Kinabukasan, maaga pa lang ay nagprapractice na ang tatlong mag-kakaibigan ng basketball sa gym, at dahil pareho nga sila ng schedule nila Ava, ay asahang ang tatlong dalaga ay nandoon din.
At sa may di kalayuan nga ng gym ay nandoon sila Andrea at Aira na nakaupo sa may dulo ng bench, na masayang nagkukwentuhan habang naghihintay sa kanilang instructor at kay Ava.
Ng mga sandaling yun ay nasa loob na rin ng campus si Ava at kasalukuyang naglalakad na patungo sa gym. Dahil nga maaga pa naman ng mga oras na yun ay relax lang si Ava, naglalakad ng hindi na kailangan tumakbo at magmadali; hindi tulad ng mga nakaraang araw, ngayon ay higit na siyang kalmado.
Sa kanyang paglalakad papunta sa gym, muli ay nakita nanaman niya yung sasakyan ni Ruben, na para bang walang nangyari. Kanya inikut-ikutan ang sasakyan at sinipat, tinignan ang buong sasakyan na para bang may hinahanap.
"Dumihan kaya kita uli ha!!! Ang bulong sarili ng sabay hampas sa kotse, "wag na nga sayang ang oras ko sayo" muling sabi at sabay katulad ng takbo sa dahilang, para bang may tao siyang nararamdaman na parating.
At di nga siya nagkamali, si Ruben ay bumalik nga sa kanyang sasakyan para kunin ang bagong bola na kanilang binili ng mga kaibigan na kanilang makalimutan bitbitin bago dumiretso ng gym.
Tumunog ang awtomatik na sasakyan, senyales na bukas na ito pagkapindot niya sa susi pagkalapit dito. Pagbukas ng pinto ng kotse, "There you are" ang kanyang nasabi pagkakita sa bola. "Talaga nga namang pinabalik mo pa ko para kunin ka lang ha" bulong nya na parang kausap ang bola. Pagkabitbit nga sa bola, sinarado na ang sasakyan at dumiretsong bumalik na agad sa gym.
Sa pagkakataong iyon, mapapansin na itong si Ava at Ruben ay sadyang may pagkakahalintulad sa isa't isa, yung pareho lang pala silang baliw na kinakausap ang kanilang mga sarili.
Tumatakbong nilalaro ni Ruben ang bola pagpasok sa gym sa pamamagitan ng pagdribble nito, at bago pa man dumating sa kabilang court ay tinawag ang attention ni Erik na akmang ipapasa ang bola, "boy" ang pagtawag niya ng pansin ngunit sa halip ay binato ang bola sa basket mula sa malayo at gotcha 3 points.
Tunay na magaling talaga itong si Ruben sa basketball, na kahit ang kanyang mga kaibigan ay di maiwasan na hindi niya mapahanga, dahil talagang mapapahanga ang kahit sinuman ang makapanood sa kanyang paglalaro kaya hindi ka nakakapagtaka kung bakit napakaraming babae ang nagkakagusto dito.
At habang ginagawa ni Ruben ang lahat ng iyon ay may mga mata na walang kurap na pinapanood siya. Mga mata na ngayon lang humanga sa isang estrangherong tulad niya. Mga matang ayaw bumitiw na nagnanais makita ang lalaking ito araw araw, na nagbigay ng kakaibang pananabik na hindi nya maintindihan na ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay Niya.
Ngunit paano, hindi niya kilala ang lalaking ito. Ni hindi man lang niya nasilayan ang mukha nito dahil nakatalikod ito ng kanyang nakita kaya hindi nya alam kung ano ang itsura nito at ngayon nga ay di na mahagilap pa ng kanyang mga mata.
"Avaa!!! Hoy Ava nabaliw ka nanaman, kanina pa kami tatawag ng tawag sayo ah"!! Sigaw nila Andrea at Aira na kaninang kanina pa siya tinatawag ang sa wakas nakapukaw sa kanya. "Sandali lang, sorry di ko talaga kayo narinig eh, kanina pa nga akong tumitingin at naghahanap" ang kanyang tanging naisagot sa mga kaibigan habang nagpapaliwanag, na sa pangalawang pagkakataon ay pinagbulaanan nanaman ang tunay na dahilan.
"Nakatutuwa ka talaga Ava, para ka talagang baliw" ang sabi ni Andrea sa kanya. "Yan talaga ang natandaan ko sayo nung una kita makita sa corregidor.. hindi ko talaga makalimutan" masayang kwento ni Andrea na nakangiti at nakatingin kay Ava.
"Kung baliw ako eh ano tawag mo may Aira" ang dugtong naman ni Ava habang gumagawa na ang tinutukoy ay SI Aira, "Hahahaha" at sabay nga nagtawanan ang tatlo. "O ano may tatalo pa ba kay Aira hahaha wala diba". Ani pa ni Ava ng nakangiti..
"Sige na, ako na nga ang tunay na baliw hahaha... Eh pano itong katabi natin ano itatawag natin" si Aira naman ang bumawi sa dalawa. "Siguro pede na ang el presidente, eh kasi kulang na lang inguya ko siya sa sobrang arte at tamad nung kumakain kami eh Hahaha, dagdag nya ng tuwang tuwa sa kaniyang kwento. Na sinigundahan naman ni Ava, "ay oo tutuo sis sinabi mo pa. Pakiramdam ko nga nung una kaming magkita eh binati lang ako para ipabuhat ang gamit nya sa akin eh. "Hahaha" patuloy nila sa masaya nilang tawanan at kwentuhan. Na nahinto lamang ang masasaya nilang tawanan ng dumating na ang kanilang hinihintay na professor.
