Episode 6

1641 Words
Huli na siyang natulog kagabi, subalit napaka - agang pa rin niyang nagising,  mga oras na iyon na ngayon lamang ito nangyari na naunahan pa niya ang kanyang inang,  at ang mga gawain nang umagang iyon ay kaniya ring natapos lahat. Ilang sandali pa ay nagising na rin ang kanyang ina "Ava bakit napakaaga mo namang nagising,  nakatulog ka ba'? gulat na tanong ni inang pagkakita niya sa akin.  "Medyo maaga lang po,  kailangan po kasi maaga ako makapasok, nahuli po kasi ako kahapon at di ako nakapasok sa unang klase ko"  sagot ni Ava.   At medyo nakakatakot pa po yung guro namin sa unang klase kaya kailangan maaga po talaga ako" dagdag pa niya. 'O sya sige ako na ang bahala diyan, maligo ka na at pagkatapos ikaw na ang maunang kumain ng makapasok ka na"  sagot ni inang habang nag-iinat ng katawan. At yun nga,  matapos maligo at makapag bihis,  pamaya maya ay nag paalam na si Ava para pumasok "inang sige po mauuna na po ako.. antayin nyo na lang po ako sa palengke at mag ingat po kayo.  Ganoon din kina itang at sa mga kapatid ko pasabi na lang po" dugtong niya. "Oo at mag iingat ka rin" siya namang bilin ni inang.   Mabuti na lang at  nasa  terminal na siya ng biglang  bumuhos ang malakas na ulan dahil kung hindi ay siguradong basang basa siya at baka ma-late nanaman siya.  Kaya napakalaki ng kanyang pagpapasalamat ng mga sandaling iyon.  "Sana huminto na po ang ulan pagbaba ko ng jeep" ang usal at dasal niya habang nakasakay" dahil wala rin siyang dalang payong.  Sadyang napakapalad nga niya dahil wala na ang ulan nung siya ay bumaba sa jeep maliban lamang sa mga basang lupa  at sa ibang parte ng kalsada na medyo may konting baha pa sa kanyang mga lalakaran papasok sa loob ng campus.  Na kapag hindi ka nakaiwas agad at may dumaan ay talaga nga namang matatamaan ka ng talsik ng kanilang mga sasakyan. At bago pumasok sa gate ay inayos muna ni Ava ang sarili at huli na nang mapansin niya na may isang sasakyan na nagmamadaling pumasok sa loob, sa pagkaarakada nito habang nakayuko si Ava ay siya namang pagtilansik na tubig sa kanya, na sapul na sapul ang kanyang mukha sa pag angat niya sa pagkakayuko na parang syang naghilamos at basang basa ang kanyang mukha. Hindi nya napansin kung sino ang nakasakay sa sasakyan pero  natandaan niya ang kulay at plate number nito "RBN 6770 ".  Wala  naman siyang magagawa kahit malaman pa niya kung kaninong sasakyan yun sa isip isip nya kaya pinunasan na lang niya ang kanyang mukha at ibang parte na kanyang katawan. Ang hindi alam ni Ava na siya ay pinagtatawanan ng mga taong nasa loob ng sasakyan na walang iba kundi ang tatlong magkakaibigan, na pinangungunahan ni Ruben na talagang sinadya ang pagkatalsik sa kanya.  Halos hindi mapatid sa tawanan lalo nung makita nilang parang basang sisiw ang babae habang nagpupunas ng sarili kaya tawa sila ng tawa  "Akala ko kasi basahan eh"  bigkas ni Ruben na patuloy lang sa pagtawa. "Sira ulo ka talaga boy" ang nasabi lang ni Erik na hindi rin mapigil ang pagtawa, "grabe ka talagang magtrip" dagdag pa niya.  Ang hindi lang alam ni Ruben ang babaeng pinagtripan nanaman nya ngayon ay walang iba kung hindi Maria Clara na ang babaeng gustong gusto niyang makilala at makitang muli.  Na kung nalaman lang niya na si Ava ito baka sakaling hindi niya ito ginawa. "Pare ang ganda pala ng mukha nung babaeng basahan, tignan ninyo puedeng puede dali" ang pagtawag ni Enzo sa kanila para lingunin ang nasabing babae na hindi naman pinansin ng dalawa, na hindi interesadong tignan man lang kung sino yung natalsikan nila.  At dahil si Enzo lang ang huling lumingon, siya lang din ang nakakita kay Ava na di rin napigilan ang sarili na humanga  sa magandang mukha ng dalaga.  "Pare pasensya na may bago akong biniling basahan eh hahahaha, ayaw ko ng lumang basahan" ani Ruben "hahahaha" at sabay sabay na nga silang nagtawanan. Ng mga oras na yun ay parang nakalimutan na talaga ni Ruben si Maria Clara dahil hindi na niya ito nababanggit pang muli.  Hindi katulad kahapon na talagang wala patid ang kuwento niya tungkol dito. "Mabuti naman at hindi masyadong nabasa ang aking damit'  bulong ni Ava sa sarili na nagpapasalamat.   Siya ay nagpapasalamat sa dahilang kahit ganoon ang nangyari, makakapasok pa rin siya sa klase niya kay Gng. Rivas ng hindi late at yun ang pinaka - importante sa kanya.  Hindi na mahalaga kung ano ang nangyari. "Miss ok ka lang ba, tatabi ka kasi nang hindi ka natatamaan diyan,  alam mo naman na halos lahat ng mga sasakyan na iyan ay nagmamadali para makapasok eh lalo na't umuulan!  Hay naku" Sigaw ng security guard sa kanya.  "Dalian mo at pumasok ka na ng maisara na ang gate" dagdag pa ng guard. Dahilan para dalian ang kanyang mga hakbang papasok sa loob, habang ang ibang estyudyante naman na nakakita sa pangyayari ay pawang mga nagtatawanan pa.   "Hay mga mayayaman talaga"  ang kanyang nasabi na lang sa sarili.  Alam naman nya na hindi naman lahat ng mga mayaman ay ganoon kaya lang sa kanyang pakiramdam sa dalawang araw pa lang niya sa University na ito ay parang ang dami na agad hirap..  "Bahala nga kayo di ko na lang kayo papansinin" bulong na pinalalakas ang kanyang loob. Pagkatapos noon ay dumiretso na siya sa kanyang room, mabuti na lamang, ngayon ay alam na niya kung saan siya pupunta at hindi na  maliligaw pa, hindi katulad kahapon na talagang sobra siyang nangangapa. Pagkarating niya sa kanilang room ay siya pa lang ang naunang estyudyanteng dumating doon, kaya habang nag-aantay ay nag-punas punas na lamang muna sya ng kanyang sarili dahil medyo basa pa nga siya at yung ibang parte ng damit nya na natalsikan. Pamaya maya nga ay Isa Isa ng nagdatingan ang kanyang mga kaklase na di maiwasan na hindi sya tignan dahil nga sa ayos niya, binale wala na lang niya ang mga tingin na ito at hindi na lang pinansin. At pamaya maya pa ay nag-umpisa na rin silang magpasukan sa kwarto para doon na lang hintayin si Gng. Rivas.  Ng mga oras na iyon  ay hindi pa rin dumarating sina Andrea at Aira Mae, "siguro nag quit na sila, sabagay ok lang naman kahit i-drop nila itong subject na ito wala naman mawawala sa kanila" bulong  ni Ava sa sarili. 9:00am sakto dumating na si Gng. Rivas at nagtayuan ang kanyang mga kaklase para batiin ang nasabing guro.  "Good morning Mrs. Rivas" sabay sabay nilang pagbati sa guro.  Sa likod pala ng guro ay kasunod ang dalawa, si Andrea at Aira, dala nila ang mga gamit ni Gng. Rivas at saka inilapad sa kaniyang table at saka dumiretso sa likuran para humanap ng mauupuan. Dahil nga kami lang siguro ang wala kahapon kaya yung mga natira na bakanteng upuan ay para na lang sa amin, kaya magkakatabi pa rin kami sa mga upuan. "Hoy Girl ano nangyari sayo, aga pa ah mukha ka ng basura" panunuksong sabi ni Aira Mae na sinundan ng tawa ni Andrea "hahah" "joke lang, ano nga nangyari sayo" bawi ni Andrea.  "Wala umuulan kasi kanina eh wala akong payong kaya nabasa ako" paglilihim nya sa tutuong nangyari. "The three of you at the back, dito sa harapan" ang malakas na pagtawag sa kanila ni Gng. Rivas.   "Introduce yourself one by one, start from you then and you are the last" si Andrea ang tinutukoy ni Gng. Rivas na mauna, sunod si Aira Mae at ang huli ay ako.  Ito ay dahil nga kaming tatlo lamang ang wala kahapon.  At sinimulan na nga ni Andrea ang pagpapakilala na talaga namang hinangaan siya ng karamihan ng aming mga kaklase, sinundan naman ito ni Aira Mae na may halong pagpapatawa na talaga namang tuwang tuwa sila sa kanya lalo na sa tuwing naririnig nila ang kanya pagtawa.  At ngayon ay ako naman ang magpapakilala, Sadyang pinaghalo halo na ang aking nararamdaman ng mga sandaling yaon, lalo na nung ako'y nakatayo na sa may harapan nila, hindi ko talaga alam kung paano ako magsisimula nung oras na yun.  Hindi naman talaga  bago sa aking ang mga ganitong sitwasyon na magpakikila sa harapan ng klase, dahil madalas ko itong maranasan tuwing simula ng klase noong ako ay nasa highschool pa, subalit ngayon hindi ko talaga  maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa harapan nila. Siguro dahil alam ko na naiiba talaga ang katayuan ko sa kanila.  "Ahh" pilit kong pinalalakas ang aking loob kaya di ko mapigilan na mapa-buntong hininga na lang. Tumayo at pinuntahan ako ni Gng. Rivas sa harapan at saka tinapik sa balikat at sinabing "be yourself wag kang matakot" pagkarinig ng mga salitang yaon ay medyo nabuhayan siya ng loob.  "Palakpakan natin siya class" at nagpalakpakan na silang lahat para icheer-up ako sa utos ni Gng. Rivas. At nagsimula na nga akong magpakilala, kung sino ako, na hindi ako katulad nila, na ang tanging meron ako ay ang aking pamilya, na isa akong scholar kaya makapasok ako sa eskuwelahan na ito at maraming pa.  Pagkatapos magpakilala ay lumapit ako sa aking guro at sa kanya ay nagpasalamat. Matapos ang pagpapakilala ay sinimulan na niya ang pagtuturo at sa mga sandaling iyon, lahat ng takot ko Kay Gng. Rivas kahapon ay napalitan ng Isang malaking pag-hanga sa guro. Muli ay natapos nanaman ang Isang araw,  ng maayos at walang problema,  at masaya ako na ang lahat ng takot at pangamba na nararamdaman ko sa pagpasok sa University ay unti unti ng naglalaho. Dahil sa pagtanggap na pinaramdam nila sa akin, ng aking mga kaklase, ni Andrea at Aira Mae bilang kanilang mga kaibigan, at higit sa lahat ay aming guro na si Gng. Elena Rivas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD