Kabanata 8

1805 Words
"Gusto ko rin siya El. Gustong gusto." Hindi malaman ni Elena kung ano ang mararamdaman niya. Ngumisi nalang siya at inaya ang kaibigan na maglakad papuntang Graves. Mas gusto ng kaibigan na tumambay sa Graves Park dahil tahimik din doon. Ang kaibahan lang nito sa orchidia ay may mga benches ito at mayayabong ang mga puno. Nasa kabilang dako ito ngunit malapit ito sa College nila kaya naman madalas tumambay doon ang kaibigan. "El." Bulong niya sa pangalan nito. Tiningnan niya muli ang mga pangalan sa kwaderno. Napalingon si Elena nang maramdaman ang presensya ng kung ano sa may bintana ng lababo. Tanging ang lampshade niya lang ang nakabukas ngunit dahil full moon ay nakikita pa rin niya kung may tao ba sa bintana. Laking gulat niya nang may makita siyang anino na nakatayo roon. Ngunit nasa ikalawang palapag siya. Papanong mayroong anino ng tao doon? Maya-maya pa ay namatay ang ilaw. Agad na kinapa ni Elena ang lampshade at kinalikot iyon ngunit hindi ito bumubukas. "Power outage?" Bulong niya sa sarili. "Wala namang binigay na abiso ang paaralan ah?" Kinapa niya ang cellphone niyang nasa ibabaw ng kama ngunit sa kanyang pagkapa sa kadiliman ay may nahawakan siyang matigas. Malamig ito at nang suriin niya ang hugis nito ay napag alaman niyang isa pala itong kamay ng tao. "AHHHHH!" Mabilis na gumapang si Elena sa kabilang sulok ng kwarto. Tumama pa ang balikat niya sa paa ng kama dahil sa pagmamadali ngunit hindi na niya ininda ang sakit. Tiningnan niya ang bandang pinto sa kaliwa niya. Medyo malayo yon. Sa kanan niya ay ang banyo. Humugot siya ng malalim na hininga. Bumilang siya ng tatlo at unti-unting tumayo. Tatakbo na sana siya papasok ng banyo nang biglang umilaw ang lampshade . Tumingin siya sa ilalim ng pinto at nakita na may ilaw na rin sa hallway. Napahugot siya ng maraming hangin. Agad niyang tinungo ang switch na nasa gilid ng pinto at pinindot iyon. Nang dumako ang mga mata niya sa may kama ay walang kung ano doon maliban sa cellphone niya. Tiningnan niya rin ang anino sa bintana at nawala na rin ito doon. Nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Elena kaya napaupo ulit siya sa sahig. Nang makabawi ng lakas ay dinampot niya ang cellphone at nagpasyang humiga na upang matulog. Tiningnan niya ang screen nito at nakitang alas dos impunto na pala. Mabuti nalang at wala siyang pasok bukas ng umaga dahil paniguradong magmumukha siyang zombie. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Bukas lahat ng ilaw at nang mapatingin siya sa maliit na altar ay napaupo siya. Sa altar ay may krus na gawa sa kahoy na may nakaukit na rebulto ni Hesus na nakapako sa krus. Mabigat na mabigat ang loob niya. Sa loob ng silid ay iniyak niya lahat ng hinanakit sa mundo. Sa mga pinagdaanan niya sa bayan nila noon na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga magulang niya. Sa mga sikretong matagal na niyang inililihim. At sa mga masasakit na pinagdaanan sa SCBC. Lahat ng iyon ay inilabas niya sa pamamagitan ng paghikbi. Noong buhay pa ang kaibigan ay ito lamang ang nasasabihan niya ng mga problema. At ngayong iniwan na siya nito ay pakiramdam niyay may parte sa buhay niya ang namatay rin. Nang gumaan ang pakiramdam niyay napagdesisyonan niyang humiga na at matulog. Ngunit kahit anong gawin ni Elena ay hindi talaga siya madalaw dalaw ng antok. Sa susunod na linggo ay magiging busy na siya ng husto dahil malapit na ang school fair. Habang iniisip ang mga kailangang asikasuhin ay biglang tumunog ang cellphone niya. Kumunot ang noo niya dahil madaling araw