"Magandang Umaga mga bata, pasensya na ha at medyo napaghintay ko kayong lahat ng medyo matagal.. may inayos lang ang Inyo lolo... Matanda na kaya maraming nakakalimutan" ang mahaba na may pagkakwelangpaliwanag ng guro. "Ako nga pala si Eddie de Guzman, coach Eddie na lamang ang itawag ninyo sa akin" ang pagpapakilala ng Coach. "Yan kasi ang tawag ng mga estyudyante ko at nasanay na ako sa tawag na yan kaya iyan na lang ang itawag ninyo" pagpapatuloy pa ni coach Eddie.
"Dahil tapos na akong magpakilala sa Inyo, it's your turn na kayo naman ang kailangang magpakilala Isa Isa sa akin". Ang instruction ni coach sa bawat isa, na ngayon nga ay nag-uumpisa ng magpakilala Isa-isa.
Halos tapos na ang lahat sa magpakilala, and as usual, kaming tatlo nanaman ang nahuhuli sa pagpapakilala.
Pamaya maya nga ay tumayo na at pumunta na sa harapan itong si Andrea, at habang nagpapakilala ito ay may napansin nanaman itong si coach kaya nagtawanan nanaman ang lahat.
Dahil nga may pagkakalog ito si coach ay talagang mawawala ang kaba at niya mo, hindi ka rin mapipikon bagkus ay talaga nga namang matatawa ka na lang sa mga puna nya sa bawat estyudyanteng nagpapakilala.
Sadya talagang iba iba ang mga paraan ng bawat guro sa kanilang pagtuturo simula pa kay Gng Rivas, iba-iba talaga sila. "Magsitahimik kayong lahat" seryosong pagkakasabi ni coach habang nagpapakilala si Andrea na siyang pinagtaka ng marami kaya nahinto ang tawanan.
At may Isa kaming pilyong kaklase na nagtanong ng "sir bakit po". "Psst wag ka maingay nangangampanya siya" pagkabanggit ni coach ay talaga nga namang ngsipag-tawanan ng sobra ang lahat. Tutuo naman kasi kapag kumilos itong si Andrea daig pa ang presidente. Wala namang napipikon dahil talagang lahat ay binibiro nya, sabi nya kasi e gusto nya maging at ease kami sa bawat isa, lalo na't swimming ang lesson namin para daw walang mahihiya kapag actual na.
Pamaya maya ay si Aira na ang tumayo, pagkatayo palang nito at hindi pa nga nakakapag-umpisa ay may napansin na agad itong si Coach. "Iha swimming ang klase natin hindi modeling ha...."nakangiti ng sabi ni coach. "Opo coach, bakit po? Ang seryosong tanong naman ni Aira kay coach. "Kasi iha nakakatama yung kembot mo eh" ang sagot ni coach na lalong nagpatawa sa klase. Hindi naman napikon si Aira bagkus ay natawa rin siya dahil tutuo, dahil kung makakembot talaga sya ay para siyang nagmomodel.
Ngayon at ako na nga ang magpapakilalala, patayo pa lang ako ay,. "Ok, class dahil magkakakilala na tayo, siguro naman ay wala ng maiilang pa kapag nasa actual na tayo lahat ha... Sa mga sandaling iyon hindi ko talaga alam kung ano gagawin ko, babalik na lang ba ako sa upuan o mananatiling tatayo. Alam mo ba yung pakiramdam na parang kandilang nauupos na lang sa harapan ng mga kaklase ko na patuloy nagtatawanan dahil nadoon pa nga ako sa harapan na para namang walang nakikita si coach.
Nagsisigawan na ang mga classmates ko habang patuloy sa pagtawa, kasama na sina Andrea at Aira ng "coach may Isa pa, hindi pa tapos magpakilala". Sabay sabi nyang "joke" at turo sa namumulang si Ava.
"Hahahaha" ang tawa nya kay Ava. "Joke lang iha, natutuwa lang talaga ako sayo kasi kanina ka pa sa upuan na parang sinisilihan eh" paliwanag ni Coach. "Tandaan mo iha swimming ang subject mo ha bawal ang pajama" pagkasabi nun ay nagsimula nanamang nagtawanan ang mga classmates ko kasama sina Andrea at Aira.
Tumingin so coach sa buong Class at sinabing ang required ko na isusuout ninyo sa umpisa ng swimming class natin ay trunk sa mga boys at two piece naman sa mga girls sabay lingon kay Ava, pagkasabi nun ay nagsigawan at tuwang tuwa ang mga kalalakihan at ganon din ang mga babae. Sa isip isip ko.. nagkamali ba ako ng pinasok.
"Ok tahimik na class at magpapakilala na ating magandang binibini" at sa wakas natapos na rin ang pagpapakilala at tunay na napaka-saya ng araw na yun kahit sobrang kalokohan itong si coach ang saya pa rin namin.
"Next week class mag-start na tayo ng first lesson ha kaya don't forget your things not a pajama" paalala ni Coach sabay lingon kay Ava sabay tawa.
Buong akala ko tapos na ang mga kalokohan niya "hay naku may pahabol pa talaga" bulong na lang ni Ava sa sarili. "Don't worry sir we will bring extra for her" ang gatong naman nila Aira at Andrea.
'Ok see you all next week, bye class" paalam ni Coach at sabay sabay din kami nagpaalam sa kanya. "Bye coach.
Pagkatapos na pagkatapos ng kanyang swimming class ay bumalik uli itong si Coach sa kanyang basketball team, na sadyang nagbreak lamang sandali para bigyang daan ang kanyang swimming class, dahil si coach Eddie na kanilang swimming instructor ay siya ring coach sa basketball nila Ruben, Erik at Enzo.