"Paul, kaninong sasakyan 'yan?" "Sh*t! kay Mike ito. Naunahan niya tayo." Inikot nila ang paligid ng kubo ngunit wala si Mike kaya nagpasya silang pasukin na ang bahay. Ginalugad nila ang lahat ng sulok ngunit wala ring tao roon. "Ano na ang gagawin natin ngayon? Baka kung ano na ang ginawa ni Sir Mike kay Mang Kulas!" "I should call the police, love. Let's explore the surroundings. Nandito pa ang sasakyan nila kaya nandito lang si Mike sa paligid." Dali-dali silang lumabas at nilibot ang paligid ng bahay. May makapal na kakahuyan sa likod ng bahay at nag-aalangan siyang pumasok doon. Hinawakan niya ang kamay ng nobyo ngunit binawalan siya nitong sumama. Wala siyang nagawa kundi magpaiwan at tawagan si Mateo, pati na rin ang pamilya ng matanda. Naghintay siya ng dalawampung minuto n

