"Kuya Paul!" Masayang bati ng mga bata. Nakita niyang papalapit si Elijah sa kanila na halatang masaya na makita siya. "Kuya Paul! Bakit ngayon ka lang bumalik?" Malapad ang ngiti nito. Nang makita nito ang ate sa kanyang likod ay nawala ang ngiti nito. "Bakit mo pa isinama iyan, kuya?" "Gusto mong masaktan?" Tugon ng dalaga na umamba pang manununtok. Lumingon ito sa kanya at naningkit ang mga mata. "Sabi ko na huwag ka ng sumama diba?" "Love, it's not my fault. Bawas-bawasan mo kasi ang pagiging amazona sa mga kapatid mo." Hinabol niya ito at hindi niya mapigilang tumawa ng malakas. Paakyat pa lamang siya ay rinig na rinig na niya ang pangangaral ng nobya. Pumasok siya sa loob ng bahay at una niyang nakita si Elijah na tinatakpan ang dalawang tenga. "Kuya oh. Si ate parang sirang p

