Pinagmasdan niya ang nobyo na masayang nakikipagkwentuhan sa tatay niya. Ngayon pa lang nagkausap ng maayos ang dalawa pero feeling close na agad ang binata. "Tay, tigilan niyo na po 'yan. Matulog na po kayo." Inagaw niya ang bote ng alak na hawak ng ama. Sumasayaw pa ito at pinapalakpakan ng nobyo. "Etong anak ko, señorito. Matalino 'to. Magaling din magpinta at higit sa lahat ay maganda. Ang isang kamalian lang talaga nito ay nagpauto ito noon sa t-" Bago pa matapos ang sasabihin ng ama ay pinutol na niya ito. "Tara na ho sa kwarto ninyo. Kailangan niyo na pong magpahinga." Tumatawa ito habang inaalalayan niya. Nang mapalingon siya sa kusina ay nakita niya ang ina na nagliligpit ng pagkain. Ang mga kapatid niya naman ay nasa kapitbahay pa at nagpapaputok. Katulad lang din ng mga nak

