Napaka-saya at sadyang nakaka-aliw ang lahat ng mga naganap sa buong klase niya sa P.E. lalong Lalo na si Coach.
Kaya itong si Ava ay nakangiti na nanaman na parang baliw na naglalakad papuntang terminal.
Half day lang ang klase nila ngunit medyo late na nakauwi si Ava dahil nga napilit siya nila Andrea at Aira na sumama para kumain muna sandali tulad ng kanyang ipinangako sa kanila nung una siyang niyaya ng mga ito.
Na habang nag-aantay nga ang dalawa sa kanilang mga sundo ay masaya silang kumakain at nagkukwentuhang tatlo sa loob ng Isang coffee shop na malapit sa campus. Kasama na rin sa kanilang pinag-uusapan ay ang mga naganap sa kanilang P.E. class, lalong lalo na ang kanilang guro rito na si Coach Eddie.
"Andrea tutuo ba yung sinasabi ni sir na kailangang two piece ang suot natin next week? Inosente tanong ni Ava na sinagot naman ni Aira. "Gaga nanloloko lang si coach sineryoso mo naman". "Gusto mo ba lahat ng mga kaklase natin na lalake eh manigas lahat ha" sinundan pa niya ng habang tumatawa ng "baka mamaya si coach pa unang tumigas" "at pag nagkataon kakaumpisa palang ng klase ay mawalan na tayo ng instructor ng dahil sa iyo." At eto pa ang dugtong niya "magiging kasalanan mo pa ang lahat haha" nag tawanan nga sila ng nagtawanan.
Hindi naman bago Kay Andrea ang ganoong klase ng mga usapan, dahil nga kay Lilibeth na kababata at best friend niya, kaya nasanay na siya na tuwing nakakarinig siya ng ganoong klase ng mga salita, hindi na lamang niya pinapansin.
"Nakakatawa ka talaga, basta swimwear ang kailangan, hindi yung mga 2 piece, basta mga pang sport" ani Andrea "alam mo ba yung sinusuot sa swimming contest? Ganoon ang ibig sabihin ni coach at nanloloko lang siya sa 2 piece" "baliw ka talaga" dagdag pa ni Andrea.
Magkasunod na dumating ang sundo ng dalawa kaya natapos ang kanilang masasayang kwentuhan. Nagpaalam na sa isa't isa at tumayo na rin si Ava, at sabay sabay na silang lumabas sa coffee shop na iyon.
Pagkaalis ng mga sasakyan ng dalawa ay nagsimula ng maglakad nga si Ava, di pa man siya nakakalayo sa kanyang paglalakad ay napahinto nanaman siya,
Dahil muli, ay nagkita nanaman sila ng sasakyan ni Ruben, "sinusundan mo ba ako ha? hmmp," parang baliw na kausap nanaman ang sarili at akmang hahampasin ang sasakyan ngunit hindi niya naituloy dahil maraming mga estyudyante na nakatambay malapit doon kaya patay malisya na lang na habang bumubulong ng "pasalamat ka at maganda ang araw ko pero di ko talaga makakalimutan yung ginawa mo sa akin" sabay kembot sa sasakyan na kunwari ay hindi sinasadya.
Ang hindi niya alam, Isang grupo ng kabataan ang kanina pa siya pinapanood at pinagtatawanan dahil nga sa mga pinaggagawa niya. "Hahaha boy tignan mo dali.." tawa ng tawa si Enzo habang tinatawag sina Erik at Ruben para makita ang ginagawa ng Isang babae sa kotse.
Ang grupo nila Ruben ay nasa parehong coffee shop kung saan sila kumain ng kanyang mga kaibigan, nasa may bandang likuran lamang kaya hindi sila nagtagpo. Ang puwesto nila Ruben ay malapit sa may tabi ng salamin kung kaya kung ano man ang mayroon sa may labas ng coffee shop ay iyong makikita, lalong lalo ang mga bagay na pinag-gagawa ni Ava sa sasakyan ni Ruben ay kanilang nakita lahat.
Ngunit hindi ang mukha nito kung kaya't hindi pa rin ito nakikilala ni Ruben, na itong tinawag ni Enzo na babaeng basahan ay ang tinatawag naman nila ni Erik na Maria Clara.
"O ano boy sabi na nga ba yung babaeng basahan na yun ang may gawa ng putik sa kotse mo oh di ba" pagpapatunay ni Enzo. 'oo nga ano, putsang babae ito ah" ang sagot naman ni Ruben habang si Erik eh parang wala namang pakialam sa kung ano man ang nakita. Hindi siya interesado kung maganda man itong babaeng o hindi.
"Paglumingon yan boy at talagang maganda,, lalabasin ko yan at makikita nya hinahanap nya" ani Ruben. "Tulad ng ano boy ha! natatawa na hinahamon ni Erik. "Maganda yan boy, tutuo sinasabi ko, di kasi kayo lumingon.. mga siraulo kasi kayo eh" tugon ni Enzo.
"Guy tignan ninyo! Dali! Lumingon na, ang ganda nya!!! Ang pagmamadaling pagtawag ni Enzo sa dalawa para makita ang mukha ni Ava ngunit wala ang magpinsan sa kanilang mga upuan.
Nang dumating ang dalawa "o ano nasaan na" ang magkasabay nilang tanong. "Siraulo kayo! wala na,umalis na" sagot ni Enzo sa dalawa. "Saan ba kayo nagpunta, parang ako tanga dito. mga sira kayo" dugtong pa ni Enzo.
"Umuwi na nga tayo at marami pa akong tatapusin na ipapasa para bukas" ang yaya nitong si Erik sa dalawa. Yun nga at tumayo na ang tatlo.
