapaliwanag.  "Inuulit ko inang wag na po kayo mag-alala ha, naiintindihan ko po". Malungkot man si Ava ng mga oras na iyon ay hindi niya pinahahalata sa ina, normal pa rin ang pakikitungo niya na parang wala lang.  "Ayusin ko na ito inang para makauwi na tayo maaga pa po kasi ako bukas eh"  ang yaya niya sa ina.  Napakahirap naman kasi talaga ng sitwasyon nila sa buhay kaya kahit hirap pinipilit pa rin ng mga magulang niya na igapang sila at nakikita niya iyon kaya hindi siya nagdaramdam. Kinabukasan nga, tulad ng mga naunang araw ay talagang maaga na siya na naghahanda sa pagpasok at nasanay na sa ganoong "routine".   Pamaya maya na nga ay nagpaalam at pumasok na si Ava.  Habang papasok ay kinakabahan siya, nag-iisip sya kung ano ba ang kanyang sasabihin sa klase kung bakit wala muna siyang gamit na dala.  "Sana maiintindihan ni coach at pagbigyan niya ako,at sana next week may magamit na po ako"  bulong niya na sa sarili na umaasa. Ngayon nga ay nasa loob na siya ng campus, naglalakad patungo sa gym at muli nga, sa kanyang paglalakad ay napansin nanaman niya ang nakaparadang kulay maroon na sasakyan pero sa pagkakataong iyon ay parang wala na sa kanya dahil nga iba ang nasa isip niya nung mga oras na iyon. "Basta kukuha na lang ako ng magandang pagkakataon kay Coach, sana pagbigyan niya talaga ako kasi una palang naman" ang bulong niya sa sarili.  Maaga pa naman ng sandaling yun kaya di rin siya masyadong nagmamadali, kaya pagdating nya sa gym ay umupo na lang muna at nag-aantay sa pagdating ng mga kaibigan at ng guro.  May ibang mga classmates na rin naman siyang kasamang nag-aantay doon, kabatian din naman niya lahat kaya nga lang eh mas close lang siya talaga sa dalawa. At dumating na ngang nauna si Aira, "o ano may dala ka ba, patingin ng dala mo"  tanong ni Aira na excited sa dala ni Ava.  "Wala akong dala eh, hindi kami nakabili makikiusap sana nga ako kay Coach na kung pede sa next week na lang ako mag-ganyan" paliwanag nya na tinuturo ang dala ni Aira.  "Pede ba ako patingin ng isusuot mo" curious na makita ang dala ng kaibigan.  "Nope, abangan mo hahah" tanggi nito na pinasasabik ang kaibigan.  "Sige na nga aabangan ko na lang kayong dalawa, ako na lang magbantay ng mga gamit ninyo" ang naging sagot na lang ni Ava na nginitian naman ni Aira.  "Gaga may kanya kanya tayong mga locker dito kapag P.E." ang sagot na lang nito sa kanya. Pamaya-maya nga dumating na si coach at "ok class are you ready now, magpalit na kayo at mag-start na tayo".  Dali dali ang lahat at mga "excited" na nagtungo na sa kanilang mga locker room maliban sa kanya akmang tatayo na at lalapit na kay Coach para makiusap nga, ngunit, biglang may bumato sa kanyang harapan.   Isang plastic bag, na kanyang ikinagulat.  "Ano ito, saan galing ito" pagtatakang  tanong niya sa sarili.  Pag-taas ng kanyang ulo ay nakita nya sa harapan si Andrea na tuwang tuwa syang pinag-mamasdan.  "O ano halika na bihis na tayo, tumayo ka na diyan" ang yaya nito sa kanya na nakangiti.  "Wala kasi akong isusuot, sige na magpalit na kayo at magpapaalam muna ako kay Coach" ang naisagot lang ni Ava sa kanila.  At sabay lang ito pinagtatawanan ng dalawa at sabay sabing "Gaga! Ayan na nga ang mga isusuot mo dahil binili ka namin kahapon at naghati kami ni Aira diyan kaya wag ka ng mag-inarte diyan".  Natatawa sila sa arte ni Ava na parang bang hindi alam ang gagawin, na para bang iiyak pa na lalong nagpatawa sa dalawa.  "Talaga akin ito akala ko sa iyo at pahahawakan mo lang sa akin" ani ni Ava na di makapaniwala.  "Huy ang arte mo na sobra ha, halika na nga magbihis na tayo at tayo na lang ang nandito" At, "kayong tatlo, go, magbihis na mga iha at swimming area na tayo lahat"  salita ni coach ng makita kaming tatlo na nanatiling nandoon pa. At yun nga ay nagmadali na kaming tatlo na nagpunta ng locker upang makapag-palit na.  "Babayaran ko na lang kayo at maraming salamat talaga sa Inyo" ang hindi mapigil na pagpapasalamat ni Ava sa dalawa habang tuwang tuwa sa hawak na plastic bag. Excited siyang makita ang laman nito kung kaya't pagkadating palang sa locker room ay tinignan niya agad ang laman nito.  At sadyang napahanga siya, Isang kulay maroon na swim sport's wear ang ibinili sa kanya ng dalawa, at siguradong ang presyo nito ay hindi ko mababayaran dahil hindi nito kahalaga ang swimwear na aking tinanong sa may palengke.  "ang ganda nito, siguro ang mahal mahal nito sobra" ang tanging naibulong lamang sa sarili. Ngayon ay medyo ok na si Ava, wala na yung kaba niya noong bago siya pumasok, maliban na lang sa kapag naisuot na niya ito, nandoon pa rin kasi yung hiya at kaba kapag suot na niya ito.  Sabay nakapasok si Aira at Andrea sa dresser room, kasunod naman ako sa nakapila na susunod sa kanila.  Ilang sandali ay sabay bumukas ang mga pintuan at sabay silang lumabas, "ang ganda nila lalo at yung suot nilang swimwear, lumapat talaga sa maganda nilang mga katawan" ang tanging naibulong niya sa sarili.  "Huy ano ka ba ikaw na ang next, dalian mo.. natulala ka nanaman".  Pagmamadaling sabi ni Andrea na siya niyang sinundan. Ngayon nga ay siya na ang nasa loob ng dressing room, excited siya na kinakabahan dahil nga first time niya ito na mag-suot ng ganito.  Ngayon nga ay nakasuot na sa kanya ang swimwear, bagay na bagay sa kanya ang kulay nito, ang kulay maroon,  ng siyang paboritong kulay din ni Ruben kaya halos lahat ng gamit nito ay may kulay maroon kaya't hindi nakakapagtaka na pati kotse niya ay ganito rin ang kulay. Kung hangang hanga si Ava sa mga kaibigan, ang hindi naman niya alam ay siya ang mas hinahangaan ng mga ito.  Kaya tuwang tuwa ang kaniyang mga kaibigan sa ugali niyang ito, na parang hindi nya talaga alam na ang mga katangiang ito na hinahangaan niya sa iba ay nasa kanya lahat, maganda na matalino pa. At lumabas na nga si Ava, ngunit ito ay nakabalot pa rin ng tuwalya na siyang pinagtawanan ng mga kaibigan.  "Huy tanggalin mo yan baliw ka talaga" Sabi sa kanya ni Andrea ng tawa ng tawa.  Dahil doon hindi rin mapigilang ni Aira ang mga kalokohan kaya hinatak niya ang tuwalya sa kaibigan at sa paghila niya, kasabay ring nahatak ang kanyang swimming cap na kanilang ikinagulat.  Lalong lumabas ang tunay niyang ganda ng lumugay ang kanyang mahabang buhok at hindi na maitago sa mga kaibigan na humanga sa kanya ng sobra, na siya namang ikinahihiya at kina-iilang ni Ava.  "Wow ang ganda mo, bagay na bagay sayo lalo na kapag nakalaglag ang buhok mo" nakangiting bati at paghanga ni Andrea sa kanya.  "Hala nakakatomboy ka na ah, halika at ng mag-laway sayo si coach".  At sabay hatak sa dalawa ni Aira palabas ng dressing room, "Dalian natin at tayo na lang daw ang inaantay doon ni Coach" ani niya. Yun nga ay nagmamadali na silang magtungo kung saan naka-puwesto ang kanilang mga kaklase sa swimming pool.  Sa kanilang pagmamadali, ay di sinasadyang nabitawan ang swimming cap na noo'y hawak hawak lang ni Ava kaya, "ay sandali yung cap ko nahulog kukunin ko lang" sabi nito sa dalawa habang patuloy lang sa kanilang paglalakad. Sa pag-ikot ni Ava para pulutin ang nahulog na cap, hindi niya napansin na may Isang lalaki sa kanyang likuran na inaabot ang nahulog niyang cap.  Dahil nga sa bigla niyang pag-ikot ay nabangga niya at di sinasadyang mapayakap siya sa katawan ng lalaking ito,  na napahawak naman sa kaniyang beywang, at ng magtama ang kanilang mga mata... "Miss sa iyo ba ito?..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD