Matapos ang araw na yung ay talaga nga namang napakagaan na lahat para kay Ava. Wala na yung takot na nararamdaman niya, ang kaniyang mga kaba, kasama na ang kanyang pag-kailang sa tuwing siya papasok sa eskuwelahan na iyon, ay parang bang naglalaho na rin. "Hay salamat po Lord" bulong nya sa sarili na tunay na pagpapasalamat.
Tunay na napaka-saya niya talaga pagkatapos ng buong araw ng kanilang kalse.
"Ava join ka sa amin, kain lang tayo sandali habang wala pa kasi si kuya, at yung sundo ni Andrea wala pa rin kasi" ang yaya ni Aira "sagot ko wag ka mag-alala.. hahaha" dugtong niya na may halong pagbibiro sa kanya na tinanggihan naman ni Ava. "Joke lang, halika na." pilit ni Aira na sinigundahan naman ni andrea, "halika lets join us" Hindi kayo na lang pupunta pa kasi talaga ako ng library eh marami kasi tayong assignment bukas.. sa ibang araw na lang talaga" ang sagot ni Ava sa dalawa.
"Sige bahala ka kami na lang".. Halika na" ang yaya ni Aira kay andrea. "Bye Ava, ang paalam ni Andrea , matamis na ngiti at tango ng ulo naman ang ginanti ni Ava sa kanilang dalawa na may halong ngiti.
Dumiretso na ang dalawa sa kanilang pupuntahan at si Ava naman ay nagtuloy na sa library.
At sa kanyang paglalakad patungo sa Library, isang sasakyan ang nakapukaw ng kanyang pansin. Isang kulay maroon na sasakyan na may plate number na RBN6770. "Aba parang natatandaan ko ito ah.. parang ito yung sasakyan na nakatalsik sa akin kaninang Umaga ah".
Palinga linga at habang nag-iisip, "oo ito nga yung sasakyan kanina"
"Siraulo ka.. sino ka mang may-ari nito ay walanghiya kang talaga" "umm!!" sabay linga at hampas sa sasakyan.. "muntik nanaman akong ma-late at hindi makapasok ng dahil sayo kanina ha"!! Isang hampas uli sa sasakyan. "Mabuti na lang at naging maganda araw ko kung hindi baka.. ahhh, baka ano magawa ko sa sasakyan mo".
Sa pagkakataon iyon ay biglang nakaramdam si Ava na parang bang gusto niya talagang bawian ang may-ari ng sasakyan na ito para magtanda at hindi na umulit pa.
Kaya palinga linga habang nag-iisip kung anu ang pede niyang gawin, yung hindi naman siya makakasira subalit tunay na makakabawi siya ng sobra para magtanda ang may-ari.
At pamaya maya pa ay "ah alam ko na para makabawi ako!!"
Dahil umulan nga nung araw na iyon at medyo basa pa talaga ang lupa ay dahan dahan siyang naghukay at kumuha ng mga putik gamit ang Isang kahoy na nakita niya sa tabi at saka sinaboy sa ibat-ibang parte ng sasakyan at saka tumalilis papuntang Library.
Ang library ay malapit lamang sa gym kung saan nagprapractice ng basketball ang tatlo kaya madalas ay doon sa parteng yun nakaparada ang kanilang mga sasakyan.
Si Ava ay para nanamang baliw subalit sa pagkakataong ito, ito ay dahil sa kanyang ginawa sa sasakyan ni ruben na di niya mapigilang tumawa ng tumawa.
Kahit nasa loob na siya ng library ay hindi pa rin niya makalimutan ang kanyang ginawa, patuloy pa rin siyang nangingiti tuwing pumapasok sa kanyang isipan.
Pagkaraan ng ilang saglit ay natapos na rin lahat ni Ava ang lahat ng kailangan niyang gawin ng mapansin ang orasan na nakasabit sa wall ng library. "Naku si inang anung oras na pala" bulong sa sarili na ang kasiyahan kanina ay napalitan ng kanyang pag-aalala sa ina. "Baka kanina pa yun antay ng antay sa akin. At dali daling niligpit ang kaniyang mga gamit at lakad takbong lumabas ng building.
Sa kanyang pag-labas ay wala na rin doon ang nakaparadang sasakyan na kanyang sinabuyan ng putik. At dahil nga nagmamadali ay tuloy tuloy na rin siyang lumabas ng gate at diretso ng naglakad papuntang terminal.
Ang di niya napansin dahil nga sa kanyang pagmamadali ay halos kasabay lang pala niyang lumabas ang sasakyan ni Ruben na siyang pinagtatawanan ng bawat mga estyudyante na nakakakita sa sasakyan nito.
At dahil nga sikat si Ruben sa campus, kilala din ng halos karamihan ng mga estyudyanteng ang sasakyan na kanyang ginagamit.. Isang grupo ng kabataan nga ang nagbiro, "pare kilala mo ba ang anak ni Pedro putik". "Hindi eh, sino ba" ang sagot naman ng kausap. "Ayun o" sabay turo sa putikang sasakyan ni Ruben. "Siya si Ruben putik" "hahahaha" at saka sabay sabay aagtawanan ang grupo ng mga kabataang ito.
Kahit maraming nagtatawanan sa paligid ay waring wala namang naririnig si Ava na ang nais lang nung oras na yun ay magmadali at makauwi na dahil sa pag-aalala sa kanyang ina.
At lingid sa kanya, na ang pinagtatawanan pala ng mga grupo ng kabataan sa paligid ay ang kanyang ginawa sa sasakyan ni Ruben.
"Boy narinig mo? Sikat na sikat ka ikaw pala yung nawawalang anak ni Pedrong putik".. "Hahahaha" tuwang tuwa talaga yung dalawa sa nangyari sa sasakyan ng kaibigan na halos sumakit na ang tiyan sa kakatawa. "Putsa boy sino kaya bumaboy ng sasakyan mo ha? Tangina dating kulay maroon ngayon ay kulay putik na hahahaha" lalong lumutong ang tawa ng dalawa na halos ikapikon na ni ruben.
Dahil sa di mapigilang nila Erik at Enzo na di magtawa sa sinapit ng sasakyan ni Ruben. Ay biglaan kambyo sa break ang binigay ni Ruben sa kanila na halos nagkauntugan sina Erik at Enzo "tangina nyong dalawa di ba kayo titigil sa kakatawa napipikon na ko talaga" dahil pikon na talaga si Ruben nung time na yun.
Galit na galit na talaga si Ruben ng mga oras na yun, "kapag nalaman ko lang kung sino gumawa nito, makikita nya kahit babae pa sya" ang pagbabanta ni Ruben.
"Putsa boy pikon ka naman, nakakatawa lang kasi, ngayon lang may gumawa sayo ng ganyang at siguradong babae nga yan"... paniguro ni Erik "kasi kung lalaki yan basag ang aabutin nyan". "Tangina Siraulo ka kasi eh kaya yan ang napapala mo" ang pag sang ayon naman ni Enzo kay Erik.
"Eh kung sakaling malaman mo naman kung sino ang gumawa boy,, ano ang gagawin mo"? Tanong ni Enzo sa kaibigan, na parang hinahamon si Ruben kung ano ang gagawin niya sakaling malaman nga nya.
Dahil sa tutuo lang, mga siraulo nga ang tatlong ito lalo na si Ruben subalit hindi naman sila pumapatol sa mga babae.
"Boy tumigil ka na nga baka ikaw ang patulan ko,, sagot ni Ruben kay Enzo.
Sa isang condominiunm pare-parehong tumutuloy ang tatlong binata, magkasama sila sa Isang malaking unit. Mga bata palang kasi sila ay madalas na sila sa condominium na yun kaya kilala sila pati ng mga security guard doon.
Pagpasok sa parking ay sumaludo na sa kanila agad si Mang Mando, head ng security. "Uy sir ano nangyari sa sasakyan nyo ?" tanong ni Mang Mando na agad namang pinabulaanan ni Ruben na siya ring ginawa ni Ava nang tinanong siya nila Andrea at Aira sa kung ano ang nangyari sa kanya. "Wala po aksidente lang" ang tanging tugon ni Ruben kay mang Mando.
"Mang Mando makisuyo naman po ng sasakyan baka may kakilala kayo na naghuhugas dito sa building, palinis naman po at bayaran ko sa itaas" sabay bato ng kanya susi kay mang Mando at saka sabay sabay ng sumakay ng elevator ang tatlo.
Habang nasa loob ng elevator ang tatlo ay patuloy parin nilang pinag-uusapan ang nangyari sa sasakyan. "Ano kaya ang ginawa ko sa babaeng yun at nagawa nya yun ano boy sa palagay ninyo"? tanong ni Ruben sa dalawa habang patuloy ang pag-iisip sa salarin. "Wag mo ng isipin yun baka Isang babaeng lang na hindi mo napag-bigyan sa kama kaya ayun, hindi nailabas kaya uminit ang ulo, hahahaha" sagot Erik . "Oo nga' sang-ayon naman ni Enzo at sabay tawa. "Mga sira-ulo" ang nasabi lang ni Ruben sa dalawang kaibigan na ayaw huminto sa pambubuska sa kanya.
"Pero sino nga kaya talaga yun boy ano?" pagtatakang tanong ni Enzo. "Mabuti na lang at wala pa akong binibitin na babae' pabirong dugtong niya. "Lahat pinasasaya ko talaga hahahaha" dugtong niyang kalokohan.
"Ah alam ko na!!
Di pa man naitutuloy ni Enzo ang sasabibihin ay napatingin na sa kanya si Erik na sumangsang-ayon na para bang napag-usapan na nila ang kanilang sasabihin, at sabay sabing,
Na parang bang nag-duet pa ang dalawa at, "Hindi kaya yung babaeng basahan kaninang umaga?"
"Ano sa palagay mo ha". Tanong ng dalawa na hindi naman pinatulan na ni Ruben.
Yun nga at bumukas na ang pintuan ng elevator.
Pagkapasok sa unit ay sabay sabay na nga silang nagsi-pasukan sa kani-kanilang mga kwarto.
Sa kanyang pag-iisa, di naman mawaglit sa isip ni Ruben ang nabanggit ng kanyang mga kaibigan, na baka nga ang babaeng pinag-tripan niya nung umaga na yun at yung gumawa nun sa kanyang sasakyan ay iisa.
Sa patuloy na pag-iisip ni Ruben, kanyang ngang napagtanto, na hindi naman talaga imposible na yung babae kaninang Umaga na tinutukoy ng mga kaibigan ay maaring siya talaga ang gumawa non sa kanyang sasakyan.
Kung hindi mawala sa isipan ni Ruben ang mga nangyari ng araw na yon pati na rin ang babaeng may dahilan ng mga putik sa sasakyan niya.
Ay gayundin ang nararamdaman ni Ava, hindi rin niya makalimutan ang ginawa niya sa sasakyan na iyon, na kung ano ba ang nangyari sa may-ari ng sasakyang ng makita niya kung ano ang nangyari dito.
Pareho silang dalawa ngayon na ayaw patulugin ng mga pang-yayari nang araw na yaon.
"Matulog ka na Ava at gabi na" ani ng kanyang inang ng mapansin siya na hindi pa natutulog.
"Opo inang matutulog na".
Pagkaraan ngang magdasal ay nakatulog na si Ava.