Kahit na may kanya kanyang mga sasakyan ang tatlo, madalas ay talagang kay Ruben sila nakikisakay, si Ruben lang kasi ang masipag magdadala ng sasakyan dahil ayaw na ayaw nito ang magcommute. Dahil kung tutuusin ay napakalapit lang ng kanilang tinutuluyang condominium sa University. Pwede nilang lakarin kung kanilang gugustuhin.
Habang nakahinto at hinihintay ni Ruben ang pag-ilaw ng green sign, nasa kaparehong direksyon din ng kalsada na iyon si Ava. At sa mga oras na iyon, kung lilingon lang silang tatlo, ay kanila ng makikita ang matagal na nilang pinag-uusapan at pinagtatalunan.
Ngayon ay mismong si Ava na ang lalapit sa kanila, dahil sa kanyang pagtawid ay sa mismong harapan ng sasakyan mismo na minamaneho ni Ruben ito dadaan.
At tumawid na siya, katamtaman ang bilis ng lakad, ng diretso at hindi lumilinga linga ang tingin patungo sa kabilang side ng kalsada.
Malalakas na busina ng mga sasakyan ang sumunod na narinig ng mga sandaling yaon na kinagulat ng dalawa niyang kaibigan na noo'y abalang abala sa pag-tetext.
"HOY USAD NA!"
"MGA BULAG BA KAYO! Malakas na sigaw mula sa labas,
"Boy! Ano nangyari at nakatulala ka dyan ha! Sabay tapik ni Erik sa kanyang balikat na siyang nagpagising sa pagkatulala niya. "Boy nakita ko si Maria Clara! Hindi Nyo ba nakita.. celfone kasi kayo ng celfone eh" ang kuwento nito sa dalawa habang nagmamaneho.
"Asus kaya nanaman pala.. aba IBA na yan ah!" Tukso ni Enzo. "Bukas na bukas ipapatawas kita" at sabay nilang pinagtatawanan ang kaibigan.
"Sino ka sabihin mo sa akin! Umalis ka sa katawan ng kaibigan ko! Ngayon na! Dugtong na panunukso ni Erik. "Hahahaha" tuwang tuwa na pinag-tripan na nanaman ng dalawa si Ruben. "Mga sira ulo talaga kayo' ang tanging naisagot ni Ruben sa kanila.
Ngunit yung tutuo, tulad ni Ava, ngayon lamang nakakaramdam ng ganito ang binata, na masabik sa isang babae lalo't hindi naman niya kilala. Ang kabahan, matulala at ngumiti ng hindi niya alam ang dahilan.
"Bukas nga hindi na ko sasabay sayo, kinakabahan ako sayo boy" ang ayaw paawat na panunukso ni Enzo na ito namang si Erik ay patuloy na pinagtatawanan si Ruben at nanukso ng "si Ruben putik umiibig ng tapat.. binata na".
Hanggang makarating sila sa tinitirhan condo ay patuloy lang ang panunuksong ito Kay Ruben ng dalawa.
Habang sa kabilang dako, itong si Ava ay patuloy pa ring pinoproblema ang swimwear na isusuot next week sa swimming class nila. Kaya bago daanan ang kanyang inang ay nag-ikot ikot muna ito sa palengke para tumingin ng swimwear na pwede niyang magamit. Maraming naman siyang nakita ngunit hindi rin naman niya pwedeng bilihin agad dahil wala naman siyang pera at kailangan pa niya itong pag-ipunan.
Maliban doon ay hindi rin niya alam kung kaya ba niyang isuot ang mga iyon dahil sa tutuo lang kahit short ay hindi siya nagsusuot kaya Isa pa iyon sa mga dumagdag sa kanyang iniisip. "Ano gagawin ko? Tanong niya sa sarili ng pabulong. "Ah bahala na nga" at pinuntahan na niya ang kaniyang inang sa lugar kung saan ito nagtitinda.
"O ayan ka na pala, mabuti at maaga ka" ang bati ni inang. "Kanina pa nga po sana ako nakauwi inang kaya lang nag-invite po kasi yung mga kaibigan ko na kumain sandali" sagot ni Ava.
"Anak dahan-dahan lang sa pakikisama sa kanila ha, alam mo ang katayuan natin sa buhay" paalala ni inang "natatakot ako para sa'yo". "Wag ka mag-alala inang mababait naman sila at alam nila na mahirap lang tayo at tanggap po nila ako" ang katwiran naman ni Ava.
"Basta mag-ingat ka sa pagtitiwala mo, ayokong masaktan ka" muling paalala ni inang. "Opo wag po kayo mag-alala at mag-iingat po ako".
"Ay oo nga po pala inang, kasi po yung P.E. na kinuha ko ay swimming kaya lang po need daw na mag-suot ng mga swimwear, ok lang po ba ako mag-suot ng mga ganoon? Tanong niya sa ina.
"Gaga ka ba? Yan ang kukunin mo tapos ako ang tatanungin mo, e di magpanjama ka kung gusto mo! Irritableng sagot ni inang. "Si inang naman" ang sagot nya sabay kamot sa ulo.
"Bakit iyan ba ang kinuha mo tapos ngayon siya mong pinoproblema, hay naku Ava!". Sige na ayusin mo na ang mga gamit natin at ng makauwi na tayo, sa bahay na lang tayo mag-usap."
"Inang Isa na lang, may extra pera pa po ba tayo? "Kailangan ko po kasing makabili ng isusuot, kailangan na po kasi, required na raw po kasi next week. actual na raw po kasi ang lesson namin" ang pakiusap na salita ni Ava sa ina.
"Sige wag ka na mag-alala, pipilitin ko na makabili ka bago umabot next week, o sige na, tayo ng umuwi" sagot ni inang at umuwi na nga kami.