Alas nuwebe na ng gabi. Kasalukuyang nilalakad ni Elena ang daan patungo sa dormitoryo.
Mabuti nalang at may mga estudyante pa na naglalaro ng badminton at ang iba ay naghahapunan sa mga bench. May ilan din na nag dedate na nakaupo sa mga damuhan at kunyaring may itinuturo sa langit.
Gutom na gutom na siya kaya binilisan niya ang lakad.
"Oh, Elena." Rinig niyang tawag ni Celeste. Kasalukuyan niyang ipinapasok ang susi ngunit hinawakan nito ang kamay niya. Nilingon niya ito.
"Bakit?" Hindi niya na itinago ang pagkairita. Pagod na pagod na siya at marami siyang iniisip ngunit hindi man lang ito napansin ng dalaga. "Eto na nga. Kasi, nakita ko si Jane kanina. Marami siyang kasama. Umalis na siya ng dorm, day. Pero ang ipinagtataka ko-"
"Ah, Celeste, pwede bang mamaya na lang? Ano kasi, constipated ako eh." Tinapik niya ang balikat nito at dali-daling pumasok sa kwarto. May pahabol pa itong sinabi.
"Kung kailangan mo ng gamot, katok ka lang sa'kin ha." Wika nito bago niya isara ang pinto.
Umupo siya sa sofa at isinandal ang likod. Napapikit siya. Hanggat maaari ay ayaw niyang patulan ang chismis laban kay Jane lalo pa at may hinihingi siya rito.
"Hindi si Jane. Hindi rin si Mang Kulas. Si sir Mike kaya?" Ngunit batid niyang itinanggi rin nito ang paratang. "Kung wala sa kanilang tatlo ang pumatay kay El, eh sino?"
Sigurado na siyang hindi si Mang Kulas iyon at kung hawak ni Jane ang pulisya ay mabilis iyong mapapatunayan. Posible kayang magkakuntsaba ang tatlo at pinaglalaruan lamang ng mga ito ang kanyang utak?
Marami na ang nangyari. Posibleng magkasabwat nga ang tatlo, ngunit posible ring napagkamalan lang sila at wala sa kanila ang may sala. Hinilot niya ang sintido. Sumasakit na naman ito.
"El, tulungan mo naman akong ituro kung sino ang pumatay sa'yo kahit sa panaginip lang." Mahina niyang bulong at luminga-linga sa silid.
Nang mapadako sa cellphone na hawak ay tinext niya ang ginang. Kailangan niya itong makausap. Nang matapos sa pagtitipa ay kinuha niya naman ang kahong gawa sa kahoy. Dapat ay matagal na niyang napagtagpi-tagpi ang mga naganap ngunit hindi gumagana ang utak niya.
Binasa niya ang mga nakasulat. "Louisa has always been a little...off. But lately, something feels truly wrong. She started talking about this "other Louisa" she says lives inside her, someone who "comes out" when no one’s around. At first, I thought she was just joking, maybe exaggerating a feeling. But today at lunch, she stared at me without blinking for what felt like an eternity, then leaned close and whispered, “Other Louisa thinks you shouldn’t be around me.” I laughed nervously, trying to shake it off, but she didn’t break eye contact. Her voice changed—softer, sinister—and she added, “You’ll wish you’d listened.”"
"Putang*na, ano ba 'to!" Nilamukos niya ang papel at mariing kinuyom. Napapikit siya. "Diyos ko, tulungan po ninyo ako. Natatakot ako." Taimtim na panalangin niya. "Pakiusap, tulungan po ninyo ako."
Nang dumilat siya ay biglang nagpatay-sindi ang ilaw. Nanindig ang mga balahibo niya. Tumayo siya at agad na humakbang patungong pintuan nang magbalik sa normal ang ilaw. Napabuntong hininga nalang siya.
Pumunta siya sa lamesa at inilatag ang ibang mga papel na parang pinunit nang sa ganon ay malaman niya ang pagkakasunod niyon.
"Louisa's face has been covered in scratches lately. When I asked her about it, she looked away, muttering something about “the other Louisa” trying to “get out.” I’m scared to ask for details, but today she showed me her arms, bruised and lined with deep nail marks, like she’d been clawing at herself. She grinned, but her eyes were vacant. "It doesn’t hurt,” she said, her voice hollow. “It’s just her way of saying hello.” Then, she grabbed my hand, her grip icy cold, and stared me down. “She’s jealous of you,” she whispered. "You’ve been warned.""
Pawis na pawis siya habang binabasa ang mga sulat. Dahan-dahang tumulo ang luha niya. Handa na siyang malaman ang katotohanan tungkol sa kaibigan. "Pangatlo."
"Louisa has been acting strange lately, ever since she mentioned a “new friend” who visits her at night. She says only she can see her, that she “looks different.” I thought it was a joke—until tonight. I found her talking to the mirror, no phone, no headset, just whispering to herself... or to someone. When she turned, her eyes were hollow, unfocused. She looked right through me and whispered, “She’s here.”"
"Mapapalampas ko ang pagsisinungaling mo, pero putang*na El, ano bang ginawa mo?!" Malakas niyang hinampas ang lamesa gamit ang palad. Ni hindi niya naramdaman ang sakit ng ginawa. Mabuti na lamang at hindi ito nasira kundi lagot siya sa RS nila.
Umihip ang isang punit na papel at bumaliktad iyon. Pula. Pulang marka. Nanlaki ang mga mata niya. Mabilis niyang binaliktad ang lahat ng piraso at iniarrange iyon.
"Please, someone find this. Louisa is going to kill me. She said it would be “soon” and that no one would believe me. I can’t leave, and she’s watching me right now, smiling. If you see this, please… help me before she does it." Ito ang mababasa sa pinagtagpi-tagping piraso ng papel.
"Hindi. Hindi. Ang kaibigan ko. Ang kaibigan ko. El, hindi 'to totoo diba? Hindi diba?" Napaupo siya sa sahig at nag-iiyak. Nakayuko siya at ipinatong sa mga tuhod ang mukha habang pinaghahampas ang binti. "Bakit? Bakit mo 'to nagawa?"
"Kung ikaw nga ang dahilan sa nangyari sa anak ni Ma'am Beth, ngayon din ay hinihiling kong napunta ka sana sa impyerno."
__________________
"Good morning, everyone! Welcome to Day 1 of the St. Claire University School Fair here in Baguio City! We’re thrilled to have you all join us for an exciting day filled with activities, fun, and learning. Let’s make it a memorable event—enjoy yourselves, explore, and make the most of what we’ve prepared for you!"
Saglit na napahinto ang mga estudyante sa paglalakad nang marinig ang tinig mula PA System speaker. Magarbo ang mga naging presentasyon. May sikat na banda pa ang magpeperform sa pangatlong gabi kasabay ang fireworks display. Katatapos lang nilang mag parade at lantang gulay na si Elena ngunit kailangan niyang tapusin ang araw. Hindi siya nakatulog at maagang gumayak dahil kailangan pa nilang ayusin ang Kwadro Kanto.
"Nasa venue na ang lahat ng contestants at ilang judges, ngunit may hinihintay pa tayong isa." Bulong sa kanya ni Rafael. Nasa likod nito ang girlfriend kasama ang ilang members na pinapaupo na ang mga estudyante. Kadalasan ay freshman ang mga naririto. Base sa detalye ng registration form ay nasa 63 ang lumahok kaya sakto lang ang venue nila. Hindi nila inaasahan iyon ngunit dahil sa mga premyo at sa mga inimbitahan nilang hurado ay naingganyo ang mga ito.
Kadalasan ay kapag ganitong oras at wala siyang tulog ay humihikab na siya ngunit dahil sa nerbyos ay gising na gising ang diwa niya. Isinantabi muna niya ang ibang problema.
Tiningnan niya ang oras at nakitang pasado alas nuwebe na. Lumapit naman ang isang professor at sinabing kailangan na nilang mag-umpisa. Tumango siya rito. Kinuha niya ang mic at nagpakilala. Ipinakilala rin niya ang club at nagbigay ng kaunting inspirasyon sa mga estudyante.
"Today, we're thrilled to kick off our painting competition—a day to let your creativity flow and put your imaginations to work on the canvas. What you’re going to paint today will be all about capturing the theme we’ve chosen especially for you: ‘Reflections of Nature.’ This theme invites you to explore the beauty, power, and subtlety of the natural world as you interpret it through your own unique lens."
Iginala niya ang paningin at nakitang matamang nakikinig ang lahat. "Think about what nature means to you—whether it's a memory of a place that inspired you, the peace of a quiet morning, or the vibrant colors and energy of a sunset. Remember, this is your chance to express yourself, to dive deep into your own vision of the world around us, and to show others how you see the beauty in it. Take your time, put your heart into it, and let the colors speak your story. We can't wait to see the masterpiece each one of you will create!"
Agad na nagsimula ang lahat. Sa gilid ay nakaalalay lang ang mga miyembro ng club. Naisip niya si Jane. Ano na kaya ang ginagawa ng dalaga ngayon at nasaan na kaya ito? Hindi nito kinuha ang mga pagkaing nakaimbak at binanggit nito na sa kanya na raw ang mga iyon. Nag-iwan rin ito ng mga lumang gamit kagaya ng mga damit at notebook na hindi pa nito nagagamit. May note na iniwan doon ang dalaga na may kasama na namang pang-iinsulto ngunit naisip niyang baka ganoon lang talaga ang ugali ng dalaga.
Gayunpaman ay nanghihinayang siya rito. Sa galing nitong magpinta ay tiyak na maraming matututunan ang mga estudyante at maaaliw ito ngayon.
Sumatotal ay pitong judge ang kinuha nila kabilang ang isang babaeng artista na mahilig magpinta. Isa ito sa nakatulong na manghikayat ng mga kalahok. Nilapitan niya ang mga ito at kinumusta. Inasikaso ng mga miyembro ang mga pangangailangan nito. Palihim niya itong binilang ngunit anim lang talaga ang naroroon.
Lumabas siya ng Kwadro Kanto upang matawagan ang isang hurado nang mapapikit siya sa sakit. "Aray." Impit niya habang nakahawak sa noo.
"You really should watch where you’re going. If you had, you wouldn’t have bumped into me. But I guess that’s what happens when you’re too caught up in your own world."
Napamura siya sa isip. Kilala niya ang boses na iyon at isa lang ang taong alam niyang ganoon mag salita. Kahit nakapikit ay umikot pa rin ang mga mata niya.
Nang dumilat siya ay nakita niya ang lalaking huli niyang gustong makita sa araw na iyon.
"Yeah, it’s me—the one and only. You miss me? Of course, you do. It’s hard not to when I’m the best thing you ever had. But hey, I can’t say I blame you; I’ve always known how to leave an impression."
"Anong ginagawa mo rito?" Hindi na niya itinago ang pagkairita sa binata. Ngunit imbes na sagutin siya ay hinila nito ang ulo niya at mariin siyang hinalikan.
"That good-for-nothing son of a b***h doesn’t deserve to be one of your painting competition judges. Only I’m suitable for the role, baby. Only me." He said, his lips brushing against hers, oozing confidence.