"Maraming salamat po rito Sir Paul. Tatanawin ko pong malaking utang na loob itong regalo ninyo sa akin." "Don't mention it, Mang Kulas. Kaligayahan ko po ang tulungan kayo." Inakbayan ni Paul ang matanda habang papalabas ng entrada ng hospital. Dalawang linggo na ang lumipas at sa susunod na mga araw ay babyahe na siya pauwi upang ipagdiwang ang pasko at bagong taon kasama ang pamilya. Iniisip niya kung aattend ba siya sa christmas party nila dahil pakiramdam niya'y magiging masaya iyon. Napagpasyahan ng kanyang kasintahan na sasamahan nito ang mag-asawang matanda sa pasko. Napailing siya habang nakatingin sa likod ni Paul. Hindi pa rin siya makapaniwala na sila na ng binata. Gusto niya sanang magpakipot ngunit ayaw na niyang magsayang ng panahon. Naiwan sa bahay si Aling Caridad k