na at wala siyang inaasahang text kung kaya't nagtataka siya. From: Paul Ba't gising ka pa? Nagtaka si Elena sa natanggap na mensahe galing sa binata. Nang wala sa sarili ay napatingin uli siya sa kaliwang bahagi ng kwarto kung saan nakapwesto ang sink. Sarado ang bintanang gawa sa jalousie. Ngunit ang huling dalawang tempered glass nito sa ibaba ay sira at ang kurtina ay mahinang hinahangin. Maya-maya pa ay nakatanggap ulit siya ng mensahi galing sa parehong numero. Nakalimutan niyang mag reply sa text nito. From: Paul uy! Agad naman siyang nagtipa ng sagot para dito. To: Paul May iniisip lang. From: Paul Sino naman iyon? Napangiti siya. To: Paul Hindi sino. Kundi ano. Matagal bago sumagot ang binata. Hindi na namalayan ni Elena na nakatulog na pala siya. Tanghali na siya nagising. Bumangon siya at inayos ang kanyang higaan. Nakita niya ang kanyang cellpohne sa ilalim ng unan kaya kinuha niya ito. Nagulat siya dahil may tatlong mensahe siya galing sa iisang tao. Si Paul? Anong oras ba ito natulog? Binasa niya ang tatlong mensahe galing sa binata. From: Paul Ano naman iyon? Elena? Mukhang tulog ka na nga. Next time, please close your window properly. "A-a-ano?" Agad niyang nilapitan ang bintana sa may lababo at sinuri iyon. Papano nito nalaman ang tungkol sa bintana niya? Ipapaayos na niya talaga ito sa lalong madaling panahon. Mula sa bintana ay tiningnan niya isa-isa ang mga building sa harap. Sa kaliwa ay puro puno ng pine trees ang makikita. Sa kanan naman ay ang College of Nursing at sa likod nito ang hospital ng school. Napatingin si Elena sa ibaba at nakita ang classmate na nagkakape sa isa sa mga bench sa likod. Mukhang late rin itong natulog. Sa isip niya. Nang wala naman siyang napansin na kakaiba ay tinali nalang niya ang kulay dark blue na kurtina upang lumiwanag ang silid. Hindi na niya nireplyan ang binata at nagpasyang mag-agahan na. Nang matapos mag-ayos ng sarili ay pumanhik na siya papuntang library. ___________________ Habang nag-aayos ng mga libro ay narinig niyang tinawag siya ni ma'am Facundo. Nasa 50 years old na ito at matandang dalaga. Strikto ito sa trabaho ngunit kapag nasa labas sila ng silid-aklatan ay mabait ito at mapagbiro. Maganda rin ito at fashionista. "Miss Honobre." Ulit nito. Agad naman niya itong nilingon sa lamesa nito. Alas singko na nang hapon at wala ng estudyante sa library kaya ay mabilis na niyang inayos ang mga libro sa mga shelves. "Bakit po ma'am?" "Kapag tapos ka na diyan, samahan mo akong mag meryenda. Kubo Pie tayo." Wika nito na hindi man lang tumitingin sa kanya. Nasa salamin ang buong atensyon nito at naglalagay ng eyeliner. Uso na talaga ito ngayon. Kahit ang bunso niyang kapatid na si Elleanor ay nahihilig rin dito. Katunayan ay mas pinili nito ang pasalubong na eyeliner kahit may dala din siyang mga pagkain. "Sige po ma'am." Kubo Pie daw? Masarap doon. Dalawang beses na siyang nakakain doon dahil inililibre siya ni ma'am Facundo. Mga Filipino dishes ang kadalasang sineserve. Mahilig siya sa mga kakanin kaya naman ay nagustuhan niya ang mga pagkain sa restaurant. Ilang sandali lang ay umalis na sila. Dahil walking distance lang ang kainan ay nilakad nalang nila ito. Panay ang kwentuhan at tawanan nila hanggang sa makarating na sila sa Kubo Pie. Para itong kombinasyon ng bahay kubo at modern design. Kung titingnan sa labas ay aakalain mong modern din ang interior nito ngunit ang loob ay parang malaking lumang bahay sa probinsya. Ang mga upuan ay gawa sa rattan na may foam. Pati ang mga plato ay gawa sa rattan na pinapatungan ng dahon ng