Natawa si Elena nang makauwi ng dorm.
It was complete chaos, as if a typhoon had swept through Room 202. The bed was overturned, chairs scattered like broken toys, and the curtains lay crumpled on the floor. She couldn't help but smile, a strange satisfaction blooming inside her. Someone had been desperate—too desperate. It seemed the woman had grown more creative, rifling through her belongings in a frenzied search for something. But what was she after? The mess wasn't random; it was purposeful. And it left behind more questions than answers.
Habang inaayos ang mga gamit sa silid ay hindi niya mapigilang maisip ang imahe ng dalaga na may hinahanap sa kanyang mga gamit. Ang nakakunot nitong noo, ang mga butil ng pawis na unti-unting namumuo sa noo nito at ang mamabakas na galit sa mukha ng dalaga. Malamang ay nagwala rin ito at nagsisisigaw. Ganoon ang ugali ni Jane.
Halatang-halata ang ginawa nito dahil hindi man lang nagalaw ang mga gamit ng dalaga. "Jane, ano ba ang hinahanap mo?" Bulong niya sa hangin habang nakangiti. Dinukot niya ang flash drive sa bulsa. Kung hindi sila matutulungan ng mga pulis ay sa Governor na sila lalapit. Marami na silang nakalap na ebidensya ni Paul. Sa halos isang buwan na pag-aaral ay hindi lamang ang kaso ni El ang natuklasan ng dalawa.
Tumigil siya sa pag-aayos at nagpahinga saglit sa kama. Inihiga niya ang lantang katawan. Bukas nalang niya ito tatapusin. Alas diyes na ngunit hindi pa rin nakauwi ang dalaga o baka wala na talaga itong planong umuwi. Nasa silid pa ang mga gamit nito. Ibig sabihin ay may plano pa itong bumalik. Mabuti nga iyon dahil gigil na siyang paaminin ito sa kasalanang ginawa sa best friend niya.
Habang malalim na nag-iisip ay narinig niyang may kumakatok sa pintuan. Bumangon siya at dahan-dahang naglakad habang iniisip kung sino ang nasa likod ng pintuan. "Hi, Elena." Si Celeste ang bumungad sa kanya. Nilakihan niya ang bukas ng pinto at pinapasok ito. "Dinalhan lang kita ng ulam. Baka kasi hindi ka pa kumakain." Masayang wika nito. Napangiti siya. Ang bait talaga ni Celeste. Ni hindi ito nagdalawang-isip na patulugin siya kagabi. Mabuti nalang at wala na ang dalaga nang bumalik siya sa silid.
"Salamat, Celeste." Tanging tugon niya dito. Maya-maya pa ay may ibinulong ang dalaga sa kanya. "Usap-usapan na si Jane ay may nobyo raw na guro. Alam mo ba ang tungkol doon?" Umiling siya. Kahit mabait ito ay numero uno ring chismosa. Hindi ito tumigil sa kakatanong. Inilipat nalang niya ang ulam sa bowl na kare-kare pala.
Habang hinuhugasan ang pinggan ay nagsalita ulit si Celeste."Ang sabi ay buntis daw si Jane, Elena." Napakislot siya. Buntis? Hindi imposible iyon dahil may nobyo ito ngunit bakit nagulat pa rin siya? "San mo narinig ang balitang iyan, Celeste?" Tanong niya sa dalaga. Nakaharap siya sa sink at nakatalikod sa dalaga.
"Habang nanalamin kasi ako sa banyo kanina, bigla nalang siyang pumasok at nagsuka sa isang cubicle." Napailing siya. Ito ba ang nagkalat ng balita? Totoo ngang sintomas ito ng pagdadalang-tao ngunit hindi lang ito ang basihan. Posibleng may nakain ang dalaga na ikinasama ng tiyan nito. "Yun lang ba?"
"Hindi. Nung isang araw ay nahilo rin daw siya habang pumipila sa canteen." Hindi malaman ni Elena kung bakit hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi nito. "Siguro yung guro ang nakabuntis sa kanya. Pero sino kaya iyon?" Agad niyang binanlawan ang pinggan at ibinigay iyon sa dalaga. "Salamat sa kare-kare, Celeste ha." Gusto niya itong ipagtulakan palabas ngunit ayaw niyang maoffend ang dalaga.
Mukhang marami pa sana itong sasabihin ngunit ngumiti nalang ito at lumabas ng pinto. Matutulog na rin daw ang dalaga dahil maaga pa ang klase nito bukas. Nang sumarado ang pinto ay napaupo siya sa sahig. Naalala niyang ilang beses niyang nasabunutan at nasakal ang dalaga. Kung sakaling buntis nga ito, nakasama kaya ito sa bata? Kahit sukdulan ang galit niya dito ay ayaw niya namang may madamay na inosente.
Tumayo siya at nilock ang pinto. Lumapit siya sa mga gamit ni Jane at naghanap ng ebidenysa. Lahat ay chineck niya kahit ang kaliit-liitang bulsa na makapa ngunit wala siyang mahanap. Binuksan niya ang mga cabinet nito at chineck ang mga libro. Lahat ng pahina ay sinuri niya. Nagulat siya nang mahulog ang isang libro. Ibabalik na sana niya ito nang mapansin ang maliit na papel na parang litratong nakausli sa pahina nito. Photo Album pala iyon. Pumunta siya sa study table at sinuri ang mga larawan. Sobrang lakas ng pintig ng puso niya. May pakiramdam siyang makakahanap ng kasagutan sa mga larawan.
"Dated August 14, 2022" Panay lang mga selfie ni Jane ang nandoon. Habang binubuklat ang mga pahina ay may napansin siya. May bahid ng pulang likido ang mga larawan. May transparent cover ito ngunit ang mga larawan lang ang tanging may bahid ng pulang marka dahil malinis ang cover nito.
Makapal ang album kaya binaliktad niya ito at sinuri ang mga larawan sa likod nang may isang larawan ang nakapukaw ng atensyon niya. Sa lahat ng mga litrato ay ito lamang ang kakaiba. Sa larawan ay may tatlong babae. Dalawa sa mga ito ay kilalang kilala niya. Ang nasa gilid ay si Jane. Katabi nito si Louisa na nasa gitna at ang isa ay hindi niya matukoy. Hindi dahil 'di niya kilala ang tao ngunit dahil napunit ang larawan sa mismong ulo ng dalaga na parang may sumadyang pumunit nito. Nasa isang mapunong lugar ang tatlo base sa background nila. Nakangiti at nakaakbay sa isa't-isa. Sino ba ang babaeng ito?
Sinuri niya ang petsa ng larawan sa ibabang gilid. "Date: October 6, 2022." Napakunot ang noo ni Elena. "Bakit hindi nakukwento ni El ang tungkol sa kanya?" Tanging si Jane lang ang kaibigang nakukwento ni Louisa. Binaliktad niya ang larawan at binasa ang nakasulat.
'Jane Maricris Elizalde, Louisa Leigh Madrigal, Elena Ysabel Carlton'
At Bucari Pine Forest, Iloilo
Nanindig ang balahibo sa buong katawan ng dalaga. Napatayo siya at kinuha ang kahong gawa sa kahoy sa loob ng kanyang bag. Hinalungkat niya ang locket sa loob nito at tiningnan ang larawan. Isang ginang at bata na nasa siyam na taong gulang. Si Ma'am Beth ang babae sa larawang ito. Ibig bang sabihin na ang batang nakayakap sa ginang ay si Elena? Kung ibabase ang itsura niya noong siyam na taon pa lamang siya ay kamukha nga niya ang anak ni Ma'am Beth. Ito ba ang dahilan kaya tinutulungan siya ng ginang at ng asawa nito noong nasa guidance office sila?
Ito rin ba ang dahilan kung bakit galit si Jane sa kanya? Ngunit ano ba ang nakaraan nilang magkakaibigan?
Bakit punit ang larawan?
__________________
"You need to come with me," Paul said, his voice cold and stern, leaving no room for argument. It wasn’t a request, but a command—one that made it clear the woman had no choice but to agree.
"Paul, makinig ka sa'kin. Mukhang si Jane ang pumatay kay Louisa at hindi si Sir Mike." Napataas ang kilay ng binata. Pagkatapos ng ginawa ng tiyuhin niya ay wala na siyang ibang nakikita na suspect kundi si Mike lang. Nagtatago pa ito na mas lalong nagpapalala ng hinala niya rito. Hindi man niya narinig ang buong kwento ni Kulas ay sapat na ang mga ibidensyang nakalap niya tungkol sa tiyuhin.
"Bel, kung totoo man ang sinasabi mo, kailangan pa ring pagbayaran ng hayop na 'yon ang pagsira sa reputasyon ng kapatid ko kaya kailangan mo akong samahan dahil hindi ko kabisado ang lugar na iyon."
Naiintindihan naman niya kung bakit umaayaw ang dalaga. Ayaw nitong bumyahe ng malayo dahil may klase ito at may event pa na aasikasuhin sa susunod na linggo ngunit hindi na siya makakapaghintay. "Monday is holiday. Please, Bel."
Umiling ito. "Alam kong gusto mo siyang patayin ngunit hindi ako makakapayag, Paul. Ayoko na ulitin mo na naman ang ginawa mo sa sa kanya noon. Mamaya ay baka ikaw na ang mapahamak."
He was ruthless, heartless—that might as well have been his middle name. His grip on life was unshakable, his sense of power unwavering. No one could take that from him, not even his ex, Ada. Alam niyang mali ito ngunit ayaw niyang mawalan ng saysay ang pagkamatay ng kapatid. Just the thought of how she looked when the police found her was enough to make his fist tremble with anger. Hayop lang ang makakagawa noon.
"Hindi ko siya papatayin, kung iyon ang pinoproblema mo. Pero ipapakulong ko siya." He had already spoken with Governor Zacarias, the only person he could trust at that moment, along with the girl standing in front of him.
Nakita niyang nag-isip ang dalaga. Iniisip marahil nito na nagsisinungaling siya. Na baka kapag nakita ang tiyuhin ay bigla nalang kumambyo ang isip niya. Magkaiba man ang konklusyon nila sa nangyari sa kapatid niya ay iisa lang naman ang gusto nilang mangyari.
"Gusto kong makita ng sarili kong mga mata si Mike, Elena. Hindi na ako makakapaghintay na dalhin siya dito. At isa pa, may kailangan akong klaruhin sa kanya." Kumunot ang noo ng dalaga.
"Ano naman iyon?"
"Pakiramdam ko'y may kinakatakutan siya tungkol sa kapatid ko. Kailangan kong malaman kung ano 'yon."