saging. Meron ding mga vintage paintings na nakasabit sa dingding at iba't-iba pang disenyo. Inorder niya ang paboritong puto at sinamahan niya ito ng classic halo-halo. As usual ay ang librarian ang nagbayad sa mga inorder nila. Habang kumakain ay panay ang kwentuhan nila tungkol sa mga pangyayari sa bansa. Sa mga matataas na bilihin, politiko at kung ano-ano pa. Iniisip ni Elena na hindi na siya maghahapunan dahil busog naman na siya. Maya-maya pa ay may lumapit sa kanilang isang babaeng mukhang nasa mid 50's. Nagulat ang librarian nang tumingala ito sa ginang. "Elizabeth! Kumusta kana?" Umupo ang babae sa tabi niya at ipinakilala ni ma'am Facundo ang ginang sa kanya. Habang nagkukwentuhan ang dalawa ay hindi siya mapakali sa upuan. Tinititigan niya ang babae at pilit na inaalala kung saan niya ito nakita. Sobrang pamilyar ng mukha nito ngunit hindi pa naman niya ito nakilala noon kundi ngayon pa lang. Inabot sila ng isa't kalahating oras sa restaurant. Madilim na kaya nang maghiwalay sila ng librarian ay sumakay na ito. Siya naman ay naglakad na lamang dahil marami pa namang tao sa paligid. Naglalakad siya ngunit ang utak niya ay parang naiwan sa Kubo Pie. Naiwan kung saan niya unang beses na nakilala ang ginang. Nang makarating ng St. Claire ay nakita niyang marami pa ring estudyante. Yung iba ay nagpapractice ng performance nila sa P.E. base na rin sa unipormeng suot ng mga estudyante. Freshmen katulad niya. Naalala niya noong siya ang piniling president ng club. Siguro dahil sa edad niya. Mag dadalawampu't isa na kasi siya sa Nobyembre. May leadership skill din siya at active sa mga kaganapan sa school. Ngunit hindi pa rin sapat ang tiwala sa sariling kakayahan. Habang naglalakad pauwi ng dorm ay nararamdaman niyang may sumusunod sa kanya. Napapraning na yata siya. Huminto siya saglit upang malaman at makalkula ang lapit o layo ng tao. At para na rin masigurong may naririnig nga siyang mga mabibigat na hakbang. Medyo madilim pa naman at mapuno ang bahaging iyon. Iginala niya ang paningin baka sakaling makahanap siya ng taong malapit sa kinatatayuan niya. May nakita siyang babae at lalaki sa malayo. May ginagawa ang mga ito. Isang gawaing pang mag-asawa. Nasa bench ang mga ito. Naka-upo ang babae sa lamesa habang hinahalikan ng lalaking nakatayo. Napailing na lamang siya. Pano ba naman kasi, sa ilalim mismo ng poste ng ilaw nila ginagawa ang bagay na iyon. Nagsimula na siyang humakbang at nang maramdamang palapit na ng palapit ang mga hakbang ng sumusunod sa kanya ay kumaripas na siya ng takbo. Nang makita ang gate ng dormitoryo ay halos lumipad siya papunta rito. Walang lingon niyang tinakbo ang pintuan. May mga nababanga pa siya habang umaakyat ng hagdan at yung iba ay minura pa siya pero wala na siyang pakialam. Nang makarating sa silid ay pabalya niya itong sinara at inilock. Hinintay niyang kumalma ang kanyang kalooban. Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpasya siyang lumabas ng kwarto at silipin mula sa bintana ng hallway ang kung sino mang sumusunod sa kanya. Buong akala niya ay wala na ito ngunit nang sumilip siya mula sa bintana ay nanindig ang kanyang mga balahibo. May malaking bulto ng tao sa harap ng gate. Nakahood ito at nakafacemask kaya hindi niya makita ang mukha nito. Ngunit isa lang ang nasisiguro niya. Nakatingin din ito sa kanya. Pumasok na siya sa kanyang silid at naupo sa sahig. Pawis na pawis siya at mabilis ang pintig ng puso. Para siyang aatakihin sa puso. "Sino ka ba? Anong kailangan mo sa'kin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD